14

1388 Words
Chapter 14 3rd Person's POV; "Hindi umuwi si Cross?" Kinakabahang ulit ni Astrid ng bumungad sakanya si Cadmus na mukhang papalabas ng bahay. "Imposible yang sinasabi mo? Saan naman pupunta ang anak ko!" Sigaw ni Astrid. "Hon kumalma ka muna baka, may ginawang project lang si Cross sa nga k-kaklase niya hahanapin natin siya." Ani ni Cadmus matapos yakapin ang dalaga na umiiyak dahil sa sobrang pag aalala. Nang gabing yun hindi nagsayang ang dalawa ng oras para hanapin ang anak at pumunta sa posibleng lugar na pwedeng puntahan ng anak. -- "Iho gabing gabi na ayos ka la---." "A-Ale p-pwede po m-makitawag." Nahihirapang sambit ng batang lalaki ng makarating siya sa isang maliit a tindahan. Malalim na ang gabi at ang tindahan na lang na yun ang nakikita niyang bukas. "Aya! Jusmiyo bata ayos ka lang ba talaga?!" Nag aalalang sigaw ng ale matapos lumabas sa tindahan ng muntikan ng matumba ang batang lalaki. "M-may k-kailangan lang po ako tawagan." Bulong ng batang lalaki hanggang sa---. "Bata!" Sigaw ng ale matapos masalo si Cross na biglang nawalan ng malay. "Ang gwapong bata? Hindi kaya artista magulang nan." "Aya wag kang maingay baka magising yung bata." Saway ng ginang sa anak na matamang pinagmamasdan ang batang lalaki. Hanggang sa kinaumagahan nagising ang batang si Cross at napaingit ng makaramdam siya ng sobrang sakit sa katawan. "Nay!gising na si pogi!" Sigaw ng dalagita ng makitang nagising na si Cross. "Iho wag ka munang---." "K-Kailangan ko t-tumawag." Nahihirapang sambit ni Cross na kinatinginan ng mag ina. "Aya kuhanin mo yung phone ko baka tatawagan niya ang magulang niya." Utos ng matanda. "Iho wag kang gumalaw mukhang hindi maganda ang lagay mo." Pag aalala ng matanda matapos makita ang pagkagusot ng mukha ni Cross. "Nay ito na yung cellphone." -- "Lake!" Sigaw ng dalagang si Sandara ng makitang alas tres pa lang ng madaling araw nakita niyang nagmamadaling umalis ito dala ang phone niya. Hindi man lang ito nag abalang magpalit dahil nakapajama at sando lang ito na pinatungan ng jacket. "Lake!" Sigaw ni Sandara ng makalabas siya ng mansyon pero huli na dahil nakasakay na ang binata sa kotse nito at pinaharurot paalis. Puno ng pag aalala at takot ang naramdaman ng binata ng may tumawag sakanya at marinig ang iyak ng batang si Cross. Napahawak ng mahigpit sa manubela ang lalaki at mas lalong pinabilisan nito ang pagpapatakbo na hindi man lang binigyan ng pansin ang mga pulis na sumusunod sakanya na agad din namang nawala dahil sa hindi na nila nagawang habulin ang sinasakyang kotse ng lalaki. "Cross!" Sigaw ni Lake ng makababa ito ng kotse matapos makarating sa exact location kung saan niya natrack ang phone na ginamit at exact address na binigay. "Inay andito na yung lalak---." Naputol ang sasabihin ng dalagita ng pumasok na lang ang binata at tiningnan ang buong paligid ng maliit na bahay. "Cross." Nanlalamig na sambit ni Lake ng makita ang batang lalaki na nakahiga sa maliit na kama. "Ikaw ba ang ama ng bata? Mas mabuti pa dalhin mo na siya sa hospital inaapoy siya ng lagnat." Nag aalalang sambit ng ginang. "Maraming salamat sa pagtulong sa pamangkin ko, pag okay na so Cross babalik kami dito." Nagmamadaling sambit ng binata bago dahan dahang binuhat ang katawan ng batang lalaki na hindi man lang inabalang lingunin ang mag ina. "Grabe ang lalaking yun sayang gwapo sana bastos lang bigla bigla na lang pumasok ng walang permiso." Komento ng dalagita. "Masyadong nag aalala ang lalaking yun sa anak niya kaya ganun." Ani ng ginang. "Nay pamangkin niya daw yun diba?" Sagot ng dalagita. "Ang tingin at pag iingat niya sa batang yun, sobra pa sa tinatawag na ama." Sagot ng ginang. -- "How is he?" Puno ng pag aalalang tanong ni Lake sa private doctor na tinawag niya para icheck si Cross. "Nagkaroon ng iba't ibang bali sa katawan ang batang lalaki kaya nagkaroon ito ng lagnat pero wag na kayong mag alala Mr.Acosta safe na siya, wag lang siya masyadong gagalaw." Ani ng doctor na kinahinga ng maluwang ng binata. "Salamat doc." Ani ng binata bago lumapit sa kama at icheck ang batang si Cross na natutulog. "Hmm." Ungol ng batang si Cross matapos magising ito. "K-Kuya Lake." Bulong ng batang si Cross ng makita ang binata sa tabi niya at nag aalalang pinagmamasdan ang batang lalaki. "Tell me anong nangyari sayo?" Tanong ni Lake na kinabago ng expression ng bata. "S-Si Daddy s-sinaktan niya ako, kuya Lake ang mommy ko." Mangiyak ngiyak na sumbong ng batang lalaki. --- "Sir Lake nasaan ang anak ko." Nag aalalang bungad ni Astrid sa binata ng makarating ito sa palasyo matapos makatanggap ng text na nasa lugar niya ang batang lalaki. "Anong karapatan mo na basta na lang kuhanin ang bata Lake?" Nagdidilim ang anyong tanong ni Cadmus na nasa likuran ng dalaga. "Kuhanin?" Walang emosyong ulit ni Lake bago humarap sa dalawa na kinatigil ni Astrid ng makita ang sobrang galit sa mata ng binata. "Ang galing mo talaga umarte Cadmus ibang klase." Ani ni Lake na kinatigil ng binata ng binata. "Ano bang nangyayari?" Tanong ni Astrid matapos tingnan si Lake na walang emosyong nakatingin kay Cadmus. "Astrid wag kang makikinig sa lalaking yan, siya si Callius." Ani ni Cadmus matapos hilahin si Astrid palayo sa binata. "A-Ano?" Hindi makapaniwalang tanong ni Astrid matapos makaramdam ng panlalamig at takot habang nakatingin kay Lake na hindi man lang nagpakita ng kahit na anong emosyon. "Salves wag kang makinig sakanya, balak nanaman niya kayo kunin saakin ... nalaman ko kina Venedict na buhay si Callius at tinago siya ni daddy para makatakas sa mga kasalanan niya." Ani ni Cadmus na kinatigil ng dalaga. Tinitigan ng dalaga ang mata ng binata hanggang sa mapatingin ito kay Lake. "Anong nangyayari dito?" Napatigil si Astrid at Cadmus ng bumaba sa hagdan ang matandang Acosta kasunod ang ilang tauhan nito. "D-Dad." Ani ni Cadmus ng makita ang binata. "Kung si Cross ang kinukuha niyo, wag na kayong umasa ... alam na namin ang totoo." Ani ng matanda na kinalaki ng mata ng dalaga. "Pina DNA namin ang bata at lumabas sa test result na isa siyang tunay na Acosta." Walang emosyong sambit ng matanda na kinaguho ng mundo ng babae. "Mr.Acosta! Nagmamakaawa ako wag niyo kuhanin si Cross!" Mangiyak ngiyak na sambit ng dalaga matapos lumuhod sa paanan ng matanda. "Astrid!wag mong gawin yan." Ani ni Cadmus matapos lapitan ang dalaga na kinatigil ni Lake. Hahakbang ang binata palapit ng hawakan siya ng matandang Acosta at bigyan ng makahulugang tingin. "Mr.Acosta! Nagmamakaawa ako wag ang anak ko." Umiiyak na sambit ng dalaga habang pilit siyang tinatayo ni Cadmus. "Salves! Tigilan mo na ito wag mong ibaba ang saril---." "Bitawan mo ako Cadmus! Ang anak ko hindi ako papayag na kuhanin nila ang anak ko." Humahagulhol na sambit ng dalaga na kinatigil ng binata. "Kukuhanin ko siya." Ani ni Cadmus bago mabilis na tumaas kahit pinipigilan na ito ng ilang tauhan. "B-Bakit m-mo ito ginagawa?*sob* hindi pa ba sapat ang pagsira mo sa buhay ko?" Umiiyak na sambit ng dalaga habang nakatingin sa binata na walang emosyong nakatingin sa dalaga. "Ang anak ko na lang ang natitira saakin ... matapos niyong gawing miserable ang buhay ko! Hindi pa ba kayo tapos!" Puno ng sakit at galit ang mga mata ng dalaga na kinabago ng expression ng binata. Hindi umimik ang binata hanggang sa tumalikod ang lalaki at naglakad papunta kung saan. "Callius! Ibalik mo ang anak ko nagmamakaawa ako!" Hahabulin ng dalaga si Lake ng harangan ito ng mga tauhan ng matanda. "Kahit anong gawin mo hindi mo makukuha si Cross." Ani ng matanda na kinatingin ng dalaga. "Anak ko si Cross may karapatan ak---." "Anong silbi ng karapatan mo bilang ina kung hindi mo kayang bigyan ng magandang buhay ang anak mo? Mapapakain at mapag aaral mo ba sa magandang eskwelahan si Cross gamit yang karapatan mo Salves?" Ma awtoridad na tanong ng matanda na kinatahimik ng dalaga. "Dumadaloy sa dugo ng batang yun ang pagiging Acosta, bata pa lang si Cross alam kong alam mo na may lamesa ng nakatayo para sakanya. Ipagkakait mo ba ang magandang buhay na hindi mo naman kayang ibigay." Mabibigat na salitang sambit ng matanda na dumurog ng sobra sa pagkatao ng dalaga. Hindi ito nakagalaw hanggang sa umalis ang m
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD