Falling 4

1060 Words
Tutor Calm down. Huwag mong ipahalata na nagulat ka. Just play pretend. You're a good actress Rhima, you can do it! Ngumisi ako at binalingan siya. "Well, you're quite famous Mister. I heard it from other students..." pagkibit-balikat ko. Pinigilan kong bumuga ng hangin nang dumating ang professor namin. Nagkunwari akong naiintindihan ang kung ano mang pinapaliwanag ng Prof namin pero wala roon ang atensyon ko kung hindi sa lalaki na nasa tabi ko. Gahd. Kailangan niya ba talagang maging obvious na tinitingnan niya ako? Ano bang gusto niya?! "Miss Carreon, what are accruals?" Shit! Anong malay ko ron?! "Are you listening with my lessons? Seems like your mind is drifting away, are you here with us?" "I'm so--" "Accruals refers to adjustments that must be made before a company's financial statements are issued..." Pumikit ako at inulit ang narinig kong bulong sa tabi ko. Thank God for my sharp memory 'coz I repeat that without missing any word. Tumango-tango ang walanghiya naming prof at pinaupo na rin ako. Pucha, focus Rhima! Focus! "Aren't you even going to thank me?"  Napahinto ako sa pagliligpit ng gamit ko at tinaasan ng kilay ang katabi ko. "For what?" "For saving you a while ago?" Ngumisi ako. "Did I even ask for your help?" "Woah...burn." Hindi ko pinansin ang kaibigan niya at nagpatuloy ako sa pagliligpit ng gamit ko dahil hahanapin ko pa kung saan ang susunod kong class. "Miss Carreon?" "Yes Prof?" takang tanong ko nang tinawag ako ng Prof ko na kanina pa nagtatawag ng estudyante kahit nagpadismiss na siya. "Come here with Mister Monteciara..." Nang makalapit kami ay inabot niya sa amin ang test papers na siyang sinagutan namin kanina. Pinigilan kong paikutin ang mga mata ko nang makita na out of forty dalawa lang ang tama ko. So I guess wala talaga ako sa mood kanina. In the end hindi pa rin ako nakapagfocus. What a useless brain that I have. "In my class Miss Carreon, I always wanted everyone to pass my subject that's why kahit pasukan pa lang binibigyan ko ng tutor ang sa tingin ko na nangangailangan nito." "And you think I need it? Just because I failed today's test?" Tumikhim siya at binalingan ang katabi ko. "Is it okay for you Mister Monteciara to tutor Miss Carreon? I'll give you plus points if you said yes." "I honestly don't think that I need that plus points..." Tama 'yan. Tumanggi ka. "But I gladly want to help my fellow classmate so why not?" Napanganga ako at napahigpit ang kapit ko sa papel na hawak ko. "That's good to hear..." "I don't need--" "Ooops, may klase pa pala ako. Mauna na ako sa inyo." Napanganga ako nang iniwan kami ng walanghiya naming Professor. Hindi ba uso ang kalayaan sa paaralan na 'to? "So where do you want me to tutor you?" Sumimangot ako. "Forget it. I can manage to pass this subject so you don't need to help me." Hindi ko siya hinintay na sumagot at iniwan ko siya roon. "Are you scared of me?" Napahinto ako sa paglalakad sa sinabi niya. "Why would I be scared of you?" Umiling siya. "Why don't you tell me why?" "I'm not scared of you. I'm just being uncomfortable being with you." "Why is that?" Tiningnan ko ang relo at ilang minuto na lang ay magsisimula na ang next class ko. "Just shut your mouth will you? Ang dami mong tanong!" "3 pm tomorrow. Sa may library." Hindi na ako nakapagsalita nang umalis siya na parang hindi narinig na ayoko siyang makasama! Damn him! One taught me love One taught me patience And one taught me pain Now, I'm so amazing I've loved and I've lost But that's not what I see So, look what I got Look what you taught me And for that, I  "You have a good voice..." Napapitlag ako nang mawala ang earbuds sa kaliwang tenga ko at napalitan ng isang bulong.  "Don't you freaking know the meaning of personal space?!" saad ko sabay hawi sa pagmumukha niya. "Feisty, I like it!" ngingisi-ngisi niyang saad sa akin. Inayos ko ang mga gamit ko at nagpasyang maghanap ng bagong tatambayan. "Wait! Don't go... Don't you even know how to be thankful to your life's savior?" Pinaikot ko ang mga mata ko. "Binayaran na kita, kung kulang pa. Name your price." "Just be my friend..." "Look Mister--" "Migael..." "Look Miguel--" "Mi-ga-el not Miguel lady..." Tumikhim ako. "Fine Migael! Wala akong oras makipagkaibigan sa 'yo. I preferred to be alone so stop wasting your time on me." "Oh come on, Rhima just let me be your companion. A lunch buddy nothing else I promise!" parang tanga niyang itinaas pa ang kanang kamay niya. "Tell me...what's your agenda?" Nanlaki ang mga mata niya na para bang nadiskubre ko ang kung anumang sekreto niya. "N-Nothing I just want to--" "You just want to get into my pants is that it?" Kung may ikalalaki pa ang mata niya ay baka lumuwa na iyon sa narinig niya mula sa bibig ko. Iwinagayway niya ang mga kamay niya at mariin na umiling. "No! It's not what you think! Fine, I really have an agenda in getting close to you so let me explain it. Just give me a minute!" "Fine...a minute...60..." "Wait you're really going to count--" "59..." "So this what happened...." Natapos na ang isang minuto kong binigay sa kanya pero hindi pa rin siya tapos magsalita. Exactly five minutes later. Hinihingal niyang kinuha ang bottled water niya at tinungga iyon. "So do you understand?" "In short, you want to use me to get away from your psychotic ex-girlfriend?" "She's not that psychotic, she just can't move on from me." Umismid ako. "She threatened every girl na mapalapit sa 'yo, to the extent that one of your flings decided to leave this school? Hindi pa siya psychotic non ah?" "Are you willing to help me?" "What made you think na porke't ipapakita mo sa kanya na magkasama tayo laging kumain, titigilan ka na niya?" Frustrated niyang sinabunutan ang sarili niya. "I just have a feeling na titigilan niya na ako 'pag nakita niya na nagseseryoso na ako--" "So you want me to be your pretend girlfriend?" Napalunok siya nang makita ang pagtalim ng mga mata ko. "I know it's too much..." "Sa'yo na rin nanggaling it's too much so I'm sorry I can't help you..." "Please! I'll do anything just help me..." "Bakit ba kasi ako?!" naiinis ko nang saad. Hindi siya nakasagot at naalala ko kung paano ako tinulungan ng lalaking ito kahapon. He reminds me of Terrence. Hindi ko gustong makipag-associate sa mga tao sa university na 'to unless konektado 'yon sa pag-aaral ko. As much as possible I want to be freaking invisible in this school. Ang bumilis ang panahon at matapos ko ang pag-aaral ko. Pero...damn that guy and this guy. "Fine. Just a month of pretending and I'm done." T B C
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD