CHAPTER 4

2372 Words
MAAGANG gumising si Diana para pumunta sa supermarket upang mamili ng lulutuing pananghalian. Mabuti na lamang at madaling lutuin ang paboritong pagkain ni Matt at hindi mahirap hagilapin ang mga panahog at sangkap. Base sa nakalap niyang impormasyon mula kay Dane, ang palaging ino-order nitong ulam sa tuwing lumalabas ang mga staff at teachers ng playschool ay sinampalukang manok. Ngayon siya nagpapasalamat sa yumao niyang abuela na itinuro nito sa kaniya ang pagluluto ng sinampalukan na native chicken noong bata pa lamang siya at nanirahan siya kasama nito sa probinsya. “Ako na lang ang bibili. Dumito ka na lang sa bahay,” pigil sa kaniya ni Luisa, ang manager niya, nang malaman nito ang balak niyang pag-alis. Naabutan niya itong umiinom ng kape at nanonood ng morning news habang naka-Indian sit sa sofa. “I’m fine, ano ka ba?” irap niya rito saka niya isinuot ang mahabang buhok sa butas ng cap niyang suot. She’s wearing a simple black t-shirt, short jeans and flats. “Sasama na lang ako, sandali at magbibihis ako,” giit nito saka dali-daling tumayo at kumaripas ng takbo sa kuwarto nito para magbihis. Mag-a-alas diyes na nang makabalik sila ng condo niya. Katakot-takot na putak na naman ang napala niya mula kay Luisa pagkasaradong-pagkasarado pa lang ng pintuan ng bahay niya. “Ang kulit-kulit mo kasi, eh. Ayan ang napala mo!” inis na sambit nito saka nagdiretso ng banyo at kinuha ang first aid kit habang siya naman ay nagdiretso sa kusina at nagsimulang ayusin ang lulutuin. Kasalukuyan niyang hinihugasan ang pinamiling manok nang padaskil na hilahin ni Luisa ang braso niya at pahiran iyon ng gamot. Nilagyan din nito ng gamot ang bandang leeg niya na hindi niya namalayang may kalmot din pala. Hindi rin naman kasi niya inaasahan na pagkakaguluhan siya sa supermarket kanina. Hindi naman siya ganoon kasikat para dumugin siya nang maraming tao kaya nga tanong ang loob niyang walang ano mang mangyayaring masama sa kaniya roon. Pero pagpasok na pagpasok pa lamang nila ni Luisa sa entrance ng supermarket ay may nakakilala na kaagad sa kaniya and out of excitement siguro ng ibang tao ay nahablot siya at nakalmot kaya siya nagkaroon ng mga gasgas sa braso at sa leeg. Pagkalagay ng band aid sa mga sugat niya ay padaskil iyong binitawan ng kaibigan saka ibinalik ang first aid sa banyo at saka bumalik sa kusina para tulungan siyang magluto. “Sasamahan kitang umalis ngayon. No buts! Mahirap na, baka kung ano na naman ang mangyari sa iyo. Buti na lang at tinulungan tayo ng security ng supermarket, paano kung sa labas ka kuyugin?” nakasimangot pa ring panenermon nito habang inaalis ang mga dahon sa sanga ng sampalok habang katabi siyang nakatayo sa may counter. “Luisa, school ang pupuntahan ko. Kindgarten school to be exact. Sino naman ang kukuyog sa akin do’n, aber? Mga teacher? Mga bata?” natatawang wika niya saka malambing na binangga ang tagiliran nito. “Huwag ka nang sumimangot diyan. Bahala ka, ‘pag ikaw nahipan ng hangin, forever nang mahaba ang nguso mo,” tudyo niya rito na inirapan lang nito. “Ah, basta. Kapag may nangyari sa iyong masama, ako ang mapuputakan ni Art.” Umirap ito sa kaniya. Alam niyang wala na siyang maidadahilan pa rito. “Hihingi na talaga ako ng security sa kaniya para sa iyo para hindi na maulit ‘yong nangyari kanina,” dugtong nito. “For what?” angil niya kaagad. Napatigil siya sa ginagawa saka hinarap ang manager na nakabusangot habang nagpapatuloy sa paglalagas ng dahon. “Luisa, nagkataon lang na may nakakilala sa akin kanina—” katwiran pa sana niya na mabilis nitong pinutol saka seryosong tumitig sa kaniya. “Exactly my point, Di! May nakakilala na sa iyo from a small supermarket! It only means na posibleng marami pang makakilala sa iyo in public kahit napakasimple ng suot mo at wala kang makeup,” paliwanag naman nito. “I’ll be very careful,” tugon niya hoping that Luisa will reconsider. Sa totoo lang kasi, ayaw niya ng may bodyguard. Bukod kasi sa nakakailang na palaging may nakabuntot sa kaniya, mawawala na rin ang privacy niya as a civilian. Isa pa, kung tutuusin, she’s a commercial and runway model and not an actress na dapat pagkaguluhan. “Please…” Marahas na buntong-hininga ang pinakawalan nito saka ibinalik ang atensyon sa ginagawa. “Okay… but I should always accompany you everytime na aalis ka,” pinal na desisyon nito na ikinairit niya. “Yey! Ang bait mo talaga! Kaya loves na loves kita, eh!” Niyakap niya ito nang mahigpit saka hinalikan sa pisngi na ikinangiti nito. “All right… all right… pero oras na naulit ang nangyari, we’ll hire your bodyguard immediately, okay?” sambit nito pagkabaling sa kaniya. “Okay!” nag-aprub sign pa siya saka masayang nag-focus sa paghahanda ng sahog at mayamaya’y nagsimula na ring magluto. Pasado alas-dose nang dumating sila ni Luisa sa playschool. Naroon sa labas ng gate si Dane na siyang kasabwat niya para hindi um-order ng pananghalian si Matt. Sinalubong siya kaagad nito at medyo may lungkot sa mga mata nito nang ganap na siyang lumabas ng kotse. “Hi, Dane!” masiglang bati niya rito saka siya lumigoy sa compartment sa likod ng kotse niya. “Hello, Ms. Diana,” ganting bati naman nito at saka sumunod sa kaniya. “Ah, eh, Ms. Diana,” usal nito sa likod niya habang binubuksan niya ang compartment para kuhanin ang mga pagkaing inihanda niya, maging ang mga fruits and snacks na para sa mga bata, staff at teachers. “Pakitulungan mo na lang kami, Dane, ha, medyo madami kasi ang bitbitin. Ako na ang magbibitbit nitong sinampalukan,” aniya saka nagpatiuna nang pumasok sa loob ng playschool kasunod si Dane at Luisa. Kung ano man ang sasabihin ni Dane ay mamaya na lamang niya uusisain. She wanted to get inside the playschool right away para makita na kaagad ang crush niya. May ilang bata ang nakakilala sa kaniya na sinalubong siya pagpasok nila sa hallway ng building. Sinunod naman niya ang direksyon ni Dane kung saan naroon ang maliit na canteen. Pasimple pa siyang sumilip sa nakasaradong opisina ni Matt ngunit hindi niya natanaw roon ang binata. “Tawagin mo na ‘yong mga staff and teachers para makakain na. Ako na lang ang tatawag kay Matt,” kumikislap ang mga matang wika niya kay Dane. Si Luisa naman ay napapailing na lang sa gawi niya. Her manager is aware that she likes Matt pero wala itong alam sa kung ano na ang mga nangyari sa kanila ng lalaki apat na taon na ang nakararaan. “Ms. Diana,” pigil sa kaniya ni Dane nang akmang lalabas siya ng canteen. “Yes?” Nagtatanong ang mga mata niyang bumaling rito. “Eh, kasi…” Napakamot ito ng batok saka apologetic na tumingin sa kaniya. “Kinuha ni Sir Matt ang telepono ko kaya hindi ko nasabi sa iyo na umuwi na siya at hindi raw babalik ngayong hapon.” Nasa tono ng boses ni Dane ang labis na paumanhin. “What? ‘Di ba alam niyang nilutuan ko siya ng ulam?” Pakiramdam niya ay may bumunggong kung ano sa dibdib niya. She was so disappointed… and hurt. Tumango ang babae saka nakikisimpatyang muling nagsalita. “Wala siyang sinabi na kahit na ano noong sinabi ko sa kaniya na paparating ka na, kaya nagulat na lang ako noong umalis siya kani-kanina lang bago kayo dumating. Noong hinanap ko ‘yong cellphone ko para sana tawagan ka, hindi ko na makita sa table ko. Noong tawagan ko ang telepono ko, siya ang sumagot. Kinuha niya raw ang cellphone ko para hindi raw kita matawagan,” lahad nito. “I’m sorry, Ms. Diana.” Tumango siya saka bumuntong-hininga. Gusto niyang lumubog sa kinatatayuan niya dahil sa pagkapahiya. Alam niyang walang gusto sa kaniya ang lalaki pero kailangan ba talagang ipahiya siya nito nang ganoon na lang sa harap ng mga tauhan nito? Isn’t it too much? Alanganin siyang ngumiti saka tinapik sa braso ang babae. “Ano ka ba? It’s fine. I didn’t cook this just for him anyway,” tugon niya kahit pa nga parang pinipiga ang puso niya. “Pero—” naputol ang sasabihin ni Dane nang hagilapin ni Luisa ang kamay niya at yayain. “C’mon, let’s go,” yakag sa kaniya ni Luisa. She forced a smile once again saka inalis ang pagkakahawak sa kaniya ng kaibigan. “I-I’m fine, Luisa. Hindi lang naman para kay Matt iyan, eh. Para sa lahat iyan. Tawagin na natin ‘yong iba bago lumamig ang sabaw,” aniya. Pero alam na alam ni Luisa that she was smiling although she was hurting inside. Nang umalis si Dane para tawagin ang mga kasamahan at mga estudyante ay panandalian siyang natigilan at tumitig sa kawalan. Sa totoo lang, gusto niyang umiyak sa mga sandaling iyon. Sa inis kay Matt at sa awa sa sarili niya. But she held back her tears. At least, she has to keep her pride kaya hindi niya dapat iyakan ang ginawang iyon ng lalaki. “You’re not okay. Halika na,” bulong sa kaniya ni Luisa saka bumaling kay Dane na noon ay hindi niya namalayang nakabalik na pala sa canteen. “I’m sorry, Miss, pero pupuwede bang mauna na kaming umalis ni Diana? We really need to go for her show,” pagsisinungaling ni Luisa. Here she goes again, saving her ass. “Luisa—” tutol pa sana niya ngunit pinandilatan siya nito. “Let’s go!” pilit nito saka siya hinawakan sa braso. “Okay. Mauna na kami, Dane. Sana magustuhan n’yo ang luto ko,” magiliw pa rin niyang sambit saka nagpaalam dito. Habang palabas ng hallway ay pasimple pa siyang kumaway sa mga nakatingin sa kanila at nakakasalubong nila. Hindi niya alam kung mayroong ideya ang mga ito sa pagmamahiyang ginawa sa kaniya ni Matt, but he couldn’t care less. Now, she is more willing to get him into bed… by hook or by crook, he’ll beg her to get laid!   WALANG kibo na sumakay ng kotse si Diana. Kinuha ni Luisa sa kaniya ang susi ng kotse niya para ito ang magmaneho kaya sa passengers seat siya umupo. “Are you kidding me, Diana?” nanggigigil na tanong ni Luisa habang ang mata ay nakatutok sa kalsada. Luisa respected her silence for five minutes and when she heaved a deep sigh, that’s when her manager started scolding her. Matipid siyang ngumiti bilang tugon dito nang sulyapan siya nito saka niya ito tinapik sa kamay na nakahawak sa kambyo. “Ano ka ba, Luisa? Don’t get mad, alalahanin mo, ang mahal ng facial cream na ginagamit mo sa mukha para masayang sa walang kakuwenta-kuwentang bagay. Cheer up, Luisa!” Pilit niyang pinasaya ang tono ng pagkakasabi niya. “Ako pa talaga ang gaganyanin mo? Kilala kita, Diana. Alam ko na nagpipigil ka lang umiyak kanina sa harap ng ibang tao,” singhal nito saka muling nagpakawala ng marahas ng hangin sa dibdib. “Ay naku, Diana! Hindi ko na alam ang gagawin ko sa iyo! Sa ganda mong iyan, bakit hindi mo na lang sagutin ang isa sa mga matitinong nanliligaw sa iyo? Bakit ang hilig-hilig mong bumuntot sa mga lalaking ayaw sa iyo?” “Grabe ka! Mga talaga?” inirapan niya ito saka pinagsalikop ang mga kamay sa harap ng dibdib niya. “Yeah… remember Art? Kung hindi pa nag-asawa, baka hindi mo rin tinigilan,” walang prenong wika nito habang ang mata ay tutok pa rin sa daan. “Art is history, Luisa. And he did like me—” “But not as much as how you wanted him to like you,” mahaderang sagot nito bago iiling-iling na nagpakawala ng hininga. “This time, I will assure you… Matt will like me and he will be mine eventually,” confident na wika niya. “And how will you do that, hmm? Eh, daig pa nga niya si Julia Roberts sa pag-runaway, eh,” pilosopong sagot nito. “I’ll make him want me. As simple as that.” She shrugged as if that is as easy as a pie. Tumigil ito sa pagmamaneho nang magpula ang stoplight saka bumaling sa kaniya. “You’re kidding, right? Tell me that you’re actually kidding,” kunot-noong sambit nito. Luisa smells problem based on her reaction. “Of course not. Why not? I could do that, itaga mo ‘yan sa bato,” challenge niya rito. “You still don’t get it, do you? Hindi lahat ng gusto mo, eh, makukuha mo dahil lang alam mong kaya mo. Sometimes, those things that you thought were easy to attain are those that aren’t. Mag-isip ka nga muna bago ka gumalaw. You did that with Art. Akala ko tapos na ang kahibangan mo… I thought you became matured enough to realize that. Pero ano na naman ‘tong ginagawa mo ngayon? Pinapababa mo na naman ang sarili mo dahil lang sa lalaking iyon, and for what?” sabon nito sa kaniya. Bumungtong-hininga lang siya saka inginiuso ang stoplight nang mag-green iyon. “Go. Green na,” pakli niya para hindi na siya ratratan nito nang ratratan at nabibingi na siya sa kasesermon nito sa kaniya buong araw. Imbis tuloy na magmukmok siya dahil sa ginawang pang-runaway sa kaniya ni Matt ay napalitan iyon ng pagkainis sa katabi. Naiinis siya kasi lahat ng sinabi nito ay tama. Lahat ng sinabi nito ay may punto. At, oo, tanga siya na sa kabila ng ginawa ni Matt, she’s still willing to take a chance on him. Just because she wanted him… so much that she’s willing to play as a stupid teenage girl going after her crush! Yeah, she’s such a loser!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD