18

1949 Words
Chapter 18 3rd Person's POV; "Lake." Ani ng dalaga matapos hawakan ang kamay ni Lake na nakahawak sa hem ng suot nitong uniform. Binitawan yun ng binata pero hindi bumangon si Astrid at nakatingin lang itong kinapa ang itaas ng study table kahit malabo ang paningin nito at hindi maaninag ang binata. "Salve---." Naputol ang sasabihin ng binata ng matapos suutin ni Salves ang salamin niya hinila nito ang kwelyo ni Lake at siniil ng halik. "N-Ngayon h-hindi na ako lasing at- at nakikita na kita ng mas malinaw." Bulong ni Astrid na kinataas ng gilid ng labi ni Lake matapos siilin ulit ng halik ang babae at tabigin ang lampshade na nasa itaas ng table at mamatay. --- "Hon." Tawag ni Cadmus ng makapasok ito sa apartment na tinutuluyan ng dalaga. Hahalikan nito ang babae sa pisngi ng umiwas ito at tumalikod. "Kumain na tayo Cadmus." Walang buhay na sambit ni Astrid matapos pumasok sa kusina. "May problema ba tayo?" Tanong ni Cadmus matapos sundan ang babae na kumukuha ng plato. "Baka ikaw meron?" Balik na tanong ni Astrid matapos ilagay ang plato sa lamesa at lampasan si Cadmus. "Hon ano bang sinasabi mo? May problema ba tayo? May sinabi nanaman ba sayo si Callius?" Naiinis na sambit ni Cadmus na kinahawak ng dalaga ng mahigpit sa gilid ng lamesa. "At ano namang sasabihin ni Callius sakin bukod sa sinasabi niya nanamang siya si Cadmus." May galit sa mata ng dalaga na kinaputla ng todo ng binata. "Astrid makinig ka saakin kung ano mang sinabi niya hindi yun totoo, ilang beses niya na din tayo niloko." Ani ni Cadmus matapos hawakan ang braso ng dalaga. "Niloko?" Ulit ng dalaga bago umalis sa harapan ng binata at lumapit sa drawer nito. "Astrid let me explain hind---." Naputol ang sasabihin ni Cadmus ng lumapit ang dalaga at binato sa dibdib niya ang ilang litrato. "Yan ba ang tinatawag mong isa lang sa mga guardian ng pamilya niyo? Guardian sa kama?" Hindi makapaniwalang sambit ni Astrid na kinalaki ng mata ng binata matapos makita ang litrato niya kasama si Sandara. May picture na pumasok sa hotel pati ang paghahalikan nito sa labas ng kotse. "Salves hindi totoo lahat ng ito, hindi ko ito magagawa maaring edited ito." Depensa ni Cadmus natapos punitin ang mga litrato at lalapitan nito si Astrid ng umastras ito at tingnan ng masama si Cadmus. "Pinacheck ko yan kay Alvis at lahat yan totoo Cadmus." Walang emosyong sambit ng dalaga. "Astrid hind---." "Ano nanamang kasinungalingang sasabihin mo Cadmus?" Naiiyak na sambit ng babae bago tumalikod at naglakad palabas ng apartment. "Astrid!" Habol ni Cadmus matapos yakapin si Astrid sa likuran. "Nagmamakaawa ako Astrid makinig ka saakin, mahal pa din kita hindi ko kayang mawala ka please Astrid makinig ka saakin." Nanginginig at takot na takot na sambit ni Cadmus matapos iharap si Astrid na umiiyak. "H-Hon stop crying h-hindi na mauulit wag mo ako iiwan." Nanlalamig na sambit ni Cadmus bago yakapin ang kasintahan ng mahigpit. "Hon hindi ko kayang mawala ka wag mo ako iiwan." Ani ni Cadmus na kinabago ng expression ng dalaga. --- "Mukhang maganda mood natin ngayon anong meron?" Natatawang tanong ni Dale ng makapasok ito sa opisina ng binata na may mga dalang documents. "Sinasabi mo?" Painosenteng tanong ni Lake na kinangisi ng binata. "Hindi ka nakangiti pero yang aura at mata mo nagbago? So? Anong nangyari?" Tanong ng binata matapos ibaba ang mga documents na dala. "Napakachismoso mo gago wala kana dun." Sagot ng binata na kinatawa ng lalaki. "Anyway yung mga alaga mo pinapunta ko na sa address na binigay mo sigurado ka bang safe sila dun?" Tanong ni Dale. "Hindi ko sila papapuntahin dun kung hindi sila magiging safe, besides pumayag naman sila sa plano ko wala na dapat tayong alalahanin sakanila." Sagot ni Lake habang tinitingnan ang mga documents na nilapag ng binata. "Ano ito Sikat?" Nakakunot ang noong tanong ni Lake ng mabasa ang mga nilapag ng binata. "Lahat ng ginawang katarantaduhang ginawa ng kakambal mo this past fewyears gamit ang pangalan mo." Kibit balikat na sagot ni Dale na kinamura ng binata. "Paano nasangkot si Callius sa Blackmarket?" Hindi makapaniwalang tanong ni Lake. "Yung totoo Acosta may hindi ba kayang gawin ang kakambal mo sa mga taong nakaharang sa daan niya?" Balik na tanong ni Dale. "Kontakin mo si Revere kailangan ko siya makausap mamaya." Utos ni Lake bago tumayo at dinial ang phone niya. ["Trinity Zaffiro's Spea---."] "Kailangan kita dito Trinity." Putol ni Lake sa dalagang nasa kabilang linya. ["What the heck Acosta nasa Mongoli---."] Hindi na narinig ni Lake ang sasabihin ng dalaga matapos nito p*****n ng tawa at nagdidilim ang anyong tiningnan si Dale na winawagay way ang phone niya "Natawagan ko na, inform ko na din ba si Tito?" Tanong ni Dale. "Hindi na muna." Sagot ni Lake habang hinihilot ang sintido nito. "Don't tell me balak mo mangialam sa ginagawa ng kakambal kong daig pa ang hunyango kung magpalit ng anyo." Kunot ang noong tanong ni Dale. "May sakit si Callius at kakambal ko pa din siya hindi ko siya pwedeng pabayaan." Sagot ni Lake na kinabuga ng hangin ni Dale. "Masahol pa sa hayop ang kakambal mo pero nagagawa mo pa din siyang intindihin ibang klase." Ani ng binatang si Dale bago tumalikod at naglakad palabas ng pinto. "He was my brother and other half at kahit pag balik baliktarin ko man ang mundo kakambal ko pa din siya." Bulong ni Lake. "Sana ganyan din ang naiisip ng kakambal mo matapos lahat ng ginawa niya sayo." Sagot ni Dale bago buksan ang pinto at lumabas. --- "Padami yata ng padami yang iniinom mong gamot Callius." Komento ni Marco ng makapasok ito sa kwarto kung nasaan ang lalaki na may hawak na lalagyan. "Wag mo ako pakialaman Sanchez." Walang emosyong sagot ng binata habang kinakalog kalog ang lalagyan at nakatingin sa kawalan. "Yung pinagagawa ko nagawa niyo na?" Tanong ng binata matapos tapunan ng tingin ang mga lalaking pumasok. "Nasa bag na yan lahat ng pinakukuha mo ... para saan ba yan?" Tanong ni Wallace. "Hindi mo naman siguro gagamitin yan diba?" Ani ni Allen na kinaismid ng binata. "Kung saan ko man gagamitin yan wala na kayong pakialam." Walang buhay na sagot ng binata bago tumayo at hilahin yun sa pagkakahawak ni Allen ng hindi yun bitawan ng binata. "Callius kung ano mang binabalak mo mas mabuting itigil mo na, nakaligtas ka ngayon dahil---." Napatigil si Angelo pagsasalita ng tutukan sila ng binata ng baril na kinaatras ng mga lalaki. "Wag niyo ako pakialaman dahil pag nangialam kayo baka makalimutan kong minsan na naging magkakaibigan tayo." Walang buhay na sambit ng binata matapos icheck ang baril na yun at ireload. "Wag kayong mag alala for my safety purposses ko lang ito incase bigla na lang akong sugudin ng may sa pusa kong kakambal." Dagdag ng lalaki na kinahinga ng maluwang ng ilan sa mga binata. Astrid Salves's POV; "Yan yung box na pinakukuha ni Angela." Ani ng staff na pinagbilinan ni Ms.Ursua ng box bago ituro yung kahon na nasa gilid ng counter. "Sige kukunin ko na." Sagot ko bago ngumiti at naglakad palapit dun. Nang mahakawak ko yun napatigil ako ng medyo mahirapan akong iangat dahil may kabigatan. "Ms kaya mo ba gusto mo magpataw---." "A-Ano ayos l-lang kaya ko." Putol ko bago ngumiti ng alanganin at maglakad palabas kahit medyo hirap ako ayusin ang pagkakahawak dun. Peste talagang pinahihirapan ako ng babaeng yun madami namang staffs sa production ako lagi ang inuutusan kumuha ng kung ano ano dito sa itaas dahil lang wala si manager. Nang makita ko yung escalator naglakad na ako palapit dun at ihahakbang ko na ang paa ko ng---. "Ahhh!" Tili ko at susubsob ako pababa ng may humawak sa bewang ko at masalo yung kahon ng kung sino mang tao ang nasa harap ko. "Tangna ang bigat nito bakit babae nagbubuhat." Nanlaki ang mata ko ng may gwapong lalaki na mukhang nasa 20s lang ang sumalo ng kahon at yung lalaking humawak sa bewang ko ay s---. "S-Sir Lake." Bulong ko ng paglingon ko nakita ko si Sir.Lake na nakapokerface na nakatingin sakin. "Hindi maganda umislide sa escalator." Out of the blue na sambit ni Lake na kinagusot ng mukha ko lalo na ng may ilang lalaki na umubo sa likuran ng pesteng nasa harapan ko. =_= Nasaan ang camera? Mukhang rarampa ang limang ito sa mall eh. Kung kagwapuhan ang usapan may panlaban ang apat na lalaki pero mukhang mga highschool or colleges pa lang ang mga ito dahil mukhang mga bata pa. "Wag mo akong pestehin ngayon gangster naiirita ako sa feeling manager namin sa baba." Naiinis na bulong ko na kinataas ng gilid ng labi niya. "May ari ng mall ang future husband mo, gusto mo tanggal---." "Tss may ari pala ng mall ang kaharap ko akala ko gwardya wagas makaronda. Ako ang bahala sa babaeng yun wag kang mangialam." Putol ko kahit mukha kaming tanga nagbubulungan dito at pinagtitinginan. Mukha namang hindi siya nainis sa pambabara ko dahil mas mukha pa itong na amused sa sinabi ko.=_= Akala niya ba napatawad ko na siya sa pagsisinungaling niya saakin? 'Siya ba yung girl na kinukwento ni kuya Lake?' 'Ganda niya kahit may pagkamanang.' Napatingin ako sa dalawang lalaki na nasa likuran ni Lake ng marinig ko magsalita ang mga ito. "Kuya Lake baka gusto mo kami ipakilala sakanya bilis bilis." Ani ng isa sa mga cutie. Oo cutie sa apat na kasama ni Lake ito lang dalawa yung masasabi kong nasa pagitan ng gwapo at cute napaka cheerfull kasi ng appearance ng dalawang ito kumapara sa dalawang kasama pa nito. "Mamaya na nakaduty pa kayo." Sagot ni Lake na kinangiti ko sa dalawa ng sabay bumagsak ang balikat ng mga ito at parang batang umismid kay Lake. "Meet na lang tayo mamaya sa lunch break cuties nakaduty pa ako and im sure umuusok na ilong ng feeling manager ko sa baba." Ani ko na kinakinang ng mata ng dalawang lalaki. "Hihi ilike her na." Kumikinang ang mata ng isa sa dalawang lalaki at lalapitan ako ng mga ito ng hawakan ni Lake ang kwelyo ng suot na longsleeve ng dalawang bata at hilahin yun paatras. "Kuya naman eh." "Salves, ikaw na mag assist kay Fort sa department niyo siya." Ani ni Lake na kinatingin ko sa lalaking may hawak na box. "Waah kuya madaya sasana ako kay kuya For---." "No sumunod kayong dalawa sakin." Putol ni Lake bago ako binigyan ng second glance at umalis kasunod yung isa pang lalaki. "Base sa attitude at tayo mo mukhang hindi ka naman mas mukhang empleyado." Ani ko na kinatigil niya ng makasakay kami ng Escalator. "Parang nakita na kita somewhere hindi ko lang maalala kung saan." Ani ni Fort na kinatingin ko. "Nagkaroon kayo ng concert minsan dito sa pinas ... then nagkataaong nag apply ako sa studio kung saan kayo temporary na nagstay. Ikaw yata yung nakabanggaan ko nun o yung isa pang matangkad na lalaki na kasama ni Lake." Ani ko na kinalaki ng mata ng lalaking kasama ko. "P-Paanong t-teka may---." "Bakit ka namumutla?" Tanong ko ng may pag aalala ng mawalan ng kulay ang mukha ni Fort. "Halata pa din ba sa tyura namin na member pa din kami ng Hidden Genesis?" Nag aalalang tanong nung lalaki na kinakamot ko sa pisngi. "Hindi, nagbago na kasi yung harstyle niyo at mukhang gumamit na din kayo ng contact lense." Sagot ko. "Pano mo ako nakilala?" Tanong nung lalaki na kinibit balikat ko. "Kasama niyo kasi si Lake at minsan nabanggit ni Lake yung about sainyo." Sagot ko na kinahinga ng maluwang ni Fort. "Pasensya na ano natakot yata kita."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD