Cigarettes.
3 pm. Library.
Pabiling-biling ako sa higaan nang tila sirang plaka na paulit-ulit kong naririnig sa isip ko 'yon. Nababanas akong bumangon at ginulo ang magulo ko ng buhok. Mukhang epektibo ang mga binigay na gamot sa akin ng lalaking iyon at bumuti na ang pakiramdam ko.
At sa tuwing wala akong dinadamdam na sakit sa katawan ko, nahihirapan ako makatulog lalo pa ngayon na hindi tumitigil ang boses na iyon sa isipan ko. In times like this, I'll grab a bottle of beer and a pack of cigarettes. I heavily sighed thinking that I can't do that here. Kinuha ko ang bag ko at napangisi ako nang makita na may naitago pa pala akong sigarilyo ro'n na mabuti na lang at hindi nakumpiska ng guard. Mabilis kong hinanap ang lighter ko at tahimik akong lumabas ng kuwarto.
It's 12 am in the morning kaya naman tahimik na ang buong dormitoryo. Lumabas ako at napangiwi ako nang maramdaman ang ihip ng hangin. It's freaking cold. That's when I realized that I'm only wearing a pajama and a sando. Luminga-linga ako bago ako nagtungo sa likod ng malaking puno na nakita ko sa tapat ng dormitoryo namin.
It's dark in here but I'm not scared.
Nyctophilia.
I love darkness and the night. It's my comfort.
Ilang beses na nga ba akong natulungan ng dilim para makatakas sa kanila? Hindi ko na mabilang.
Darkness is my anchor.
Pumikit ako at sunod-sunod na paghithit ang ginawa ko sa sigarilyong hawak ko. Mabilis kong naubos ang isa at napailing ako habang tinititigan ang isang piraso na lang na natitira. Sinindihan ko iyon pero hihithitin ko pa lang iyon nang mawala iyon sa bibig ko dahil may humablot no'n. Bago pa ako makasalita ay naapakan na iyon. Pagtingala ko ay napamura ako sa isip ko nang makita ang salarin.
Tumayo ako at masama ang tingin na binalingan siya. "What the f*ck are you doing?!"
"Be careful with your words, lady. Ikaw ang dapat kong tanungin, ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"
Napalunok ako kahit hindi ko nakikita ang ekspresyon ng mukha niya dahil sa dilim. Maawtoridad ang boses niya na tila wala kang karapatan sawatahin ang sasabihin niya.
Napatingin ako sa kamay niya at doon ko napansin ang flashlight na bitbit niya. Magsasalita sana ako nang bigla niya akong hinila at tinakpan ang bibig ko. Nawala rin ang liwanag na nagmumula sa flashlight na hawak niya.
"Hmm--"
"Stay still. Quiet."
Napalunok ako at naramdaman ang papalakas na kabog ng t***k ng puso ko. Ramdam na ramdam ko ang dibdib niya sa likod ko sa sobrang dikit naming dalawa.
"May tao ba rito?"
"Siraulo ka wala naman 'eh..."
"May liwanag kanina 'eh nakita ko..."
"Nako si Pres nananakot na naman..."
"Halika na nga gusto ko nang magpahinga..."
Nang tuluyang mawala ang mga boses ay doon niya lang ako dahan-dahan na pinakawalan.
"Bakit mo ginawa 'yon?!" saad ko habang pinapahiran ang bibig ko. Ramdam ko ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi.
"That's the council. Kung sila ang nakakita sa 'yo, do you think hindi sila magdadalawang-isip na i-report ka?"
"At bakit naman nila ako ire-report?"
"You smell cigarettes, alam mo ba kung ano ang rules sa school na 'to? There's a no smoking policy in this university."
Hinawi ko ang buhok ko sa inis. "Damn those rules! Nasa legal age na ko, sino bang sinto ang nagpasimula ng batas na 'yan sa school na 'to? We're not even a highschooler..."
"Did you know smoking causes about 90% of all lung cancer deaths. More women die from lung cancer each year than from breast cancer. Smoking causes--"
"Stop! You never change, you're still a freaking walking encyclopedia--"
"So you really know me?"
Napatigil ako sa pagsasalita sa narinig na sinabi niya. That's when I realized what I just said. He never change. Sinabi ko 'yon na para bang matagal ko na siyang kilala.
Tumikhim ako at iniwas ang tingin sa kanya kahit na sa tingin ko hindi niya nakikita ang ekspresyon ng mukha ko ngayon.
"I'm going--"
"Alice..."
Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko at tumalikod ako nang marinig ko ang pagbanggit niya sa una kong pangalan. "Stop calling me Alice...I hate it."
Hindi pa ko tuluyang nakakalayo nang muli siyang magsalita.
"Alice...3 pm tomorrow at the library."
Napapikit ako at pinigilan ko ang sarili kong bumalik para sapakin siya.
"WHAT do you want to eat?"
"Kung ano na lang sa 'yo..." saad ko sabay abot ng pera ko sa isa pang asungot ng buhay ko sa paaralan na 'to. Nangawit na ako't lahat pero hindi niya pinansin ang inaabot ko.
"Keep it, libre ko na 'to."
Napangiwi ako nang inakbayan niya ako at inilapit sa kanya. Hindi ako bulag o bingi para hindi mapansin na nasa amin ang atensyon ng mga tao sa loob ng cafeteria. Seems like sikat itong Migael na 'to.
"Hands off Gael, wala sa usapan natin pagiging touchy mo."
"Woah, Gael? I like it. Just this once sweet, she's here." bulong niya sa akin sabay nguso sa entrance ng cafeteria. Hindi ko na tinangkang tingnan pa 'yon at napabuntong-hininga na lang ako sa inis.
Nang maka-order siya ay tumalikod na ako. Mabuti na lang at bitbit niya ang tray kaya wala na ang kamay niya sa balikat ko.
"Ooops, ang bilis talagang mapuno rito sa cafeteria. Do you want to eat outside?"
"Pre, ditoooooo!"
Gusto kong mapapadyak sa inis nang makita na dumiretso si Gael sa lalaking tumawag sa kanya. The last person I wanted to see right now is him. So bakit kailangan sa kanila pa kami maki-table?
"Woah, kayo na ba pre?"
Tumawa lang si Gael at umiling habang pakiramdam ko para kong bata na pinagsisilbihan ng tatay ko. "Kaya ko na, intindihin mo sarili mo." bulong ko sa kanya at kinuha sa kamay niya ang soda can na binubuksan niya pa.
Mabilis kong tinungga iyon pero nasamid ako nang magtagpo ang tingin namin ng lalaking nasa harap ko.
"Are you okay?" saad ni Gael habang hinihimas ang likod ko. Uubo-ubo kong winasiwas ang kamay ko para tigilan niya na ang pagkapit sa akin.
Nang muling dumako ang tingin ko sa harap ko ay matalim pa rin ang tingin niya sa amin.
"Problema mo?" hindi ko na napigilang saad kay Leighton.
Umirap lang ang lalaki at nagpatuloy sa pagpupunas ng kutsara? at tinidor?
Nang matapos siya ay isinunod niya naman ang transparent glass. Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan siyang inaayos ang pagkain niya sa plato.
Wow.
"Is he creeping you out?" bulong sa akin ni Gael.
Doon ko lang napansin na titig na titig na pala ako kay Leighton. Tumikhim ako at iniwas ang tingin sa harap ko. Sunod-sunod ang ginawa kong pagkagat sa burger na binili ni Gael.
"So Rhima taga-saan ka at bakit nalate ka ng enroll?" tanong ni Jace na finally natandaan ko na rin ang pangalan.
"I just got back from states. "
"Woah, amerikana...You're a Carreon? Related ka ba kay Mayor Carreon?"
Napahinto ako sa pagkagat sa burger nang marinig ang sumunod na tanong ni Jace. Ibinaba ko ang kamay ko at ikinuyom iyon.
"For a guy, you talk too much." Hindi ko na napigilang sabihin. Napatigil si Gael sa pag-inom habang si Jace naman ay napanganga sa sinabi ko.
"S-Sorry did I offend you? I'm just asking--"
Napahinto si Jace sa pagsasalita at maging ako sa pagkuha ng tissue nang maramdaman ang pagdampi ng kung ano sa gilid ng labi ko.
"W-What the hell are you doing?" singhal ko kay Leighton na tila walang nangyari na pinunasan lang ang nadumihan niyang daliri ng tissue.
"Can't help it, ang dungis mong kumain. I hate seeing someone dirty."
Napanganga ako sa sinabi niya.
"Well Mister, I hate someone na kung umarte akala mo close kami."
So much for this day. I'm done.
"Rhima, where are you going?"natataranta na saad ni Gael habang sinusukbit ko ang bag ko.
Hindi ko siya pinansin at tumayo ako pero saktong pagtayo ko ay ang pagbuhos ng malamig na kung ano sa dibdib ko.
"Aryanne!" sigaw ni Migael sa babaeng nasa harap ko ngayon.
Shit.
Mura ko sa isip ko nang makita ang pagkalat ng chocolate shake sa damit ko. Damn this woman.
"Ooops sorry, magkano ba 'yang cheap mong damit? I'll just pay you--"
Hindi niya na natapos ang sasabihin niya nang ibinuhos ko sa pagmumukha niya ang soda na mabilis kong dinampot sa mesa. Sayang, iinumin ko pa naman sana.
Umalingawngaw ang matinis niyang sigaw sa buong cafeteria.
"You b***h! Who do you think you are?"
"Bayad ka na. Patas na tayo."
Iyon lang ang sinabi ko at hinawi siya sa lalakaran ko.
So she's Aryanne?
Indeed, she's a crazy b***h.
But dear, she's not the only crazy b***h in here.
"CLASS dismissed."
When the clock strikes at three o'clock in the afternoon and our Professor dismissed us I remain seated in my chair. Tinatamad akong yumuko at pumikit sa arm chair. I can still hear them talking about me. Luckily, walang lumapit sa akin. I just wanted to be alone. Nang tumahimik ang buong room at tanging buga ng aircon na lang ang naririnig ko ay nag-angat ako ng ulo para lang magulat sa lalaking nakatayo sa harap ko.
"Holy s**t!" sigaw ko pero ang walanghiyang lalaki sa harap ko ay nginisian lang ako.
"Nagulat ba kita?"
"What the eff are you doing here?" singhal ko sa kanya.
"Figured you're not going to come at the library. So I'm here. Sinusundo ka."
"How did you even know my schedule? Are you a freaking stalker?"
Tumawa lang siya at napailing sa magkasunod kong tanong.
"You have so many question Miss Carreon, why don't you fix your things so we could go to the library. As much as you want na dito kita itutor, merong gagamit ng room na ito."
"Sino bang nagsabi sa 'yo na magpapatutor ako sa 'yo? Why don't you just find someone else to tutor kung marami kang libreng oras..."
"Why do you hate me?"
Napahinto ako sa pag-aayos ng gamit ko sa narinig kong tanong niya.
"Do you hate me for what happened to us when we were young?"
Tiningnan ko siya at naalala ko ang isang batang babae na umiiyak habang naghihintay sa isang bata na hindi kailanman dumating.
"I came back but you're--"
"Can you stop talking about the past?"
By saying that, alam kong inamin ko sa kanya na ako ang batang kilala niya. Si Alice. That toothless girl with lots of chocolates in her pocket.
Bumuntong-hininga ako at isinukbit ang bag ko. "I don't hate you. Why would I hate someone na hindi ko pa naman ganoon kakilala?"
"Then let me help you if you don't really hate me, Alice."
TBC