Need me ALICE "90 over 60..." saad ni Migael habang inaalis ang kinabit niyang aparato sa braso ko. "I'm fine." saad ko at babangon na sana nang hawakan ni Leighton ang braso ko. "Mababa ang bp mo. You should take a rest." Umiling ako. "I already told you I'm fine. Nahilo lang ako sa gutom, probably." "Kami nang bahala sa labas Rhima, dumito ka na muna at magpahinga." saad ni Trisha na kapapasok lang sa kuwarto na hindi ko alam na meron pala dito sa funeral homes na inupahan ng ama ko. Inilapag niya ang tray na naglalaman nang umuusok pang sopas at inumin. "Masyado kang maputla. Walang masama kung magpapahinga ka muna kahit ilang oras. Hindi matutuwa ang Nanay Celing mo kapag tuluyan kang nagkasakit." segunda ni Anne nang tututol pa rin ako. Hindi na ako nagtangkang bumangon at na