Chapter 6
Hurt
May isang bagay akong napansin kay Leighton he doesn't really like messy things. Pinagmamasdan ko siya habang inaayos niya ang mga libro sa lamesa pati na rin ang papel at ballpen. Hindi na ako magtataka kung pati ang mga nakalagay na libro sa shelf ay pakialaman niya.
"So do you want to start in the basic of accounting?"
Tumango ako at nagkibit-balikat. Napahikab ako pero agad kong natakpan ang bibig ko nang dumako ang tingin niya sa akin mula sa librong hawak niya.
"Sleepy?"
Hindi ako nagsalita at tinitigan lang siya. He is Klode Leighton, probably the only person na naging dahilan para maalala ko ang batang ako. Ang batang iniiyakan lang ay ang pagbabawal sa kanyang kumain ng chocolates na siyang paborito niya. Napabuntong-hininga ko at iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
"You okay?"
"Let's just start...I want to rest."
Tumango siya at sinimulan akong turuan. Pinilit kong mag-focus at inintindi ang sinasabi niya. Luckily, na-engrossed din ako sa pagtuturo niya. He's a good teacher. It's easy for me to understand the lesson about accounting. Hindi ko namalayan ang oras at kung hindi ko pa naramdaman ang pagtama ng sikat ng papalubog na araw sa mukha ko hindi ko titingnan ang relo ko at mapagtatantong maga-alas singko na pala ng hapon.
"So how was it?" tanong niya habang nililigpit namin pareho ang mga gamit namin.
"Thank you, I think makakasabay na ko sa discussion ni Prof..."
"Thank you lang?"
Kumunot ang noo ko at mabilis na isinukbit ang bag ko sa balikat ko. "What do you want?"
"Chocolates perhaps?"
Huminga ako nang malalim at dinukot ang bulsa ng bag ko. Inilapag ko sa lamesa ang natitirang kisses ko. Bago pa siya magsalita ay mabilis na akong tumalikod. Iiling ako pero hindi maiwasang mapangiti. He still likes chocolates?
Napahinto ako sa paglalakad papunta sa dorm nang may humarang sa dadaanan ko. Pucha hindi ba talaga ako tatantanan ng babaeng 'to? Mukhang nagkamali ako sa pagtulong sa Gael na 'yon.
Ignore her Rhima.
Sa naisip ay umiwas ako sa kanya at muling naglakad. But as expected sa babaeng 'to.
Iniharang niya ang paa niya sa lalakaran ko at bago pa ko makaiwas ay tuluyan na akong nadapa. Walang emosyon kong tiningnan ang tuhod kong dumudugo na dulot ng sementong kinabagsakan ko.
"Ooops sareh?" pagtawa niya sabay tingin sa tuhod ko.
Tumayo ako at hindi ininda ang sugat na natamo ko.
Pinagmasdan ko ang paligid ko at napangisi ako nang makitang kakaunti lang ang estudyante na nagkalat.
Hinaklit ko ang braso ng kaharap ko at nakita ko ang gulat sa mga mata niya na tila hindi inaasahan ang gagawin ko. Bago pa siya makapagsalita ay kinaladkad ko siya patungo sa likod ng dorm.
"Let me go!!!" sigaw niya at mas lalo akong napangisi nang marinig ang takot sa boses niya.
Malakas ko siyang itinulak sa pader kaya naman napasigaw siya sa sakit.
"A-Anong gagawin mo sa akin?" nanginginig ang boses niyang saad habang lilinga-linga sa paligid.
"Scared?" paglapit ko sa kanya. Iiwas sana siya pero mahigpit kong hinawakan ang balikat niya.
"You don't f*****g know me Miss... iyong mga kaya mong gawin walang-wala sa kaya kong gawin..."
Napalunok siya. "You think I'm scared o-of you? Ikaw--"
Hindi niya na natapos ang sasabihin niya nang inangat ko ang kamay ko at mabilis iyong isinuntok sa pader. Dumaloy ang dugo roon pero wala akong pake. Napangisi ako nang makitang nakapikit siya.
"Sa susunod na lumapit ka pa sa akin, sa mukha mo na tatama ang kamaong 'to..." marahas ko siyang binitawan at nanginginig siyang napaupo habang pinagmamasdan ang kamay ko.
"And don't you dare na i-report ang pangyayaring 'to dahil sinasabi ko sa 'yo hindi mo kilala ang kinakalaban mo."
Hindi ko na inintay ang sasabihin niya pa at walang lingon-lingon na iniwan ko siya.
Tila walang nangyari na naglakad ako papunta sa dorm pero papasok pa lang ako nang may humila na naman sa akin. Napapikit ako at pinigilan ko ang sarili kong sumigaw sa inis.
"Ano na naman ba--"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bumungad sa akin si Klode na ang tingin ay nasa kamay at tuhod ko. Dumako ang tingin ko sa kamay niya at doon ko nakita na hawak niya ang librong pagmamay-ari ko.
"What happened to you?"
Tumikhim ako at hinila ang braso ko para makalayo sa kanya.
"It's nothing..." saad ko sabay hablot sa librong hawak niya. "Thanks for this..."
Tatalikod na sana ako nang muli niya akong hawakan. "Anong wala? May mga sugat ka..."
"Walang namamatay sa sugat sa kamao at tuhod Leighton! It's nothing! Nadapa lang ako!"
"Do you think I'll believe that?!"
"Then don't! Bakit ka pa magtatanong kung hindi ka naman maniniwala?! Puwede bang umalis ka na lang?"
"No...I won't leave you like that..."
Bago pa ako makapagsalita ay hinila niya ako. Nagpumiglas ako pero napagod din ako kaya hinayaan ko na lang siyang dalhin ako kung saan. Pagtingin ko kung saan kami papunta ay napangiwi ako nang makitang sa clinic niya pala ako dadalhin.
"What happened with you Missy?"
Hindi ako nagsalita sa tanong ng doktor na naabutan namin.
"Nadapa raw po siya..." pagsagot ni Leighton.
"Well, looks like nadapa siya base sa sugat ng tuhod niya but her right hand...I don't think so." Napapailing na salita ng doktor habang kumukuha ng mga gamot sa cabinet.
"Puwede bang gamutin na lang ninyo po ang sugat ko para matapos na to?"
"Alice!" pananaway sa akin ni Leighton pero sinamaan ko lang siya ng tingin.
Tumawa lang ang doctor at sinimulang linisin ang galos ko sa tuhod na hindi naman masakit. Isang band-aid lang ang katapat. Walang-wala ang galos na ito sa mga sugat na natamo ko sa mga nakalipas na taon.
Sumakit na ang panga ko kakahikab sa antok. Kung bakit ba naman kasi napakapakialamero ng lalaking 'to.
"Salamat..." sinabi ko sa doctor nang matapos siya sa paglagay ng gasa sa kamao ko.
Nagmamadali akong lumabas at hindi na hinintay pa ang tugon niya. Binilisan ko ang lakad ko para makalayo na kay Leighton pero nakakailang hakbang pa lang ako ay nasa tabi ko na agad siya.
Huminga ako nang malalim at hindi na lang siya pinansin pa. Tahimik lang siya na sumusunod sa akin. Huminto ako sa paglalakad nang mapansin na nasa tapat na kami ng dorm niya.
"You should go inside. Hindi na ako bata para ihatid mo pa..."
"Alice..."
Hindi dapat big deal ang pagtawag niya sa akin ng Alice dahil pangalan ko naman 'yon pero muli hindi ko na namang naiwasan na samaan siya ng tingin.
"Ilang beses ko pa bang uulitin na ayoko na tinatawag ako sa pangalan na 'yan. Akala ko ba matalino ka bakit ba ang hina ng pick up mo?!"
"Your name is Alice Rhima Carreon, what's wrong calling you with your first name?"
Napailing na lang ako. "Bahala ka na nga sa gusto mo..." saad ko sabay talikod sa kanya.
"Wait..."
"Ano na naman?" napapagod kong tugon sabay harap sa kanya.
Hindi ko inaasahan ang susunod niyang ginawa kaya bago pa ako makaiwas ay nayakap niya na ako.
"Hindi ko man alam kung anong dahilan para maging iba ka sa batang nakilala ko...Alam ko gaano mo man itanggi. You're Alice. My one and only friend, Alice..." Bulong niya na nakapagpahinto sa pagpupumiglas ko palayo sa kanya.
Hindi mo gugustuhing malaman Leighton...walang sinuman ang makakaalam ng dahilan ko para maging ganito ako ngayon malayo sa batang nakilala mo...At hindi kita bibigyan ng tsansa para malaman iyon dahil ayaw kong madamay ka sa magulo kong mundo.
Sa naisip ay buong lakas ko siyang tinulak at tinalikuran. Binilisan ko ang lakad ko habang mahigpit na kuyom ang kamao ko habang iniisip kung paano ako makakalayo sa lalaking pilit na nagpupumasok sa buhay ko.
TBC