17

1301 Words
Chapter 17 3rd Person's POV; "Anong oras ang meeting mamaya?" Tanong ni Lake sa tumatayong director ng mall. "3pm to be exact President ang meeting niyo mamaya sa mga shareholders." Sagot ng matandang kasalukuyang nakasunod sa binata. "May 2hours na vancant time pa pala ako." Ani ng binata bago harapin ang mga staff na nakasunod sakanya. "Bumalik na kayo kung saan kayo naka assign gusto ko mapag isa." Ani ng binata na kinayuko ng mga nakasunod sa lalaki bago walang imik na umalis. 'Si President.' Nagkanya kanyang yuko ang ilang staffs ng makita ang binata habang ang ilang costumer naman ay napapatitig na lang sa lalaki at kumukuha ng pictures. --- 'Gosh girl alam mo ba since ng maging president natin si president Lake dumami na ang tao sa mall gosh.' 'Balita ko pa nga bigla daw tumaas ang ratings ng products na naibebenta natin ngayong buwan kyaah.' 'Tapos alam mo ba yung mga former members ng Hidden Genesis! Gosh andito silang lahat kahapon.' Hindi na lang umimik ang dalaga sa mga naririnig na usapan lalo na at may tao siyang inaabangan. "Girl ano ginagawa mo dito?" Tanong ni Cath ng makita ang babae. "Pumasok ba si Sir Lake ngayon?" Tanong ng dalaga. "Oo girl actually kararating niya lan--- sissy!" Tawag ni Cath ng lampasan siya ni Astrid at maglakad ito paalis. Papunta sa lugar kung saan ang opisina ng presidente. --- "Pasok." Bored na sambit ni Lake habang nakaupo sa swilve chair nito at nakasampa ang dalawang paa sa lamesa. "Mag usap tayo." Ani ng dalaga matapos itong kumatok at pumasok sa opisina. Nanatiling nakapikit ang binata habang ngumunguya ng bubble gum. "Kung about ito kay Cross kalimutan mo na." Walang buhay na sambit ng binata bago imulat ang mga mata at salubungin ang tingin ng dalaga. "Bakit ka pa ba bumalik? Para guluhin mo nanaman ang buhay ko?" Nangingilid ang luhang tanong ng dalaga habang nakayukom ang kamao at nakatingin sa binata na walang expression na nakatingin sa dalaga. "Callius nagmamakaawa ako ibalik mo na ang anak ko, hindi ko kayang mawala si Cross please Callius." Ani ng dalaga bago lumuhod sa harap ng binata at magmakaawa. "Ibaba mo talaga ang sarili mo para lang makuha ang bagay na sayo naman talaga?" Walang emosyong sambit ng binata matapos tumayo at naglakad palapit sa babae. "Gusto ko lang makita si Cross yun lang, alam ko kung saan ako lugar nararapat pero bilang isang ina gusto ko makita ang anak ko." Mangiyak ngiyak na sambit ni Astrid. "Callius nagmamakaawa ako ang ana---." Napatigil ang dalaga ng lumuhod sa harap niya ang binata at hawakan ang panga ni Astrid. "Sa dami ng sinabi mo ang pangalan lang ng kakambal ko ang naririnig ko." Walang buhay na sambit ni Lake dahilan para umilap ang mata ng dalaga. "Tama na ang pagpapanggap Callius sinabi na ni Cadmus na ikaw si Callius pati na din ng Blacksphere nagpaopera ka at sa tingin mo maniniwala pa ako sayo." Nag gigitgit na sambit ng binata. Hindi umimik ang binata hanggang sa ilapit nito ang mukha sa dalaga. "Alam kong nakikilala mo ako Salves, dahil minsan mo ng sinabi sakin kung pano mo nalalaman kung sino ang totoong Callius at Cadmus." Walang emosyong sambit ng binata dahilan para itulak siya ng dalaga palayo. "Hanggang kailan mo ito gagawin Callius tama na." Umiiyak na sambit ni Astrid. Aalis ito ng hapitin siya ng binata sa bewang na kinagulat ng dalaga. Astrid Salves's POV; Hindi ako nakagalaw at ang puso ko para nanamang tinatambol sa lakas. Magkadikit ang mga labi namin hanggang sa may pumasok na scene sa utak ko na kinasinghap ko. 'C-Cadmus.' P-Paanong pumasok yun sa scene sa utak ko ibang iba nung time na hinalikan ako ng kinilala kong si Cadmus. Ibang iba sa halik ni Callius na---. "Hindi ko sinabing maniwala ka na ako si Cadmus pero sana magtiwala ka saakin, wala akong gagawing masama kay Cross." Bulong ni Lake. Nang magtama ulit ang aming mga mata kusang tumulo ulit ang mga luha ko. "P-Paanong--- i-imposible bakit---" Napaupo ako sa sahig habang nakatakip ang mga bibig ng mapagmasdan ko si Lake. Malaki ang pinagbago ng physical features niya pero ang mga mata niya ang paraan ng pagtingin niya sakin ng puno ng pag aalala at satisfaction hinding hindi ko makakalimutan. Yung kulay ng mga mata niya at kung pano ako higupin nun tuwing nagkakatitigan kaming dalawa paanong---. "Salve---" Hahawakan niya ako ng tabigin ko yun at napahagulhol matapos kong yakapin ang sarili ko. "B-Bakit ngayon ka lang bumalik?! Bakit hindi mo sinabi! All this time muntikan na ako magpakasal sa taong ... sa taong--." Napahagulhol ako ng kulungin niya ako sa mga braso niya, gulong gulo na ako pati ang nararandaman ko feeling ko sasabog na ako anytime dahil halo-halong emosyong nararamdaman ko. "Bakit hindi ko agad nakita?! Bakit hindi ko agad nalaman na hindi na ikaw ang kasama namin." Humahagulhol na sambit ko habang pilit na kumakalas sa pagkakayakap sakin ni Lake para umalis. "Salves nacoma ako ng ilang taon kaya hindi ako nakabalik agad." Bulong ni Lake na kinatigil ko. "Nung time na nalaman kong nagpanggap si Callius na ako para makuha ka ... isinakay niya ako sa yacht at iniwan sa gitna ng dagat. Hindi kita nailigtas Salves p-patawarin mo ako." Hindi ko alam pero ng narinig ko yun humihikbing tiningala ko si Lake. Hindi na siya umimik at pinagdikit ng noo namin. Hindi siya nagsasalita pero kitang kita ko ang sincerity sa mga mata niya na unti unting nagpakalma sakin. "Nung araw na magising ako at nalaman na inagaw na sakin kayo ni Callius gamit ang katauhan ko, nagsisi ako Salves ... hindi ko man lang sinabi na mahal kita at lahat gagawin ko para sayo." Dagdag ni Lake na mas kinatulo ng luha ko. "K-Kahit naman hindi mo sinabi alam ko yun*sob* lagi mo akong inaaway at inaasar pero lahat g-ginagawa mo para saakin. Kahit nga diba ibigay mo sakin ang buhay mo." Umiiyak na sambit ko matapos ko mapapikit ng halikan ako sa noo ni Lake. "Sorry Salves nabigo akong protektahan kayo ni Cross." Bulong ni Lake matapos akong mas yakapin ng mahigpit. 3rd Person's POV; "Lake." Bulong ni Astrid matapos siyang paunti unting hinalikan ng binata sa labi. "Wala ka ba talagang naalala nung gabing nalasing tayo?" Bulong ni Lake na kinatigil ng dalaga ng maramdaman niya ang malambot na kama sa likuran niya. "H-Hindi ba panaginip yun?" Ani ni Astrid hindi umimik si Lake matapos tanggalin ang suot na salamin ng dalaga. Hanggang sa unti unting bumalik ang ilang ala-ala ni Astrid matapos silang malasing. 'Bakit ba kasi*hik* ang bait bait mo sakin kahit minsan sobrang sama mo?' "Cadmus u-umiiyak ka ba?" Nag aalalang tanong ni Astrid ng may maramdaman siyang mainit sa gilid ng leeg niya kung saan nakasubsob ang binata. Pilit na inaanot ng dalaga ang salamin pero nilayo lang yun ng binata at pinatong sa study table sa kwarto ng opisina ng binata. "Lake yung salamin---." Naputol ang sasabihin ng dalaga ng mas yakapin siya ng binata. "Kung hindi ako umalis sana hindi naging misirable ang buhay niyo ni Cross, hindi yun nangyari sayo at---." "Lake." Putol ni Astrid matapos kapain ang pisngi ng binata na unti unting nababasa dahil sa luha. Hindi niya naaninag ang binata pero ramdam na ramdam niya ang lungkot sa boses nito. "Pano nagagawang umiyak ng isang gangster na tulad mo?" May himig ng lungkot na tanong ng dalaga. "Mas masakit pa yata maimagine yung pag iyak ng kilala mong taong bato nung college kaysa sa nangyari saakin." Bulong ng dalaga. Hindi umimik si Lake habang nakatingin sa dalaga na dahan dahang kinakapa ang pisngi niya at pinupunasan. "Mas masakit ang makita kang umiiyak ng wala ka man lang kahit na anong magawa." Bulong ng binata na kinatigil ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD