ALICE RHIMA CARREON.
"Daddy! Please, allow me to attend our field trip--"
"Hindi ba pumayag naman ako?"
"Yes! You did! Pero I'm going with Yaya! It's so baduy! What am I? A preschooler?"
I woke up with the noise coming from the outside courtesy of my twin, again.
Idinilat ko ang mga mata ko at hindi na ako nagtaka kung bakit ko naririnig ang matinis na sigaw ng kakambal ko samantalang soundproof ang aking kuwarto. Malamang ay pumasok na naman sa loob ang mga nakababata kong mga kapatid at iniwang bukas ang pinto.
Tinatamad akong bumangon at inayos ang aking higaan. Sinigurado kong nasa tamang pwesto ang mga unan at pantay na pantay ang nagulo kong kobre-kama. Binaling ko ang tingin ko sa cabinet at kumunot ang noo ko nang mapansing hindi pantay ang mga dinosaurs miniature na kinokolekta ko. Nagtungo ako roon at inayos iyon. I decided to eat my breakfast first before taking a bath. After all, it's still early.
Napailing ako nang maabutan pa rin na nakikipagtalo si Claudi sa Daddy namin. As if she'll win.
"Daddy please!"
"No."
"But Dad--"
"Just quit it, Claudi. If Dad says no then it's a no." saad ko at kinuha ang diyaryo na nasa tabi ni Dad.
"Why are you so pakialamero ba? Just mind your business, freak."
I opened it not minding those deadly stares coming from my conyo sister. I just scanned it, there's no interesting news that caught my attention so I just put it back.
"Claudi! How many times do I have to tell you to stop calling your brother like that?" saad ni Mommy na kalalabas lang sa kusina.
"But he's a freak naman talaga. Look kung anong ginagawa niya."
Natigilan ako sa pagpapantay sa kutsara at tinidor na nasa harap ko at isa-isang tiningnan sila Mommy na nakatingin din sa akin.
"See? He's a fr--"
"Claudi! Kapag hindi ka pa tumigil, I'll ban you from entering your music room." nagbabantang saad ni Mommy.
Napangisi ako nang manahimik na ang conyo kong kakambal.
"Fine. But Dad payagan mo na kong--"
"No."
"Nakakainis! I hate you, Daddy."
Nagdadabog na tumayo ang kakambal ko at umalis.
"Mom, ako na ang bahala." pagpipigil ko kay Mommy na susundan na sana si Claudi.
Tumango si Mommy at ngumiti sa akin.
"Good morning Kuya," inaantok na saad ni Clarence nang makasalubong ko ito.
"Morning." tugon ko at ginulo ang magulo niya ng buhok.
Pumanhik ako at dire-diretsong pumasok sa kuwarto ng kapatid ko. Mabilis akong umiwas nang makita ang paglipad ng unan mula sa bratinella kong kakambal.
"Leave me alone!"
Hindi ko pinansin ang sigaw niya at nagpatuloy ako sa paglapit.
"You'll be late."
"I don't care! Ayoko nang pumasok sa school." Umupo ako sa tabi niya.
Claudi is already on her senior year and I understand why she's acting this way.
"In less than a year, you're going to enter my university right? So, in less than a year you'll be free."
Kung hindi lang sana nangyari ang insidenteng 'yon almost twelve years ago at kinailangan niyang huminto sa pag-aaral, hindi sana magiging ganito kahigpit sa kanya si Daddy dahil sabay kami sa pag-aaral.
Malungkot na ngumiti ang kakambal ko. "As if that will happen. It's impossible na pumayag si Daddy."
Ginulo ko ang buhok niya. "How sure are you?"
"100 percent."
"Wrong. According to the study--"
"Stop it Klode! You're going to talk like a book na naman eh."
Natawa ako at ginulo ang buhok ng maarte kong kapatid. "All I want to say is, don't assume a negative answer from Dad."
Tumayo na ako. I guess, no breakfast for today.
"Klode!" napatigil ako sa paglabas nang marinig ang sigaw ng kakambal ko. Lumingon ako at napangiti nang makitang kinuha na ni Claudi ang bag niya at isinukbit sa balikat niya.
"What?"
"I'm sorry for calling you a freak. I won't say it na ulit."
Inakbayan ko si Claudi. "You've promise that a thousand times before."
"Sorry..."
Tumawa lang ako at hinalikan ang gilid ng noo niya.
Napangiwi ako nang hampasin ako ni Claudi sa braso.
"Nakakainis ka, you made me feel so guilty."
Mahina akong tumawa at iniwan ang kapatid ko.
"Hey! Are you not going to eat?"
Umiling ako habang patuloy pa rin sa paglalakad. "I'll be late."
"I'll prepare a sandwich for you!"
Lumingon ako. "Thanks."
Pagkapasok ko ng kuwarto ko ay nanlaki ang mata ko sa kalat na inabutan ko. My pillows scattered around the floor. There's my favorite book on the floor with its torn pages.
"You two!"
"We're dead, Keegan."
"Lucky is dead, Kieran."
"Let's run?"
"Arf! Arf!"
Malalim akong napabuntong-hininga nang tumakbo ang kambal na sinundan ni Lucky, ang isa sa partner in crime ng dalawa sa kalokohan.
There's only one hour left before my class.
But I can't leave my room like this.
I'd rather be late on my class, then.
☼☼☼
"Mag-iingat ka ro'n ah. Don't forget to drink your vitamins. Always call us, okay?"
Ngumiti ako at niyakap si Mommy. "Mom, I'll be back after two weeks,"
"I'll miss you, baby,"
Hindi ako nagsalita at hinalikan na lang sa pisngi si Mommy.
"I'll miss you too, Mom. Please, don't let the twins enter my room."
Tumango si Mommy. "Don't worry, ako ang bahala sa dalawang 'yon,"
"Wife, late na si Klode. Ako naman ang i-baby mo,"
"Ikaw talaga! Ang landi mo!" Natawa ako nang hampasin ni Mommy sa braso si Daddy.
Nagkaroon na ng sariling mundo ang magulang ko kaya napailing na lang ako at binuksan ang pinto ng kotse ko.
"Son, mag-ingat ka roon. I hope sa pag-uwi mo may ipapakilala ka ng girlfriend mo,"
Napailing ako sa sinabi ni Daddy. "Bye, Dad."
Binalingan ko si Mommy. "Bye, Mom."
"Iyong mga bilin ko 'wag mong kakalimutan ah."
Tumango ako at tuluyan nang pumasok sa loob ng kotse ko. I opened my car stereo and classical music starts to play.
After one hour, nakarating na rin ako sa Clinton University. As expected wala ng mga estudyanteng nagkalat sa school grounds. I'm thirty minutes late for my first class after all.
"Mister Monteciara, aren't you too early for my class?" bungad sa akin ng isa sa mga matandang professor ng CU na kilala bilang si Professor Makisig.
"Good morning. Sorry for being late,"
Lumapit sa akin ang professor at pinigilan kong alisin ang kamay niya na pumatong sa balikat ko.
"It's okay for now...but next time-"
Pasimple akong lumayo sa Professor ko. "There will be no next time, Prof. Pwede na ba akong maupo?"
Natigilan siya at dahan-dahang tumango. Hindi ko pinansin ang tingin na ibinibigay sa akin ng mga kaklase ko.
"For the first time, na-late. Bagong buhay ba tol?" Hindi ko pinansin si Jace at naupo ako. Jace has been my classmate ever since high school. He's my annoying friend.
"Get your accounting book and solve the problem on page 53."
"Prof naman first na first day eh!"
"Argh! Hindi ko pa nga masyado naintindihan ang ine-explain niya may quiz na kaagad?"
Napailing ako at kinuha ang libro sa bag ko. Pagkabuklat ko ng libro ay napangisi ako. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-set ng timer for ten minutes.
Ten minutes. That's just all I need to solve this problem.
"What the-Jhaesie! You?"
Kunot-noo kong nilingon si Jace. Naiistorbo ko dahil sa kanya.
"What--"
"My little naughty sister put this book in my bag instead of my accounting book,"
Napahinto ako sa pagsasalita nang makita ang hawak-hawak niyang libro.
Alice in Wonderland.
Alice.
"Puwede bang 'wag ka na lang umalis? Dito ka na lang!"
"I hate you Klode Leighton! Katulad ka rin ni Daddy!"
Nabalik ako sa reyalidad nang malakas na katok mula sa nakasaradong pinto ang pumukaw sa atensyon ng lahat.
"Come in," striktong saad ng Professor. Pagkabukas ng pinto ay kumunot ang noo ko nang makita ang pagpasok ng isang babae.
She's wearing a tattered pants paired with a hanging blouse. Masyadong makapal ang make-up niya sa mukha at nangingibabaw ang kulay pula niyang buhok na nakalugay hanggang bewang.
If there's one word that best describes this woman in front of them.
That would be 'Trouble'.
Napailing ako, kailan pa ba ako nagkaroon ng pake sa mga tao sa paligid ko?
Sa naisip ay binalik ko ang atensyon ko sa librong nasa harap ko. I mentally cursed myself when I realized that I have only seven minutes left.
"Who are you?"
"Sorry Sir, for being late..."
I don't like her physical appearance but her voice...it sounds like a honeyed voice, sound very nice. Sweet but-
Stop.
What's wrong with you Klode?
Huminga ako nang malalim at nailing na itinutok ang atensyon sa tanong na nasa lamesa ko.
"What's your name Miss Transferee?"
"I'm...Alice Rhima Carreon, Sir."
Naibagsak ko ang ballpen na nasa harap ko nang marinig ko ang pangalan na binanggit ng babaeng nakakuha ng atensyon ko kanina.
She's Alice Rhima Carreon?
Tumingala ako at nagtagpo ang paningin naming dalawa.
No. Hindi siya Alice.
Her gaze. Her eyes.
It's different.
"Good morning everyone, I'm Alice Rhima Carreon. Please call me, Rhima."
Ngumiti siya.
Isang ngiting alam kong hindi totoo.
TBC