Monster in me... ALICE "HINDI pa ba kayo napapagod?" tanong ko sa kanila nang imbes dumiretso sa dorm ay sa isang bar ang napili nilang puntahan. Matapos naming ubusin ang maghapon sa pinuntahan namin ay akala ko drain na sila pero nang magising ako ay nagkasundo silang pumunta sa isang kilalang bar sa city. "Are you tired?" tanong sa akin ni Leighton. "Puwede namang mauna na lang tayo sa kanila?" "Ay walang ganyanan Pre, makisama naman kayo." "Minsan lang naman 'to, c'mon guys!" Kanya-kanyang pag-iingayan nila na ikinainis ko. "Guys, padrop off na lang kami--" "Let's just go..." pagputol ko sa sinasabi ni Leighton. Naghiyawan naman ang mga loko. Kinuha ko ang cellphone ko at nakitang pasado alas nueve na pala. I opened my skype at wala pang ilang segundo ay tumatawag na si Rence