Panay ang pabalik-balik ni Trina sa harapan ng salamin upang sipatin ang sariling repleksyon nito kung maayos ba ang pananamit niya, maganda ba siya or whatsoever. Kanina pa siya hindi mapakali, may paroon at may parito sa loob ng silid niyang iyon ang dalaga. Nakapagdesisyon na siya na ipagtapat kay Damien ang tungkol kay Dero noong isang araw pa nang sa kidzoona sila, pero hindi siya makakuha ng tamang pagkakataon sapagkat nauunahan na naman siya ng kaba. Sana ikaw na lang po ang daddy ko… Iyan ang mga katagang binitawan ni Dero kay Damien na hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis-alis sa kan’yang isipan. Gusto niyang itama sa anak na ang tunay nitong ama ay si Damien pero hindi naman niya masabi. Kaya heto siya ngayon, kagabi pa ini-ensayo ang mga salitang sasabihin niya sa binata k