Boy friend ALICE "Rhimaaaa, matagal ka pa ba?!" Nabubugnot kong ipinusod ang mahabang buhok ko. May pagmamadali kong nilagyan ng itim na lipstick ang labi ko. Sa pagmamadali ko ay lumampas iyon kaya pinigilan kong mapasigaw sa frustration habang inaayos iyon. Padabog kong binuksan ang pinto ko. "Sino ba kasing nagsabing hintayin ninyo ko?!" singhal ko kay Trisha na tinawanan lang ako. "Aga-aga, ang init ng ulo mo..." Nagbungisngisan naman sina Anne at Fae na ikinakunot ng noo ko. "Problema ninyo?" Nginuso ni Fae ang paa ko. Nice, sa pagmamadali ko hindi ko napansin ang pagkakaiba ng asul sa puti. "Oh bakit? Maghuhubad ba tayo ng sapatos sa pupuntahan natin?" naiirita kong tanong. Dumiretso ko sa lagayan ng mga sapatos namin at kinuha ang converse shoes ko. Hindi ko alam kung pa