His family ALICE "Girlfriend ka po ba ni Kuya?" "Look Kieran, she has lots of piercing in her ear... Daddy, I want to have some piercing too!" Hindi ko napigilang matawa sa kakulitan ng mga kapatid ni Leighton na nasa magkabila kong gilid. "Kieran and Keegan, huwag ninyo ngang kulitin si Alice." "We're not making kulit kaya. We're just asking her question..." turan ng batang nakaasul na jacket na napagtanto kong si Kieran. "Look Kuya, he's being so conyo again just like Ate Claudi!" matinis naman na saad ni Keegan na ang atensyon ay nasa kaliwang tenga ko pa rin. Kakamot-kamot sa batok na lumapit sa amin si Leighton na nagpapasensya ang tingin na ibinibigay sa akin. "Kids, maupo na kayo rito. We're done preparing!" "Pancakes!" magkasabay na sigaw ng dalawa at mabilis na nagtatakb