12

1626 Words
Chapter 12 3rd Person's POV; Nakatayo ang binata sa harap ng isang full size mirror habang nakatingin sa pilat na nasa kaliwang dibdib pataas sa itaas na bahagi ng balikat. "Hindi ko maintindihan Callius kung pano at bakit tayo napunta sa ganitong sitwasyon." Bulong ng binata habang inaalala ang mga nakaraang kasama pa nito ang kakambal at kung sa paanong paraan din sila unti unting nagkakasira. Flashback "Mama may kakambal ako?" Hindi makapaniwalang sambit ko ng makita ko ang litrato ng batang nasa phone ni mama. Hindi ko maiwasang matuwa lalo na ng makita kong kamukhang kamukha ko ito. "Sainyong dalawa panganay ka ng ilang minuto, kaya anak pag nagkita kayo poprotektahan mo siya okay? Wag na wag din kayo maghihiwalay." Bilin ni mama na kinatingin ko. "Mama uuwi na po ba tayo?" Natutuwang tanong ko na kinangiti ni mama. "Oo anak uuwi na ... tayo." Nakangiting sambit ni mama habang hinahaplos ng marahan ang buhok ko katulad ng palagi niyang ginagawa. "Mama promise magiging mabuti akong kapatid sa kakambal ko, katulad ng sinasabi mo palagi kami maglalaro at magkasama." Ani ko bago yakapin si mama na kinatawa ng mahina ng mama ko. Marami akong plano at ikukwento sa kakambal ko nun, marami akong gustong sanihin at gawin pero sa isang iglap nabura lahat ng yun. Yung pagmamahal at excitement na naramdaman ko sa isang iglap biglang naglaho. "Mama!" Sigaw ko habang umiiyak at nagpupumiglas ng bigla akong kuhanin ng mga black in man na akala ko susunduin kami ni mama ... kaming dalawa ni mama. "Patawarin mo ako Cadmus, patawarin mo ako!" Rinig kong sigaw ni mama ng maisara ang pinto at magwala. "Mama! Bitawan niyo ako yung mama ko!" Napuno ng galit ang puso ko para sa ama ko binago ko ang sarili ko at naging sakit sa ulo ng pamilya para ibalik na nila ako. Araw araw pumupunta si dad sa kwarto nagmamakaawa at humihingi ng isang pagkakataon ... hanggang sa naisip kong pagbigyan si dad ... pinaniwala ko silang mag sstay ako sa mansyon nagtiwala si dad at nagawa kong tumakas. Umalis ako ng mansyon labag man sa loob ko. Pero dahil na din sa kagustuhan kong makauwi nakarating ako sa dati naming bahay ... tuwang tuwa ako nun nakarating sa maliit na bahay na tinutuluyan naming mag ina. "Mama!" Sigaw ko na may excitement sa boses bago dali daling binuksan ang pinto. "Mama and---." Naputol ang sasabihin ko ng pagbukas ko ng pinto bumungad sakin ang mama ko. Nakasabit siya sa kisame at may tali sa leeg. "M-Mama." Bulong ko matapos kong mapaluhod. Kasabay ng panghihina at panlalamig unti unting tumulo ang luha ko hindi ako makapagsalita hanggang sa unti unting balutan ng galit at takot ang puso ko. Gumuho ang mundo ko at kasabay ng unti unting pagkadurog ng pagkatao ko. "Doc kamusta na ang anak ko?" rinig kong tanong ni dad habang ako ito tulala dahil hanggang ngayon nag sisink in pa din ang nangyari sa mama ko. Hanggang ngayon hindi pa din matanggap ng sistema ko ang lugar na yun ang bahay na maliit man punong puno ng masaya na memories. Napalitan ng takot at masakit na memorya para sa katulad kong bata. "Umalis kana dito!" Sigaw ni Callius habang nakatingin saakin ng masama. "Hindi ka namin kailangan dito ni daddy! Alis!" Pilit akong tinutulak ni Callius palabas ng kwarto. Yung ka isa isang taong iniisip ko na makakaintindi sakin sa nangyari sa mama namin ito, tinutulak ako palayo. "Bakit parang hindi ka ba nalulungkot sa nangyari sa mama natin? Bak---." "Manahimik ka!" Sigaw ni Callius na kinatigil ko. "Matagal ng patay ang nanay ko at wala akong kapatid." Nag gigitgit na sambit ni Callius bago ako malakas na tinulak palabas ng kwarto at pagsarhan ng pinto. "Young master!" Dun pa lang alam ko ng hindi magiging maganda ang relasyon natin ... pero inintindi kita, yung kaisa isang bagay na binilin sakin at pinangako kay mama ... pilit ko pa din na ginagawa. Nagsilbi akong anino mo hanggang sa dulo habang iniisip na bunga lang ito ng pagkakamali ng ating mga magulang pareho. End of the flashback "Sa nakikita ko ngayon hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko sa nangyayari sainyo magkapatid." Ani ng matandang lalaki na nakatayo sa pinto ng kwarto na kinaangat ng binata ng tingin habang nanatili itong nakatingin sa salamin. "Hindi naging madali ang buhay namin ng iyong ina Lake ang pagkakamali lang namin sumuko kami pareho na hindi man lang namin inisip na makakaapekto yun sainyong magkapatid." Ani ng matanda. "Nung nasa ospital ako pagkagising ko, iniisip ko nun kung buhay si mommy magagawa ba ito ni Callius kung may buo kaming pamilya ... at hindi tayo isang Acosta." Out of the blue na sambit ng binata. "Hanggang sa naisip ko wala namang mali sa pagiging Acosta at sa tinadhanang gawin yun ni mommy, walang mali sa pwesto at tayo naming dalawa ni Callius. Nagkataon lang na magkaiba ang kulay,amoy,panlasa at pandama naming dalawa sa isang bagay ... magkaibang magkaiba kami mula sa gusto at kung sa panong paraan namin yun makuha." Ani ng binata bago tingnan ang sarili sa salamin. "Masyadong maliit ang mundo para saaming dalawa ni Callius kaya kung may gusto kaming makuhang pwesto isa lang saamin ang maaring maiwang nakatayo." Bulong ni Lake na kinatigil ng ama. "Lake." Bulong ng matanda. --- "Ma'am pinatong ko po sa table niyo yung log book na---." "Eh bakit wala?! Bukas kukuhanin finance manager ang log book na yun!" Sigaw ng manager na kinapikit ng dalaga. "Andun lahat ng receipt,brand at list ng mga dineliver dito ngayong araw. God Salves ang tanga mo ... mag overtime ka ngayon at lahat ng naideliver ngayong araw icheck mo lahat at ilagay mo sa log book." Utos ng babae bago naiinis na tinalukuran si Astrid na nakayuko. "Nagmamagaling kasi." Ani ng dalagang si Angela matapos umirap sa ere at umalis kasunod ang ilan pang staffs na tatawa tawa lang. "Sigurado ka bang dito mo nilagay?" Tanong ng binatang si Lhei matapos lumapit sa dalaga. "Nilagay ko yun sa table ni ma'am sigrado ako." Nangingilid ang luhang sambit ni Astrid. ["Magoovertime ka?"] Ulit ng binatang si Cadmus galing sa kabilang linya matapos siyang tawagan ng dalaga. "Marami kasi ako kailangang tapusin, ikaw na mag explain kay Cross at pakisamahan mo muna siya kahit ngayong gabi lang." Mababa ang boses na sambit ni Astrid. ["Wag kang mag alala ako bahala, maaga ako uuwi ngayon at susunduin ko na siya galing school"] sagot ng binata na kinakinga ng maluwang ng dalaga. "Maraming salamat." Ani ng dalaga. ["Tsk responsibilidad ko din yun bilang ama kay Cross Iloveyou papacancel ko na lahat ng appointments ko ngayong araw."] Paalam ni Cadmus kay Astrid na kinangiti ng dalaga. "Iloveyoutoo ang thank you ulit Cadmus." Nakangiting sagot ng dalaga habang nakasandal sa pader na nasa ilabas ng opisina ng manager. Matapos patayin ng dalaga ang tawag nawala ang ngiti nito at nag aalalang umalis papunta kung saan nang hindi man lang napansin ang presendya ng binata na nasa itaas na bahagi ng corridor. Tahimik na pinagmamasdan ang dalaga ng puno ng sakit ang mga mata. Hindi naman sa kalayuan may isa pang lalaki na nakatingin nakatago sa madilim na sulok na bahagi ng corridor at nakatingin sa likuran ng babae. "Hindi kita type, pero pwede ng pagtiyagaan." Nakangising sambit ng lalaki bago umatras at naglakad paalis. Astrid Salves's POV; Marahan kong pinunasan ang butil butil na pawis ko na namumuo sa noo ko habang isa isang nilalabas ang mga gamit sa loob ng box. "Mahaba habang gabi ito para sakin." Ani ko matapos kong buksan ang isa pang box na naglalaman ng mga perfume. Tahimik ko lang ginagawa yun hanggang sa makarinig ako ng mga yabag sa likurang bahagi ng mga shelves. "Sino yan?" Tanong ko pagkatapos kong tumayo para tingnan kung sino mang nandun. Bukas ang ilaw ng stockroom kaya kung sino man yun alam kong makikita ko agad. Hahakbang ako para silipin kung sino mang nandun ng---. "Salves." Napalingon ako sa pintuan ng bumukas yun at---. "S-Sir Lake b-bakit pa kayo nandito?" Tanong ko ng makita kong nakapamulsahang lumapit si sir Lake at nakatingin kung saan. "Dapat ako nagtatanong nan tapos na ang duty mo dito diba?" Ani ni Sir. Lake na kinagat labi ko. "Kailangan ko kasi tapusin yung pinagagawa ni Manager kaya it---." "Umuwi kana gabi na." Putol ni Sir.Lake na kinangiwi ko. "Hindi po pwede kailangan kong ilist ang---." "President ako ng mall na ito ... ako ang may ari at inuutusan kita na umuwi." May inis na sambit ni Sir.Lake na kinapokerface ko. "Bilang empleyado ng MALL NA ITO, Sir kailangan kong magtrabaho." Sagot ko bago umupo ulit at kuhanin ang log book na nabitawan ko kani-kanina lang ng agawin yun ni Sir na kinatingin ko. "Sinabi ko ng umuwi ka diba?" May diing sambit ni Sir.Lake na kinagusot ng mukha ko. Aagawin ko ang log book ng itaas niya yun dahil kapre siya at maliit ako hindi man lang umabot ang kamay ko sa log book. "Akin na kasi yan Sir.Lake kailangan ko ito tapusin, magagalit ang mga nasa finance department once na kulang ang naipasa naming list ng mga product na naideliver ngayong week." Ani ko habang inaabot yun ng---. "Bakit hindi ka maghanap ng ibang trabaho? Tapos ka ng business management bakit nag apply kang sales lady kung sa C-lite ka pa nagtapo---." "Sir hindi naman siguro required na sagutin ko ang tanong niyo bilang isa lang sa empleyado." Putol ko na kinatahimik ni Sir Lake. Ilang minuto kami nagkatitigan hanggang sa ibaba niya yunh log book kaya mabilis ko yung kinuha at tumalikod. "Masyado ng malalim ang gabi sir, mas mabuting umuwi na po kayo." Ani ko bago umupo at pinagpatuloy ang ginagawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD