13

1423 Words
Chapter 13 3rd Person's POV; Hindi gumalaw ang binata hanggang sa umupo din ito sa sahig at kumuha ng isang box. "Sir?" Ani ni Astrid ng makita ang ginagawa ng amo. "Ayaw mo umuwi then tutulungan na lang kita." Walang emosyong sambit ng lalaki habang binubuksan ang mga kahon. "Sir ... president kayo ng mall tapos---." "Nagtatrabaho din ako sa mall na ito." Putol ni Lake na kinatahimik ng dalaga. Tahimik lang ang dalawa sa mga lumipas na oras pero ang dalagang si Astrid hindi maiwasang sulyapan ang kaharap na lalaki na dinampot din ang isa pang log book at busy sa pagsusulat. "Hindi tayo matatapos agad kung titigan mo lang ako." Maangas na sambit ni Lake na kinaiwas ng tingin ng dalaga ng magtama ang kanilang mga mata. "A-Anong tinititigan? ... sinasabi mo diyan?" Medyo nauutal na sambit ng dalaga habang pilit ulit finofocus ang sarili sa ginagawa. "Nagdedeny ka pa nahuli naman kita." Pangisi ngising sagot ng lalaki. "Wag kang assuming sir hindi ka pogi." May inis na sagot ni Astrid na kinataas ng gilid ng labi ng binata. "Nag 2 years ako sa modelling tapos hindi gwapo?" Pagyayabang ng binata na kinagusot ng mukha ng babae. "Sir may kahambugan ka din palang taglay noh?" Sarcastic na sambit ng dalaga matapos tingnan ang lalaki na nakangising nakatingin sakanya. "Kukuha lang ako ng tape sir" paalam ng dalaga bago tumayo at naglakad kung nasaan ang mga shelves. "Naku kung hindi ko lang talaga siya boss, parehong pareho sila ni Cadmus hambog." Gigil na bulong ng dalaga habang tumitingin tingin sa mga shelves. "Nasaan na ba yung estante kung saan nakalagay ang mga tape, dito may nakita ako kanina." Bulong ng dalaga habang iniikot ang mga shelves. "Salves nasira yung cutter saan nakalagay yung tools?" Medyo malakas ang boses na tanong ni Lake. "Teka may nakita ako sa pang apat na shelv---." Naputol ang sasabihin ng dalaga ng may makita siyang bulto ng tao na nasa nasa kabilang bahagi ng estante kung saan nakalagay ang mga stock na bag. "Sino yan?" Tanong ng dalaga at lalapit ito sa shelves ng---. "Ahhh!" Tili ng dalaga ng matutumbahan siya ng shelve ng mabilis na hinarang ni Lake ang mga braso niya para hindi madaganan ang dalagang napaupo sa sahig dahil sa pagtama sakanya ng ilang box na nasa itaas. "Salves!" Sigaw ni Lake habang pilit na tinutulak patayo ang shelve. Nang maibalik niya sa dati mabilis niyang nilapitan si Astrid at tanggalin ang mga box. "S-Sir Lake." Ani ni Astrid ng makita ang binata na nag aalalang nakatingin sakanya. "Ano bang ginagawa mo? Sa tingin mo ba bubuhayin ka ng shelve na yan once na bumagsak yan sayo?" Sermon ng binata habang chinicheck ang katawan ng dalaga. "Kaya mo ba tumayo?" Tanong ni Lake ng mapaingit ang dalaga habang hawak ang balakang. "Y-Yes sir." Sagot ng dalaga bago dahan dahang tumayo at babagsak ito ng mabilis siyang nasalo ng binata. "Sinungaling.=_=" pokerface na sambit ni Lake hanggang sa---. "Ahh! Sir ibaba---." "Manahimik ka." Walang emosyong putol ni Lake matapos ipangko ang dalaga. Astrid Salves's POV; "Sir kasi---." "Pasalamat ka hindi yung mga tools ang bumagsak sayo." Ani ni Sir na kinagat labi ko ng linisin ni Sir Lake ang sugat na nasa ankle ko. Mukhang nagasgasan yun nung bumangga ang paa ko sa hagdan na nasa sulok ng shelves. Tahimik lang akong nakaupo sa isa sa mga kahon habang nililinisan ni Sir ang sugat ko hanggang sa mapagmasdan ko ang mukha ni Sir.Lake. Napailing na lang ako ng bahagya at tumungin kung saan ng pumasok sa isip ko ang mukha ni Cadmus. Namimis ko na ba siya? Pero bakit? ... dahil namimis ko ng gawin ito ni Cadmus saakin? "Malinis na." Ani ni Lake na kinatingin ko. "Kung kaya mo na tapusin na natin ito may tatlong box pa tayong bubuksan." Sambit ng binata matapos itabi ang mga first aid kit. "S-Sir salamat kung hindi niyo ako niligtas baka hindi lang sugat nakuha ko." Mababa ang boses na sambit ko ng tumayo si Sir at tumalikod sakin. "Immune na ako sa pagiging lampa at careless mo." Ani ni Sir Lake na kinatigil ko. "Sir?" Ani ko. Hindi ko alam kung ako lang pero parang may ibig siyang sabihin, matagal na ba niya akong kilala? "Wala kalimutan mo na yun tapusin na natin ito." Yaya ni Sir matapos lumapit sa isa sa mga box at buksan. 3rd Person's POV; "Cross?" Tawag ni Cadmus sa anak ng makapasok siya sa apartment kung saan pansamantalang nakatira ang mag ina. "Cro---." Naputol ang pagtawag ng binata sa batang lalaki ng makarinig siya ng musika. Para itong nabato at nanlamig sa kinatatayuan ng marinig ang tugtog na sobrang pamilyar sa binata. Nang mag sink in sakanya ang lahat dali-dali itong pumunta kung saan niya narinig ang tugtog at walang kaano-anong binuksan ang pinto. "Da---." "Cross!saan mo natutunan ang tugtog na yan?!" Napaigtad ang batang lalaki matapos mabitawa nito ang plawta ng hablutin siya ng ama at nagdidilim ang anyong nakatingin sakanya. "Daddy ano bang ginagawa niyo? Nasasaktan ako." Reklamo ng batang lalaki habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak ng ama. "Sabi ko saan mo natutunan ang tugtog na yan?!" Sigaw ng binata hanggang sa---. "f**k!" Mura ng binata ng kagatin siya ni Cross dahil sa pagkabigla nahagis sa kung saan ang maliit na katawan ng batang lalaki at bumangga sa study table. "M-mommy." Nahihirapang sambit ng batang lalaki at napaubo ng dumugo ang gilid ng labi ng batang lalaki. "s**t! Cross." Mura ng binata kasabay ng pagbakas ng sobrang takot sa mukha ng lalaki, lalapitan niya si Cross ng pilit na tumayo ang batang lalaki at dinampot ang plawta bago mabilis na tumakbo palabas. "Cross!" Sigaw ng binata at hahabulin nito ang anak ng tumunog ang phone nito. "Venedict bukas na tayo mag usap kaila---." ["Kailangan mo itong malaman Cadmus, about kay Callius ... buhay siya.] Ani ng binata sa kabilang linya na kinatigil ni Cadmus. --- "Argh! Natapos din." Ani ng dalaga habang inuunat ang mga braso matapos maibaba ang log book. "Sir.La---." Naputol ang sasabihin ng dalaga ng paglingon niya nakita niya ang binata na nakasandal sa mga nagtataraasang mga kahon at natutulog. "Nakatulog na si Sir." Bulong ni Astrid matapos tumayo at dahan dahang naglakad palapit sa pwesto ng binata na parang batang natutulog. Umupo ito sa bandang tagiliran ng binata at matamang tinitigan ang mukha ng gwapong lalaki. Astrid Salves's POV; Habang pinagmamasdan ko si Sir Lake hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman ko. Bakit ko nakikita ang mukha ni Cadmus sakanya hindi yun ang unang pagkakataon na nakita ko yun,ang masama pa nito pati yung pamilyar na pakiramdam ko tuwing nasa paligid ko siya ... parehong pareho. Napapikit ako ng madiin at tumayo habang maragang pinukpok ang ulo ko. 'Astrid tigilan mo na ang kalokohang ito, kasama mo ang totoong Cadmus at siya ang mahal.mo.' ani ko sa sarili ko hanggang sa---. "Tapos kana ba?" Napatingin ako kay Sir Lake ng inaantok itong tumayo habang hinihilot ng bahagya ang sintido nito. "Maraming salamat talaga Sir Lake dahil tinulungan niyo ako at pasensya na din kung napuyat kayo dahil sakin." Sincere na sambit ko ng---. "Umuwi na tayo." May pagka husky na sambit ni Sir Lake na kinapokerface ko ng talikuran ako nito at maglakad palabas. 'Antipatiko.=_=" naputol lang ang pag iisip ko ng biglang magsalita si Sir Lake ng huminto ito sa pintuan at lingunin ako. "Bilisan mo ihahatid kita pauwi." Walang emosyong sambit ni Sir Lake. "Sir wag na po mauna na kay---." "Nakakasuka ang pagiging formal mo Salves, specially kung kitang kita naman sa expression mo na gusto mo na akong gilitan ng leeg." Half meant, half sarcastic na putol ni Sir Lake na kinagusot ng mukha ko. "Hindi ko maintindihan ang gusto niyong sabihin sir." Pag maang- maangan ko matapos kong kuhanin ang bag ko at yung dalawang log book na natapos namin ni Sir. "Pag tayong dalawa na lang stop pretending na nirerespeto mo ako kasi hindi yun ang nakikita ko.=_=" Ani ni Sir. Hindi ko alam kung bakit, kung sa iba ko narinig yun baka maoffend ako o mas isiping gusto niyang irespeto ko siya at binabantaan niya ako pero hindi ... may tumutulak saaking maging honest ako at mas lalo akong nagiging komportable. "Ayokong maalis sa trabaho pero mas lalong hindi ko feel na irespeto ka sir." Banata ko na kinatawa ni sir. "Anong nakakatawa?" Pokerface na sambit ko. "Nothing, narealize ko lang na sayo pala nagmana si Cross." Sagot ni Sir Lake habang natatawa. "What a honest freak."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD