The girl behind the maskara is...

4140 Words
THIRD PERSON "Tingnan mo si Tres boss, naglalakad na papuntang stage. Tama ako 'di ba?" "Haha! Oo nga, I think the pain she experienced really hits her." Pinanuod ni Miss Maritues at ng kanyang boss sa isang monitor si Tres habang paakyat ng stage. Nakamaskara ang dalaga, ang mga mata niyang malungkot ay sumisigaw sa poot. "Maritues, magpadala ka ng mga camera man sa tapat ng stage then do a live." "Huh? Para saan po?" "I think dahil sa pain na naranasan niya kaya siya bumalik dito ay sobra ang emosyon na maibibigay niya." "Boss, p'wede bang ipalabas na rin natin sa television? Para maraming makapanuod!" "Sige, then do live in any media. I'm sure, malaki ang makukuha ng URB ko," "Sige po!!" masayang sagot ni Miss Maritues. Ang dalagang si Tres ay nasa stage na. Maraming mga VIP ang sumugod kahit na kakarating lang ng dalaga. "Kumusta kayong lahat? Pasensya na po kayo dahil nawala ako ng ilang buwan..." Her VIP fans just cheer na okay lang daw, nagpalakpakan lang sila at excited na tumingin kay Tres. Itinapat ni Tres ang kanyang labi sa mikropono. "Ang aking kakantahin ay about sa pag-ibig na hindi natuloy." bumuntong-hininga ang dalaga. Sinimulan na niya ang pagkanta. Habang kumakanta siya ay pinipilit niyang gawing masaya ang kanta. Habang kumakanta ang dalaga ay malungkot siya, kumakaway lang naman ang mga VIP fans niya. "Sana matagpuan ng bawat isa sa inyo ang kapayapaan sa inyong mga puso." dagdag ng dalaga sabay kumaway nang kumaway. Umupo ang dalaga sa upuan malapit sa kanya sabay itinapat ang kanyang labi sa mikropono. "Gusto niyo bang tulaan ko kayo? Pero ang tula na gagawin ko ay malungkot, okay lang po ba? Sarili ko itong gawa kaya sana ay magustuhan ninyo." Her fans just cheer her up, nagpalakpakan ang mga fans niya just to remind to her na magaling pa rin siya. "Ang aking pag-ibig para sa iyo'y parang ulan, patuloy na dumadaloy hanggang sa lumisan... Kung bubuhos man muli ang ulan ay bubuhos na ito ng pagmamahal sa aking sarili, Hindi ko ipagkakait sa'yo ang isang kasiyahan, kasiyahan na hindi para sa akin kung hindi para sa'yo at sa iyong gustong mahalin..." tula ng dalaga, yumuko siya saglit sabay humarap sa kanyang mga fans. "Ako'y mananatili sa pagmamahal sa aking sarili, ang aking pagmamahal sa'yo ay parang oras... sapagkat ito'y lilipas din... Pero magtitiis muna ako sa mga oras na mahal pa kita, kahit na alam kong masakit at hindi nararapat sa akin." dagdag na tula ng dalaga. Nagpalakpakan ang mga fans niya, sa ibang mga nakakapanuod naman ay nakaka-relate sila at nalulungkot din. "Ang pag-ibig ko para sa iyo'y hindi makasarili, sapagkat kahit kailan ay hindi naging makasarili ang pagbitaw sa isang taong hindi ka mahal para sa iyong sarili... Ako muna, mamahalin ko ang aking sarili sapagkat hindi ko nagawa nang ika'y mahalin ko, ako muna dapat..." dagdag pa na tula ng dalaga. Habang nakatingin sa monitor si Miss Maritues at ang kanyang boss ay hindi sila nakakaramdam ng lungkot dahil ang nararamdaman nila ay ang amoy ng pera. Their live video have almost one million in just an hour. Nakangisi lang naman ang boss, sa isip ng boss ay walang alam ang dalaga na ang kontrabida sa buhay niya ay isang invisible na tao. "Hindi ko kayo makakalimutan aking mga tagahanga, ngayon ay magpapakilala na ako..." malumanay na ani ng dalaga sabay hawak sa kanyang maskara. Nagulat ang boss at si Miss Maritues sa sinabi ng dalaga, hindi nila inasahan na gagawin ito ng dalaga dahil ayaw niya na nakikita ang kanyang mukha. Sa hindi kalayuan, may isang binata na nanunuod sa kanya. Isang binata na iniidolo siya simula palang. Siya ang binata na nagsabing kahit malungkot ang kinakanta ng babaeng nakamaskara ay sumasaya siya sa tuwing kumakanta ito. Ang mga VIP ay nagpalakpakan at sumigaw. Masaya ang mga VIP habang nakaupo at umiinom. Dahan-dahan na inalis ng dalaga ang kanyang maskara. Nagulat ang lahat dahil bumungad sa kanila ang nag-iisang si Treseya Cream Salvador. "Ano nga ba ang history kung bakit ako nakamaskara? Alam niyo ba na, noong nag-try ako na magtanghal sa mga tao ay may inaasahan akong manuod, iyon ang aking pamilya pero wala sila. Salamat sa inyong lahat," Kumanta ng maraming kanta ang dalaga. Nakasampu na kanta ang dalaga hanggang tumitig siya sa kanyang mga fans na sobrang saya. "Babalik po ako, just chill in bar... wait for me, I will have another performance para sa inyo." paalam ng dalaga. Tumakbo sa backstage ang dalaga sabay umiyak nang umiyak. Nakita niya kasi ang binatang si Uno. UNO All this time, ang babaeng hinahangaan ko simula palang ay si Tres pala? Siya pala 'yung babaeng pinag-confess-san ko noon? Narinig niya kaya ako? Habang pinapanuod ko siya kanina ay parang pinapanuod ko ang taong mahal ko na hindi mapapasaakin. Sikat siya at kilala ng mga VIP persons. Kaya ko lang naman siya naging idol dahil magaling siyang kumanta tsaka malayo siya sa akin... hindi niya ako masasaktan. Tanging isang fan lang ako at siya ay idol ko. Pero bakit ganun? Bakit kahit anong iwas ko na mapalapit sa mga tao ay napapalapit ako? Parang si Tres... wala naman akong alam na siya pala si girl with maskara. Siya si Tres na nakilala ko dahil pakialamera, hanggang sa dinala ko siya sa probinsya, tinuruan ng martial arts at tsaka inalagaan. Hindi ko akalain na siya rin pala ang babaeng pinaka-idol ko, mapaglaro talaga ang tadhana. Noong itinama ako ni Tres na isapuso ang pagkanta... dun palang ay may iba na akong nararamdaman sa kanya. Pero nang mag-dinner kami sa bahay nila ay biglang na-postponed ang nararamdaman ko para sa kanya. Namuo ang galit at poot sa puso ko dahil anak siya ng Mama ko... hanggang sa kakambal ko pala siya? Bakit ba hindi mabuti ang tadhana sa akin? Aalis na sana ako sa bar pero may isang magandang babae ang lumapit sa akin. "Hi," mapang-akit na ani niya. Nakita ko si Tres sa likod ng babae, nakasilip siya sa amin. Dahil sa ayaw ko nang mas masaktan pa ang kakambal ko ay bigla kong hinalikan ang babae sa harap ko sa pisnge. Nagulat ang babae, pero mas nagulat ako dahil biglang nawala si Tres. I know na mahirap ito para sa kanya. Kung alam ko lang simula pa noong una na kakambal ko siya ay sana ay hindi ko nalang siya sinaktan, sana ay mas inalagaan ko siya at hindi pinaghigantihan. Akala ko kasi talaga ay magkapatid lang kami sa ina... "Ikaw ah! Gusto mo rin pala ako!" masayang ani ng babae. Nagulat ako nang umupo siya sa lap ko. Dahil sa hindi ako komportable ay kumuha ako ng isang upuan sabay inupo ko ang babae sa tabi ko. Nakita kong umakyat ulit si Tres sa stage. Ang ganda niya... ang ganda ng kakambal ko. Kaya pala kamukha ko siya dahil kakambal ko pala talaga siya. Tres, sana bigyan mo ako ng pagkakataon na makapag-usap tayo. Gusto kitang maka-close at mahalin as my kakambal. Hindi ko maamin sa sarili ko noon, pero sigurado ako na mahal na kita... pero bakit unfair ang tadhana sa ating dalawa? TRES Nakaharap ako sa salamin, I saw Uno na hinalikan niya 'yung isang babae. Wala na akong karapatan na magselos dahil kakambal ko siya. "Tres! Kaya mo siya mahal dahil kakambal mo siya! Okay?! Gets mo?! Ang pagmamahal na nararamdaman mo ay bilang kapamilya lang!!!" sigaw ko sa salamin na para na akong baliw. "Welcome back, Tres!" Pagkalingon ko ay si Miss Maritues. Hindi ako nagsalita. "Trending ka! They didn't know na ikaw ang babae sa maskara! Akala ng iba ay isang sikat 'yun pala ay isang simpleng estudyante lang! Hehe!" "Miss Maritues, I need paper and ballpen. And also, I need some foods. Habang umiinom ang mga VIP at nagsusugal ay gagawa muna ako ng isang espesyal na kanta." "Talaga Tres?!" masayang sigaw ni Miss Maritues sabay abot sa akin ng papel at ballpen. "Sige na! Kukuhaan na kita ng pagkain!" Ngumiti lang ako sa kanya. Tumingin ako sa papel, blangko lang ito parang ako. "Itapon na ang nararamdaman, hayaan nang lumayo ang buwan sa bituin..." kanta ko sa kaonting chorus. Agad kong sinulat ang kanta sabay agad akong umakyat sa stage. Kumaway ako sa mga VIP sabay ngumiti ako sa kanila. Nang lumingon ako sa gilid ay nakita ko si Uno na yakap ng isang babae. Umupo ako sa upuan sabay itinapat ang aking labi sa mikropono. "Ang title ng aking ginawang kanta ay Itapon na." bumuntong-hininga ako para kumanta na. "Siya'y isang bituin na may magandang mata, ako'y parang buwan na nagbibigay ng ilaw sa tuwing kailangan niya ako... Kahit na hindi ko siya maabot ay mahal ko siya, hanggang ako'y nanaginip na ako'y mahal na niya pagkagising ko ay iisa ang aming puso, pero magkaiba ng nararamdaman..." kanta ko sa intro. Pakiramdam ko ay naiiyak ako. My fans looks so worried about me kaya naman hindi ko pinapahalata, ngumingiti lang ako. "Itapon na ang nararamdaman, hayaan nang lumayo ang buwan sa bituin... sapagkat ang hirap niyang mahalin, masakit, makirot, malayo at walang patutunguhan sapagkat magkakambal ang puso... na kahit kailanman ay hindi p'wedeng magmahalan..." kanta ko sa chorus. "Mahal kita aking bituin, pero hanggang dito nalang... ako'y isang buwan na nagpapaalam na sa'yo, marami namang katulad mo na bituin... magmahal ka ng kauri mo huwag ang kakambal mo sa puso..." kanta ko sabay bumuntong-hininga. Nag-bow ako pagkatapos ko sabay nagpalakpakan sila. Nagulat ako nang biglang may sumugod sa akin na mga VIP sabay may mga nagpa-autograph at mga nagpa-picture. Hinayaan ko lang sila kasi masaya sila sa ginagawa nila, kaya naman masaya rin ako para sa kanila. Nakakatuwa dahil mahal nila ako. May ilan na kinakausap ako at maraming mga offer sa akin pero tinatanggihan ko lang at iniiba ko ang story. May ilan din na nagtatanong kung sino ang tinutukoy ko sa kanta ko. Nang tumingin ako kay Uno ay nakayakap pa rin ang babae sa kanya. Nang magkatinginan kami ni Uno ay ngumiti lang ako sa kanya, pero siya ay blangko lamang. "Hi! Can you join with us? Let's drink!" masayang ani sa akin ng isang dalaga na maganda at mukha talagang VIP. Dahil sa parang gusto ko ring uminom ay sumama ako sa kanya. Agad kaming nakarating sa table nila. May dalawang lalaki siyang kasama. "Hi! You're my idol, what's your real name? Hehe!" tanong ng isang lalaki. "I'm Treseya Cream, hehe!" "Really? What a nice name! I'm Ox, she is Earniz, and he is van!" masayang pagpapakilala ni Ox. Ngumiti lang naman sa akin si Van at si Earniz. "You know what? We called VIP here in URB not just because of their exclusive services, it's because of you! Hehe!" masayang ani ni Earniz. Tumango lang naman si Ox at Van. Binigyan ako ng shot glass ni Earniz na halos mapuno. "Salamat sa inyo, huh! Na-appreciate ko kayong lahat! Hehe!" "Ang galing mo, hehe!" papuri ni Van. Tumango lang ako sa kanya sabay ngumiti. "Excuse me, can I borrow her? I'm her manager." Pagkalingon ko ay si Miss Maritues, tumango lang naman sila sabay nagpaalam na ako sa kanila. Nang makarating kami sa isang room ay tumitig sa akin si Miss Maritues. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. "Bakit po?" "Sorry..." "Sorry for what Miss Maritues? Ano po 'yun? Sabihin niyo sa akin." "Hindi muna ngayon, ang sasabihin ko nalang muna ay proud ako sa'yo... ang galing mo! Teka, bakit ka pala biglang bumalik dito?" "Salamat po... may isang pangyayari po kasi na hindi ko inaasahan." "Ganun ba? Nasaktan ka ba sa nangyari?" "Yes po, kaya nga po ako nakabuo ng isang kanta at bumalik dito hahaha!" "I see, uhm p'wede ka nang umuwi Tres... magpahinga ka na muna, okay?" "Miss Maritues, mayroon po bang room dito sa URB na p'wedeng mag-practice? Like may mga punching bag, boxing gloves po." "Yes meron! Pumunta ka sa room 555, enjoy! And I already sent to you the number of your room kung sakaling magpapahinga ka, hehe!" Tumango lang ako kay Miss Maritues sabay ngumiti. Agad akong nakarating sa isang room, pagkabukas ko ay may bumungad sa akin na isang lalaki. "Who are you?" seryosong tanong niya habang nakaupo na naka-indian sit at nakatalikod. Teka... his voice. "Xerz?" Nang lumingon siya ay tama ako, siya nga si Xerz. Masaya siyang tumakbo papalapit sa akin. "Tres! The mask girl! Ang galing mo," papuri niya. Ngumiti lang naman ako nang sobra. "Hahaha! Hindi naman, uhm ano ang ginagawa mo rito?" "Aside from being rich is I love to go here at URB because of the services they offered. And because of the anonymous mask girl, hindi ko akalain na ikaw pala 'yan, hehe!" "Hahaha! Nakakatuwa ka talaga!" "Uhm Tres, ano palang ginagawa mo rito? Magpa-practice ka ba?" "Oo sana pero..." "Pero ano Tres? Pero wala si Uno? I can teach you naman." "I see, p'wede ba? Free ka ba?" "Oo naman, basta ba ililibre mo ako sa isang restaurant dito sa URB. Hahaha!" "Hahaha! Talaga ba Xerz? Ikaw ang mayaman dyan eh!" "Wow naman, ikaw nga 'tong mas mayaman mask girl! Hehe!" "Alam mo Xerz, Ikaw lang... ang kaibigan kong si Kenn, si Kuya Truz ang sobrang comfortable akong kausapin. 'Di ba hindi naman ako mahirap kausapin at pakisamahan?" "Oo naman, you are unique kaya and very talented, bakit mo naman natanong? Dahil ba sa cold sa'yo si Uno? Naku, masanay ka na sa lalaking 'yun na parang may regla bawat segundo." "Hahaha! Funny! Pero Xerz... may gusto akong sabihin," "Ano 'yun Tres? Go ahead, makikinig ako... tara umupo muna tayo!" Nang makaupo kami ay tumitig ako sa kanya. "Alam mo ba, nagulat ako nang malaman ko na kakambal ko pala si Uno..." "Totoo?!" hindi makapaniwalang sigaw niya. Tumango lang ako sa kanya sabay yumuko. "Nasasaktan ka ba kasi hindi mo inakala na 'yung taong minahal mo ay kakambal mo pala?" "Magsisinungaling ako kung sasabihin kung hindi ako nasasaktan, oo Xerz... mahal ko si Uno." "I see, don't worry dahil nandito lang ako para sa'yo... handa akong makinig." "Hahaha! Tara na! Mag-practice na tayo!" Tumango lang sa akin si Xerz. Hinawakan niya ang punching bag sabay sinuntok ko nang sinuntok. Hinawakan niya ang isang artificial human para sipain ko. Sumipa ako nang sumipa, napangiti ako dahil mataas na ang pagsipa ko. Salamat sa kakambal kong si Uno dahil tinuruan niya ako. "Malakas ka na Tres! Uhm, okay ka na ba? Wala na bang masakit sa'yo?" "Wala nang masakit sa akin, tanging puso ko lang, haha!" Sumuntok lang ako nang sumuntok sabay sumipa nang sumipa. Pagkatapos ay uminom ako ng tubig. Nagulat ako nang bigla akong punasan ng pawis ni Xerz, nagkatitigan kami... ako nalang ang umiwas. "Tara Xerz, ililibre kita! Hahaha!" Tumango lang siya sabay ngumiti. Pansin ko na medyo malungkot siya, ano kayang problema niya? Habang naglalakad kami ay lumingon ako sa kaliwa. Nakita ko na nakapatong ang isang babae sa lalaki sa sahig. I think lasing sila... nang tumitig ako ay teka, si Uno ba 'yung lalaki? "Tres, tara," aya ni Xerz. Agad naman akong sumunod sa kanya. Nang makarating kami sa isang restaurant ay um-order na si Xerz, sabi niya kasi ay ipapatikim niya sa akin ang paborito niyang pagkain sa restaurant na 'to. "Xerz, sino ang may-ari ng URB?" "Anonymous siya Tres, sa totoo lang ay sobrang yaman niya, kahit mall sa URB ay mayroon siya." "Grabe... ang swerte naman ng pamilya niya! Hahaha!" "Haha! Oo nga, ang yaman." "Sus! Mayaman ka rin naman Xerz!" "Humble lang, haha!" Nagtawanan kami habang kumakain. Nang tumitig ako kay Xerz ay parang kumikinang ang mga mata ko. Parang kilala ko siya... at parang nakita ko na siya dati. "Xerz, saan ka nag-aral noon?" "Sa Fa International School, why?" "Really? Same school pala tayo! Hehe!" "I see, uhm bakit?" "Wala naman..." Ngumiti lang siya sa akin sabay tumango. Hindi ko maiwasang tumitig kay Xerz, bakit parang kilala ko talaga siya? "Xerz, do you have plan na magkaroon na ng asawa?" "Bakit, are you free to be my wife?" seryosong tanong niya na ikinagulat ko. "W-what?" "I'm just kidding, hahaha! Uhm, wala pa kasing dumarating." "I see, pero sa gwapo mong 'yan wala pa talaga?" "Honestly meron, ako lang talaga ang maarte. Sa age ko ay dapat na mag-asawa na ako pero parang ayaw ko pa." "I see, pero ako gusto ko na... pero masyado pa akong young. Alam mo, makakahanap ka rin! Hehe!" Tumawa lang naman si Xerz. Nagulat ako nang may tumawag sa phone ko. "Hello? Sino 'to?" "It's me your Dad Zuryon, bukas ay makikilala mo na ang mapapangasawa mo." "Ano po, Dad?!" "My business need to grow, I contracted you to my kumpare. He is very rich, he owned minahan ng ginto. So, let's meet tomorrow." "Dad! Ano ba?! Ayaw ko! Tsaka kilala ko ba ang lalaking 'yan?!" "Can you please calm down? You need to marry him," "Pero mahal ko ba siya?" "Huwag mong sabihin na ang mahal mo ay ang kakambal mo?" "No Daddy, pero mali naman po na i-contract niyo ako sa kumpare niyo. Hindi po kayo ang totoo kong Tatay, so stop." "Hindi mo ba talaga ako tinuturing na totoo mong Dad? Ako ang bumuhay sa'yo anak, at kahit hindi mo sabihin ay alam kong naramdaman mo na minahal kita." "But Daddy, I don't want to marry a man na hindi ko ko naman mahal..." "You will learn to love him, like how you learn to love your twin. Grow up, isipin mo ang reyalidad!" Binabaan ako ng tawag ni Daddy. Napatulala ako dahil sino naman ang pakakasalan ko? Tama ba' tong ginagawa niya? "Tres, what's wrong?" "Xerz!!!" sigaw ko. Hindi ko na napigilang umiyak sa harapan niya. Agad naman siyang lumapit sabay tinakpan niya ako ng jacket niya. "Umiyak ka lang, hayaan mong ako ang maging harang mo sa mga sakit na bumabato sa'yo. Para kahit papaano ay mabawasan ang sakit na nararamdaman mo." Agad ko siyang niyakap nang mahigpit sabay umiyak ako nang umiyak. "Xerz, bakit ba ganito ang mga nangyayari sa akin? Bakit ba ang hilig nilang saktan ako?" "Tres, everything has a unique reason... maaaring sinasaktan ka nila ngayon pero palagi mong tatandaan na ang mabubuting tao ang palaging nagtatagumpay." Dahil sa sinabi ni Xerz ay napangiti ako. Nang humarap siya sa akin ay pinunasan niya ang aking mga mata. Tumitig siya sa akin sabay ngumiti kaya naman mas napangiti ako. "Gusto mo bang ihatid kita sa room mo?" "Huwag na Xerz, ako nalang ako bahala sa sarili ko baka kasi may gagawin ka pa! Hehe!" "Ang totoo niyan Tres ay may family reunion kami, hehe! Salamat huh, binuo mo ang gabi ko..." "Ganun ba? Sige, salamat din huh! Talaga Xerz? Nabuo ko?" "Oo naman, ang sarap kayang kumausap ng katulad mo, hehe!" Tumawa ako, nagtawanan lang kami sabay nagpaalam na sa isat-isa. Agad akong naglakad pabalik sa room, nakita ko si Miss Maritues na nakaupo habang nagce-cellphone. "Yes! Sikat ka na!" masayang bungad niya sa akin. "Hindi naman po, hehe!" "Naku, humble! Hahaha!" "Miss Maritues, tara one on one!" "Huh? Anong one on one? Tres sa edad kong 'to ay hindi na ako p'wedeng makipagsuntukan sa'yo!" "Hahaha! I mean inom po tayo!" "Totoo ba Tres? Sige ba, ilang alak ba ang gusto mo?" "Thirty," "Ano?! Jusko kang bata ka!!!" "Bakit Miss?! Gusto ko po na thirty, please? Huhu!" "Sige! Basta huwag na huwag mo akong susukahan huh!" Tumango lang ako sa kanya sabay tumawa. Nang makabalik si Miss Maritues ay may mga katulong siyang mga lalaki sa pagbubuhat ng alak. Natawa ako kasi hirap na hirap ang mukha ni Miss. Agad na sinara ni Miss ang pinto. "Ito na ang one on one! Matira ay matibay! Hahaha!" "Hahaha! Syempre Miss ako ang matitira!" "Naku! Tara na simulan na natin!" masayang sigaw niya sanay binuksan ang isang bote ng alak at binigay sa akin. "Grabe, hindi po ba tayo magsho-shot glass?!" "Hindi, tutunggain natin ang alak! Hahaha!" "Sige huh!" "Naku Tres, bakit parang problemado ka huh? 'Yan naman iyakan mo ako at gumulong ka, hehe!" "Naku Miss baka nga ikaw ang gumulong dyan dahil gusto mong balikan ka pa ng ex husband mo, hahaha!" "Ay bata ka!! Pero alam mo, ang sakit nang umasa. May mahal na siyang iba, I mean kabit." "Hindi mo ba sinabunutan 'yung kabit?!" "Bakit ko naman sasabunutan? Syempre sinapak ko. Nakakainis kasi, bakit ba kasi nag-exist ang mga kabit." "Yes they exist, pero kasalanan nila 'yun pareho dahil 'yang ex husband mo ay ginusto rin!" "Oo nga, kaya nga hindi na ako umaasa, bahala ka dyan! Hahaha!" "Bakit ka iiyak Miss? Hahaha!" "Cheers sa mga puso nating tumitibok sa maling tao!" masayang taas niya sa alak, natawa lang naman ako, cute. "Ikaw lang ang mag-cheers Miss, hindi naman tumitibok ang puso ko sa maling tao, hehe!" "Nababasa ko sa mga mata mo na oo, tss!" Nagtawanan lang kami ni Miss Maritues hanggang sa umiyak na siya nang umiyak. Natawa ako kasi kinuwento niya lahat ng masasakit na pangyayari na naranasan niya sa ex husband niya. Napaiyak din ako dahil ang sakit ng ginawa ng ex husband niya sa kanya. Naunang natulog si Miss Maritues. Naiwan ako at ang mga alak kaya naman ako nalang ang tumungga sa kanilang lahat. Nakaramdam na ako ng hilo at kakaibang nararamdaman... para akong nasusuka. Agad akong pumasok sa cr sabay sumuka. Pero dahil sa hindi ako weak ay uminom pa rin ako nang uminom. Tumatawa na ako nang tumatawa pero may lumalabas na luha sa aking mga mata. "Itapon na ang nararamdaman, yeah!" masayang sigaw ko sabay itinaas ang bote ng alak. Ang saya ko grabe! UNO Nasa kwarto ko ngayon ang babaeng kasama ko kanina, lasing na lasing kasi siya. Pilit niya akong hinahalikan sa labi pero pinipigilan ko siya. Hinayaan ko lang na mahalikan niya ako sa pisnge. Ang labi ko ay para lang sa nararapat na tao. Agad kong binuhat ang babae, naawa kasi ako sa kanya kasi lasing na lasing na siya. Itinanong ko sa guard kung saan ang kwarto niya. Agad namang in-access ng guard ang record ng babae. "She is Mam Cent po from room 695," saad ng guard. Tumango lang ako sa kanya sabay binuhat ko si Cent. Agad kaming nakarating sa kwarto niya. Maayos ko siyang binaba sa kama niya sabay kinumutan ko siya. She is so innocent and deserve to love by right man. Hindi ko siya gagalawin dahil lang sa gusto niya ako o lasing siya. Hindi ko ugali na galawin ang hindi akin. Agad akong bumalik sa kwarto. Bigla kong naisip 'yung kinanta ni Tres. "Itapon na ang nararamdaman..." malumanay na kanta ko bago buksan ang pinto ng kwarto ko. Agad kong pinatay ang ilaw, humiga ako sabay pumikit. Niyakap ko ang aking unan, pero bakit si Tres ang nasa isip ko? Kakambal ko siya. Hindi maaari ang aking nararamdaman o ang aking gusto. Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto ko. Teka?! Who have rights to enter my room?! Agad akong tumayo, hindi ko agad nabuksan ang ilaw dahil gusto kong makita kung sino. Agad na sinara ng pumasok sa kwarto ko ang pinto kaya naman sobrang dilim. Nagulat ako nang may biglang yumakap sa akin. "Lasing na ako! Gusto ko nang matulog! U-unan ko?! Bakit ka nakatayo?!" Sigaw ng isang babae habang yakap ako. Teka... her voice. Dahan-dahan akong lumapit sa switch ng ilaw habang nakayakap siya sa akin. Nang mabuksan ko ang ilaw ay nakita ko si Tres na namumula. "Argh! Bakit bukas ang ilaw?!" maktol niya habang nakapikit ang mata at habang nakayakap pa rin sa akin. Wala namang malisya sa akin 'to dahil kakambal ko naman siya, sige lang Tres... yumakap ka lang sa akin. Hindi man kita matulungan sa nararamdaman mo ay ganun talaga... kahit ang sarili ko ay hindi ko rin matulungan. Nagulat ako nang itulak ako ni Tres sa higaan, agad siyang humiga sa tabi ko sabay niyakap ako nang mas mahigpit. Nagulat ako nang umiyak nang umiyak si Tres. "Unan ko... pasensya ka na dahil sa tuwing umiiyak ako ay palagi kang wet, sorry talaga! Pasensya ka na huh!" Dati ay napagkamalan niya akong Mama niya, ngayon ay unan naman niya. Hinimas ko nalang ang buhok niya sabay niyakap ko siya pabalik. She still my twin, kailangan ko siyang alagaan at protektahan. "Unan ko... ipapakasal na ako ni Daddy!" Napatayo ako sa sinabi niya. Nang tumingin ako sa kanya ay kinakapa niya ako. Agad akong bumalik sa pagkakahiga, niyakap niya ulit ako. "Unan ko, ayaw kong magpakasal, pero para kay Daddy ay mukhang magagawa ko! Huhu!" Umiyak siya nang umiyak kaya hinimas ko lang ang buhok niya. Sino naman ang pakakasalan niya? Naaawa ako kay Tres, ang dami niyang problema. "I-Itatapon k-ko n-na t-talaga a-ang p-pagmamahal ko kay Uno!!!" Itapon mo na Tres, wala nang saysay ang nararamdaman ko at ang nararamdaman mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD