11. A MOMENT WITH YOU

1839 Words

“B-Bili lang po ako ng ilang school supplies sa bayan, mommy…” kinakabahang paalam ni Mayet sa ina. Pagkauwi pa lang ay alumpihit na siya. Maaga pa siyang nagluto para pagdating ng ina ay agad siya nitong payagang makalabas.  “Sige. Umuwi ka ng maaga para sabay tayong maghapunan,” bilin nito.  Nakahinga siya nang maluwag at agad na tumango. Lumabas na siya at agad na pumara ng tricycle saka nagpahatid sa isang bookstore. Bumili siya ng papel at ballpen dahil na rin paubos na ang gamit niya. Pagkatapos ay kabadong naglakad na lamang siya papuntang plaza.  Nahigit niya ang hininga nang makitang matyagang naghihintay si Devon. Nakaupo ito sa swing. Ni hindi niya ito kababakasan ng inip. Panood-nood lang ito sa mga batang naglalaro doon at paling-linga. Mukhang sinisiguro kung nasa paligid

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD