Nakakalasing sa tuwa, ngunit mabilis itong nawawala.

2156 Words
TRES Kinaumagahan. Iminulat ko ang mga mata ko, napahawak ako sa ulo ko dahil ang sakit. Kinapa ko 'yung notes ko kasi nag-aral talaga ako about sa lesson namin, may quiz kasi later. Paulit-ulit kong binasa 'yung notes ko hanggang sa sumakit ang ulo ko. Bakit parang wala akong maintindihan? At bakit hindi ako makapag-concentrate?Dahil yata 'to sa bote na nabasag sa ulo ko. Ay! Matagal na nga pala akong ganito, naninibago yata ang utak ko kasi nag-aaral ako. Bigla namang bumukas 'yung pinto sabay bumungad sa akin si Ate Dos na may dalang breakfast ko. Dapat lang 'no, baka ako ang nagligtas sa 'yo! Este si Uno. "Little girl, here's your breakfast!" Tumango lang naman ako. "Patingin nga ng ulo mo, okay na ba?" nag-aalalang tanong ni Ate sabay lumapit siya sa akin para i-check ang ulo ko. "Hay naku! Medyo malaki pala 'to wait lilinisan ko, ay! Maligo ka pala muna!" Tumango lang naman ulit ako. "Ano 'to? Notes?! Hahaha! Mommy!" masayang sigaw ni Ate. Agad namang pumasok si Mama sa kwarto ko sabay lumapit sa amin na mukhang naguguluhan. "Ano?!" "Mommy, si Tres ay nagbabasa ng notes!" "I know, ipagpatuloy mo lang 'yan Tres. Hay naku! Kung hindi ka sasabihan ay hindi ka susunod!" Tumawa naman kami ni Ate Dos. Nagpaalam silang dalawa na bababa na kaya tumango lang ako. ** Pagkatapos kong mag-asikaso sa lahat ay kumain ako agad sabay nagbihis na ng aking uniform. Bigla kong nakita 'yung aking blue pants na mahal kaya naman inilagay ko rin sa bag ko in case na lamigin ako mamaya. Aalis na sana ako para pumasok pero hinarang ako ni Mama Zeroie na may dalang gamot para sa ulo ko. "Umupo ka muna Tres dahil lilinisan ko ang iyong sugat." Napangiti naman ako sabay agad na umupo. Agad na nilinisan ni Mama 'yung sugat ko sa ulo at ako naman ay hindi maiwasan na mapangiti nang sobra kasi ang sarap pala sa pakiramdam. "Nagkwentuhan kami ni Ate mo, sinabi niya sa akin ang nangyari. Salamat kasi kahit papaano ay iniligtas mo siya na dapat ay dati mo pang ginagawa kung napasok ka araw-araw." "Bakit Mama? Matagal na ba s'yang nababastos?" "Oo dahil sa maganda ang Ate mo. Ang problema nga lang ay hindi siya kayang ipagtanggol kahit ng mga kaibigan niya, kaya salamat sayo tsaka dun sa lalaki raw na nakipaglaban talaga." "Welcome Mama, kaya nga po ang galing niya heheh!" "If he's free tonight, told him about my invitation to be here for our dinner. I just want to say appreciation words for him because he deserves it," seryosong sabi ni Mama. "Sige po Mama!" masiglang sigaw ko sabay ngumiti ako sa kan'ya. Ngumiti rin naman siya sa akin. "Ingat Tres!" ** Pagkarating ko sa school ay sobrang daming mga estudyante. May hinahanap naman ang mga mata ko, nagbakasakali na makita si Uno pero wala. Agad akong pumasok sa room. Nakita ko si Reina sa hulihan at agad s'yang kumaway sa akin at ngumiti. Pumunta naman ako agad sa kan'ya. "My friend, nanghihinayang talaga ako na hindi ikaw ang kumanta!" maktol ni Reina. "Hayaan mo na dahil enrolled naman na ako sa compose room," "Really?!" Tumango naman ako sabay ngumiti sa kan'ya, agad naman niya akong niyakap at hinalikan sa pisnge. "Hala! 'Yung sa cafeteria nga pala ay nabalitaan ko. Kumusta na 'yang sa ulo mo? Okay na ba? Hindi na ba makirot?" "Okay na ako, hehe!" "Dapat 'no! And ang ganda kasi ng Ate mo at ang sexy kaya siguro naaakit ang mga manyak sa school!" "Well hindi na kasalanan ng Ate ko 'yun. Walang sino mang babae ang dapat magpalit ng damit nila para hindi mabastos. Ang dapat magpalit ng utak ay 'yung mga utak kriminal kasi nakakaawa sila dahil sa kamanyakan lang ang kaya nilang isipin hindi kung paano maging mabuting tao na may ambag sa lipunan." "I agree!". "Good morning class!" masayang bati ni Sir Ethan, "Okay class! Get one fourth sheet of paper may quiz tayo. Pasintabi sa mga hindi pumapasok at sa mga palaging nag-cu-cutting d'yan siguro naman ay alam niyo na kung sino, responsibilidad niyo ang mag-self study. Mga anak hindi na kayo bata pa para pagsabihan ng paulit-ulit. Look si Benu, Fryna instead na alagaan niya ang kan'yang scholar ay according to her mother ay pumapasok naman daw araw- araw si Benu pero nagcu-cutting. Laban lang mga anak," Tumango naman kaming lahat. Sinimulan na ni Sir ang quiz na enumeration. Nang matapos ay kinuha na ni Sir ang mga papel. "Impressive, perfect score si Tres! Okay, Dismiss!" Agad naman akong inasar ni Kenn at Reina. "Where's Tres Salvador?" pagkalingon ko ay isang lalaki mula sa pinto. "Nandito siya, bakit liligawan mo? Hahaha!" biro ni Kenn. "No, ipinapatawag na siya sa compose room. Thank you," saad ng lalaki. "Okay, pupunta na ako!" sagot ko sabay tumayo. "Tres! Akala mo ba ay nakalimutan ko na 'yung pumansin sa 'yo kahapon na si Uno Co?!" biro ni Kenn. Kinurot ko lang naman siya sa pisnge. Agad akong nakarating sa building ng compose room. Ilang minuto lang ay napadaan ako sa Music Room, sisilip sana ako para sana makita si Uno pero may kurtina na nakaharang kaya naman dumiretso nalang ako sa Compose Room. Pagkapasok ko ay may nakita akong mga estudyante at isang Teacher. "Hi po sa inyong lahat, Good morning po!" Tumango naman 'yung ibang mga estudyante sabay ngumiti pati na rin si Ma'am. "Magandang umaga Tres, I'm Teacher Kyu from Compose Room, nice to meet you! So take a seat and I will have some discussions!" Ngumiti lang ako sabay nag-bow. "Class I will recall kung paano nga ba magsulat ng kanta dahil may bago kayong kaklase. Paano nga ba magcompose ng kanta? Una ay mag-isip kung ano ang posibleng maging titulo ng isang kanta. Teacher, bakit posible pa lang ang titulo? Kasi mga anak, hindi pa naman na construct ng buo ang kanta kaya mas mabuting mabuo muna natin 'yung idea ng kanta bago rin mabuo ang title. Hanggang sa hahayaan na natin na 'yung kabuuan ng kanta na mismo ang magbubuo rin sa titulo nito," bumuntonghiniga siya, "pangalawa mga anak ay kung paano nga ba tayo nagka-idea para makabuo ng kanta. Bakit nga ba enable tayo to compose? Ito ba ay talento talaga? Oo mga anak, talento talaga ito sapagkat kahit tayo ay nakaupo ay makakaisip tayo ng isang idea. Iisipin kung ano nga ba ang mga salita sa gagamitin sa song o mga emosyon na dapat ilabas." Makalipas ang ilang minuto. "Okay class, enhance the individual talent of yours. See you tommorow, maaga pa naman so p"wede kayong mag-stay rito sa room and make sure na naka-lock ang pinto pag-a-attend na kayo sa mga next class niyo, okay?" Tumango naman kami at ngumiti sa kan'ya. Pagkalabas ni Teacher Kyu ay may biglang pumasok- "Where's Tres?" seryosong tanong nito mula sa pinto. Agad akong nagtago sa lamesa. Tumingin naman silang lahat sa akin, 'yung iba ay ngumiti sa akin na mayroong kahulugan. Itinuro ako ng isang babae. "She's here!" Nagpakita naman ako kay Uno. Bigla akong namula sa takot... lumapit naman siya sa 'kin- "Masakit pa ba 'yang nasa ulo mo? Nalinisan na ba ulit 'yan? Are you really okay? Tell me," nag-aalalang tanong niya. Tumango naman ako at ngumiti sa kanya. Hinawakan niya ang ulo ko. "Sa susunod ay 'wag kang haharang, hayaan mo na ako ang humarap sa mga gano'n. Ayaw kong may napapahamak dahil sa akin." "U-Uno, okay lang talaga ako!" "Sumunod ka sa akin," seryosong utos niya sabay tumalikod at naglakad. Sumunod naman ako sa kan'ya. Dumiretso siya sa Music Room. "Umupo ka," Nahihiya talaga ako sa kanya, pero agad akong sumunod. May kinuha s'yang first aid kit sabay lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang ulo ko sabay nilinis ang sugat ko. Gusto ko sanang sabihin na nilinis na ni Mama... pero nahihiya ako. "U-Uno, my Mama invite you mamaya for dinner sa amin," Nagulat ako dahil biglang nilapit ni Uno 'yung mukha niya sa mukha ko. "Sure, mamaya ay sa akin ka sumabay, okay?" Medyo umiwas ako sa kanya. "'Wag kang malikot dahil nililinisan ko pa," "Salamat talaga Uno, sino nga pala yung mga lalaking bumastos sa Ate ko?" "Mga entitled, hayaan mo na sila. Wala ka bang next class?" "Ay! Oo! Good bye, aalis na ako!" Nagulat ako nang hawakan niya ako sa braso. Tumitig ako sa kanya, "Bakit?" "Maganda ka pala, and lalo na ang mga mata mo," seryosong sabi niya sabay binitawan ang braso ko. Ngumiti lang naman ako sabay naglakad na ako papunta sa pinto. "Susunduin kita mamaya sa room niyo. Sa akin ka sasakay, huh!" Lumingon ako, "Bakit ako sasakay sa ‘yo? Sa ‘yo ba mismo?” "Ang ibig kong sabihin ay sa akin ka sasakay, sa kotse ko hindi sa akin mismo,” paliwanag niya sabay ngumiti. Hala! Nakakahiya naman ‘yung sinabi ko. Agad naman akong tumakbo dahil sa kahihiyan. ** Pagkarating ko sa room ay wala pang teacher kaya naman agad akong umupo sa upuan ko. Kinakausap ako ni Reina at Kenn pero 'di ko sila pinapansin dahil may kakaiba akong nararamdaman ngayon, kakaibang saya na hindi ko pa naramdaman dito sa school. Naalala ko naman 'yung sinabi ni Uno na maganda ako at ang mga mata ko kaya bigla ulit akong napangiti. Totoo ba talaga ‘yung sinabi mo Uno? ** Pagkalipas ng ilang oras ay marami ng mga subjects ang dumaan. Tumingin ako sa bintana, nagulat ako nang matanaw ko si Uno. "Aking mahal, bakit ang pogi mo?!" sigaw ni Kenn kay Uno. Nagsigawan naman ang mga kababaihan at nangunguna na dun si Reina. Ngunit kahit na sobrang daming mga nagtitilian ay sa akin lamang nakatingin si Uno. Nakita ko naman na ngumiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako sa kan’ya. "Treseya! 'Yung sundo mo!” sigaw ni Reina. Napapikit naman ako dahil sa kahihiyan. Bigla namang tumunog ang bell. Agad na nagtayuan ang mga kaklase ko sabay lumabas. Ilan nga sa kanila ay tumitig muna kay Uno bago umalis pero sa akin siya nakatingin. Lumapit naman ako agad sa Uno sabay ngumiti. "Let’s go,” aya niya sabay tumalikod. Napanguso naman ako, bakit naman ang seryoso niya? Agad kaming naglakad papunta sa parking lot. Nagbago ang reaksyon ko dahil halos lahat nakatingin sa amin. Lumapit siya sa isang kotse sabay binuksan ang pinto para makapasok ako kaya agad naman akong pumasok sabay nag-seat belt. "Paano ‘yung sasakyan ko, Uno?" "Tres, may sasakyan naman ang kapatid mo ‘di ba? Sumabay ka nalang sa kan’ya bukas," "Okay," sagot ko. Ngumuso naman ako, nang tumingin ako sa kanya ay ngumiti siya, "w-why?" "Nothing Tres, para kang sanggol," "Bakit naman? Hala!” "Palagi ka kasing nakanguso kapag pinagsasabihan," paglilinaw niya. Umiwas ako nang tingin sabay ngumiti habang nakatingin sa unahan. ** Nakarating na kami sa bahay at agad ko siyang pinapasok. "Nandito na po kami, Mama!” Bakit parang ang tahimik? Bakit parang wala si Ate Dos? Bigla namang lumabas si Mama, she is wearing red dress. My Mama is so gorgeous. Pagkatingin ko kay Uno ay napakaseryoso niya habang nakatingin kay Mama. Napangiti ako kasi alam ko na nagagandahan din siya sa Mama ko. "Tres, good evening sa inyong dalawa. What's your name, Hijo?" "U-Uno p-po,” sagot niya. Naramdaman ko naman na parang hindi siya komportable. "Umupo na tayo. Alam mo ba na niluto ko ito lahat just for you, Hijo?!" Ngumiti si Uno nang sapilitan, "Thank you po," "I hope na magustuhan mo ang mga luto ko Hijo," masayang sabi ni Mama, "Tres, si Ate Dos mo nga pala ay nasa party kaya let’s eat." Nabalot kami ng katahimikan habang kumakain. Medyo naguguluhan ako kay Uno kasi hindi ko in-expect na napakaseryoso niya. "Alam mo Hijo... may kamukha ka, kasing gwapo mo rin siya. Salamat sa pagtulong sa mga anak ko, hehe!" "W-welcome po," Uno replied. "Sino naman, Mama?" I asked. "Tres, he is my friend," nakangiting sagot ni Mama. Tumango lang naman ako kay Mama at ngumiti. ** Pagkatapos ng dinner ay iniwan ko muna sila Mama Zeroie at si Uno sa dining area. Pagkatingin ko sa bintana ay nakita ko si Mama na nagkukuwento kay Uno. Pero si Uno ay nakatingin lang sa kan’ya at parang hindi komportable. Nakita ko naman na parang nagpapaalam na si Uno kay Mama. Maya-maya pa ay lumabas na siya. Ngumiti ako sa kanya pero hindi siya ngumiti pabalik. Agad akong lumapit. "Uno, may problema ba?" "Uuwi na ako, salamat nga pala," sagot niya sabay tumalikod. "Uno!" I shouted. Tumigil naman siya sa paglakad pero hindi man lang siya humarap. "Thank you rin, magdasal ka muna bago umuwi," Tumango lang naman siya sabay naglakad na papalayo. Pakiramdam ko ay hindi siya okay. Uno magdasal ka lang, kung ano man ‘yang gumugulo sa isip mo ay sana'y mawala rin. Nakakapagtaka lang dahil kanina ay ngumingiti siya, pero bakit gano'n? May expiration ba ang ngiti niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD