Habang nag aalmusal sila sa airport at nag iintay ng flight nila pabalik ng Pilipinas, hindi maiwasan ni Dale na pag masdan si Kate habang kumakain. Ang tahimik nanaman nito hindi kagaya ng babaeng kaniig n'ya kagabi, daig pa nito ang may dual personality pati s'ya na lilito na din kung ano ba talaga ang sakit nito kung alin ba ang totoo, may dual personality ba ito or bipolar sadya o baka meron sumasanib rito na masamang espirito dahil mukhang nakakakita ito ng mga bagay na hindi na kikita ng normal na tao. Hindi na talaga n'ya alam kung alin ang totoo sa pinakikita nito sa kanya. "Pag dating sa Pilipinas, puntahan mo to." ani Dale sabay abot ng isang calling card kay Kate na agad naman tiningnan ni Kate maliit na card. Isang calling card iyon ng isang Gynecologist doctor, kinuha n'ya iy