Falling 13

1132 Words

Mayor ALICE "Pangalan." "Rhima." "Buong pangalan!" Napalunok ako at iniwas ang paningin ko sa pulis na nasa harap ko. Napunta ang tingin ko kina Leighton at Migael na nasa gilid at busy sa kanya-kanya nilang cellphone. Pawang may mga kausap sa cellphone nila. "Rhima, tinatanong ka ni Sir..." kalabit sa akin ni Trisha na nasa tabi ko. Sina Jace, Fae at Anne ay pinauna ko na kahit ayaw nila. "Pangalan sabi! Aba't bingi ka ba?" "Alice Rhima..." Lumunok ako bago sabihin ang apelyido ko. "Carreon..." pabulong kong dugtong. "Ano?!" muling tanong sa akin ng kaharap ko. "Alice Rhima Carreon." walang emosyon kong saad. Natahimik ang pulis at kumunot ang noo niya. "Carreon? Kaanu-ano mo si Mayor?" Ngumisi ang pulis nang hindi ako sumagot. "Eh kaya naman pala malakas ang loob mambugbog."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD