Masakit ang balikat at ngalay ang likod na bumaba ng kotse si Dale, hindi naman s'ya nag maneho pero pakiramdam n'ya napagod s'ya sa mahabang biyahe. Papasok na sana s'ya sa loob ng bahay ng magulat ng biglang bumalandra pabukas ang pinto na muntik na s'yang tamaan dahil tumatakbo palabas si Katelyn na galit ang facial expression ng mukha nito pero ng makita s'ya bigla iyon lumamlam na parang nakakaawa. "Saan ka pupunta?" pigil n'ya sa braso ni Kate. "Aalis lang ako saglit babalik din ako." tatakbo na sana ulit s'ya ng hindi s'ya pumayag. "Hindi puwede kadarating ko lang at obligasyon mo na intindihin ako bilang asawa." "Please kahit ngayon lang may nakakita daw sa anak ko." "At naniwala ka naman pumasok ka na sa loob." galit na utos ni Dale pero mabilis na naka wala si Kate sa hawak