Chapter 1: New Life

1916 Words
Nang masiguro na ni Helena na tulog na ang lalaking pinag-alayan niya ng pagka-birhen. Kagad na kinuha niya ang pera, na ipinatong nito kanina sa coat nito. Ipinasok niya iyon sa bag niya. Alam niyang mali, pero ito lang ang tanging paraan para makauwi siya sa ng Baler. Wala siyang perang pamasahe. Lahat ng sinahod niya sa pinsan ay ipinadala niya sa ina, nitong nakaraan lang. Hindi rin siya pwedeng magpalaboy sa lansangan. Babae siya, baka mapano pa siya. Pero heto, ipinagkaloob niya ang sarili sa estranghero para lamang may perang dala pauwi ng probins’ya. Tinampal niya ang dibdib sa sobrang awa sa sarili, ang daming nangyari sa kan’ya ngayong araw. Pero kahit gano’n nagpapasalamat siya, dahil ipinagkaloob niya sa lalaking mukha namang matino. Buti, hindi si Greg ang kumuha ng v-card niya. Dahil baka pagsisisihan niya habang buhay. Wala talaga sa isip niya ang maki-apid, lalo na sa asawa ng pinsan. Kasalanan iyon sa poong-maykapal.  Napatingin siya sa lalaking himbing na himbing ang tulog. Iba ang pakiramdam niya sa lalaking estranghero. Hindi niya alam kung bakit nagustuhan niya ang nangyaring ngayong gabi. Hindi niya maiwasang titigan ang g’wapong mukha nito. Hindi niya mapigilang haplusin ang mukha nitong napaka-amo. Base sa itsura at kutis nito, may sinabi ito sa buhay. Makakapal din ang kilay nito. Bumagay naman sa mata nito. Sadyang mapupula din ang mga labi nito, na parang ang kaysarap hagkan. Sayang lang at mayaman ito. Samantalang siya, namasukan bilang katulong sa pinsan niya. ‘Yon lang ang pinagkakakitaan niya. Hindi rin siya nakatungtong ng kolehiyo. Muli siyang napatingin sa estranghero. Kung nasa tamang katinuan lang ang lalaking ito, baka hindi siya nito papatulan. Napatingin siya sa wallet nito. May ID doon. Wala sa sariling binuklat niya iyon. Ngayon lang siya naki-alam ng gamit ng iba. Napa-awang ang kanyang labi nang makitang nakasuot ito ng unipormeng pang pulis. Saka lang niya napagtanto ang suot nitong hinubad kanina ay pang-police nga na uniporme. Naka-pokus kasi siya sa pagdedeliryo nito. Binalikan niya ng tingin ang ID nito. "Axel Kim Becker," naisatinig niya habang binabasa pangalan nito. Bagay dito ang pangalan nito. Muli na naman niyang binalikan ang mukha nitong payapa na sa tulog. Napaka amo talaga ng mukha nito. Ang sarap titigan. Wala rin siyang masabi sa katawan nitong makisig, na halatang alagang-alaga sa ehersisyo. Sabagay pulis ito, kaya kailangan nito talaga ang matinding ehersisyo. Hindi maikakailang naka-droga ito kanina. Wala itong tigil sa pagdaing, at sa pag-angkin sa kan’ya. Nasaktan siya ng sobra noong una, pero kalaunan ay nakasanayan na niya. Hindi niya mapigilang mapangiti ng maalala ang nangyari. Kahit masakit ang buong katawan niya, mas lamang pa rin ang saya na nararamdaman niya. Tumayo siya at naghanap na p’wedeng ikumot sa binata. Wala siyang makita, kaya pumasok sa isang kuwarto. May gamit doon ang binatang pulis. Alam niyang binata ito dahil wala pa itong singsing. Mas lalong wala ring picture ng nobya nito sa wallet. Agad na hinila niya ang comforter na nasa kama at nagmadaling bumaba. Wala itong saplot, ni isa man. Napalunok siya nang masilayan ulit ang kahub’dan nito. Malungkot na nilisan niya ang lugar na iyon. Babaunin na lang niya ang ala-alang iyon. Medyo nahirapan pa siyang maglakad. Pagdating sa labas ng hotel ay naghintay siya ng taxi, at nagpahatid sa Cubao. Tumambay siya sa terminal ng bus. Kakaalis lang daw nito, kaya naghintay siya hanggang alas-sais ng umaga. Inabot ng anim na oras ang biyahe niya pauwi ng Baler. Ang buong akala niya ay matutuwa ang kanyang ina pero hindi pala. Mag-asawang sampal ang sinalubong nito sa kan’ya. Hinila pa nito ang mahaba niyang buhok. "Walanghiya ka! Pinahiya mo ang pamilya natin! Nilandi mo ang asawa ng pinsan mo, kaya ka pinalayas! Wala kang delikadesa! Ano ngayon? Saan ka maghahanap ng trabaho? Nakakahiya ka! Paano tayo kakain ngayon? Paano ba kita naging anak!" bulyaw nito sa kanya. Tumingin siya sa ama, na wala man lang reaksyon. Umiiling siya dito bilang pagtanggi sa mga akusasyon ng ina. Pero wala siyang marinig, o makitang reaksyon mula dito. Mukhang naniwala ang pinsan niya sa asawa nitong manyakis. At, iyon din ang itinanim nito sa magulang niya. Siya nga itong agrabyado. Ang asawa ng pinsan niya ang nanghipo sa kanya. Kahit sinong babae ay hindi iyon magugustuhan. Tapos naniwala din agad ang pinsan niya, na may nangyari daw sa kanila ng asawa nito. Wala sa bokabularyo niya ang patulan ang asawa nito. Halos araw-araw galit na boses ng ina, ang gumigising sa kanya, sa loob ng isang buwan. Tiniis niya ang ganoong trato ng ina sa kanya. Ang ama naman niya singlamig ng yelo ang pakikitungo sa kanya. Ganoon ba kababa ang tingin ng mga ito sa kan’ya? Mas pinapaniwalaan pa ng mga ito ang iba kaysa sariling anak. Isang buwan na din siyang naghahanap ng trabaho, pero sadyang mailap ang kapalaran. Walang tumatanggap sa kanya. Tinitipid niya ang limang libong naitabi mula sa binigay ni Axel sa kanya, noong gabing iyon. Sampung libo iyon, pero naibigay na niya ang tatlong libo sa ina para pangdagdag sa gastusin. Ang dalawang libo naman ay nagastos niya noong pauwi at pinamasahe niya sa paghahanap ng trabaho. Nitong mga nakaraang araw lagi siyang tinatamad bumangon para mag-apply. Kasalukuyang nagluluto ang ina ng ginisang sardinas, na may malunggay nang bigla siya nakaramdam ng pagsusuka. Hindi na niya napigilan ang suka nang malanghap ang niluluto ng ina. Galit na mukha ng ina ang bumungad sa kanya pagkatapos linisin ang lababong napuno ng suka niya. "Hoy, Helena! Sabihin mo nga sa akin. Buntis ka ba? Sino ang ama? Si Greg ba?" sunod-sunod na tanong nito sa kan’ya. Napaawang ang kanyang mga labi sa tanong ng ina. Siya, buntis? Bigla siyang nanghina. Pero kung buntis nga siya, ibig sabihin nagbunga ang ginawa nila ni Axel nang gabing iyon. Kahit isang gabi lang, may mabubuo na kaagad? Hindi niya maiwasang tanungin ang sarili. Hinarap niya ang ina. "Nay, hindi ho si Greg ang ama ng dinadala ko, kung sakali. Dahil wala pong katotohanan ang mga ibinibintang niyo sa akin. Wala pong nangyari sa amin ni Greg, ‘Nay. Wala," paliwanag niya sa ina. Napangisi ng mapakla ang ina niya. "Kung ganon sino? Iharap mo ngayon din! Dahil kung wala kang ihahahrap sa akin. Lumayas ka mismo ngayon din! Dahil, puro kahihiyan at pasakit lang ang ibinibigay mo sa amin!" ani ng ina niya at pumasok sa kuwarto niya. Paglabas nito ay bitbit nito ang bag at maleta niya. Inihagis nito iyon sa may pintuan nila kaya napaiyak na lang siya. Hindi siya tanga para hindi maintindihan ang ibig sabihin niyon. Pinapalayas siya ng ina niya. Paano nga kung buntis siya? Saan siya pupunta ngayon? Paano na sila ng magiging anak? "Nay, bakit ho ba ganyan kayo sa akin? Bakit mas naniniwala kayo sa ibang tao, kaysa sa sarili n’yong anak? Dugo't laman niyo ako, inay. Bakit po napakahirap na paniwalaan n’yo ako? Lahat ginawa ko para sainyo. Para matustusan ang pangangailangan niyo. Bakit, hanggang ngayon ba, ako pa rin ang sinisisi niyo sa pagkamatay ni ate? Sige ho, tatanggapin ko, na ako nga ang pumatay sa pinakamamahal niyong anak! Aakuin ko na po para mapanatag kayo. Siguro nga po, ako ang... ang pumatay kay Ate. Patawad…" aniyang humagulhol na. Natahimik ang ina niya sa sinabi niya. Tumingin muna siya  sa ina bago kinuha ang mga gamit, pero wala yatang balak na pigilan siya ng ina. Hilam ang mga luha niya hanggang sa sakayan ng tricycle. Nakailang lingon pa siya sa bahay nila, pero hindi man lang niya nakita ang ina na lumabas, kahit sa tarangkahan lang ng kanilang bahay. Wala siyang halaga para sa ina. Minsan tuloy tinatanong niya ang sarili kung anak ba talaga siya ng mga ito. Sa terminal ng bus pa-maynila siya nagpahatid. Buo na ang desisyon niyang makipagsapalaran muli sa Maynila. Baka sakaling doon niya mahanap ang kasiyahan, na matagal  na panahon niyang ninanais. Igagapang niya ang batang nasa sinapupunan niya, ano man ang mangyari. Wala na siyang ibang mapuntahan dito sa Baler. Halos lahat sa mga kaklase niya noong high school ay nasa Maynila na. Yun nga lang, wala siyang kontak ni isa man sa mga ito. Hindi rin siya palagamit ng social media dahil de-keypad lang naman ang telepono niyan ng mga sandaling iyon. Gabi na siya nakarating sa Maynila dahil sa sobrang traffic. Hindi niya alam kung saan siya magsisimula. Wala sa sariling sumabay siya sa mga taong papasok ng bus na huminto. Lahat nagbabaan ng bus pagdating ng Monumento. Napaupo siya sa bakanteng silya ng terminal na iyon. Ngayon lang siya nakaramdam ng pagod. Hindi man lang kasi siya umidlip sa bus kanina. Nagpakawala muna siya ng buntong hininga bago tumayo. Napatingin siya sa lumang relo. Past 8 na ng gabi. Umakyat siya sa overpass. Hindi niya alam kung sa kanan o kaliwa tutungo. Wala siyang mapuntahan talaga. Tinungo niya ang malapit na convenience store. Kailangan niyang magtipid kaya balak niyang bumili ng biscuit lang at tubig. Napatingin siya sa matandang nasa gilid ng convenience store na iyon. Meron naman itong benta ng biscuit kaya minabuti niyang doon na lang bumili. Mukha namang mabait ang matanda. Madaldal nga lang. Wala siyang matulugan ngayon kaya naglakas loob siyang magtanong sa matanda. “‘Nay, may alam po ba kayong puwedeng matuluyan ngayon? Magbabayad po ako. O, ‘di kaya mauupahan? Kahit mura lang po,” “Bakit? Bagong salta ka lang ba dito, ineng?” Tumango siya dito. “Nagbabakasakali po sana dito sa Maynila, ‘Nay. Baka po suwertehin,” “Kung masipag ka dito, susuwertehin ka talaga. Kung tamad ka naman, mamalasin ka,” anito habang nagsusukli sa mamang bumili ng candy at sigarilyo. Napangiti siya sa sinabi nito. Totoo naman kasi talaga. “Pero kung gusto mo sa akin ka na umupa. May isang border ako na kakaalis lang kahapon. 1 month advance, at 1 month deposit ang hinihingi ko. Okay lang ba sa’yo, ineng?” Napakamot siya ng ulo. Nabawasan na ng isang libo ang pera niya, na pinanggastos kaninang umaga papunta dito. “Magkano po ba ang monthly, ‘Nay?” tanong niya sa matanda. “Isang libo lang naman. Mura na ‘yon. Kaso maliit lang ‘yon. Sakto sa’yo, kasi mag-isa ka lang. Kunin mo na, ineng. Dapat 1500 nga ‘yon, eh, kasi panibagong uupa. Pero ibibigay ko lang ng mura sa’yo. Mukha ka namang mabait,” ani ng matanda. Ngumiti ito kapagkuwan. Bigla siyang nagkuwenta sa isip.  Mura talaga ang bigay nito. Kung kukunin niya iyon, dalawang libo na lang ang matitira sa kaniya. Kailangan niyang makahanap ng trabaho sa lalong madaling panahon. “Sige po, kukunin ko. Wala po talaga akong matutuluyan.” Hinintay niya si Nanay Norma na matapos sa pagtitinda. Sabay silang tumawid ulit ng overpass at naglakad. Dalawang kanto din halos ang nilakad nila. Maliit nga lang talaga ang sinasabi nito. Parang barong-barong lang, nasa gilid iyon ng bahay nito. Pinahiram siya nito ng ceiling fan. Sinabi na niya sa matanda na buntis siya. Nakitaan niya ito ng pag-alala. Naikuwento na niya ang lahat-lahat sa matanda maliban sa propesyon ni Axel.  Iniisip niya din kung pupuntahan ba si Axel. Pero paano ba niya ito pupuntahan sa hotel na ‘yon, eh mukhang nag-check-in lang yata ito doon. Kahit ‘yong pinsan niya gano’n din ng mga oras na iyon. Kinapa niya ang tiyan niya ng makaramdam ng gutom muli. Hinatiran siya ni ‘Nay Norma ng pagkain mayamaya. Itlog na maalat ang ulam niya. Laking pasalamat niya at nakilala niya ang matandang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD