Umiiyak nga ba ang Buwan o Bituin sa tuwing sila'y nag-iisa? Maaaring hindi na dahil sanay na sila sa dilim.

3133 Words
TRES Iminulat ko ang mga mata ko, pagkatingin ko sa orasan ay tanghali na. Agad akong bumangon, pero pagkatingin ko sa kalendaryo ay sabado pala. Bigla namang may lumabas sa cellphone ko na isang notification, nang tingnan ko ay isang alarm na birthday raw ni Ate Dos. Oo nga pala. Bigla namang bumukas 'yung pinto, pagkatingin ko ay si Mama. "Gising ka na pala," Tumango lang ako sabay ngumiti. "Natutuwa ako kasi inaayos mo na ang iyong pag-aaral," nakangiting sabi ni Mama sabay umupo sa aking kama. Halos matunaw naman ako kasi ganito pala 'yung feeling ng ma-appreciate ng Nanay. "Salamat po Mama," "Ipagpatuloy mo lang anak. Si Uno Co ba ay gano'n talaga ang ugali? I mean, napakaseryoso." "O-opo," "Pero naramdaman kong mabait s'ya, kaya siya dapat ang maging kaibigan mo. Kung mas higit pa dun ay wala namang problema." Nanlaki ang mga mata ko, "Hindi yata aabot sa gano'n Mama, hehe!" "Really anak?" pang-aasar ni Mama, "birthday nga pala ngayon ni Ate Dos mo, ano sa tingin mo ang magandang birthday gift sa kan'ya?" Napaisip naman ako sa sinabi ni Ate na gusto niyang makapasok sa isang lugar... na gusto niyang makapasok sa eksklusibong lugar. Doon sa pinupuntahan ng mga upper class niyang mga kaklase. "Anak, ano saan ba? Ikaw na ang bahala sa Ate Dos mo kung saan mo siya igagala. Maghihintay ako sa inyo, I will prepare our dinner," Ngumiti ako kay Mama at kumindat, "Sige po Mama, ako na po ang bahala!" Nang makalabas si Mama ay agad akong naligo at nagbihis. And I also texted someone na pupunta kami sa lugar na 'yun. Pumasok ako sa kwarto ni Ate. "Ate! Happy Birthday!" masayang bati ko sa kan'ya, "I know we are not that close pero ngayon ay p'wede ba kitang maging close?" Nagulat naman si Ate sabay niyakap ako. "Ikaw talaga! Salamat, oo naman p'wede! Hinihintay ko lang naman na lumapit ka sa amin ni Mama, masyado kang malayo dati na halos parang hindi ka na namin kilala. Mas pinili mo pang makasama dati 'yung mga kainuman mo keysa sa amin ni Mama." Biglang tumulo 'yung luha ko, naalala ko lahat, lahat kung paano ako naging barumbado noon, na halos dati ay madaling araw na ako umuwi at nakikita ko sila sa dining area na nag-aabang pero instead na magpaliwanag ako ay hindi ko pinapansin. "S-Sorry A-Ate," I whispered. Mas niyakap ako nang mahigpit ni Ate. "Ang pangit ko na! Ikaw talaga bakit mo ako pinapaiyak!" "Ate, magbihis ka na! May surprise ako para sa'yo." "Weh?!" Tumango lang naman ako at kumindat sa kan'ya, kaya naman si Ate ay agad na pumasok sa cr. I love this type of feeling, the feeling that I felt the love of my family. ** Sumakay kami sa kotse ni Ate Dos, nasa school pa kasi ang kotse ko. Naalala ko naman si Uno kaya bigla akong sumaya, pero nabago ang mood ko nang maisip kong hindi siya okay kagabi. Kumusta na kaya siya? "Saan ba tayo pupunta, Tres?" Hindi ako sumagot. "Sabi ni Mommy ay ang bisita mo raw kagabi ay si Uno. Sayang naman dahil wala ako kagabi, hindi tuloy ako nakapagpasalamat sa pagtulong niya sa akin." Bumuntonghininga ako, "Nakapagpasalamat naman si Mama at ako." "Okay! Alam mo ba? Bagay kayo, hahaha!" Hindi ako ulit sumagot, inirapan ko lang siya. Napaisip naman ako dahil iba 'yung nararamdaman ko kay Uno, sa tingin ko kasi ay may kaugnayan kami sa isat-isa. ** Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa lugar na gusto ni Ate. Nang tingnan ko si Ate ay naramdaman kong masaya siya, pero biglang nagbago ang expression ng mukha niya. "Saan dito? Bakit walang mga building dito? Tres, nakakatakot!" "Magtiwala ka lang, Ate." Tumango naman si Ate Dos sabay kumapit sa akin. Nakakatakot nga naman itong lugar. May pinindot ako sa remote, itong remote na ito ay para lamang sa mga p'wedeng pumasok dito. Mayroong lumabas na isang hagdan. "Hala! Ang galing! Wow!" masayang sigaw ni Ate. Ngumiti ako sa kan'ya, "Tara!" Tumango naman siya, agad kaming bumaba. Pagkababa namin ay namangha si Ate. "Palasyo ba 'to? Grabe, hindi ko akalain na nasa isang underground ako! Totoo ba talaga 'to? Grabe!" "Welcome to the Underground Royal Bar! Happy Birthday!" masayang bati ko sa kan'ya. "Hala! Tres salamat! Pero saan ka naman kumuha ng pambayad? Ang mahal ng entrance rito sa pagkakaalam ko. Tsaka mga VIP lang ang nakakapasok dito 'di ba?" "Secret, tsaka ko na ipapalam sa-" Lumapit ang isang babae kay Ate. "Hi! You are Dos Salvador, right?" "Yes, ako nga po!" masayang sagot ni Ate. "Sumunod ka sa akin!" masayang utos ng babae sabay naglakad na papalayo. Siya ay si Miss Maritues. Tumingin sa akin si Ate, "Pero Tres, ikaw paano ka?" Ngumiti ako sa kan'ya, "Sige na Ate, may gagawin pa ako para maging VIP na talaga tayo rito. Sige na, pumasok ka na sa loob." Ngumiti naman si Ate sabay sumunod na kay Miss Maritues. Pinanuod ko sila hanggang sa makapasok sa loob. Ilang minuto lang ay bumalik na si Miss Maritues sabay lumapit sa akin. "Masaya ako nung nag-text ka, pati na rin ang mga VIP kaya halos sold out ang tables. Maligayang pagbabalik, Tres!" "S-sorry Miss Maritues pero ngayon lang 'to kasi birthday ng kapatid ko. Sa tingin niyo po ba ay mayroong may birthday ngayon mula sa mga VIP?" "Sige Tres ikaw ang bahala, palagi ka namang welcome rito. Sa pagkakaalam ko ay mayroong isa sa mga VIP ang may birthday ngayon. Kakantahan mo ba sila? Ang sweet mo naman." "Salamat talaga Miss Maritues, opo para sa kanilang dalawa ang kakantahin ko ngayon." Tumango naman si Miss Maritues sabay ngumiti, "Halika sumunod ka sa akin. Sisiguraduhin ko na walang makakakilala sa'yo."  Sumunod ako kay Miss Maritues. Nang makarating kami sa room ay agad niyang inayos ang damit na susuotin ko, ang maskara, at ang buhok ko. Napangiti ako sa salamin kasi sigurado ako na magugustuhan ni Ate at kung sino man 'yung VIP na may birthday ngayon ang kakantahin ko. ** Agad akong umakyat sa stage sabay kumaway sa lahat ng mga VIP. Nagpalakpakan silang lahat. Nakita ko naman si Ate Dos na nakaupo sa unahan na masayang nakangiti. Sino kaya ang may birthday sa mga VIP? Ngumiti ako sa lahat, "Hi everyone! Kamusta kayo? I miss all of you! Ang aking kakantahin ngayon ay para sa inyo... sana ay magustuhan n'yong lahat," saad ko sabay tapat ng aking labi sa mikropono. Nagpalakpakan naman ang lahat ng mga VIP, lalo na si Ate Dos na hindi maipaliwanag ang saya. Pagkatapos kong ma-delivered ang unang lyrics ng kanta ay tumingin ako sa lahat, "Everyone needs a mirror, not just only to see their reflection but also to see their worth, a big worth." Nagpalakpakan naman sila at nagsigawan, itutuloy ko na sana ang pagkanta pero parang may nakita akong isang familiar na tao na nakilala ko na. Napatingin ulit ako sa mga VIP na mukhang nag-aabang na kaya naman itinuloy ko na ang pagkanta. Bumuntonghininga ako pagkatapos kumanta, "Sana sa kantang ito, kahit na hindi ako ang writer ay sana'y ako ang magsilbing mirror ninyo, para maipakita ko sa inyo ang tunay na version ninyo ngayon. Kayo ay mahalaga para sa akin, pahalagahan at mahalin niyo ang inyong mga sarili." "Woah!" masayang sigaw ni Ate Dos. "Ang susunod kong kakantahin ay about happiness, sana'y magustuhan n'yong lahat, mahal ko kayo!" masiglang sigaw ko sabay kumaway sa kanila. Nagpalakpakan naman sila. "Sa buhay ay kailangan natin ng mga taong mag-i-istay talaga sa atin, na magsasabi sa atin na they will stay. Pero paano kung 'yung isang nagsabi sa atin na mag-i-istay sila ay bigla nalang nawala?" Nakita ko naman na may mga nagpunas ng kanilang luha pero mga ngumingiti pa rin. Napansin ko naman 'yung isang lalaki sa gilid na parang may kahawig ang mata. He is also wearing maskara. Ipinagpatuloy ko na ang pagkanta. Bumuntonghininga ako pagkatapos kong kumanta. Ngumiti ako sa lahat sabay kumaway sa kanila. Nagpalakpakan naman sila at nagsigawan. "Nabalitaan ko na may dalawa akong taga-hanga rito, na parehas sila ng birthday. Kaya ang huling kanta na kakantahin ko ay para sa inyong dalawa," nakangiti na sabi ko sabay tapat ng aking labi sa mikropono. Bumuntonghininga ako pagkatapos kong kumanta. Kumaway ako sabay ngumiti sa kanilang lahat. Nakita ko na masaya si Ate Dos kaya kumaway ako sa kanya sabay nag-flying kiss, halos mahimatay naman siya dahil napansin ko. Napansin ko naman ulit 'yung lalaki sa gilid na parang nagpunas ng mata at biglang umalis sa kinauupuan niya. Nang matapos akong kumaway sa lahat ay nag-bow ako. Agad akong bumaba sa stage sabay pumasok sa room. Nagbihis na ako para puntahan si Ate. "Tres, paalis ka na ba?" tanong ni Miss Maritues na kakapasok lang sa room. "Opo, pupuntahan ko na po si Ate," "Ay! Gano'n ba? Here." Mayroon siyang inabot na isang envelope. "Ano po 'to?" nagtatakang tanong ko. "Appreciation bonus ng may-ari ng URB. Go enjoy Tres ingat!" "S-salamat po Miss Maritues!" Tumango si Miss Maritues sabay bigla akong niyakap. Bigla naman akong nagtaka, bumitaw ako sa pagkakayakap sa kan'ya at nagpaalam na agad. Pagkalabas ko sa isang room ay nakita ko agad si Ate Dos na parang may hinahanap, syempre ako 'yon. Nakakatuwa s'yang pagmasdan dahil sobrang saya niya, tatawagin ko na sana si Ate pero bigla kong nakita na tinanggal ng isang lalaki 'yung maskara niy. Nagulat ako dahil si... si Uno? Ano naman ang ginagawa niya rito? Isa rin ba s'yang VIP? O isa siya sa mga VIP na nakatira sa condo rito? Pero bakit siya may maskara? Parang kamukha siya nung lalaki kanina. Baka naman hindi, marami kasing p'wedeng gawin dito sa URB, hindi lang ang makinig ng kanta. Mayroon ring mga sayaw, legal na mga sugal, inuman, at marami pang iba na ginagawa ng mga mayayaman. Mayroon ring nakatayo na mall dito kaya bakit siya makikinig sa akin? Isa lang naman ang ibig sabihin kaya nandito siya, 'yun ay isa ang pamilya niya sa mga upper class. Kakausapin ko sana siya pero, pero may biglang tumunog ang alarm. Sign na may nangyaring masama. "Ano'ng nangyayari?!" tanong na sigaw ko kay Miss Maritues mula sa malayo. Umiling naman si Miss Maritues at nag-gesture sa kamay niya na sumunod ako. Sumunod naman ako sa kan'ya, pagkarating namin sa mismong labas ng URB ay nakita ko si Ate Dos na duguan... nakakatakot dahil halos lahat ng mukha at katawan niya ay duguan. "Ano ang nangyari sa kapatid ko?!" hindi ko na napigilan ang sarili ko, umiyak na ako nang umiyak. "Miss Maritues! Ipaliwanag mo nga sa akin!" "Tres, nakita lang ngayon sa cctv na may bumangga sa kapatid mo na isang kotse." Ngumisi ako sa kan'ya, "Anong sabi mo?! Ano ba yu'n aksidente o katangahan?! At sinong tanga 'yung bumangga sa kan'ya?! Sabihin mo sa akin, sino?!" "Tres, hindi ko alam! Wala itong plate number. Sa ngayon ay ipapadala ko siya sa baba para maidala sa hospital, sa URB ay may hospital kaya naman tatawag na ako ng ambulance baka makaabot pa siya!" "Anong klaseng lugar 'to?!" bulyaw ko dahil hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Tres, karamihan din sa mga nakatira sa condo rito sa URB ay puro mga gangsters. Mayroong tinatawag na gangster fight, baka sa habulan na nangyari kanina sa pagitan ng mga sasakyan nila ay nadamay ang kapatid mo," paliwanag niya. Umiling lang ako. Hinawakan ko sa mukha si Ate at nakaramdam ako ng awa sa kan'ya. Umiling ako sabay umiyak lang nang umiyak. Biglang dumating ang mga lalaki at agad na binuhat ang kapatid ko, agad akong sumunod at sinabayan ko ang pagtakbo nila. Paano na 'to? Sana walang mangyaring masama sa 'yo Ate. Nakaramdam naman ako nang paninikip ng aking dibdib at sobrang sakit ng ulo na mayroong sumasagi sa isip ko na mga pangyayaring hindi ko maintindihan. "Ate!!!" humahagulhol na sigaw ko habang hinahabol si Ate pero hindi na ako pinapasok ng Doctor. Napaluhod nalang ako sa sliding door at halos hindi na maipaliwanag ang aking nararamdaman. "Tres?" Pagkalingon ko ay si... si Uno? Tumakbo ako papalapit sa kan'ya sabay agad ko siyang niyakap. "Uno! Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, paano kung may mangyaring masama sa Ate ko?!" Hinimas ni Uno ang buhok ko. "Hindi siya pababayaan ng nasa itaas, kaya maniwala ka lang." Lumayo na ako sa kanya, tumango ako at nagpunas ng luha. "Ano nga pala ang ginagawa mo rito sa URB?" Bumontonghininga siya, "Mayroon akong binili sa mall, may condo unit ako rito." "Oo nga naman, haha!" "Anong oo nga naman?" "Wala, hehe! Akala ko ay mayroon ka pang ibang pinuntahan rito," Hindi sumagot si Uno. "Uno, p'wede ba akong magtanong?" "Ano?" "Mayroon ba akong nagawa sa'yo? Hindi ka na kasi nagsalita pa o ngumiti man lang nung nasa bahay tayo." Tumitig siya sa akin, "Masama lang ang pakiramdam ko." "I see-" Hindi na ako nakapagsalita pa dahil dumating ang doctor. "Sino ang kamag-anak ng nasa loob?" Doctor asked. "Ako po," I whispered. "Hindi namin siya naligtas. Condolence Hija, Im sorry for your lost." Humagulhol ako sabay lumuhod sa harapan ng Doctor. "Doctor! No! Pumasok kayo ulit please?! Doc naman! Birthday ng kapatid ko ngayon! Wala ka na bang magagawa?! Tumango lang naman 'yung doctor sabay umalis kaya hindi ko na napigilang umiyak nang umiyak. Ang sakit! Ang goal ko ay pasayahin ang Ate ko hindi 'yung makita s'yang patay na! Bigla namang tumunog ang cellphone ko, nang tingnan ko ay tumatawag si Mama. Mas lalo akong natakot dahil hindi ko alam kung ano ang ipapaliwanag ko sa kanya. Tumingin ako kay Uno na nakatayo lang, "Umalis ka nalang kung wala kang sasabihin!" "Sige," seryosong sagot niya. Ano?! Aalis ka talaga kung kailan kailangan kita?! "Ano ba ang nangyayari sa'yo?!" "'Wag mo ng isipin pa kung ano ang nangyayari sa akin. Simula ngayon ay kalimutan mo nalang na nakilala mo ako." Ngumisi ako sa kanya, nagulat ako nang tumalikod siya sabay naglakad papalayo. Mas hindi ko napigilang umiyak, dahil lahat ng sinabi niya ay sobrang sakit. THIRD PERSON "Kung hindi mo kayang gumawa ng paraan para maibalik siya rito ay papatayin kita!" "Pero boss, hindi ko naman kayang gawin ang pinag-uutos niyo. Maawa naman kayo sa akin!" "Gumawa ka ng paraan, 'yung paraan na sa sobrang lungkot niya ay babalik siya rito!" "P-Pero-" "Hanggang bukas nalang! Kung hindi mo magagawa ay papatayin kita. Sisiguraduhin kong lahat ng mayroon ka ngayon ay mawawala at ang pamilya mo!" Agad namang tumango ang kawawang utusan. TRES Sinagot ng URB ang nangyari kay Ate. Parehas kaming nakauwi ni Ate, ang pinagkaiba lang ay ako ay nakatayo... si Ate ay nakahiga sa kabaong. Halos ayaw kong pumasok sa bahay. Nakita ko sa salamin ng bahay namin kung gaano ka-excited si Mama Zeroie sa paghahanda sana ng dinner namin. Ano kaya ang magiging reaksyon niya? Sana ay ako nalang ang namatay... sana ako nalang! Kumatok ang mga tauhan ng URB sa pinto namin at agad itong bumukas. Bumungad sa amin si Mama habang nakangiti, "Nandito na pala kayo! Nasaan ang may birthday na si Ate Dos mo?!" "Siguro nag-enjoy kayo! Grabe, masaya siguro ang bonding n'yong magkapatid! Kanina pa ako naghihintay! Sa sobrang excited ko ay ang dami kong niluto!" I whispered, "M-Mama," "Anak, bakit namumugto ang mga mata mo? Umiyak ka ba?" "M-mama s-si A-Ate," "Nasaan siya?" seryosong tanong ni Mama. "M-mama n-nasagasaan s-si A-Ate!" umiiyak na sagot ko. Nagulat ako nang bigla niya akong sampalin. "Ano'ng ginawa mo sa kanya?! Wala kang kwentang kapatid! Dapat pala ay hindi ko na siya pinasama sa'yo! Wala kang kwenta! Akala ko ba ay nagbago ka na?! Pero bakit siya nasagasaan? Pinabayaan mo ba siya?!" Lumuhod ako sa harapan niya. "Sorry Mama! Hindi ko naman po ginusto ito!" Tinulak ako ni Mama kaya bigla akong napaluhod. Tumitig siya nang masama sa akin. Lumapit si Mama sa kabaong at doon humagulhol nang humagulhol. "Anak! Dos!!" Habang umiiyak ako ay lumapit ako kay Mama. Yayakapin ko sana siya pero bigla niya akong sinampal. "Pinagkatiwalaan kita!!!" bulyaw sa akin ni Mama sabay sinampal ulit ako. Nagulat ako nang pumasok siya sa loob ng bahay. Pagkalabas niya ay hawak na niya ang mga maleta ko. "Lumayas ka!" "Mama naman!!" "Sige na!" sigaw niya habang nakatingin sa kabaong ni Ate. "Mama!!! Please naman 'wag naman po kayong gan'yan sa akin! Hindi ko naman po sinasadya 'yun!" "Naniwala ako sa'yo! Pero isa ka pa rin palang basura, kaya lumayas ka." Kinaladkad ako ni Mama hanggang sa labas sabay binato sa akin ang mga maleta ko. Pinalayas niya rin 'yung mga tauhan ng URB. Wala akong nagawa kundi ang humagulhol. Ilang oras din akong nakatulala at umiiyak sa gate namin pero hindi pa rin ako pinagbubuksan ni Mama. Hanggang sa lumipas na ang apat na oras pero hindi pa rin ako pinapapasok. Umalis nalang ako at pumunta sa URB. Nang makarating ako ay sumalubong agad si Miss Maritues pero hindi ko siya kinausap. Dumiretso ako sa bar, um-order ako agad ng sampung bote ng alak. Nang umupo ako ay sumunod pala si Miss Maritues. Inagaw niya ang ilang bote. "Tres, magpapakamatay ka ba?!" Hindi naman ako sumagot, ngumisi lang sa kan'ya. Naglakad ako papunta sa room namin ni Miss Maritues at doon ako uminom ng alak. May bigla namang nag-text sa akin. Nang tingnan ko ay si Reina. Sabi niya ay birthday raw ngayon ni Uno. Bigla namang kumunot ang noo ko, agad kong itinapon ang cellphone ko. Ano naman ang pakialam ko sa bwesit na lalaki na 'yun?! Siya nga ay walang pakialam sa akin! THIRD PERSON Pagkalipas ng ilang oras ay naubos na ni Tres ang ilang bote ng alak at halos hindi na nito alam ang gagawin. Halos gumapang na ito pero walang pumapasin sa kan'ya dahil baka magalit siya. Hanggang sa nakapasok siya sa isang room, isang room na nakabukas. Hindi na namalayan ng dalaga na mali ang napasukan niya dahil sa kalasingan. "Nasaan na ba ang ilaw?!" galit na sigaw ni Tres. Walang sumagot sa kan'ya. Bigla s'yang napahiga sa kama, mayroon naman s'yang nahawakan na katawan, pero niyakap lang niya ito. "Mama! Mama, patawarin mo na ako Mama!!!" umiiyak na sigaw nito habang yakap ang isang katawan. Nagising naman ang taong yakap ni Tres. Gustuhin man nitong alisin ang pagkakayakap ng dalaga pero bigla itong nakaramdam ng awa dahil sa humahagulhol ang dalaga. And mahigpit ng pagkakayakap sa kan'ya. "Mama!!! Please?!" babangon na sana ang taong yakap ni Tres pero- "Madaya ka Mama! Simula bata pa lang ako ay ganito ka na sa akin! Tapos isang pagkakamali ko lang ay pinalayas mo ako! Mama, anak mo ba talaga ako?! Bakit mabilis lang para sa'yo ang lahat?!" Hindi na inalis ng tao ang pagkakayakap ni Tres. Hinayaan niya itong nakayakap sa kan'ya, siya naman ay labis na nakonsensya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD