CHAPTER 5

2015 Words
PINANLIITAN ni Matt ng mata si Dane nang madulas ito na tama ang hinala niya na si Diana nga ang sinasabi nitong ka-meeting niya sa tanghalian. “I’m going now. See you tomorrow,” aniya nang akmang pigilan na naman siya ng babae sa pag-alis. “Pero, Sir Matt—” “Just call Jake’s parents to meet me tomorrow before the class starts. I need to know why he’s behaving like that,” bilin niya sa babae na alumpihit pa rin sa harapan niya. “Why don’t you stay for lunch and then—” Pinandilatan niya ito kaya agad na tumigil sa pagsasalita. “Okay… okay…” pagsuko nito na itinaas pa ang dalawang kamay. “You can post these art pieces in the bulletin board,” utos niya rito patungkol sa mga drawings at colorings na ginawa ng mga estudyante ng playschool. Tumango lang ito saka nagpakawala ng buntong-hininga. “See you tomorrow,” paalam niya rito at saka nagmamadaling umalis. Pasimple pa niyang kinuha ang cellphone nito na ipinatong nito sa ibabaw ng bookshelves na nasa may gilid ng pintuan nang ibigay niya rito ang mga art pieces na ipo-post nito sa bulletin board sa may hallway. Bagama’t nagsabi naman sa kaniya kahapon si Diana na pupunta ito ngayon, he was expecting that she will come later in the afternoon kaya nga balak talaga niyang umuwi nang maaga. But when he asked Dane about the meeting she informed him last night, iba ang sinabi nitong ka-meeting niya. Lalo pa siyang naghinala nang marinig niya ang pangalan ni Diana na kausap nito sa telepono nang dumaan siya sa administrative office kanina. At nang sukulin niya ito nang tawagin niya ito sa kaniyang opisina ay nadulas na ito at hindi na nakapagkaila pa. Iiling-iling pa siya pagpasok niya ng sasakyan niya. Diana is such a tease… a tease that is so hard for him to resist. At kung hindi siya iiwas ngayon, baka tuluyan siyang mahulog sa patibong nito at hindi na siya makaalis. And he can’t afford to do that now… at least, for his parent’s sake. Marahas na hangin ang pinakawalan niya at saka pinasibad ang sasakyan. Hindi pa siya lubos na nakakalayo ay nag-ring na ang phone sa bulsa niya. It was not his ringtone kaya sigurado siyang cellphone ni Dane ang nagri-ring. Nang sipatin niya ang screen ng telepono ay landline ng playschool ang nakasulat doon. “Yes?” Alam na niya kung sino ang nasa kabilang linya. “Sir Matt, bakit mo naman kinuha ang phone ko?” bungad-reklamo kaagad ni Dane sa kaniya. Gusto niyang matawa sa sitwasyon ng babae. Kung nasa harapan niya siguro ito, siguradong nakanguso na ito sa kaniya. He cleared his throat at seryosong sinagot ang sinabi ng babae. “If you want your phone back, pass by my house after five,” tugon niya at saka ibinaba ang telepono. Muli niyang inilagay sa bulsa ang telepono ni Dane at saka itinutok ang atensyon sa pagmamaneho. It was a fifteen minutes drive from the playschool to his home kaya nakauwi siya kaagad. Pagkapasok ng sasakyan niya sa loob ng garage ay muli niyang isinarado ang shutter. Hindi pa man siya nakakababa ng kotse ay nag-ring ang telepono niya. It was his mother, Aurora Isidro de Avila. “Hi, mom,” bati niya kaagad sa ina habang lumalabas ng sasakyan. “Are you coming here tonight, anak?” malambing na tanong nito sa kaniya. Dinig niya sa kabilang linya ang splash ng tubig at sigurado siyang kasalukuyang lumalangoy ang ama niyang si Matthias de Avila sa swimming pool na nasa likod ng mansyon ng magulang niya. “Yes, mom. Definitely,” tugon niya saka niya binuksan ang pintuan na nag-uugnay sa garahe at hallway papasok sa sala ng dalawang palapag na bahay niya. “That’s great. So, we’ll expect you to come at seven?” excited na sambit ng kaniyang ina. “Yup,” nakangiting tugon niya habang binabagtas niya ang hallway papasok sa sala. “Are you coming with someone?” mayamaya’y tanong nito, bagay na palagi nitong itinatanong sa kaniya dalawang taon nang mabiyudo siya. “Mom, alam mo naman na busy ako sa playschool—” “Should I find someone for your para naman—” “Mom!” awat niya sa sasabihin nito. “I don’t wanna talk about it, okay?” aniya saka siya nagpakawala ng hininga. “Anak, you’re not getting any younger. You’re already 35, aba, wala ka bang balak mag-asawa ulit?” “Mom, I gotta go now. I’ll see you later,” saad niya saka hindi na hinintay pang makasagot ang kaniyang ina upang iwasan ang mga susunod pa nitong mga sentimiyento. Padaskil siyang umupo sa sofa saka sumandal at tumingala sa kisama bago niya ipinikit ang kaniyang mga mata. But that was a wrong move. All he could see is Diana’s face… staring and smiling at him. “Dammit!” asik niya sa sarili saka padabog na bumalikwas ng tayo saka dumiretso sa kusina. He needs to divert his mind from thinking about that girl. *** PASADO alas-siete nang dumating si Matt sa Mansion de Avila. It’s a white modern mansion four-storey house with seven big bedrooms and three regular bedrooms, all with attached bathrooms. There are huge living room, dining room, kitchen and three rooms for their housekeepers and drivers in the ground floor. On the second floor, there are two bedrooms, an entertainment room and a game room. The Master Bedroom, the study room and two more bedrooms were located at the third floor while two bedrooms—his bedroom and a spare bedroom—were at the fourth floor. There is also a wide space for garden and a small swimming pool with jacuzzi located at outside of the fourth floor. Pagkaparada niya ng sasakyan sa parking lot ng mansyon ay nagdiretso na siya ng pasok ng sala patungo sa dining area. Naabutan niyang kasalukuyang nag-uusap ang kaniyang mga magulang habang naghahain naman ng pagkain sa hapag si Manang Siony, ang kanilang mayordoma. Maaliwalas na ngiti ang isinalubong ni Mrs. Aurora de Avila sa kaniya pagkapasok pa lamang niya sa dining area. Her rosy white skin and aristocrat face was glowing. Her deep hazel eyes were dancing while her heart-shaped lips were now stretched out, forming her sweetest smile. Her pointed nose added sofistication on her face. Sa unang tingin at kapag seryoso ang mukha nito, aakalain suplada ang nanay niya pero ibang-iba ang aura njto kapag ganitong nakangiti ang matanda. Tinanguan lang siya ni Mr. Matthias de Avila, and as always, he looked serious and formal. He is basically the younger version of his father. From his height, body and face, lahat ay nakuha niya sa kaniyang ama. “Hi, mom,” kaagad na bati niya sa kaniyang ina pagkadating niya. Hinalikan niya ito sa pisngi at saka siya bumaling sa ama na nasa sentro ng hapag. “Hi, dad.” Tinapik niya lang ito sa balikat nang tumango ito bilang pagtugon sa kaniya bago siya nagdiretso sa kanang bahagi ng lamesa paharap naman sa kaniyang ina na nasa kaliwang bahagi at doon umupo. “Salamat, manang, ako na,” nakangiting sambit niya nang sasandukan sana siya ni Manag Siony ng pagkain at idudulog sa plato niya. “Kumain na rin kayo, Siony,” utos ni Aurora sa matandang kasama na isang tango at ngiti lang ang itinugon nago nagpaalam sa kanila. “So, how was your day at the playschool, hijo?” nakangiting tanong ng kaniyanh ina saka sumubo ng pagkain. “Fine, mom. Tiring but fun,” tugon niya. That is his usual dialogue sa tuwing nag-uusisa ang magulang niya sa tungkol sa trabaho niya. Tumango-tango lang ang kaniyang ina saka palihim na sinipat and asawang si Mr. Matthias de Avila na nahuli niyang umiling. “What is it, mom?” tanong niya matapos uminom ng tubig. “Let’s eat, mamaya na tayo mag-usap, okay?” wika naman ng kaniyang ama. Nagtataka niyang tiningnan ang magulang. All through out the dinner, ilang beses niyang nahuling nagtitinginan ng makahulugan ang dalawa. “Okay, can you tell me what is it?” aniya pagkatapos nilang kumain. “Let’s go to the study,” yaya ng kaniyang ama saka nagpatiuna nang tumayo at naglakad patungo sa sala kunh saan naroon ang grand staircase patungo sa second floor. “Siony, padalhan na lang kami ng tsaa sa study, okay?” utos ni Mrs. Aurora sa mayordoma na noon ay nagsisimula nang ligpitin ang pinagkainan nila. “Coffe sa akin, manang,” aniya na tinanguan ng matandang katiwala. Umangkla naman sa kaniya ang kaniyang ina habang magkapanabay na humahakbang patunggo sa sala. “Ano ba kasi ‘yon, mom?” muli niyang usisa sa ina habang nakapatong ang kamay sa kamay nitong nakahawak sa braso niya. “Your father will explain to you,” pahayag nito na saglit na ikinatigil niya sa paghakbang. “You're making me nervous, mom,” matapat niyang wika saka nagpatianod nang muli siyang yayaing maglakad ng kaniyang ina. His father is a man of few words. Literally. Mas gusto lang nitong makinig at mag-obserba. Kaya nga nang sabihin ng kaniyang ina na ang ama ang magpapaliwanag sa kaniya ng kung ano mang dapat nitong sabihin ay kinabahan talaga siya. Something is up... at pakiramdam niya ay hindi iyon maganda. “Don’t be. Halika na,” anito. “Mom, if this is about me not dating—” “Let’s go. Naghihintay na ang daddy mo,” putol nito sa sinasabi niya. Humugot na lang siya ng hininga saka naiiling na naglakad kasabay ni Mrs. Aurora. Kilala niya ito. Hindi niya ito mapipilit na sabihin sa kaniya ang kung ano mang gustong sabihin sa kaniya ng kaniyang ama na minsan lang mangyari. Hindi kaya napuno na ang dddy niya at bibigyan na siya ng ultimatum para makapag-asawa na siya? Isipin pa lang na iyon nga ang dahilan kung bakit gusto pa nito na sa study room sila mag-usap ay nababagabag na siya. His parents are not the kind of parents who interfere with his personal life... unless they needed to. And perhaps, this is one of those moments that they need to step in. Naabutan nilang seryosong nakaupo sa swivel chair si Mr. Matthias tangan ang isang kumpol ng mga papeles. Kaagad itong umahon sa pagkakaupo sa swivel chair matapos nilang umupo sa itim na three-seater leather sofa ng kaniyang ina. Ibinagsak nito sa mahogany center table ang kanina'y tangan nitong mga papeles bago umupo sa may one-seater leather sofa na nasa gilid ng kinauupuan nila ni Mrs. Aurora. “Read it,” utos nito at saka sumandal sa kinauupuan. Kuno-noo siyang dumukwang at kinuha anh mga dokumento at saka isa-isa iyong binasa. Halos magkanda-doble-doble ang pagkakakunot ng noo niya at makailang beses din niyang sinulyapan ang amang paulit-ulit na naglalabas ng hangin sa dibdib. “Why are you showing this to me?” matapos basahin ang huling dokumento ay baling niya sa kaniyag ama. “Because you will be handling it,” diretsang sambit ng kaniyang ama. “What?” gilalas niyang tanong. “Why me?” “Because I know, you can resolve the issue. You personally know Sebastian and I'm sure that you will be able to convince him to reconsider,” paliwanag ng matanda. “But dad, this is an environmental issue—” Umiling ito saka muling nagsalita. “No, it isn't. It's business and political. And you need to convince him that we never violated any of those claims they mentioned.” “And how am I going to that?” Itinuon niya ang mga siko sa hita saka pinagsalikop ang dalawang kamay habang diretsong nakatingin sa kaniyang ama. “You need to go to Palawan tomorrow and set this issue straight,” anito na ikinatigagal niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD