CHAPTER 6

1374 Words
“YOU need to go to Palawan tomorrow and set this issue straight.” Napatda si Matt at halos mag-isang-guhit ang kunot sa noo niya nang marinig ang sinabi ng kaniyang ama na si Matthias de Avila. Maging ang kaniyang ina ay narinig din niyang mapasinghap. “You're kidding, right?” anas niya kahit alam niyang hindi ang tipo ng kaniyang ama ang magbibiro ng ganoon lalo sa ganitong pagkakataon. Pinakatitigan lang siya ng ama. Doon pa lang ay alam niyang seryoso ito sa binitiwang salita. Panandaliang nawala ang tensyon sa loob ng study room nang dumating si Manang Siony at kasama ang isang nakababatang kasambahay na si Erika na siyang nag-serve ng tsaa sa magulang niya at kape sa kaniya. “Ako na rito,” anang mommy niya sa mga kasambahay, senyales para iwan ulit sila ng mga ito sa pribadong silid. Pagkalabas ng dalawa ay magkakapanaby silang humigop ng kani-kanilang mainit na inumin. Nabuo ang tensyon sa loob ng silid kaya hindi na nakatiis ang kaniyang mommy. Ito na ang bumasag ng katahimikang namayani sa loob ng study room. “Matthias, you don't expect your son to go there immediately. May mga responsibilidad iyan at hindi pupuwedeng basta-basta na lang makakaalis,” pagtatanggol ng kaniyang ina sa kaniya. Muling humigop ng tsaa si Mr. Matthias bago tumikhim at nagsalita. “So, when you could go there?” kalmadong tanong ng kaniyang ama. “I could talk to Basti on the phone—” tukoy niya sa kaibigan na agad na pinutol ng matandang lalaki. “Sebastian might be your good friend but business and politics are different, Matt. You need to go there and show him proof yourself that our company didn't violate any environmental laws,” giit nito. Humugot siya ng hininga. Sebastian is a straight and honest man when it comes to his work at alam niyang hindi uubra ang koneksyon niya rito kahit pa magkaibigan sila. “Okay, okay,” pagpayag niya. Minsan lang humingi ng pabor sa kaniya ang magulang and if they do, alam niyang they have no other choice but to do so. “Laurence will be back on duty the next day. When he comes back, saka ako pupunta ng Palawan,” pasya niya at saka inisang lagok ang natitirang lamang kape ng mug niya.   HABANG abala sa ginagawang handover si Matt ay atubiling kumatok at pumasok si Dane sa opisina niya. “Sir Matt?” alanganing tawag sa kaniya ng babae habang papalapit sa kaniya, pagkuwa’y tumigil sa harap ng lamesa niya. Nag-angat siya ng mukha at diretsong tiningnan ang namumulang tauhan. “You were late yesterday,” supladong sabi niya at saka ibinalik ang atensyon sa ginagawa. Humugot ito ng hininga saka lumapit sa kaniya. “Kasi, Sir Matt—” “Sit down,” putol niya sa mga pangangatwiran pa sana ng babae na mabilis naman nitong sinunod. He cleared his throat then looked at her again. “Nakausap ko na si Laurence. He will be arriving today and from tomorrow, he will be handling the school on my absence,” patuloy niya saka muling itinutok ang atensyon sa computer. “Bakit? I mean—” Hindi makapaniwalang sambit ni Dane. “Accompany Laurence sa upcoming meetings sa agenda ko and make sure that everything is in order pagbalik ko. I’m expecting you to step up your game, Dane…” Muli niya itong sinipat saka tinitigan nang matiim. “… and I mean it, Dane. I’m counting on you.” “Eh, mga ilang araw ka bang magbabakasyon, Sir Matt?” may pag-aalalang tanong ng babae. Banaag ang kaba sa hitsura nito dahil sa napipintong pag-alis niya. This will be her first time na pamamahalaan ang Mighty and Nice Playschool at kasama pa ang baguhang Head Teacher na dalawang taon pa lamang nagtatrabaho roon na si Laurence Rosario. “I trust you, Dane. Hindi ko iiwan ang school nang wala ka at si Laurence,” seryosong wika niya at saka nagpakawala ng hininga sa dibdib. “Sige na. Kailangan ko nang matapos ito at may pupuntahan pa ako mamaya.” Ibinalik niya ang mga mata sa computer para tuluyan nang umalis ang kausap at hindi na mag-usisa pa. “By the way…” pigil niya sa tuluyang paglabas nito bago pa man tuluyang pihitan pabukas ang pintuan ng opisina niya. “Yes, Sir Matt?” Pumihit ito saka lumapit sa kaniya. Seryoso siyang bumaling dito saka ito tiim-bagang na tinitigan ang kaharap. “No one will know about my leave… and I mean, no one! Do I make myself clear?” may pagbabantang sabi niya na ikinalaki naman ng mata ni Dane. “O-Of course,” tugon nito habang tumatango-tango pa. “All right. Sige na,” taboy niya rito saka itinuro ang pintuan sa pamamagitan ng mata. Bagsak ang balikat na naglakad palabas ng opisina niya si Dane. Pagkapinid nito ng pintuan ay saka siya nagbuga ng hininga bago siya sumandal sa swivel chair niya at tumingala. He’s tired and he can’t afford to lose his concentration just because of… ‘Aaahhh! Dammit, Matt! Quit it now!’ saway niya kaagad sa isang bahagi ng utak niya saka siya umayos ng upo at nagpakawalang muli ng hininga. He needs to finish his handover report para makapunta ng mansyon at makuha ang mga kakailanganin niyang papeles papunta ng Palawan bukas. Makalipas ang ilang minuto ay tumunog ang cellphone niya. Nang sipatin niya ang screen ay kusa siyang napangiti… na agad niya ring pinalis. Kahit hindi niya aminin, kanina niya pa hinihintay ang pagtawag at mensahe ni Diana. Ipinilig niya ang kaniyang ulo at pilit pinalis ang sariling kagustuhan. He cannot be disturbed. He cannot be distracted. Muli niyang itinuon ang atensyon sa itina-type at hindi naglipas oras ay natapos na niya ang ginagawa. Halos alas-diyes na ng umaga nang sipatin niya ang wristwatch niya. It’s time for his rounds. Kaagad niyang isinend sa email ang report saka siya tumayo para magsimula nang mag-check ng classroom at ng kabuuan ng school premises. Pinuntahan na muna niya si Dane sa opisina nito na noo’y naabutan niyang nag-aayos ng mga files sa filing cabinet. “Come with me,” yakag niya rito saka nagpatiuna nang lumabas. Nagmamadali naman itong sumunod sa kaniya sa hallway. “Olivia will keep Laurence’s class in the morning hangga’t wala ako kaya mas magiging magaan ang trabaho mo,” pahayag niya upang kahit papaano ay mabawasan ang agam-agam ni Dane. Bahagya pa niya itong sinulyapan nang makaagapay ito sa kaniya. “Relax, okay?” dagdag niya saka malalaki ang hakbang na nagpatuloy sa paglalakad. Nasa ayos naman ang lahat at nasabihan na rin niya ang mga teachers sa pag-alis niyang pansamantala bukod pa sa i-s-in-end niyang memo para sa lahat ng empleyado ng playschool. Pabalik na sila ni Dane mula sa library nang mapatigil siya sa paglalakad bago kunot-noong lumipad ang tingin kay Dane na nanlalaki naman ang mga mata na tumingin sa kaniya. “I didn’t talk to her, I promise,” bulong kaagad nito hindi pa man siya nagsasalita. Isang napakalalim na buntog-hininga ang pinakawalan niya saka itinutok ang mata sa babaeng noo’y kakapasok pa lamang sa building ng school at naglalakad patungo sa kanila. “Hi, Matt!” matamis na bati ni Diana saka bumaling kay Dane na noo’y tila inalisan na ng kulay ang mukha. “Hello, Dane.” Alanganin namang kumaway lang si Dane saka napilitang magpaalam sa kaniya. “Sir Matt, balik na ako sa office,” anito saka dali-daling umalis. Isa pang buntong-hininga ang pinakawalan niya at saka nilampasan ang dalaga at nagdire-diretso niyang binagtas ang opisina niya. “What are you doing here?” pormal na tanong niya nang marinig niyang isinarado ng dalaga ang pintuan. Nagtuloy-tuloy naman siya ng upo sa swivel chair niya at hinarap ang computer kahit wala na naman talaga siyang gagawin. “I miss you na, eh,” diretsang sambit nito na nakapagpatigil sa pagta-type niya. He took a silent gasp. Suddenly, he felt like his throat is getting dry. This girl is really something… and tempting!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD