CHAPTER 7

1351 Words
NAG-ALIS ng bikig sa lalamunan si Matt. Bukod kasi sa pakiramdam niya ay biglang nanuyo ang bibig niya, para ring may bikig na nakasasagabal sa paghinga niya. Pinilit niyang kalmahin ang sarili saka bumaling kay Diana na noon ay lumapit pa sa kaniya at tumigil sa mismong harap ng lamesa niya. He could smell her mild scent from their short distance and she looked radiantly beautiful and alluring even without a dash of makeup and just wearing a simple pink t-shirt, a pair of jeans and sneakers. He let go a deep sigh then frowned. “Ilang beses ko ba sasabihin sa ‘yo na ‘wag ka nang pupunta rito sa school?” maawtoridad na sambit niya sa dalaga na tila hindi man lang tinablan ng pagkasuplado niya rito. Diana smiled sweetly then leaned over the table until their faces are just almost an inch away. “I can’t help myself not to see you and do this,” pilyang sambit nito saka siya ninakawan ng mabilis na halik sa labi na labis na ikinabigla niya. “What the—why did you do that for?” nanlalaki ang mga mata at namumula ang mukhang singhal niya sa ngingiti-ngiting dalaga. Mabilis at tiim-bagang niyang ibinaling ang kaniyang mga mata sa parteng glass wall ng opisina niya para makasiguradong walang nakakita sa kanila. “Hmm, ang tamis!” kinikilig na sambit ni Diana na tila ba balewala lang dito ang ginawang kapangahasan at ngitngit na unti-unting nararamdaman niya. Halos mag-isang-guhit ang mga kilay niya at hindi na niya napigilan pa ang sariling mapasigaw. “Out, now!” sigaw niya rito saka matigas na itinuro ang pintuan. As much as he liked the kiss, they are still inside a playschool at hindi niya hahayaang mayurakan ang kredibilidad niya at ng eskuwelahang sumalba sa kaniya. Bahagyang nagulat si Diana sa ginawi niya kaya marahan itong napaatras. “M-Matt, I-I—” “I said leave! Bingi ka ba o tanga lang talaga?” nanggigigil niyang singhal dito habang matalim pa ring nakatitig sa napalunok na dalaga. Kaagad na namula si Diana saka kagat-labing tumungo at saka pumihit para lumabas ng opisina niya. “I don’t have time for your childishness. Do me a favor, don’t bother coming here again?” mahina ngunit mariing pahabol niya pagkabukas nito ng pinto. Saglit lang itong tumigil ngunit hindi na lumingon pa sa kaniya. Nakatungo pa rin itong tuluyang lumabas at saka isinarado nang marahan ang pinto na kahit sulyap ay hindi nito lakas-loob na ginawa. Saka lang siya nakahinga nang maluwag nang tuluyan nang magsara ang pintuan ng opisina niya. Nakakunot-noo pa rin siyang nakatanaw sa glass wall at nakasunod ng tingin kay Diana habang nakatungo at naglalakad ang dalaga sa hallway. May kagyat na awa namang gumuhit sa dibdib niya nang makita ang palihim na pagpahid ng dalaga sa pisngi nito. Humugot siya ng hininga. Nag-overreact yata siya kanina. Nakaramdam tuloy siya ng guilt sa ginawa sa dalaga. He shook his head and looked away. Hindi. Hindi siya sumobra. Dapat lang kay Diana ang ginawa niyang pagsigaw rito. Kung hindi niya iyon ginawa, pupusta siya na hindi iyon aalis hangga’t nandoon siya sa playschool. Marahil pa ay kulitin siya nito nang kulitin at baka magtangka pang sumama sa kaniya sa pag-alis niya mamaya. He heaved another sigh then looked at the glasswall once more, ngunit hindi na niya natanaw pa sa may hallway ang dalaga. Isa pang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya saka siya tumayo at inayos ang files na idadaan sa opisina ni Dane. Bago umalis ay nagpaalam pa siya sa ilang mga staff at teachers na walang klase bago niya binagtas ang hallway palabas ng building kasabay si Dane. “Call me anytime, all right?” bilin niya pa sa babae nang ihatid siya nito sa sasakyan niya. Pilit ang ngiting pinakawalan nito saka tumango bago nag-wave sa kaniya nang tuluyan na niyang pinasibad ang sasakyan niya. “Dad,” aniya matapos niyang isuot ang headset niya habang ang mata niya ay matamang nakatutok sa kalsada. “Are you on your way here?” usisa nito saka niya narinig na may kumausap dito sa kabilang linya. “Yes, dad,” tugon niya saka tumigil nang tumigil ang sasakyang nasa harap niya. “Great. Ikaw na ang dumaan sa mommy mo sa mansion. Nasiraan si Elmer sa may Makati,” utos nito at tukoy sa personal driver ng mommy niya. “Okay, dad. I’ll see you in a bit,” pagpayag niya saka  pinatay ang telepono nang magpaalam na rin ito. He then called his mother na sumagot naman kaagad pagkatapos ng tatlong ring. “Hello, hijo, you’re coming to our lunch date today, aren’t you?” malabing na bungad ni Mrs. Aurora sa tawag niya. Napangiti naman siya sa masiglang boses ng kaniyang ina saka pinaandar ang sasakyan nang muling umusad ang traffic. “Of course, mom. I’m on my way to pick you up. Nasiraan daw si Manong Elmer sabi ni dad,” imporma niya sa ina “All right. Be careful, okay, hijo?” tugon nito na may excitement sa boses. “See you, mom.” Ibinaba na niya ang tawag at saka nag-concentrate sa pagmamaneho. Makalipas ang humigi-kumulang na beinte minutos ay nasundo na niya ang mommy niya na naabutan niyang nakaabang na sa patio ng mansyon. Habang daan ay wala itong tigil sa pagkukuwento ng kung ano-ano. Malimit ay bumubungisngis pa ito na ikinahahawa niya. His mom is such a good talker. Hindi lang malambing, may sense of humor din ito. Katangian na pinangarap niyang sana ay namana niya mula rito. Alas-dose y media na ng tanghali nang marating nila ang Avila Building kung saan naroon ang Avila-De Quiroz Architectural and Engineering Firm na pag-aari at pinamamahalaan ng kaniyang ama at ng pinsan nito sa ina na si Mr. Arnulfo Avila de Quiroz. Malapad ang pagkakangiti ng nakatatandang de Quiroz nang makasalubong sila sa ground floor ng building kung saan kasama rin nito ang anak nito at second cousin niyang si Darren na siyang sumusunod sa yapak ng ama nitong isang architect at kasalukuyang Business Development Director ng kumpanya. "It's good to see you, pamangkin!" Sinalubong siya ng mahigpit na yakap ng paborito niyang tiyuhin. Isang tapik naman ang ibinigay sa kaniya ng pinakamatinong pinsan niya. If he is serious, Darren is boring. But they are the closest among the cousins palibhasa't magkasing-edad lang sila at magkapareho ng gusto at ugali. Katulad niya, wala pa rin itong asawa bagama't may anak na nasa poder nito. "Let's go," yaya naman ng kaniyang ama na pumukaw sa kumustahan nilang magtiyo. Hindi naman nakaligtas sa kaniya ang alanganing ngiti at pag-iling na ginawa ni Darren habang akbay siya ng Uncle Arnulfo niya. Nauna na itong naglakad sa kanila kaya hindi na niya ito nausisa pa. Sabay-sabay na silang umakyat sa top floor ng building kung saan naroon ang paboritong Filipino restaurant ng mommy niya. Kaagad naman silang iginiya ng receptionist patungo sa table nila nang makilala nito ang magulang niya na madalas kumain doon.  Pagkatapos maka-order ng tanghalian ay panandaliang umalis at nagpunta ng powder room ang mommy niya samantalang amused namang bumaling sa kaniya ang Uncle Arnulfo niya noon ay katabi niya sa upuan. "What?" naiilang niyang tanong dito nang titigan lang siya nito at hindi naman kumikibo. May impit na ngiti na nakaguhit sa labi nito na sinundan nito ng mahinang pagtawa. Hindi pa man ito nakakasagot ay biglang nagsalita ang daddy niya. "Oh, here they are," magiliw na wika nito at saka tumayo, na sinundan ng Uncle Arnulfo niya at ni Darren.  Kunot-noo naman niyang sinundan ng tingin ang entrada ng restaurant na tinitingnan ng mga ito. Bahagya siyang namula at tila muling natuyuan ng lalamunan nang makita kung sino ang bagong dating at naglalakad papunta sa banda nila habang nakasunod sa receptionist.  He heaved a sigh and tried to calm himself down. 'What the hell is she doing here now?'  bulong ng isip niya habang nakatitig sa papalapit na si Diana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD