15

1640 Words
Chapter 15 3rd Person's POV; "Mommy." Tumutulo ang ang luhang sambit ng batang lalaki habang nakatayo sa veranda at nakatingin sa inang naglalakad palabas ng gate kasunod si Cadmus na inaalalayan ang dalaga. "Cross." Ani ni Lake ng makita ang batang lalaki na umiiyak na agad namang pinahid ang luha at tumingin kay Lake na nakatayo sa pintuan. "H-Hindi dapat ako umiyak ... kailangan ko itong gawin para sa mommy ko." Ani ng batang lalaki hindi umimik si Lake hanggang sa maglakad ito palapit sa batang nakayuko. "Pinapangako ko Cross walang mangyayaring masama sa mommy mo at magkakasama din kayong dalawa." Bulong ni Lake matapos lumuhod sa harap ng batang lalaki at guluhin ang buhok ni Cross. "Magiging maayos din ang lahat." --- "Yun pala ang nangyari." Ani ng dalaga habang nakaupo sa mahabang upuan katabi ang binatang si Lake na wala sa sariling nakatingin sa mga batang naglalaro sa labas ng kumbento. "Lake nagsisimula pa lang ang laban niyo ni Callius wag mong sabihing pinanghihinaan ka nanaman ng loob dahil lang sa naiipit si Astrid at Cross." Ani ng dalaga na kinasabunot ng binata sa sarili. "Tuwing nakikita ko ang pagdudusa ni Cross at pagmamakaawa ni Astrid, Cyan parang gusto ko nanaman maglaho tangna." Frustrated na sagot ni Lake na kinabuga ng hangin ng dalaga. "Lake hindi deserve ni Astrid ang kasinungalingan na ginagawa ni Callius, buong buhay mo naging anino ka ng kakambal mo dahil natatakot kang may masaktan at marami kang pinoprotektahan. Pero Lake si Astrid kailangan ka niya ngayon ... minsan ng ginawang misirable ang buhay ni Astrid wag mo ng hayaang maulit yun sa kamay ng kakambal mo. Masasalo mo ang kasalanan ng kapatid mo pero yung babaeng mahal mo Lake hindi ... patuloy siyang maiipit at masasaktan pag hindi ka pa kumilos." Ani ni Cyan na kinatigil ng binata. "Hindi sa lahat ng pagkakataon ang pagiging anino mo ang makakapag protekta sa mga taong pinahahalagahan mo, sabihin na natin na si Callius ang successior ng Acosta ... hawak niya ang pangalan at magiging kinabukasan ng mga taong nasa paligid mo. Pero Lake isa ka ding Acosta may sarili kang buhay at mukha kaya mo din kumuha ng sarili mong liwanag katulad ng kakambal mo. Kaya mo silang protektahan pero hindi ko maintindihan bakit hindi mo ginawa." Dagdag ng dalaga. "Kung ano mang dahilan mo sana isipin mo ang kaisa isang taong kasalukuyang pinaglalaruan ng kakambal mo. Hindi mo man sabihin kitang kita ko na mahal mo ang babaeng yun." Bulong ni Cyan na kinagat labi ng binata. "Gawin mo na ang tama Lake, bawiin mo ang pagkataong inagaw nanaman sayo ng kakambal mo." Ani ni Cyan matapos titigan ang binata. --- "Young master Cross!" Napakunot ang noo binata ng pag apak na pag apak niya sa bukan ng mansyon nakita niyang nagkakagulo ang mga katulong kasama ang ilang gwardya. "Ayun siya!" Napapokerface ang binata ng makita ang batang lalaki na nakikipaghabulan sa mga katulong. "Young master kailangan niyong maligo!" Sigaw ng ilang katulong habang pilit na hinuhuli ang batang lalaki na lumusot sa pagitan ng paa ng isa sa mga gwardya dahilan para magkatumba tumba ang mga katulong na humahabol sa bata. "I can do it by myself!" Inis na sambit ng batang lalaki habang nakatingin sa mga katulong na nakadapa na ngayon sa carpet. "Young master trabaho namin yun kaya kailangan mong sumama saamin sa bathroom." Pagmamakaawa ng isa sa mga katulong. "Ganyan na ganyan ka din nung bata ka naalala mo ba?" Ani ng matanda na kinatingin ni Lake ng makita ang ama na pumasok na din sa palasyo kasunod ang ilang tauhan. "Nakakapanibago matagal na din ang panahon ang lumipas since ng huling nagkaingay ng ganito ang palasyo." May ngiti sa labi na komento ng matanda. "Kung tinutukoy mo dad yung mga gamit na nagkakabagsakan, hindi nakakatuwa." Banat ng binata na kinatawa ng ama nito. "Cross." Tawag ni Lake sa batang lalaki na kinatingin nito sa binata. Nanlaki naman ang mga mata ng katulong at ilang gwardya ng makita ang dalawang Acosta bago mabilis na humanay at yumuko. "Kuya Lake im not a freaking kid anymore para hindi makayang maligo mag isa." Bungad ng batang lalaki na kasalukuyang gusot ang mukha na lumapit sa dalawang Acosta. "Lower dow your voice kiddo, they just doing their job." Sagot ng binata. Habang nag uusap ang dalawa hindi maiwasang mapangiti ng matandang Acosta. "I just wondering what kind of father he is in future." Bulong ng matanda habang nakatingin kay Lake na pinapangaralan si Cross. "When his succesor is badass like him." Ani ng matanda matapos tingnan si Cross na nakapokerface na nakatingin kay Lake. -- "Checkmate." Nakangising sambit ng isa sa dalawang binata na kasalukuyang pinagigitnaan ang isang chessboard. "Boring." Pokerface na sambit ng lalaking ngayon ay tinabig ang chessboard dahilan para magkalat ang mga laman nito sa sahig. "Same score again arghh!" Inis na sambit ng binata matapos ibagsak nito ang katawan sa kama. "Naboboring ako Ty ano ng sunod na hakbang natin?" Tanong ng binata sa lalaking inaayos ang suot nitong eye glasses. "Masyado kang nagmanadali hayaan muna natin mag init ang laban bago ulit tayo kumilos." Bored na sambit ng lalaki na kinatingin ng binata. "Hindi na ako makapag antay sa mga mangyayari." Puno ng excitement na sambit ng binata matapos itaas ang nadampot nitong magazine. "Sa tingin mo Ty talaga bang makakain ng anino ang liwanag o ang liwanag mismo ang kakainin ng buo sa anino ... baka naman pareho silang maglalaho ... sa tingin mo Ty?" Ani ng binata bago umupo na parang bata at tingnan ang lalaki. "Kung ako ang tatanungin mo." Ani ng lalaki bago ngumisi. "Pareho ko silang gusto maglaho ... pero dahil sa wala namang kwenta ang larong ito kung wala ang dalawang Acosta, wag na lang siguro." Sagot ng binata na kinangiti ng malapad ng lalaking nakaupo sa kama. Astrid Salves's POV; "Cadmus gusto ko mapag isa." Ani ko kay Cadmus ng subukan ako nito kausapin. "Hon pangako ibabalik ko dito si Cross." Ani ni Cadmus na kinatulo ng luha ko. "Astrid." Bulong ni Cadmus matapos siya lumuhod sa harap ko at punasan ang pisngi ko. "Hindi ako papayag na makuha ng mga Acosta ang anak natin, kukuhanin ko siya." Ani ni Cadmus matapos ako yakapin. Hindi ko maiwasang maiyak ng maalala ko ang mga sinabi sakin ng matandang Acosta. Pero kahit anong isipin ko ako pa din ang ina ni Cross may karapatan ako pero tuwing iniisip ko ang future ni Cross kasama ako napaghihinaan ako ng loob. Kasi kahit anong gawin ko bihisan ko man siya ng basahan, isama ko man siya sa mga bata sa lansangan. Kahit anong paniniwala ko sa sarili ko ... hindi karapat dapat sa ganitong lugar ang isang Cross Acosta. "B-Bakit ganito Cadmus?*sob* gusto ko lang naman ng simpleng buhay at pamilya bakit parang ang hirap- hirap nun makuha." Mangiyak ngiyak na sambit ko. "Buong buhay ko naging miserable ako at tanging kay Cross na lang ako kumukuha ng lakas bakit pati siya kukuhanin saakin?" Dagdag ko. "Hon listen to me." Ani ni Cadmus matapos hawakan ang dalawang pisngi ko at punasan yun gamit ang mga palad niya. "Walang kinuha si daddy sayo Astrid dahil kukuhanin ko ang anak natin hindi siya mawawala." Ani ni Cadmus at ngumiti. "Lahat ng bagay gagawin ko para sayo at kay Cross. Pag nakuha ko si Cross aalis tayo ng bansa malayo kina daddy." Dagdag ni Cadmus na kinalaki ng mata ko. "A-Anong gagawin mo?" Tanong ko. "Sasama ka ba sakin?" Tanong ni Cadmus matapos hawakan ang kamay ko. "Kasama si Cross magsisimula ulit tayo sa lugar na hindi tayo makikita nina papa." Ani ni Cadmus na kinagat labi ko. "Astrid." Tawag ni Cadmus na kinapikit ko ng madiin. "S-Sige Cadmus sasama ako ... k-kasama si Cross." Sagot ko na kinatuwa ni Cadmus bago ako niyakap. "Great Astrid sisiguraduhin kong hindi ka mag sisisi." Ani ni Cadmus matapos ko siyang dahan-dahan yakapin pabalik. Sabi ng kutob ko bawiin ko at wag ako pumayag pero sabi ng isip ko gawin ko para kay Cross at sa pamilya namin. Napatigil ako ng pumasok sa isip ko ang mga mata ni Lake dahilan para manlamig ako tumigil ang pag function ng utak ko. Mula sa pagtingin at mga mata napakafamiliar ng nakikita kong kulay at pagtingin niya pero bakit---. 'Siya si Callius.' Napapikit ako ng madiin ng may isa pang pumasok sa isip ko, bagay na hindi ko dapat isipin at makakagulo sa buhay ko. "Cadmus." 3rd Person's POV; "May dalawang delivery truck ang dadating ngayong araw kaya ayusin niyo ang pagcheck niyo sa mga kahon." Bilin ng manager ng departments habang nakatingin sa mga tauhan. Madami pang sinabi ang manager pero ni isa dun walang narinig ang dalaga dahil sa masyado nanaman itong occupied. "President." Napayuko ang ilang staffs habang naglalakad ang binata kasunod ang ilang tauhan nito ng mapunta sila sa productions. "P-President bakit po kayo n-nandi---." "Pumasok ba si Salves?" Walang buhay na putol ng binata sa manager na kinakunot ng noo ng ginang bago yumuko. "Salves." Nag gigitgit na bulong ng dalaga habang nakatingin sa binatang kausap ang manager. "Girl mukhang naunahan kana ng nerd na yun." Bulong ng babaeng katabi ng dalaga na parang nang aasar pa. "Naunahan? Who's care ... hindi ganung babae ang type ni Sir Lake." May pagmamataas na sambit ng babae. "Ay girl bongga, sa mga staff siguro dito sa mall type ka pero si sir ni hindi ka nga nun nililingon kahit halos maghubad kana sa harapan niya." Humahahikhik na sambit ng kaibigan nito na kinalingon ng dalaga. "Kaibigan ba talaga kita? Gusto mo hindi makakain ng lunch." Asar na sambit ng dalaga. "Ay ito naman joke lang eh, ano ba kasing plano mo hindi na pwedeng puro pacute ka lang kailangan ko din kumilos noh." Panunulsol ng dalaga na kinatahimik ng babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD