Ten stages | Revenge

4415 Words
TRES "Anak! May isang box sa pinto, para sa'yo raw ito!" sigaw ni Mama mula sa pinto. Nasa kusina kasi ako kumakain. Agad akong pumunta sa pinto. "Mama, sino raw po ang sender?" "Si Uno raw anak, nanliligaw ba siya sa'yo? Hahaha!" "Mama hindi po! Uhm, Mama nasaan po si Daddy?" "Nasa mga co-workers niya, sige na anak buksan mo na 'yan." Agad kong binuksan ang isang box, bumungad sa akin ang isang ninja armor, nalaman ko na ninja armor dahil may nakalagay sa papel. Nang inangat ko ang isang papel ay may laman na black jacket, black trousers, light sandals, and a hooded cowl. Wow! Ninja na pala ako ngayon? Hehe! Agad akong umakyat sa kwarto ko. Pagkabihis ko ay tumingin ako sa salamin, tanging mata ko lang ang nakikita. Hindi ko kilala si Thirs, hindi ko alam kung paano siya gumalaw o kung ano ang kahinaan niya, basta ang alam ko lang ay magtatagumpay ako. Agad akong tumalon sa baba mula sa bintana, hindi naman masyadong masakit sa paa. Nagulat din ako dahil kinaya ko dahil second floor ang kwarto ko. Isa na talaga akong ganap na ninja. Nang tumingin ako sa right arm ko ay may nakasulat na isang address. Siguro dito ang lugar kung saan kami magkikita ni Uno, agad akong sumakay sa taxi. Nang makarating ako sa lugar ay nakita ko si Uno na same clothes sa akin. Mata lang din ang nakikita sa kanya, agad siyang lumapit sa akin sabay tumango. "Ako ang bahala sa'yo, ang mga ginto naman ay dadalahin ng mga tauhan ko. Marami kang kasama Tres, huwag kang matakot." "Salamat, Uno, tara?" Nang maglakad si Uno ay sumunod na rin ako, nakita ko ang mga tauhan niya sa likod na hinihila ang mga sako ng ginto. Nakarating kami sa isang patag na lugar, parang isang disyerto. "Saan naman ang underground dito, Uno?" "Sa unahan pa raw sabi ng mga tauhan ko, sa ngayon ay dapat maging alerto ka dahil may ten stages tayong haharapin. O ikaw lang... basta kapag hindi mo na kaya ay tutulungan kita. Isipin mo nalang na nasa training ka." seryosong saad niya. "Naniniwala ako sa'yo, Tres." Ngumiti ako sa kanya sabay naglakad na. "Tres, hold this two knife para kapag may kailangan kang hiwain o saksakin ay may magagamit ka. Be safe, sige na ikaw na ang mauna." Tumango lang ako kay Uno, tumakbo ako nang tumakbo. Grabe ang takot na nararamdaman ko ngayon dahil sa parang disyerto ang lugar ay ang hirap hulaan kung ano ang stages. Nagulat ako nang may arrowhead bullet ang biglang lumabas mula sa unahan, nang tumingin ako sa likod ay malayo na ako kay Uno kaya naman bago pa makalapit sa akin ang bala ng pana ay sinangga ko na gamit ang dalawang knife na binigay ni Uno. Nang tumingin ako sa langit ay marami pa ring mga bala ng pana. I perform butterfly jump para matamaan ko ang bala ng pana habang sinasangga ko gamit ang dalawang knife. Bumwelo ako nang maayos sabay nag-split dahil malapit na sa akin ang bala. Napangiwi ako kasi ang sakit mag-split pero iisipin ko nalang na training 'to. Ilang ulit kong in-execute ang butterfly jump habang sinasangga ang mga bala ng pana dahil hindi ito nauubos. Nang lumingon ako sa likod ay sinasangga rin ni Uno ang mga bala gamit ang kanyang sword. Tumitig ako sa kanya dahil ang galing niya, I hope na sa akin ka nalang... Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. "Nakatitig ka na naman, muntik ka nang matamaan." bulong niya sa akin. Agad akong humiwalay sa kanya sabay patuloy na sinasangga ang mga bala. Nang wala nang lumabas na mga bala ay nagkatinginan kami ni Uno. Lumakad lang kami nang lumakad hanggang sa may nakita kaming isang swimming pool na nakaharang. Bago makatawid sa kabilang daan ay may harang na pool na may mga... "Uno, ano nga ulit ang tawag sa ahas na 'yan? Oo cobra pero-" "Cape cobra ang mga 'yan Tres, nag-effort pa talaga silang magharang ng ganito. I think this is for two stage." "Paano naman dadaan ang mga tauhan mo na may ginto?" "Bago kita sundan ay sinabihan ko sila na gumamit nalang ng helicopter, p'wede naman siguro 'yun dahil mahalaga ang dala nila. Tayo nalang ang nandito." "Paano tayo tatawid? Hindi ko naman kayang patayin ang mga wild cobra na 'yan, hindi nila kasalanan na ginamit sila ng mga masasamang tao para lang gawing harang." "Hindi ko pa alam, natatakot kasi ako na baka mapahamak ka. Hindi rin tayo agad makakatalon sa kabila kasi mahaba at malayo ang pool." "Uno may naisip ako, lumangoy nalang tayo." "Ano?! Tres, baka makagat tayo nyan, mabilis makaramdam ang mga 'yan." bumuntong-hininga siya, "Mauna ka nang tumawid, ako na ang bahala sa kanila." "Pero Uno!" "Sige na Tres, gagawa ako nang paraan para malibang ko sila!" Nagulat ako nang biglang tumalon si Uno sa pool, nakita ko na agad na kumilos ang mga ahas sa kanya. Agad akong tumalon, lumangoy ako nang lumangoy. Hindi ko na inisip kung may katabi ba akong ahas, gusto kong bilisan ang paglangoy dahil ayaw kong mapahamak si Uno. Nang makarating ako sa kabilang area ay hindi ko nakita si Uno. "Uno!!!" Hinanap ko siya sa pool pero wala. Nagulat ako nang may biglang humawak sa paa ko. Pagkalingon ko ay si Uno, agad ko siyang tinulungan na tumayo. "Uno! Okay ka lang ba?!" "Okay lang ako, ikaw ba? Hindi ka ba natuklaw?" "Hindi! Salamat sa Diyos dahil okay ka! Pero Uno, may sugat ka sa paa..." "Wala 'to, tara na maglakad na tayo para makarating tayo agad." seryosong ani niya sabay naglakad na parang nahihirapan. Tumakbo ako sa harap niya, pinunit ko ang tela sa pants ko sabay itinali 'yun sa paa niya na may sugat. "Tres, huwag ka nang mag-abala..." "Bakit hindi? Ayaw kong nakikita kang nahihirapan Uno." seryosong sagot ko habang tinatalian ko ang paa niya. Tumalikod ako sabay naglakad nang naglakad. "Tres, dahan-dahan sa paglakad, parang may kakaiba akong nararamdaman..." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa isang kahoy na nakatayo ay may baril. Nagulat ako nang bigla akong niyakap ni Uno sabay bigla kaming napahiga. "Sh*t, automatic!" sigaw ni Uno habang nasa ibabaw ko. "Sabihin mo sa akin, okay ka lang ba?" Hindi ako nakapagsalita, tumango lang ako. Hindi ako makapaniwala na nililigtas niya talaga ako kahit responsibilidad niya 'yun. Tinulungan niya akong makatayo. Naglakad kami nang naglakad hanggang sa makarating kami sa isang gubat. Tahimik lamang ang paligid, nagulat ako nang may biglang tatlong tigre ang lumabas. Napakapit ako kay Uno. "Uno! Baka last na araw na natin 'to!" Nagulat ako nang bigla akong buhatin ni Uno. May hinagis siyang lubid sa isang mataas na puno sabay agad kaming tumaas. Napapikit ako dahil tumatakbo na papalapit sa amin ang mga tigre. Nang makarating kami sa pinakataas ng puno ay tumingin ako sa baba, nakaabang sa amin ang mga tigre. "Uno, paano na tayo bababa?" "Sa puno tayo dadaan, kumapit ka lang sa akin, okay?" Tumango ako sa kanya. Inayos niya ang lubid sabay binato sa kabilang puno. Nagulat ako nang hawakan ako sa kamay ni Uno sabay inilagay niya ang dalawa kong kamay sa bewang niya para mayakap ko siya. Pumikit ako dahil bigla kaming nag-swing. Halos sampung puno na ang aming nadadaanan, nang tumingin ako sa baba ay wala na ang mga tigre. "Tara Tres, bababa na tayo, kumapit ka!" Pagkababa namin ni Uno ay hinila niya ako para tumakbo. Nagulat ako dahil sa harap namin ay may tatlong tao na malalaki ang katawan. Hinawakan ako ni Uno sa bewang sabay nilagay niya ako sa likod niya. Tumakbo siya papalapit sa tatlong tao na malalaki ang katawan tapos agad niyang sinaksak sa paa ang tatlo. Napahiga ang tatlong lalaki kaya tumakbo kami nang tumakbo habang magkahawak aming mga kamay. Nang makatakbo kami ay may nakita kaming mga lubid sa daan. "Huwag kang hahawak o lalapit sa mga lubid, may blade ang mga 'yan. Tara, mag-perform tayo ng mga stretching para hindi natin matamaan ang mga 'yan." Agad akong sumunod kay Uno, dahan-dahan kaming lumapit sa lubid sabay iniwasan namin para makatawid. Ang hirap iwasan pero nagtagumpay kami ni Uno. Nang matapos kami ay may isang gate na nakaharang. Agad na lumapit si Uno. "Tres, may password bago bumukas ang gate." "Ano raw?" "Mag-isip daw ng tatlong number." "Ha? Tatlong number lang naman pala! Hahaha!" "Oo nga tatlo lang, pero hindi specific kung anong klaseng number." "So, manghuhula tayo? Hala, paano?!" "Hindi ko alam, ikaw? May naiisip ka bang tatlong number?" "Wala pa, ikaw muna ang mag-try." Tumango lang naman si Uno. Nang tumingin ako sa kanya ag halos ilang minuto na siyang pindot nang pindot pero hindi pa rin bumubukas ang gate. Ano ba kasi 'yang three numbers na 'yan?! Agad akong lumapit kay Uno. "Ano kayang trip nilang number? Uno i-try mo nga ang one, two, three." Sinunod naman ako ni Uno pero hindi pa rin gumana. "Uhm, i-try mo kaya 'yung I love you." "Huh? What do you mean Tres? Words naman ang tinutukoy mo hindi numbers." "P'wede 'yang i-convert sa numbers Uno. 'Di ba ang I ay one, ang love ay four, ang you ay three. I-try mo ang one, four, three baka kasi mapaglaro ang mga sorro mafia. Syempre, sino ba naman ang iisip ng ganyang number at words sa gitna ng laban." "Okay na!" sigaw ni Uno. Agad na bumukas ang gate kaya naman tumawa ako. "Mabuti nalang talaga dahil mahal kita," bulong ko. "Ano'ng sabi mo, Tres?" Hindi ko siya nilingon, naglakad nalang ako nang naglakad. Nagulat ako dahil may bumungad sa amin na isang robot. "Uno? Ano namang gagawin natin sa isang 'yan?" "Panuorin mo ako." seryosong ani niya sabay tumakbo sa isang robot. Agad siyang bumwelo sabay sinipa ang robot sa ulo. Nagulat ako dahil nahawakan ng robot ang paa niya. Agad akong tumakbo dahil nasa taas na si Uno habang hawak ng robot ang paa niya. Bumwelo ako sabay pumunta ako sa ulo ng robot, tumulay ako sa braso niya para puntahan si Uno. Pero dahil sa bakal ang kamay ng robot ay hindi ko kayang alisin si Uno, nakabaliktad lang si Uno. Bumalik ulit ako sa ulo ng robot. Naisip ko na basa ang damit ko kaya naman agad kong hinubad sabay piniga ko sa butas ng ulo ng robot. Biglang nagwala ang robot sabay parang matutumba. "Uno! Mag-ingat ka! Tumalon ka na!" sigaw ko. Bago ako tumalon ay mabuti nalang dahil nakatalon na rin si Uno. Nakita namin na biglang humiga ang robot. "Okay ka lang Uno?" "Oo salamat Tres, magbihis ka na..." Nang tumingin ako sa katawan ko ay naka-bra nalang ako kaya naman agad akong nagbibis, inayos ko ang takip ng mukha ko. Naglakad kami ulit hanggang sa may nakita kaming isang papel at ballpen. May nakalagay na enumeration, na kapag nagkamali ay mahuhulog bigla. "Hala, hindi pa naman ako nakikinig sa teacher ko dati!" biro ko. Nang tumingin ako kay Uno ay seryoso siyang nagbabasa. Ano kayang maitutulong ko, siguro ay kaya na ni Uno 'yun. "Tres, sabi rito sino raw ang boss ng aldeath mafia? 'Di ba si Ex? Kung big boss sana 'yun ang hindi natin alam." "Oo tama hehe! Grabe, ang dali naman ng tanong!" Agad na may sinulat si Uno. Nakita ko na si Ex ang isinulat niya, mabuti naman dahil hindi kami mahuhulog. "Ang galing mo, Uno! "Ito pa, kung lalaban ka raw ano ang dadalhin mo? Baril o sarili mo lang?" "Ang isulat mo Uno ay baril, matatakaw sa baril ang mga gangsters o mafia haha!" "Ito naman ano raw ang dapat gawin kapag natalo ng nakakainis na kalaban?" "I think ang sagot dyan ay revenge, ganyan kasi ang nasa isip nila." "Ilang buto mayroon ang isang human body?" "Jusko naman Uno! Paano natin mabibilang?! Kakalasin ang buto ko?!" "Two hundred six, nabasa ko na 'yan dati." Nagtakip lang ako ng bibig sabay tumango, nang isulat niya ay tama naman. "Mayroon pa, kung magmamahal ka bakit mamahalin mo ang kasama mo?" napatigil si Uno, "grabe ang tanong tsk!" "I think ilagay mo na kamahal-mahal ako." Nang isinulat niya ay agad kaming nahulog. Sumigaw ako nang sumigaw, nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Uno. "Mali ba Uno?!" Hindi siya sumagot, nang tumingin ako sa tinitingnan ni Uno ay nasa isang underground na kami. So, tapos na 'yung ten stages? Ang pang walo, siyam at sampu ay ang mga katanungan kanina?! "Magtatago lang ako rito sa gilid, sige na Tres maglakad ka na dahil sasalubungin ka na nila." Tumango lang ako kay Uno. Nagulat ako dahil may biglang bumukas na pinto. Nang tumingin ako ay isang lalaki ang nakaupo na para bang hari. Nasa harapan na niya ang mga sako ng ginto. "Ikaw nga si Thirstein, isipin mo 'yun... ang ten stages ay nalagpasan mo. Teka... bakit mata lang ang nakikita sa'yo?" "Patawin niyo sana ako, mata lang ang maipapakita ko sapagkat wala ako sa mood." "Wala ka sa mood? Bakit naman mawawala sa mood ang isang Thirstein? Ang isang Thirstein na magaling at matalino? Totoo bang ikaw 'yan?" "Hindi mo kasi ako babahagian ng ginto, sino ba naman ang hindi mawawalan sa mood nun?" Bigla namang tumawa ang mga tauhan niya na may baril. "Hindi na kita bibigyan sapagkat itinago mo 'to ng matagal na panahon." "I see, naniniwala ka na ba na ako si Thirstein?" "Hindi pa, uhm, bakit nagbago ang isip mo?" "May bomb ang mga ampunan, hindi ko sila kayang tiisin. So, nasaan ang remote para mapigilan ko ang pagsabog?" "Ibigay niyo sa kanya!" utos niya sa mga tauhan. Lumapit sa akin ang mga tauhan niya sabay may binigay na remote. Active ang mga bomba dahil kulay green ang mga buttom sa remote. Agad kong pinatay sabay tinapakan ko. "Tapos na tayo, mauuna na ako." paalam ko sabay tumalikod. "Teka... kung ikaw si Thirstein, p'wede bang makipaglaban ka sa mga tauhan ko? Kapag natalo mo sila ay maaaring maniwala ako." Tumawa lang naman ako sabay bumwelo. Agad akong sumugod sa mga tauhan niyang susugod palang, sinuntok ko sila sa mukha sabay sinipa sa ulo. Tatlo na ang nakahiga kaya sunod-sunod kong sinipa sa ulo ang limang nakapalibot sa akin. Sabay-sabay silang napahiga. "Naniniwala ka na ba?" pamimilosopong tanong ko. "Ako naman ang kalabanin mo, gusto kong malaman kung ikaw talaga 'yan." Agad na tumalon ang boss nila sabay sumipa nang sumipa. Grabe nanlaki ang mga mata ko habang umaatras dahil wala siyang tigil kakasipa. Sumipa siya nang sumipa hanggang sa matamaan niya ako sa tyan. Umurong lang ako nang umurong hanggang sa bumwelo ako para mag-butterfly kick. Nang ma-execute ko ang butterfly kick ay nasipa ko siya sa ulo kaya naman napahiga siya. Tumayo ulit siya sabay sumuntok nang sumuntok. Sinuntok ko siya sa tyan sabay umikot ako sabay sinipa ko siya sa mukha. "Teka!" makapangyarihang sigaw niya. "Ngayon ay naniniwala na ako na ikaw si Thirstein. Natutuwa ako dahil magaling ka pa rin. Pero bakit hindi na kita nakikita sa tuwing may business meeting ang iyong Ama?" Hindi ko alam ang isasagot ko. "Uhm, may balak na po kasi akong magpakasal, naghahanda na kami." "Ganun ba? Hahaha! Tatalikuran mo na ba ang mundo mo?" "Opo..." "Sayang ka Hija! P'wede ka pang gamitin para sa pakikipaglaban!" "Well hindi naman kasi ako gamit para gamitin lang. Kung ikaw ganun ka sa anak mo ay kawawa naman siya." "Hahaha! 'Yan ang Thirstein na kilala ko, pilosopo at walang galang!" "Ganun po ba? Ah! Hahaha!" "Teka... tumawa ka?! Ngayon ko lang nakitang tumawa si Thirs!" sigaw ng matandang boss. "Masama ba? Nakakatawa ka po kasi." seryosong saad ko sabay tumalikod. "Saan ka pupunta? Ipahahatid kita sa helicopter ko para makabalik. Salamat sa pagdala ng mga ginto." "Your welcome, teka... ikaw ba ang boss? 'Di ba american ka? Bakit ka nagtatagalog?" "Hahaha! Nakalimutan mo na ba na ang big boss 'yun! Ikaw talaga Thirs, gutom ka na ata, sige na umalis ka na. Nakahanda na ang helicopter sa labas." Tumango lang ako sa kanya sabay tumawa sa isip ko. Kung akala mo ay nalamangan mo ako ay nagkakamali ka. Agad akong umakyat, naramdaman ko namang sumunod si Uno. Nakita ng nasa helicopter na dalawa kami kaya naman tinutukan siya ni Uno ng baril. Wala namang nagawa ang lalaki sabay agad kaming umalis. Ibinaba niya kami sa isang patag na lugar. Sabi niya hospital daw ang binabaan namin kaya bumaba nalang kami. Nang makababa kami ay... teka, hospital 'to ni Dad 'di ba? Hindi na ako nag-isip pa dahil tumakbo nang tumakbo si Uno. Nakatingin lang sa amin ang mga patient. Nang makarating kami sa labas ay hinila ako ni Uno sa isang iskinita kung saan may isang maliit na store na bilihan ng damit. Pinapili niya ako sabay nagbihis kami sa magkaibang room. Nang matapos kami ay lumapit si Uno sa akin. "Salamat Tres, paano ako makakabawi sa'yo?" "Ihatid mo ako kay Lolo..." Tumango lang siya sabay nag-taxi kami. Nang makarating kami ay bumaba kami sa gate para bumili ng bulaklak at kandila. Naglakad kami nang naglakad hanggang sa makarating kami sa puntod ni Lolo. "Lolo, nandito na naman po ako. Kumusta ka po? Ngayon po ay kasama ko ang kaibigan kong si Uno, hehe!" Nang tumingin ako kay Uno ay ngumiti lang siya sabay nilapag ang bulaklak. "Lolo alam mo ba kanina? Para akong action star! Hahaha! Natutuwa po ako Lolo kasi hindi ko akalain na mae-experience ko 'yung mga ganun. Sa mga malalakas lang kasi na tao ang mga ganung gawain. Nagpapasalamat ako kay Uno Lolo dahil tinulungan niya ako." "Tungkulin ko pong ingatan ang apo niyo." "Lolo, mabait po siya sa akin. Pero Lolo, huwag kang mag-expect ng iba pa huh! Hahaha!" Tumingin ako kay Uno, "Ganito ka rin ba makipagusap kay Thirs?" "Hindi naman," "Oh? Sa isip mo lang? Sabagay lalaki ka." "Nope, humahagulhol." Nanlaki ang mga mata ko sabay tumahimik nalang. Mali na naman ang nasabi ko, parang sinusukat ko ang pagluluksa niya. Nang matapos ang pagdalaw namin ay umalis na kami. "Tres? 'Di ba sabi mo ay gusto mong ipa-paint ang mukha ng Ate mo? Tara sa isang shop gallery, ikaw nalang ang gumawa." "Ha? Pero hindi ako marunong magpinta Uno..." "Ako ang bahala, tara!" Hindi na ako nakasagot pa dahil hinila niya ako sa isang shop. "Uno, wala akong picture ni Ate wala rin naman akong dalang cellphone..." "It's okay, if sikat naman siya sa social media ay mase-search siya ng staff tapos ipi-print then may kokopyahan ka na." Tumango lang ako, agad kaming nakarating sa loob. Grabe ang ganda, naglakad ako nang naglakad... nakita ko na may mga nagpa-paint din. "Here," abot sa akin ni Uno sa isang litrato, nang tingnan ko ay si Ate. Ngumiti lang ako sa kanya sabay nagpasalamat. May isang staff na dinala kami sa isang malaking room na kung saan ay may mga gamit para sa pag-paint. Grabe, ang ganda ng room tsaka tahimik. Nang tumingin ako kay Uno ay dinala niya sa akin ang mga gamit. "Go, mag-start ka na, kaya mo 'yan!" "Hahaha! Baka stick man lang ang ma-drawing ko, ihampas pa 'to sa akin ni Mama! Hahaha!!" "Hindi 'yan, naniniwala ako na kaya mo." Bigla akong nanahimik sa sinabi niya. Ngumiti lang ako sa kanya sabay hinawakan ko ang isang brush. Dahil sa hindi ko alam ang gagawin ay wala pa akong mailagay sa harap ng blank canvas. Nagulat ako nang biglang hawakan ni Uno ang kamay ko. "Bago ka magpinta, isapuso mo muna ang iyong gagawin. Pangalawa, isipin mo na mahal mo ang pinipinta mo." Tumitig ako sa kanya, "So ikaw ang iisipin ko?" Ngumiti lang siya, grabe ang cute! Kapag ngumingiti kasi siya ay hindi na makita ang mata niya dahil singkit siya. "I'm serious Uno, so ikaw nga ang iisipin ko? Mahal kita 'di ba?" "Pero hindi kita mahal, so hindi ako ang iisipin mo." seryosong ani niya habang hawak ang kamay ko and habang nakatingin sa blank canvas. Ouch, hindi naman masakit. "Kapag nagpipinta ka ay dapat ang isipin mo ay ang isang taong mahal mo at mahal ka... kaya ipinta mo si Ate mo." "Oo nga Uno, pero 'di ba? P'wede rin namang ipinta ang taong hindi ka mahal 'di ba? Well for me painting is for all." "Oo naman p'wede, pero payag ka ba na sa tuwing pinipinta mo siya ay malungkot ka dahil hindi ka niya gusto?" "Hindi rin Uno, para sa akin ay acceptance 'yun. Ano naman kung hindi niya ako gusto? At least na-paint ko siya." "Yes, you have big points Tres. Masyado lang ata akong bitter, haha!" "Hahaha!! Mabuti naman dahil alam mo?! Hahaha!" Tumawa lang ako nang tumawa. Si Uno ay sumeryoso na kaya naman nanahimik ako. Hawak niya lang ang kamay ko. Gina-guide niya ang kamay ko para may maiguhit ako... nanginginig ang mga kamay ko dahil hawak niya, isang pagkakamali ko lang ay maaaring magulo ang gawa niya. Inisip ko nalang na mag-bestfriend kami ni Uno at wala 'tong malisya. Nang matapos ang painting ay bigla akong nagulat. "Uno... ako ang pininta mo..." "Yes," "So it means..." "What?" "Wala..." "Ang ganda mo dyan, Tres." "Grabe, ang galing mo pala? Nakaka-proud ka!" Bigla namang nanahimik si Uno sabay tumitig sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero may nasabi ba akong masama? Ang sabi ko lang naman ay magaling siya at proud ako sa kanya. "Uhm Uno, 'di ba tapos ka na sa pag-aaral? Ano palang pangarap mo?" "Ang maging isang successful business man with loving wife and baby." "Talaga? Uhm, natupad mo naman 'di ba?" "Yes, ang magkaroon ng asawa at anak ay hindi." "P'wede namang ako..." "Haha! You are joking again." "Hahaha! Bakit alam mo?" Hindi siya nagsalita. Gamit ang kamay ko ay nagpinta ulit siya. Tumitingin lang ako sa ginagawa niya, habang hawak niya ang kamay ko ay hindi ko maiwasang kiligin. Ikaw ba naman hawak ng crush mo ang kamay mo habang nagpipinta siya, seryoso pa. Tumitig lang ako kay Uno. Nagulat ako nang biglang nagkatinginan kami. Nagulat ako nang pahiran niya ako ng isang gamit sa pagpinta. "Hala! Bakit?" maktol ko. "Kanina ka pa kasi nakatitig dyan." "Hindi 'no! Feeling ka?" "Hindi," seryosong sagot niya sabay nag-focus. Napangiwi lang ako sabay pinanuod ang pinipinta niya. Nang matapos siyang magpinta ay nakita ko na si Ate ang pininta niya. "Hala! Ang ganda... salamat Uno!" Dahil sa sobrang saya ko ay niyakap ko siya nang mahigpit. Napabitaw ako sa pagkakayakap kay Uno dahil may biglang kumatok. Agad kong binuksan ang pinto, agad na bumungad sa akin ang isang staff na may mga dalang pagkain. "Here's the special package for couple! Enjoy!" masayang abot sa akin ng babae sabay umalis agad. Kailangan pa kami naging couple? Agad kong nilagay sa lapag ang aming pagkain. "Tara Uno, kumain na muna tayo, grabe nakakapagod 'no?!" "Kumain ka na Tres, uhm... salamat talaga sa ginawa mo huh kanina, marami tayong natulungan na mga ampunan." "Wala 'yun Uno, 'di ba sabi ko basta about sa pagtulong ay kaya ko at kakayanin ko? Ako ata si Tres, hahaha!" "Ang swerte ng lalaking nakalaan para sa'yo Tres," "Bakit kasi hindi nalang tayo? Joked!" "Bawal," "Bakit bawal? Nasa batas ba o nakasulat ba sa batas na bawal mo akong mahalin? May nagsabi ba sa'yo o nanakot sa'yo na bawal akong mahalin? Sige sabihin mo!" "Wala, pero..." "Pero ano?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Lumalit ako kay Uno sabay niyakap ko siya. Inilapit ko ang labi ko sa kanya pero bigla siyang umiwas. "Can I just kiss your cheeks? Ayaw ko sa labi." seryosong tanong niya. "Bakit? Ito ba ay pasasalamat mo sa ginawa ko?" "Ganun na nga, at wala ng iba." "I see," seryosong sagot ko. Naramdaman ko ang labi niya sa pinsge ko. Pumikit lang ako dahil ang sarap sa pakiramdam. Medyo matagal din ang halik niya kaya matagal din akong nakapikit. Parang ayaw ko nang matapos ang araw na 'to. "Uno..." mahinang bulong ko sa kanya. Agad ko siyang niyakap nang mahigpit dahil mahal ko na talaga siya. Mabuti nalang dahil hindi niya inalis ang pagkakayakap ko. "Tres, humiga ka muna, you can sleep on my lap." seryosong aniya. Tumango lang ako sa kanya sabay ngumiti at humiga. Hinihimas ni Uno ang ulo ko. Kumakanta rin siya, napangiti lang ako dahil ang sarap sa pakiramdam at isipin. UNO Habang natutulog si Tres ay may bigla akong naalala. Noong bata ako ay may mga naka-black na tatlong lalaki ang tumawag sa akin, naalala ko na naglalaro ako nun pero dahil sa curious ako kung ano ang sasabihin nila ay lumapit ako sa kanila. Mayroon silang sinabi sa akin na ikinagalak ng puso ko, agad akong sumama sa kanila sabay may binulong sila sa akin. "Nakikita mo 'yan? Sila na ngayon ang priority, hindi ikaw. Akala mo ba ay nag-iisa ka lang? Hindi! Hahaha! Hindi lang ikaw ang mahal!" bulong ng lalaki na parang tinutukso ako. Dahil sa bata pa ako noon ay iyak lang ako nang iyak habang tinitingnan ko ang pinapakita nila. Isang masakit na eksena ang ipinakita nila sa akin. Nang tumingin ako sa kanila ay tawa lang sila nang tawa. Bigla silang umalis sa tabi ko kaya naman ako nalang ang mag-isang nanuod. Iyak ako nang iyak dahil hindi ko inaasahan ang aking nasaksihan. Ang saya nila... samantalang ako ay umiiyak sa harapan nila. Ang sakit, ang kirot ng nararamdaman ko pero wala akong magawa. Simula noon, itinatak ko sa isip ko na hindi lang pala talaga ako. At simula rin ng araw na 'yun ay lahat ng galit at poot sa puso ko ay unti-unting nabuo. Bago ako umalis ay tumitig ulit ako sa kanila, grabe ang tawanan nila na parang hindi nila ako nakikita. Balang. Araw. Makakapaghiganti. Rin. Ako. Kapag ako ang naghiganti ay kahit tulog kayo ay masasaktan kayo. Hindi ko makakalimutan ang ginawa niyo sa akin. Nang tumingin ako kay Tres ay bigla siyang gumalaw. Hinawi ko lang ang kanyang buhok sabay pinisil ko ang ilong niya. Napangiti ako kasi hindi ko maitatago na she is cute and very funny. Tumingin ako sa painting na gawa ko, ang ganda nila pareho ng Ate niya. She is very innocent and kind, she don't deserve a painful revenge. But revenge is already done. In my heart I'm angry but I felt guilty. Walang kaalam-alam si Tres na inilayo ko siya at sinadya na ma-in love sa akin because of one sin done by her one important part of family. Pero bakit sa revenge na gusto ko ay ako pa ang nakokonsensya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD