chapter 5

1150 Words
JEZRA Napaigtad ako nang hampasin ni Brix ang mesa. Napaangat ako sa aking ulo at bumaling sa dalawa. Nag-iwas ako ng tingin ng magkasalubong ang mga mata namin ni Brix na tila may nagbabagang apoy dahil sa sobrang galit. Hindi ko lubos naintindihan kung bakit ganito na lamang kagalit sa akin ang asawa ko na tila ba may nagawa akong kasalanan. Masaya naman kami dati. Pero bakit nagising na lang ako isang araw na ganito na ang sitwasyon namin. Kinamumuhian na niya ako at siyang sinisisis sa paghihirap namin. “What are you waiting for? Just leave! Get out! baka mawalan kami ng ganang kumain if I saw your face!” asik sa akin ni Brix. Napalunok ako sa aking sariling laway. Tila may sampung libong karayom na nakatusok sa dibdib ko at namanhid yata ang buo kong katawan. Ako ang asawa bakit ako pa ngayon ang kailangan umalis. Bumaling ang tingin ko sa babae na ngayon ayy nakataas ang kilay at saka binigyan ako ng nang-uuyam na ngiti. Hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan. Nagtaas baba ang didbdib ko dahil sa magkahalong sakit at galit na nararamdaman ko. Huminga ako ng malalim at nag-ipon ng lakas. Wala naman sigurong masama l kung ilalaban ko ang karapatan ko bilang legal na asawa. Inihakbang ko ang aking mga paa pero embes na lumabas ng kusina. Nagthngo ako sa mesa na kinauupuan nilang dalawa. Hindi ko alintana ang nagbabagang tingin sa akin ni Brix. Buong tapang kong nakipagsukatan ng tingin sa kaniya. Maging ang babae ang babae nangunot ang noong nakatingin sa akin. Nang tuluyan na akong makalapit sa kanila hinila ko ang isang upuan sa kanan bahagi at ang babae naman nasa kaliwang bahagi ni Brix. Puno ng pagbabanta ang matalim na tingin sa akin ni Brix pero hindi ko siya pinansin. I cleared my throat at saka ngumiti ng matamis sa babae. “Hi! I’m Jezra. Brix wife! And you?” buong tapang kong saad sa babae. Kita ko kung gaano tumalim ang tingin niya sa akin. “Ano’ng kabaliwan itong ginagawa mong babae ka!” galit na asik sa akin ni Brix sabay hawak nang mahigpit sa aking braso. Ngunit ngayon lang yata ako nakahanap ng tapang sa aking sarili at nagawa kong iwaksi ang matigas na kamay ng aking asawa. Kung ano man ang kahinatnan ng ginagawa ko bahala na ang mahalaga ilalaban ko ang aking karapatan.m“Kabaliwan? Really Brix? Kabaliwan na ba ngayon ang ipakilala ang sarili ko na asawa mo! Totoo naman ang pinagsasabi ko.” baling ko kay Brix na ngayon mas lalong nang gagalaiti sa galit. Pilit kong pinatatag ang aking tinig at ginawa ko ang lahat upang huwag mabasag ang boses ko sa harapan nila. “Excuse me. Huwag mong masyadong ipagmayabang ang pagiging asawa mo. Because soon you’re going to be his ex-wife!” maldita rin nitong saad sa akin. “It will never happen. Sisiguraduhin ko iyan sa iyo!” balik kong saad sa kaniya. Muling hinampas ni Brix ang mesa at galit itong tumayo. “Enough Jezra! Umalis ka rito at baka hindi na akong makapagpigil!” Mapakla akong ngumiti sa aking narinig. “Bakit? Kailan ka ba nakapagpigil na saktan ako, mahal. Nahihiya ka ba na malaman ng babae mo na nanakit ka ng babae?” Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas at nagawa kong sagutin-sagotin ng ganito si Brix. Dati marinig ko lang ang malakas niyang tinig nanginig na kaagad ang kalamnan ko. Pero kung dati hinahayaan ko lang siyang saktan ako pero ibang usapan na nag iuwi niya rito sa pamamahay namin ang kaniyang kerida. Kita ko kung gaano umusok ang ilong nang asawa ko dahil sa sobrang galit dahil sa aking ginawa. Pero hindi ako nagpatinag, hindi ko pinapahalata sa kaniya na natatakot ako sa kaniya. Dahil ang totoo malapit ng bumigay ang aking mga tuhod dahil sa panginginig. Hinawakan nito ang magkabila kong balikat at napangiwi ako dahil sa sakit. Mahigpit at diniinan nito “How dare you! Talagang sinusubukan mo akong babae ka! Matapang ka na ngayon.Ano’ng ipinagmamalaki mo, ha!” “Wa-wala akong ipinagmalaki. Pero hindi ko isusuko ang karapatan ko bilang asawa mo!” parang gusto kong palakpakan ang aking sarili ko dahil sa nagawa ko ngayon. Mukhang nahawaan ako sa katapangan ni Gen. Nangangalat ang panga ni Brix habang nakatitig sa akin. Nang gigil itong saktan ako. Kaagad niyang binitawan ang makabila kong balikat. Nagulat ako nang bigla akong hilahin nito palabas ng kusina. Nasasaktan ako dahil sa mahigpit na pagkakahawak nito sa kamay ko. At dahil sa malaki siyang tao mahaba ang kaniyang mga binti halos makaladkad na ako nito. Akala ko titigil kami sa may sala ngunit nagtuloy-tuloy lang ito sa pag-akyat sa hagdan. “Brix! Ano ba bitawan mo ako! Nasasaktan ako!” sigaw ko sa kaniya. “Talagang makakatikim ka sa akin. Matapang ka na pala ngayon. Tingnan lang natin kung hanggang saan ang tapang mo! Pinapahiya mo ako kay MG!” ngiting demonyo nito. Sabay bukas sa pintuan ng aming guest room. Pabalang nitong binitawan ang kamay ko nang tuluyan na kaming makapasok sa loob. “Talaga? Mas nahihiya ka sa kerida mo? Pero hindi ka na nahiya sa akin na dinala mo rito sa pamamahay natin iyang kabit mo? Nagbago ka na talaga. Hindi na ikaw ang Brix na minahal at pinakasalan ko!” sigaw ko sa kaniya. Hindi ko mapigilan ang sarili na maglabas ng aking mga hinanakit. Gusto kong sumbatan siya sa lahat ng ginawa niya. Nakita ko kung paano siya natigilan sa aking mga sinabi. Kaya nagpatuloy ako. “Brix, mahal na mahal kita. Bakit mo nagawa sa akin ang lahat ng ito? Ginawa ko naman ang lahat. Hindi ito ang pinangako mo sa akin. You promised me that you love me for the rest of your life. Pe-pero bakit umabot tayo sa ganito? Bakit nagbago ka? Kaya kong tiisin lahat ng mga pananakit mo sa akin. Pero hindi ko hahayaan na maagaw ka ng iba sa akin. Asawa mo ako kaya sana bigyan mo naman ako ng kunting respeto!” Hindi ko na mapigilan ang aking mga luha na kanina pa nagbabadyang malaglag. Napahagulhol ako ng iyak. Hindi man lang umimik si Brix at nag-iwas ito ng tingin sa akin. Kahit hilam sa luha ang aking nga mata tumayo ako at yumakap sa kaniya. “Brix, bumalik na tayo sa dati. Hindi ito ang pinangarap natin. Masaya naman tayo ’di ba?” Tinanggal nito ang kamay konv nakapulupot dito. “Dati iyon, Jezra. Iba na ngayon. At kahit ayaw at sa gusto mo mananatili rito sa MG. Siya ang magliligtas sa kompanya ko!” Wala na akong nagawa nang iwan ako ni Brix. Napaigtad pa ako nang ibinagsak nito ang pintuan. Tila ang kaninang tapang ko ay naglaho sa isiping niloko ng aking asawa ni maging sa panaginig hindi ko maisip na magagawa niya sa akin. .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD