Murderer
ALICE
"Are you happy there?"
Hindi ako nakakibo sa tanong ni Terrence. Nasa veranda ko at pinagmamasdan ang kalangitan. I badly wanted to light a cigarette but I can't. Naubos na.
Happy?
Magiging masaya pa ba ko?
"Bakit ang dali para sa ibang maging masaya Terrence? Bakit ang hirap para sa akin?"
"Hey slow down, I can't understand you."
Tumawa ko at napailing. "What I mean is I'm alright here, there's nothing to worry about..."
"Well, I just talked with my Auntie, she allowed me to visit the Philippines!"
Nawala ang ngiti ko sa sinabi niya. He's excited about it but I can't allow him.
"Terrence no...you can't go here."
"But why? I miss you and I wanted to see you..."
"But what if h-he follows you here?"
Napapikit ako at napakuyom ako sa kamao ko. What a selfish b***h I am...
Natahimik sa kabilang linya. "Y-You're right, I'm sorry--"
"No Ter, you shouldn't be sorry! I should be the one to apologize. I also miss you a lot but I promise we'll see each other again...mark my words..."
"I'll believe your words Rhima, bye for now then. Let's talk tomorrow night again?"
Ngumiti ako. "Bye Ter, love you..."
"Love you too..."
"Boyfriend mo?"
Sumulyap ako sa likod ko at hindi ko napigilang mapasimangot nang makita si Trisha na may hawak na beer at nakangisi sa akin.
"Kanina ka pa ba diyan?"
Nagkibit-balikat siya. "Fifteen minutes?"
"Would you please mind your own business?"
Lalagpasan ko na sana siya nang hawakan niya ang balikat ko.
"Ano bang pinagmamalaki mo? Bakit ang yabang mo?"
Hindi ko siya pinansin at hinawi ko lang ang kamay niya.
"Alice Rhima Carreon. Daughter of Mayor Carreon, one of the most loved politician in the Philippines. But there's a dark secret in his family...her daughter is a ...murderer."
Nanginginig ang mga kamay kong nilingon siya. "Who the hell are you?"
Lumingon siya at ngumisi. "You're in the right age na di ba? I don't think you belong here...sa prison maybe."
"Shut up!"
"Why? Natatakot ka bang marinig nila Fae at Anne? H-Hindi mo naman siguro kami papatayin di ba katulad nang ginawa mo sa isang pitong taong gulang na bata--" umarte siyang tila natatakot.
Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang malakas ko siyang nasampal.
"You b***h!" sigaw niya at sinabunutan ako pero hindi ko magawang lumaban. Nanginginig ang mga kamay ko, sa pagpikit ko nakikita ko ang imahe ng isang duguan na bata.
"Ano lumaban ka!"
"Trisha!"
"Trish! Anong ginagawa mo?!"
Nanghihinang napaupo ako habang nararamdaman ang pagkapos ng hininga ko.
"Oh my gosh! Are you okay, Rhima?"
Nakuyumos ko ang damit ko sa dibdib umaasang lumuwang ang paghinga ko pero nanlalabo na ang paningin ko. Sa isipan ko ay bumabalik lahat...mga pangyayaring pinagsisisihan ko.
Pagapang kong tinungo ang kuwarto ko at mabilis kong nilock 'yon nang makapasok ako. Tinakpan ko ang tenga ko at paulit-ulit na huminga nang malalim. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nasa ganoong sitwasyon. Ramdam ko ang panghihina at panginginig ng buo kong katawan.
"I'm s-sorry! H-Hindi ko sinasadya...pero hindi kita pinatay...maniwala ka."
Napahiga ako sa lapag kasabay nang pagtulo ng mga luha ko. Kasabay nang pagdilim ng paligid ko ang malakas na pagbukas ng pintuan.
"IS she okay, now?"
"Sinat na lang...she'll be fine. Don't worry Trisha."
"Excuse me, I'm not worrying about her..."
"Hindi pala ah kaya pala halos mabingi ako sa lakas ng sigaw mo nang tinawagan mo ko."
"Hindi raw nag-aalala pero kagabi pa hindi mapakali."
"Shut up, Fae!"
"Ano ba kasing pinag-awayan ninyo? Bakit nagkaganoon siya?"
Nagising ako sa ingay at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang nakaupo sa paanan ko.
"What the hell are you doing here?!" sigaw ko kay Migael.
"Oh you're awake. Morning lovely..."
Bumangon ako at isa-isa silang pinagmasdan. "A-Anong nangyari?"
"You don't remember?"
"Remember what?"
"You were crying and shout--"
"You passed out last night. Probably because of your fever." pagputol ni Trisha sa sinasabi ni Fae.
Pero malinaw sa pandinig ko. I was crying last night but why?
Napapikit ako at inisip ang nangyari. Huli kong naaalala ay kausap ko si Terrence. What happened next?
Then...this girl in front of me.
"Murderer..."
Napalunok ako at iniwas ang tingin sa kanya.
"That's lugaw, niluto ni Anne para sa 'yo. Kainin mo tapos uminom ka ng gamot at baka magkalat ka pa ng virus dito. " pagturo niya sa bedside table ko.
Tumalikod siya pero hindi nakaligtas sa akin ang huli niyang sinabi.
"I'm sorry..."
Bakit siya nag-sorry?
"Uy nag-sorry, bongga!" segunda ni Fae na bumungisngis. Hinampas naman siya ni Anne sabay hinila siya palabas ng kuwarto ko.
"Get well soon Rhima!"
"Ano pang ginagawa mo rito?" baling ko kay Migael nang lumipas ang minuto na hindi pa rin siya umaalis sa pagkakaupo sa paanan ng kama ko.
Ngumisi ang loko. "Wala na namang thank you?"
"Bakit ka ba nandito?"
"Trisha's my cousin, she called me last night. Sorry though, we broke your door..." pagnguso niya sa pinto ng kuwarto ko.
"What state am I in when you arrived?"
Natigilan siya at nawala ang mapaglarong ngiti sa labi niya. "You're unconscious. You have a fever also. Iniinom mo ba ang gamot na mga binigay ko?"
Tumango ako. "Salamat kung ganoon...sa pag-aalaga ninyo. Makakaalis ka na."
Tumayo siya at napapiksi ako nang iangat niya ang kamay niya na tila hahawakan ako. Hindi ko nagustuhan ang nakita ko sa mga mata niya. Tila may awa.
"If you need someone, you can call me."
Doon ko napatunayan na may nagawa nga ako kagabi na hindi dapat nila nakita.
"Kung anuman ang nakita mo kagabi, forget it. I don't need someone. I can take care of myself."
Hindi ko na siya inintay pang magsalita at tumalikod na ko.
Narinig ko ang yabag papaalis at doon lang ako muling bumangon. Tumayo ako at sinarado ang pinto. Hinarang ko rin ang silya para hindi iyon bumukas.
Binalingan ko ang lugaw at kinain 'yon.
May pasok ako ngayong araw pero napagpasyahan kong hindi pumasok. Tutal friday naman.
THREE days passed by, wala akong ginawa kung hindi magkulong sa loob ng kuwarto. Bukas ay may pasok na kaya pinipilit kong makatulog nang maaga pero hindi naman ako inaantok. Nasobrahan na yata ako sa tulog.
Suddenly, I'm craving for cigarettes. And beer.
Lumabas ako ng kuwarto at nakita si Trisha na nasa may sala. May hawak na yosi at beer.
Napansin niyang nakatingin ako kaya iminuwestra niya ang mga hawak niya.
"Want some?"
Ilang araw na siyang tila umiiwas sa akin. At ganoon din naman ako sa kanya. Pero natagpuan ko na lang ang sarili kong umupo sa katapat niyang sofa.
"Bawal 'to hindi ba?" saad ko pero kinuha ang inialok niyang yosi at sinindihan iyon.
"Bawal pag may nakakakita. Di naman magsusumbong 'yan sila Fae at Anne basta isang beses lang sa isang linggo... Concern daw sila sa health ko."
Tumango ako at iniabot naman ang beer na binuksan niya para sa akin.
"Thanks..."
Katahimikan ang namayani sa aming dalawa.
"Sorry. Hindi ko na dapat niresearch ang buhay mo...I was just curious about you..."
"Bakit?"
"You look like a cool bitch..."
Natawa ko. "Me cool?"
"Hindi ba?"
"I'm not."
Binato niya ako ng cornick. "Aren't you even scared of me?"
"Why would I be scared of you?"
"Because I'm a...m-mur--"
Tumikhim siya. "Type ka ng pinsan ko, type mo rin ba?"
Pagputol niya sa sinasabi ko. Nagtitigan kami, it was like there's a silent message between us to never talk again about what happened last night. What she knew about me.
"Nah. Playboys are not my thing..."
TBC