12. HEART THAT UNDERSTANDS

1148 Words

"Nag-review ka na ba? Exam na bukas, ha.” Ani Mayet kay Devon. Sinabayan siya nitong maglakad pabalik. Galing si Mayet sa CR at kagaya ng dati ay nasa labas si Devon na matyagang naghihintay. Matapos ang pagpunta nila ni Devon sa plaza ay mas lalong sumipag itong sumulat sa kanya. Itinatago niya iyong maigi dahil noong minsan ay napagalitan siya ng ina nang makita ang isang sulat nito sa ilalim ng unan niya. Nasabon siya ng ina at napagalitan si Devon. Napagsabihan itong huwag nangg sumulat. Nagkaroon na rin ng gap ang mga ina nila dahil na rin sa nangyari. Si Devon ay napagalitan din daw ng ina nito. “Yes. May group study kami at sasama ako sa kanila. Sa’yo sana ako makiki-review pero alam ko namang hindi p’wede.” “Devon… ayoko na sanang lumala pa ito,” amin niya rito at napahinga ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD