1st Truth

4000 Words
THIRD PERSON Masayang kumakain ang pamilya Co o ang pamilya ni Uno. Seryosong kumakain si Jenika, si Maria at ang asawa ni Jenika na si Kadin. "Maria anak ko, kumusta si Uno?" "Bumalik na po siya sa business niya Mommy," "Kadin, please tell to our daughter about Uno." "Huh? What's wrong? Ano ang dapat kong malaman Mom and Dad?" Nagkatinginan ang mag-asawa, samantalang si Maria na kanilang anak ay naguguluhan sa kanilang sasabihin. TRES Nakahilata lang ako sa kama dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Nakangiti lang ako habang nakahilata dahil hinatid ako ni Uno. Nagulat ako nang bumukas ang pinto ng aking kwarto. Nakita ko si Mommy na masayang hawak ang dalawang painting na binigay sa akin ni Uno kahapon. "Anak... ang ganda ninyo!" masayang sigaw niya sabay niyakap ako. "Hahaha! Salamat po Mama, uhm, ilagay niyo nalang po sa kwarto niyo ang mga painting huh!" "Oo naman anak, salamat dahil pina-paint mo si Ate mo at ikaw. Anak, matagal ko nang gustong sabihin sa'yo 'to..." "A-ano po ang nais niyong sabihin, Mama?" "Anak, kahit hindi ko sabihin ay alam ko na naramdaman mo na iba ang trato ko sa'yo at sa Ate mo. And that's hits a lot to me Tres, hindi ko sinasadya na tratuhin ka na parang hindi ko anak dahil mali 'yun. Sa katunayan niyan ay pinahalagahan kita anak, pero..." "Mama... huwag kayong humingi ng sorry... pero ano po? Ano po ang dahilan niyo?" "Zeroie!" sigaw ni Daddy mula sa baba. Nagulat ako dahil agad na tumakbo si Mama kaya naman bigla akong nalungkot. Mamaya ko nalang siya kakausapin, baka need siya ni Dad. Naligo na ako at nagbihis, pagkababa ko ay seryoso si Mama at si Daddy habang nakaupo sa sofa. "May pupuntahan ka ba anak?" seryosong tanong ni Dad na parang nag-iimbestiga. "Wala po Daddy, bakit po?" "Puntahan mo ang address na 'to." seryosong ani niya sabay abot sa akin ng isang papel. "Sige po, uhm ano naman po ang gagawin ko sa lugar na 'to?" "May bibilhin ka sa taong pupuntahan mo, nasa likod ng papel ang bibilhin mo at name niya. Kapag nandun ka na sa lugar ay tsaka mo nalang buksan." Tumango lang ako kay Daddy at kay Mama sabay lumabas na ako agad. Masaya akong sumakay sa kotse ko. Habang nagmamaneho ako ay nakatingin lang ako sa address. Ano kaya ang mayroon sa lugar na 'yun? Hehe! Pakiramdam ko ay magiging masaya ako. Tumigil ako sa isang malaking building, oo nga nandito na ako. Nang bumaba ako ay teka... parang napuntahan ko na 'to? Agad akong lumapit sa building, napuntahan ko na nga 'to dahil 'yung guard na nasa harapan ko ay siya rin ang guard na pinagtanungan ko. Ito 'yung isang malaking art gallery na maraming bawal. Mahilig din pala sa art si Daddy? Agad akong pumasok, nakita ko ang isang staff na nagbabantay sa mga painting. Pagkatingin ko sa papel na hawak ko ay nakita ko ang isang note na ang nakalagay ay T at U. Huh? Ano naman ang gagawin ko sa mga letter? Grabe naman si Dad, hindi man lang specific ang instruction. Agad akong lumapit sa staff sabay ipinakita ko sa kanya ang nakasulat sa papel. Tumitig siya sa akin, siguro ang nasa isip niya ay baliw ako. "Mam, umakyat po kayo sa third floor," masayang ani ng babaeng staff. "Ha? For what?" "Based po kasi sa papel niyo ay nasa third floor po ang hinahanap niyo, hehe!" "I-I s-see," Agad akong sumakay sa elevator. Nang makarating ako sa third floor ay isang malawak na space ang bumungad sa akin na may isang black office sa gitna. "Ano bang meron?" Agad akong lumapit sa black office sabay kumatok. Ilang beses ang kumatok nang kumatok pero wala pa ring nagbubukas, attitude huh! Agad akong tumalikod, naramdaman kong bumukas ang pinto. Teka... automatic ba 'to? Wala kasing tao na lumabas. Dahil sa curious ako ay pumasok ako sa opisina. Pagkapasok ko ay napangiti ako dahil grabe, ang daming magagandang painting! Nang humarap ako sa kabilang side ay... "Bakit nandito ang mukha ni Mama Zeroie? Hindi kaya... kay Daddy din itong art gallery?" "What are you doing here? Ano ang karapatan mong pumasok sa opisina ko? Sino ang nagbigay sa'yo ng permiso?" Hindi ako agad lumingon dahil totoo nga naman na wala akong karapatan na pumasok sa office niya. His voice, nang lumingon ako ay... "Uno?!" "Tres?! Anong ginagawa mo rito?!" pigil na sigaw niya. "Ikaw? Ano ang ginagawa mo rito sa office ng art gallery ng Dad ko?" "Huh? Tres, this is my office. This is my building." "Ano 'yun?!" sigaw ko sabay turo ko sa painting ni Mama. Bumuntong-hininga lang siya sabay umupo nang maayos at seryoso. "Sabihin mo sa akin, bakit mayroon kang painting ni Mama?! " "Hindi mo ba itatanong muna kung bakit ako ang may-ari?" "So, bakit ikaw?" "Pinagsikapan ko ang art gallery na 'to Tres noong nakapagtapos ako ng pag-aaral. Sa katunayan nga niyan ay naging waiter ako sa ibang bansa maka-ipon lang ng puhunan." "Fine, ang tanong ko bakit? Bakit mayroon kang painting ng Mama ko? Huwag mong sabihin na... may relasyon kayo?" Tumawa siya na ikinagulat ko. "Akala mo ba Uno ay hindi ko alam na hinahanap pala ako ni Mama? Tapos sabi mo na hindi? Tapos how about the letter from Mama? Fake ba 'yun?! Sige nga Uno! Sabihin mo sa akin, bakit?!" "Gusto mo bang malaman!" sigaw niya na ikinagulat ko. "Ano?!" "Ang Mama mo ay Mama ko rin, naintindihan mo?!" "A-anong s-sinasabi m-mo?!" "Hindi ba maliwanag sa'yo? Ang Mama mo ay Mama ko!" "T-talaga?! Bakit hindi mo sinabi agad!!!" galit na galit na sigaw ko. Hindi ko na napigilang umiyak dahil bakit ngayon niya lang sinabi kung kailan mahal ko na siya? "Uno... kaya ba nung inaya kitang mag-dinner ay wala ka sa iyong sarili? Kaya ka cold kasi Mama mo ang Mama Zeroie ko?!" "What do you expect?" "Pero bakit ngayon mo lang sinabi! Mukha ba akong laruan sa'yo?" "Hindi, pero ako ang pinaglaruan niyo. Naalala mo ba? Noong mga bata pa kayo? 'Di ba masaya kayong kinakantahan ng Mama mo? Hindi mo ba nakita na nandun ako sa harap niyo habang umiiyak!!!" galit na galit na sigaw niya sabay nanlaki ang mga mata habang namumugto. "Noong bata ako ay kinakantahan ako ni Mommy. Nangako sa akin si Mommy na ako lang ang kakantahan niya... pero mayroon pa palang iba. Nakita ko noon sa dalawang mata ko kung paano niya kantahan ang dalawa niyang anak sa bago niyang pamilya." dagdag niya. Ano? Teka... parang narinig ko na 'to noon. Oo tama! Teka... so it means si Uno 'yung lalaking naglabas sa akin ng sama ng loob sa URB?! Siya 'yung lalaking napasukan ko ang room?! Siya ay fan ko na malungkot nung gabing 'yun?! Hala! Grabe. Tsaka nahuli ko noon si Mama na magaling siyang kumanta. "U-Uno... so it means na galit ka sa akin? Kay Ate Dos at kay Mama? Kaya mo ba ako nilayo kay Mama?" "The good revenge is target the enemy by force of invisible distance." seryosong sagot niya. "Uno... naging mabuti naman ako sa'yo 'di ba?! So bakit ka ganyan?!" "Dinala lang kita sa probinsya para ilayo sa Mama mo na Mama ko. Gusto kong maranasan ni mama na mawalan ng anak. Sa totoo lang? Matagal ka na nyang hinahanap pero ipinalabas ko na hindi." Lumapit ako sa kanya habang umiiyak sabay sinampal ko siya. Ngumisi lang siya sa akin, "Lahat ng kabutihan ko sa'yo noon ay hindi totoo. Hanggang sa minahal mo ako, alam mo bang natuwa ako?" "Ano?! Kahit noong niligtas ko kayo ay wala lang 'yun?!" "Hindi naman Tres," "Sige, sabihin mo na lahat!" "Ang ma-in love ka sa akin ay isang revenge na kapag nalaman mong magkapatid tayo sa ina ay mas masasaktan ka." Hindi ko na napigilan ang luha ko sa pagdaloy. Napaluhod ako kasi ang sakit! Ang sakit sobra! "'Yang revenge na sinasabi mo ay nagtagumpay ka. Kaya ako umiiyak ngayon kasi ikaw ba naman! Nalaman mo na 'yung taong mahal na mahal mo ay kapatid mo?! T*ngina naman ng stategy mo! Sobrang mapanakit!!!" Hindi ko na napigilang humagulhol. Nang tumingin ako sa kanya ay seryoso lang siyang nakatingin sa akin na parang hindi siya naaawa sa akin. "I have one gallery lang before, lumaki 'yun dahil sa strategy ko. But in a good way." "Uno... sa tingin mo ba deserve ko ang lahat ng 'to?!" "Ako ba Tres? Deserve ko bang mapanuod noong bata ako na masaya kayo?! 'Di ba hindi! Simula noon ay hindi na ako binalikan ni Mama! Alam mo bang sobrang sakit nun, huh?! Alam mo ba?! Naramdaman mo ba?!" "Bakit sinusukat mo ang nararandaman ko?! Wala kang karapatan Uno! Nasaktan ka nga oo, pero sana hindi ka nalang nag-revenge!" "Revenge has been done." "May pa Inaya ka pang nalalaman dyan! Ano nga ulit 'yun?! Girl from God?! Tapos ano?! Dinemonyo mo ang isip at puso ko?! Sa tingin mo ba ay masaya 'yun?!" "Masaya 'yun oo, pero hindi naman ako naging hard sa'yo ng sobra." "Paanong hindi? Tsaka ka kang umamin kung kailan mahal na kita! Pero ano?! Kapatid pala kita! Kaya pala kita mahal dahil iisa lang ang dugo natin! Sana sinabi mo! Para naman hindi nalang kita ginawan ng tula na halos in love na in love ako sa'yo!" "Umalis ka na Tres, salamat nalang sa kabutihan mo." Ngumisi lang ako, "Alam ba 'to ni Mama? 'Di ba sabi mo ay hindi na siya nagparamdam sa'yo simula noong nasaksihan mo kami?! Tara, sumama ka sa akin!" "For what?! I don't care!" "'Di ba gusto mong makabawi sa akin?! Sumama ka sa akin! Dun ka lang makakabawi sa akin Uno kapag sumama ka." "Ano namang gagawin ko Tres? Ipapamukha mo sa akin na anak ka niya?! At ako ang nakakaawa niyang anak sa labas?!" "Oo! Tara!" agad kong hinila si Uno pero pinipigilan niya ako. Seryoso akong tumingin sa kanya. "Ang pagsama mo sa akin, ito nalang sana ang pagbawi mo sa kabutihan ko sa'yo at sa mga ranks." Hindi nagsalita si Uno, nagkatitigan kami pero bigla akong umiwas. Sabihin ko ba sa kanya na ako 'yung sikat niyang idol na pinag-confess-an niya ng sama ng loob? Pero baka hindi siya maniwala. Dun palang sa part na nakita ko siya noong araw ng birthday ni Ate ay parang nakita ko na siya noon sa URB, may condo nga siya pero hindi lang pala dun ang pinupuntahan niya... pati sa bar. "Uno, huwag mong sabihin na ikaw ang nagpabangga sa Ate ko?!" "Why would I? Kahit galit ako ay hindi ako mamamatay tao." "Ano lang? Mamamatay puso?" "Stop Tres, umalis ka na." "Pero hindi mo ba talaga pinapatay si Ate? Siguro naman may konsensya ka dahil noong araw na 'yun ay birthday niya? O wala kang konsensya?!" "Can you stop your mouth! Wala akong ginawa sa Ate mo!" "Wala ba talaga? Bakit galit ka?!" "Galit ako kasi you are accusing me." "Bakit hindi?! Ang dami mong kasinungalingan Uno!" "Pero hindi naman lahat ng sinabi at ginawa ko sa'yo ay kasinungalingan. Naawa rin ako sa'yo Tres, sana ay alam mo 'yun at ma-appreciate mo." "Fine, I already appreciated," "'Yan, kahit papaano ay naging mabuti ka rin naman." "Ito ang tatandaan mo, oo nasaktan ka, oo gusto mong maghiganti pero sana isipin mo na hindi lang ikaw ang nasasaktan. Kung alam mo lang ang kwento ng buhay ko ay baka humagulhol ka sa sobrang sakit." Agad akong tumalikod sabay humarap ulit sa kanya. "Tara! Sumama ka sa bahay." Walang emosyon siyang tumingin sa akin sabay naunang naglakad. Sumunod lang ako sa kanya. Nang makarating kami sa labas ay binuksan niya ang kotse niya sabay pumasok ako. Ano kayang masasabi ni Mama Zeroie kapag nakita niya si Uno? Matutuwa kaya siya? Ako kasi nasasaktan... Nang makarating kami sa bahay ay agad akong bumaba sabay binuksan ko ang gate. Agad na pumasok si Uno sabay tumingin ako nang seryoso sign na pumasok na siya sa loob. Nang makapasok kami sa loob ay nakaupo sila Mama at Daddy sa sofa. Nang tumingin ako kay Daddy ay nakangisi siya habang nakatingin kay Uno. "Anak! Uno! kumusta?!" masayang tanong ni Mama. "Mama..." "Bakit anak?!" "Totoo po ba na anak niyo si Uno?" "A-anong s-sinasabi m-mo, T-Tres?" "Mama, sabi kasi ni Uno ay anak mo siya! Hindi mo talaga siya makikilala kasi malaki na siya! Pero Mama totoo ba?! Totoo ba na may anak ka pang iba?!" Natulala lang si Mama sabay tumitig siya kay Uno. "Uno... akala ko ay kapangalan ka lang ng anak kong si Uno, pero totoo bang anak talaga kita?!" naiiyak na tanong ni Mama. "Go mag pa dna test pa tayo," walang emosyon na sagot ni Uno. Nagulat ako nang biglang himasin ni Mama ang mukha ni Uno sabay niyakap niya si Uno. "Anak!!! Sorry Anak! Uno... hindi ko sinadya na iwan ka!" Hindi nagsalita si Uno, nanatili lang siyang tahimik at walang emosyon. "Ngayon ay alam niyo na kung bakit hindi p'wedeng maging kayong dalawa ni Tres. Gusto niyo pa ba ng bagong pasabog?" seryosong tanong ni Daddy sabay ngumisi. "Daddy... what do you mean?" "Kayong dalawa ni Uno ay magkakambal." "Ano?!" hindi makapaniwalang sigaw ko. Totoo ba? T*ngina! "Ano pong ibig niyong sabihin?" nagtatakang tanong ni Uno na halatang nagulat din. Grabe, sana ay panaginip lang ito. "Si Zeroie ay may asawa noon, ginawa niya akong kabit na wala akong kamalay-malay pero naghiwalay sila. Nagkaanak sila ng asawa niya ng kambal at kayo 'yun, ako ang doctor na nag-asikaso sa inyo noon. Dahil sa galit ko ay nagkaanak ako sa ex ko at siya ay si Dos." Humagulhol nang humagulhol si Mama. "Anak! Uno! Tres!" sigaw niya habang humahagulhol. Hindi makapagsalita si Mama dahil humahagulhol lang siya. Totoo niya pala akong anak pero bakit iba ang trato niya sa akin?! "Mama!!! Ako pala ang totoo niyong anak pero si Ate Dos ang mahal na mahal mo?!" "Anak... mahal na mahal ko kasi ang Daddy Zuryon mo kaya naman ipinakita ko sa kanya na kaya kong mahalin ang anak niya sa iba. Anak, sorry... tsaka anak may hindi kami pagkakaintindihan ni Daddy mo, pinapili niya ako kung kayo raw ba ang pipiliin ko o siya." "Ano?!" hindi makapaniwalang sigaw ko sabay tumingin ako nang masama kay Daddy na hindi ko pala ama. "So sino ang pinili ko Mama? Si Daddy Zuryon?!" "Oo anak, pero kahit na tinakot ako ni Daddy mo ay hinayaan ka niya na makitira sa amin at tinuring ka niyang anak. Pero may kapalit pa rin, 'yun ay ang lumayo ako sa piling ni Uno. 'Yun ang kapalit kaya sana Uno ay patawarin mo ako!!!" humahagulhol na sigaw ni Mama. "Sa sobrang pagmamahal mo kay Dad at takot mo sa kanya ay pinabayaan mo kami ni Uno?! Grabe! Hindi mo man lang inisip si Uno Mama?! Naalagaan mo ba siya?!" "Oo anak... naalagaan ko si Uno! Naalala mo noong pinaalaga kita sa Lolo at Lola mo? 'Yun ang panahon na inaalagaan ko si Uno, kinakantahan ko siya sabay I promise to him noong bata pa siya na siya lang ang kakantahan ko pero hindi ko tinupad. Inilayo na siya sa akin noon ni Zuryon anak..." Nagulat ako nang sinuntok ni Uno si Daddy. Agad naman akong umawat. "Uno! Hindi porke na kakambal kita ay sasaktan mo na ang Daddy ko! Tatay ko pa rin siya!!" sigaw ko kay Uno sabay tinulak ko siya. "Alam mo?! Kung hindi ka nangialam ay sana ay masaya kami ngayon nila Mama!" sigaw ni Uno kay Daddy. Nang tumingin ako kay Daddy ay masama ang tingin niya kay Uno sabay ngumingisi. Nang tumingin naman sa akin si Dad mukhang nagmamakaawa ang mga mata niya, bakit? Hindi ba siya galit sa akin? 'Di ba hindi niya ako anak? "Aalis na ako." paalam ni Uno sabay tumalikod. "Anak! Hindi mo man lang ba ako yayakapin?" habol ni Mama. "Bakit ko yayakapin ang isang taong nanakit sa akin? Alam mo ba? Kahit na sinaktan mo ako ay nasa office ko pa rin ang mukha mo na ipininta ko. Pero hanggang dun nalang 'yun, huwag kang umasa na kikilalanin kita... kahit na ang kakambal ko pa." seryosong saad niya sabay naglakad papalayo. "Mama, totoo lang ang sinabi ni Uno! Pinabayaan mo kami dahil lang kay Daddy at Ate Dos?!" Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ay tumakbo ako papunta sa labas. Nakita ko ang kotse ni Uno na kaaalis lang. "Hindi ko akalain na 'yung taong itinama ko sa pagkanta sa music room, nakasama ko sa school, sa probinsya at sa isla ay kapatid ko pala... hindi lang kapatid dahil kakambal ko pa." tumingin ako sa langit. "Totoo nga ang sinabi ko, siya si Uno... sobrang sakit niyang mahalin." Agad akong sumakay sa kotse ko sabay pumunta ako sa sementeryo. Nang makarating ako sa sementeryo ay pumunta ako sa puntod ni Lolo, umupo lang ako sabay niyakap ko ang sarili ko. "Lolo, kaya pala pinaalaga ako ni Mama sa inyo dahil inaalagaan niya ang anak niya kay Daddy. Lolo, kung Papa kayo ni Dad... so hindi ko kayo tunay na Lolo?! Lolo ayaw ko po! Please Lolo! Tanggapin mo pa rin ako please?!" hindi ko na napigilan ang sarili ko, humagulhol ako nang humagulhol. Nagulat ako nang may may nakita akong kamay na may hawak ng panyo sa harapan ko. "Here," seryosong ani niya. Nang humarap ako ay isang batang lalaki. "Nih?! Anong ginagawa mo rito?!" "Ano po ba ang ginagawa sa sementeryo? 'Di ba po dinadalaw ang mahal sa buhay?" Aba, pilosopo talaga. "Sino naman ang dinadalaw mo rito?" "Ang aking kakambal po..." "I see... ano ang nangyari sa kanya?" "Namatay po siya dahil sa airplane crash papunta sa isla noong six years old pa lang kami." "I see, alam ko na alam mo na masaya na siya ngayon sa heaven right?" "Opo... pero nami-miss ko pa rin po siya. Sa tuwing nag-aaway po kasi sila Mom and Dad ay kami lang ang magkasama na ikinukulong sa room." "Mahirap nga 'yan, pero alam ko na mahal na mahal ka ng kakambal mo. May mga bagay talaga na nangyayari na hindi natin inaasahan. Okay lang naman na mawala sila dahil hindi sila mawawala sa puso at isipan ng mga mahal nila sa buhay. Magpatuloy tayo, huh!" "Oo naman po! Ikaw po ba? Bakit humahagulhol ka? Opo alam ko na may patay sa harapan niyo pero parang may iba pa po kayong problema..." "Meron nga, handa ka bang makinig?" "Opo, hindi naman po porke bata pa lang ako ay wala na akong kakayahang makinig at mag-advice." "I see, uhm ganito kasi 'yung lalaking mahal ko ay masaya, hehe!" "Huh? Ano pong problema dun?" "I-solve mo! Hahaha!" "Ate naman, mukha ba akong nagbibiro nung sinabi kong handa akong makinig?" "Hindi, pero ayaw ko kasi na may isipin ka pa. Alam mo, masyado ka pang bata para pagsabihan ng problema. Kahit nga iparinig lang sa'yo ay hindi pa p'wede." "Tama ka naman Ate, pero sanay na ako... sinanay ako ng magulang ko." "Oo nga pala, pero hindi ako sila. Sa ngayon ay hayaan mo nalang ako na hindi ko sasabihin sa'yo. Sa ngayon ay sana ay maging malaya ang isip mo na maging masaya at maging payapa." "Salamat po Ate! Sige na po, tawag na po ako ng yaya ko, bye Ate! Hindi kita makakalimutan!" masayang paalam niya sabay kumaway. Kumaway lang din ako pabalik sabay ngumiti ako nang malaki para naman hindi niya na maisip na malungkot ako. Humiga ako malapit sa puntod ni Lolo, wala akong pakialam kung may langgam o kung ano mang hayop ang kumagat o gumapang sa akin. Basta ang alam ko ay gusto kong magpahinga sa tabi ng aking mahal na Lolo. THIRD PERSON "Mommy! Totoo ba talaga?!" habol ni Maria sa kanyang ina na si Jenika dahil sinabi ng kanyang ama na si Kadin na hindi nila totoong anak si Uno. "Oo anak, totoo..." "Mommg... kaya pala iba ang nararamdaman ko kay Uno. Kaya pala mahal na mahal ko siya! So it means Mommy na p'wede nang maging kami?!" "Maria! Isipin mo ang sasabihin ng ibang tao! Sa mata nila ay kapatid mo siya. Masisira ang reputasyon natin kaya manahimik ka." seryosong saad ng kanyang ina na si Jenika. Nagmaktol si Maria papasok sa kanyang kwarto. "Tama ba ang narinig ko Mommy? Na hindi mo anak si Uno?" pagdududa ni Truz. "Oo anak, pero sana ay huwag ka lalong magalit sa kanya." "Why not?! May kasalanan sa akin ang ampon na 'yun!" "Anak! Don't you ever call him ampon dahil anak ko pa rin siya at kapatid mo siya!" "Wala akong pakialam Mommy, bahala ka at ang ampon mo." ** Umiiyak si Uno habang nagmamananeho, hindi niya akalain na ang isang malaking rebelasyon ang magpapaluha sa kanya. Para mawala ang lungkot na nararamdaman niya ay pinuntahan niya ang pitong art gallery na mayroon siya. Sa bawat gallery niya ay nakita niya ang mga painting ng pinakamamahal niyang babae, nawala ang lungkot niya dahil nakita niya ang anghel na pinakamamahal niya. "Boss, ang ganda pa rin ni Mam Thirstein," ani ng isang babaeng staff. "Yes, uhm may mga gustong bumili ba ng mga painting ko kay Thirstein?" "Opo marami, pero bawal po 'di ba?" "Oo, sumasaya kasi ako sa tuwing bumubungad sa akin ang mga painting na ginawa ko para kay Thirs." "Pansin ko po Sir! Ang sweet niyo po kay Mam." "Siya lang kasi ang pinakamamahal ko." Tumango lang naman ang babaeng staff. Nag-paint si Uno sa isang blank canvas. Nakita ng staff niya na masyadong dark ang theme kaya sa isip ng staff ay malungkot ang kanyang amo. Maraming pininta si Uno pero lahat ay dark, walang makikitang liwanag. "Sir, ang ganda naman ng inyong obra!" masayang sambit ng babaeng staff. "Maganda pa rin ba kahit dark?" "Yes Sir, alam ko at nararamdaman ko na kahit dark ang theme niyo ay nag-paint pa rin kayo with puso." "Haha!" "Sir? Bakit po kayo natawa?" "Wala, may naalala lang ako sa with puso na words." "Hahaha! Ganun po ba? Mabuti nalang po dahil ngumiti na kayo, hehe!" "Kailangan, haha!" "Sir, masaya na si Mam Thirstein. Hindi sa nakikialam po ako... bakit hindi pa po kayo nag-aasawa?" "Paano ako mag-aasawa ulit? Kung ang babaeng mamahalin ko ay kapatid ko? At kakambal ko pa pala..." "Hala! Sir totoo?" "Joked," seryosong sagot ni Uno sabay bumalik na sa pagpipinta. Akala ni Uno ay kapatid niya lang si Tres sa ina. Pero hindi lang pala basta kapatid sa ina dahil iisa talaga sila ng dugo. Hindi makapaniwala ang binata na kakambal niya si Tres. "Totoo ang sinabi mo Tres, masakit na mahalin ako. Masakit na pinagtagpo pa tayo..." bulong ng binata habang nagpipinta. May biglang tumawag sa binata kaya naman agad niyang sinagot. "Maria? Why?" "I want to have date with you... can we?" "For what?" "Basta, can we?" Binabaan ng binata ang kanyang cellphone. Nag-paint pa rin siya. Ang pininta niya ay isang magandang babae, isang palaban na babae kahit na mahina ito ay isang babaeng kakambal niya pala. Halos sampung painting na ang nagagawa niya at lahat ng 'yun bukod sa dark nyang painting ay mga mukha lang ni Tres. He paint kung paano sila nagkakilala sa room, he paint kung paano ang yakap ni Tres noong pumasok ang dalaga sa kanyang kwarto sabay napagkamalan siyang Mama niya, he paint noong dinala niya si Tres sa probinsya. And he paint his own face kung paano siya nagpigil ng kanyang nararamdaman sa dalaga dahil simula palang ay alam na niyang kapatid niya ito at bawal niyang mahalin. 'Dati, gusto kong maghiganti sa'yo to the point na gusto kong ma-inlove ka sa akin para naman kapag nalaman mo na magkapatid na tayo ay mas masaktan ka. Pero nagbago lahat 'yun nung nasa isla tayo, hindi ko alam... mahal na kita nun. Bawal ko lang maramdaman 'yun dahil kapatid kita... at kakambal pa pa pala. Marami akong gustong sabihin sa'yo aking Inaya... pero dahil sa labis ang galit mo sa akin ay parang hindi na kita makakausap.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD