19

1245 Words
Chapter 19 3rd Person's POV; "Sabi ko dalhin mo dito yung kahon diba?" Nakataas ang kilay na tanong ng babaeng nangangalang Angela Ursua kay Astrid. "Nasa---." *blaag* Napatigil ang apat ba babae ng may gwapong lalaki ang lumapit sakanila at binagsak ang kahon. 'Gossh ang gwapo girl.' "Tinulungan niya ako Ms. Ursua, bago din siya production at--." "Ako na mag aassist sakanya." Pagpiprisinta ng isa sa mga kasamahang babae. "Pinaassist ako ni Mr.President kay Ms.Salves kaya salamat na lang." Tanggi ng binata bago tingnan si Astrid na umiwas ng tingin ng masama siyang tiningnan ng mga babae. -- "Dapat hindi kana tumanggi ... wala pa akong isang buwan sa production na ito at alam kong mas matutulungan ka nila." Ani ni Astrid matapos nila mag ikot ikot sa buong mall. "Hindi ako ako komportable sakanila." Sagot ng binata. "Saan ka ba iniassign ni Lake?" Tanong ng dalaga. "Maintenance,pero sa theatre room ako."sagot ng binata. "Wala ako gaanong alam sa theare pero tara magtatanong tayo." Ani ng dalaga bago hilahin si Fort papunta kung saan. "Maintenance? Ow dun kayo kay Manong Bernard magtanong siya nag aassist sa mga baguhan." Ani ng lalaki na pinagtanungan nina Astrid matapos ituro ang matandang nag aayos ng pinaka stage ng theatre. Lumapit dun si Fort pero si Astrid naiwan habang nililibot ang paningin sa paligid. Hanggang sa mapako ang tingin niya sa isang bahagi ng theatre may bulto dun ng tao na nakatayo. Nakatingin ito sa babae kaya dahan dahan siyang naglakad palapit sa lugar hanggang sa makakita siya ng isang rebulto na akala niya tao. "Teka bakit andito ang wrist watch ni Lake." Bulong ng dalaga matapos niyang makalapit. Tumingkayad ito ng subukan nitong abutin ang relo hanggang sa maitulak niya ang bato at---. "Aaaah!" Tili ng dalaga ng matumba yung bato at mawasak ang sahig pero bago pa siya mahulog kasama ang bato may taong humila sakanya pabalik na kinalamig ng dalaga. Nagkagulo ang mga maintenance na nasa loob ng theatre ng makita ang butas sa sahig. "Anong ginagawa mo?" Nakakunot ang noong tanong ni Fort habang hawak ang babaeng nanlalamig dahil sa takot lalo na ng makita ang taas na babagsakan niya. "Yung relo ni Lake nasa batong yun." Ani ni Astrid na kinakunot noo ng binata. "Kukuhanin ko mamaya bumalik kana sa factory." Utos ni Fort matapos tingnan ang butas. --- "Iniisip ng staffs na marupok lang ang kahoy kaya nabutas pero hindi ako naniniwala." Ani ng binatang si Regulus matapos makausap si Lake. "What do you mean?" Tanong ni Lake bago inangat ang tingin nito sa binata. "Sayo ba ito?" Tanong ni Regulus matapos ibaba ang wrist watch na hawak nito. Nang ibaba yun ni Regulus chineck ni Lake ang wristwatch na suot at nakitang parehong pareho. "Walang stock nan dito sa pilipinas at sa U.K lang yan mabibili diba? Nakita yan ni Salves na nakasabit kaya akala niya sayo." Dagdag ng binata. "So? Sinasabi mo sinadya ang nangyari? Sino naman magtatangka sa buhay ni Salves?" Nakakunot ang noong tanong ni Lake. "Chineck ko na ang CCTV, mukhang binura na yung footage." Sabat ng binatang si Nyro matapos buksan ang pinto at lumapit sa dalawa. "Nasaan sina Worth at Tori?" Tanong ni Lake. -- "Nooo! This is a fish." "Seafood nga look." Napakurap si Astrid at natawa ng makita ang dalawang binatilyo na nag aaway habang nakatingin sa apat na pusit na inorder niya para sa lunch nilang tatlo. "Inihaw na pusit ang tawag diyan, filipino dish kaya kumain na kayo wag na kayo mag away." Naaliw na sabat ng dalaga sa dalawamg binata. Kasalukuyan silang nasa foodcourt ng mall matapos siyang sunduin ng dalawa sa production ng lunch break na ng mga staffs. Mapacostumer or staffs napapatingin sa table nila dahil sa dalawang gwapong binata na kasama niya. Hindi niya maiwasang mag alala at mapabuntong hininga ng masiguradong marami nanamang maiinggit o maasar sakanya. "Gusto ko pa ng pusit." Kumikinang ang matang request ni Tori na kinakurap ng dalaga ng maubos ng dalawa yung inihaw na pusit. "Teka naubos---." Naputol ang sasabihin ng dalaga ng may maglapag ng 3thousand sa lamesa nila na kinatingin ng dalaga. "Reg-- Fort!" "Sa susunod na pupunta kayo dito dapat may pera kayo." Ani ng binata bago bahagyang yumuko kay Astrid. "Pasensya na sa dalawang pasaway na yun." Ani ni Fort ng tumakbo na yung dalawa paalis para bumili sa stall kung saan may nagtitinda ng inihaw na pusit. "Hindi ayos lang, ang cute nga nila." Sagot ng dalaga bago ngumiti at tingnan yung dalawang lalaki. "Pinapupunta ka nga pala ni Acosta sa opisina niya may sasabihin daw siya sayo." Out of the blue na sambit ni Regulus na kinatingin ng dalaga. "Pinapupunta ako?" -- "Hanggang kailan mo ito gagawin Callius? Hihintayin mo bang mawala sayo lahat bago ka tumigil?" Ani ng matanda ng makita si Cadmus sa opisina niya. "Don't tell me dad naniniwala ka sa Lake na yun?=_=" may inis na sambit ng binata. "Maloloko mo ang lahat Callius pero hindi ako, dugo ko kayo at laman Callius at kahit nakapikit makikilala ko sainyo kung sino si Cadmus." Ani ng matanda. "Sa simula pa lang alam ko na ang lahat ng ginagawa mo Callius ang masama lang dito kinunsinti kita kasi sayo ko nakikita ang tunay na succesor ng mga Acosta sinantabi ko ang kakambal mo at hinayaan ko siyang saluhin lahat ng kasalanan mo." Walang buhay na sambit ng matanda na kinayukom ng kamao ng binata. "Kinukumpara mo ba ako sakanya daddy? Baka nakakalimutan mo kung sino ang naghihirap ngayon para manatili sa itaas ang mga Acosta." Nagdidilim ang anyong sambit ng binata. "Callius hindi ko maintindihan bakit kailangan mong patayin si Cadmus, Callius forpetes sake kakambal mo si Cadmus at kahit ano pang dahilan yan kailangan niyo ba talagang magpatayin magkapatid dahil lang sa iisang babae?" Ani ng matanda na mas kinadilim ng anyo ng lalaki. "Kailan ka pa nagkaroon ng concern saamin dad? Kung sana noon mo pa yan ginawa baka sakaling hindi kami ganito ngayon ni Cadmus." May galit sa boses na sambit ng binata na kinatigil ng matanda. "Callius." Ani ng matanda na kinatawa ng lalaki ng pagak at naglakad palapit sa mesa na nasa loob ng opisina at dinampot ang isang picture frame. "Hindi lang ako ang bulak sa katotohanan dito dad pati na din kayo, actually hindi naman ako galit kay Cadmus naappreciate ko lahat ng kagaguhang ginagawa niya para protektahan ako ... kahit na ang totoo pinoprotektahan niya lang ako para mapanitili ang magandang imahe ng mga Acosta." Walang buhay na sambit ng lalaki na kinapako sa kinatatayuan ng matanda. "Hindi ako masamang tao dad at kung ano man ako ngayon ... dahil yun sa inyo at sa tanginang pamilya na ito." Nanggagalaiting sambit ng binata. "Hindi niyo alam ang pakiramdam na pilit kong hinuhulma ang sarili ko bilang perpektong tao para sa expectation ng lahat ng taong nasa paligid ko." "Wala akong pinagsisihan sa lahat ng ginawa ko pero kung may bagay man akong pinagsisihan yun ay ang pinanganak akong isang Acosta. Nagkaroon ng ama na walang mas pinahahalagahan bukod sa pera at isang ina na mas piniling tumakas para sa pansariling kapakanan niya." Ani ng binata habang hawak ng mahigpit ang isang picture frame kaisa-isang litrato na magkakasama sila. "Kaya wag na wag niyo ako susumbatan sa mga bagay na hindi ko ginusto, dahil kung naligaw man ako ngayon dahil na din yun sainyo." Dagdag ng binata bago itaob ang picture frame at naglakad palabas ng opisina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD