20

1371 Words
Chapter 20 3rd Person's POV; Nang makasakay sa kotse ang binatang si Cadmus dali dali nitong kinuha ang gamot na nasa lalagyan at ininom ang anim na tabletang natitira habang hinahabol ang hininga at namumula ang matang nakatingin sa pinakaunahan ng kotse. 'Wala na akong pakialam pa sa mga mangyayari basta ang gusto ko lang ngayon, makasama si Astrid at magpakalayo layo.' Ani ni Cadmus sa isipan habang nagdidilim ang anyong pinaharurot ang kotse palayo. --- "May sakit si Callius?" Hindi makapaniwalang ulit ng dalaga. "Hindi maganda ang naranasan naming pareho ni Callius ng mga bata kami, ang pinagkaiba lang namin naagapan yun akin dahil nasa tabi ko palagi si Sharah at si ... Callius nilalabanan niya yun mag isa." Ani ni Lake na kinalaki ng todo ng mata ng babae. "Masyado ng cumpulsive ang nararanasang stress ngayon ni Callius either makasakit siya o saktan niya ang sarili niya." Dagdag ni Lake na kinalambot ng expression ng dalaga ng makita ang sobrang pag aalala sa mata ng lalaki. "Kakambal ko so Callius pero kung hindi ko siya pinigilan ngayon baka mas lalo pang lumala ang sitwasyon." Ani ni Lake matapos siyang lapitan ni Astrid mula sa pagkakaupo niya sa swilve chair at yakapin ang ulo ng binata. "Malaki ang galit ko kay Callius dahil sa ginawa niya sakin peri kahit kailan hindi ko hiniling sa diyos na maghirap siya o maging miserable din ang buhay niya. Gusto ko lang pagsisihan niya abg lahat." Bulong ng dalaga na kinayukom ng kamao ng binata. "Alam niya ng alam na ni dad ang totoo at siguradong may gagawin nanaman siyang hakba---." "Lake gawin mo lahat ng dapat mong gawin kailangan natin maipakulong si Callius sa kahit na anong paraan para mapigilan siya." Putol ni Astrid kay Lake. "Salves baka mas lalo lang lumala ang sitwasyon kung---." "Hangga't hindi pa alam ni Callius na alam ko na lahat makokontrol ko pa siya, kung maipapakulong natin siya mapipigilan pa natin siya makagawa ng masama." Ani ni Astrid matapos salubungin ang tingin ng binata. "Salves alam kong nahihirapan kana gusto mo na makasama si Cross ... masyado na din madami ang pinagdaanan mo saaming dalawa." Bulong ni Lake. "Lake hindi na tayo mga bata malapit na din tayo mawala sa kalendaryo kung tutuusin ... kung gusto natin sumaya at makuntento kailangan natin matutong magpatawad at kalimutan ang past na kahit kailan naman hindi natin mababago." Ani ni Astrid bago ngumiti. "Hindi ako magiging ganito katatag kung hindi dahil sainyo mga Acosta ... wala ding Cross Acosta kung hindi nga nangyari yun saakin. Kung may bagay man ako natutunan sa mga lumipas na panahon yun ay ang marealize kong iisa lang ang daang ginawa ng diyos para sa mga tao. Tayo lang ang pipili kung sa paanong paraan tayo hahakbang, pakaliwa o pakanan, mabilis ba o mabagal ... Papahinga ka ba o patuloy kang lalakad kahit pagod kana." Dagdag ng dalaga. "Kung hindi man ngayon alam kong balang araw magigising din si Callius. Sa pagkakataon na yun alam kong makikita na niya yung daan at makakapagdesisyon na siya ng hindi natatakot at walang inuurungan." Ani pa ng dalaga na kinabuga ng hangin ng binata. "Sana nga Salves dahil hindi ko na alam ang gagawin ko ... at kung hanggang saan ang kaya kong gawin pa para sakanya." -- Nakatayo lang ang dalaga sa pinakabintana ng apartment ng may lalaking yumakap sa likuran ng dalaga. Naiilang ang dalaga pero nas pinilit nitong pakalmahin ang sarili para sa binata. "Hon." Ani ni Cadmus pero hindi nagsalita si Astrid. "Iniisip mo pa din ba si Cross?" Bulong ni Cadmus matapos mas yakapin ang dalaga. "Ni isang segundo hindi nawala sa isip ko si Cross." Sagot ni Astrid ng may mababa ang boses habang hawak sa braso ng binata na nakapulupot sa bewang niya. "Alam mo lahat gagawin ko sayo diba? Kung kinakailangan kalabanin ko sina da---." "Cadmus." Ani ng dalaga bago umikot at harapin ang binata. "Makinig ka sakin hindi mo kailangan gawin yun." Dagdag ng dalaga habang sapo sa pisngi ni Cadmus. "Pero hindi natin makukuha si Cross." Ani ng binata na kinagat labi ng dalaga bago yakapin si Cadmus ng mahigpit. "Kung kinakailangan magmakaawa ako kay Lake gagawin ko para ibalik niya s---." Naputol ang sasabihin ng dalaga ng ilayo siya ng binata at hawakan sa magkabilang balikat. "Astrid yan ang wag na wag mong gagawin. Hindi mo kailangan kausapin si Lake para kay Cross ako ang gagawa nun wag na wag kang lalapit sa hayop na yun." May diing sambit ng binata na kinatitig ng dala sa mga mata nito. kitang kita ng dalaga ang galit at halo- halong emosyon nito kaya---. "O-Oo c-calm down h-hindi ko siya kakausapin." Nag aalalang sambit ni Astrid ng makita ang unti unting pagbilis ng hininga ng binata matapos siyang yakapin ng mahigpit. Astrid Salves's POV; Mukhang mas malala pa ito sa iniisip namin ni Lake. Niyakap ko pabalik si Cadmus habang dahan dahang tinatapik ang likuran niya na baka sakaling kumalma ito. "Akin ka lang Astrid, wag mo ako iiwan." Ani ni Cadmus na kinapikit ko ng madiin. "Astrid wag mo ako iiwan." Ulit ni Cadmus matapos humiwalay sakin at titigan ako. "H-Hindi kita iiwan." Sagot ko na kinangiti niya bago yumakap ulit sakin at sumiksik. Kung nababasa mo lang ngayon ang iniisip ko Cadmus, kung pwede lang ako magtanong at lahat lahat sinabi sayo ... ginawa ko na. Pero kumpara sa nararamdaman ko ngayong sakit at galit walang wala yun sa nararamdaman mo ngayon kahit hindi ka magsalita. Kaya ba hindi ko napansing ikaw si Callius nung una, dahil katulad ni Cadmus puno ka din ng sakit at lungkot? Pero sa paanong paraan. Bakit? ... bakit sinasarili mo lahat. 3rd Person's POV; "Acosta hindi ka ba nag aalala? Nabanggit mo saaming first love ni Salves yung kakambal mo." Ani ni Nyro na kinatingin ng binata. "What do you mean?" Tanong ni Lake. "Pano kung mainlove ulit si Salves sa kakambal mo ngayong alam niya na ang reason kung bakit nagkakaganun si Callius." Sagot ni Nyro. "Kuya Nyro ang bad mo talaga, kung mahal ni Ate Astrid si Kuya Lake hindi niya yun ipagpapalit." Sabat ni Tori habang nakasandal kay Regulus na umiinom ng beer. "Sinasabi ko lang ang maaring mangyayari sa ginawang desisyon ni Acosta na gamitin si Salves sa kakambal niya." Sagot ni Nyro. "Reg si kuya Nyro kung ano ano ang sinasabi kay kuya Lake." Sumbong ni Tori sa binata. "May point naman si Nyro masyadong reckless si Acosta, kung hindi man mainlove si Salves maaring siya ang sumalo lahat ng galit ng kakambal niya once na malaman ni Callius na pinagkaisahan siya." Sagot ni Regulus. "Bakit kayo ganyan think positive nga ... kailangan kadenahan ni Ate Astrid si Kuya Callius para walang bad mangyari kay Kuya Callius at sa lahat. Ang kailangan lang gawin ni Kuya Lake humanap ng mga evidence o mag isip ng paraan para maikulong si kuya Callius in a goodway." Sabat naman ni Worth. "Tama we need to trust Ate Astrid na mabigyan pa niya tayo ng panahon para makahanap ng evidence." Ani ni Tori na kinatahimik ng binatang si Lake. "Love can kill and affection is can ruined everything." Bulong ni Regulus na kinatingin ng binatang si Tori. "Yung line na yan parang narinig ko n---." "Isa yun sa line na kinompose ni Acosta before niya iniannounce na aalis na siya sa HG."putol ni Regulus. "Gear on Affliction its means yung kantang yun--- gosh." Nanlalaki ang matang react ni Worth ng may marealize siya. "Para kay kuya Callius." Hindi makapaniwalang sambit ni Tori. "Kuya Lake." Bulong ni Worth ng makitang tumayo ang binata at naglakad palabas ng opisina. "Hindi ko iniexpect na ganito kacomplicated ang relasyon ng kambal na Acosta." Bulong ni Nyro habang nakatingin sa pintong nilabasan ni Lake. "Naalala ko yung pinaka last line ng kinompose ni Acosta." Bulong ni Nyro. "You are the sun and i'm the moon we're in the same sky and space, can we met but never be mixed ... same height but never be accept." Dagdag ni Regulus na kinayuko nina Tori at Worth. "That's hurt." Komento ni Worth. "Sad." Bulong ni Tori bago mag angat ulit ng tingin at ipako ang mata sa pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD