Falling 18

2509 Words

Past She looks peaceful. May ngiti sa labi niya na tila nagsasabing namatay siyang mapayapa. Kinagat ko ang labi ko sa pagpipigil na tumulo ang mga luha ko. I'm sorry Nanay because you died alone. I wasn't even there...ni hindi ko man lang nasabi kung gaano ako nagpapasalamat sa lahat ng pagmamahal na ibinigay ninyo sa akin. Hinaplos ko ang salamin na humaharang sa pagitan naming dalawa, umaasang mahawakan ko siya kahit sa huling pagkakataon. Pero bigo ako. Ano mang gawin ko o sabihin ko. Kailangan kong tanggapin na wala na ang isang taong nagpadama sa akin ng pagmamahal. Iyong pagmamahal na walang hinihinging kapalit. Naramdaman ko ang pag-akbay ng ama ko na kanina pa nakatabi sa akin. Umayos ako ng tayo at pasimpleng lumayo sa kanya. "K-Kailan ang libing ni Nanay?" "Sa saturday."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD