Pitak ng bawat puso na mayroong nais ipahayag.

4567 Words
TRES Iminulat ko ang mga mata ko, mayroon akong nakita na umilaw at ito ay aking cellphone kaya naman agad ko itong tiningnan. May one message, nang buksan ko ay si Miss Maritues. Nakaramdam ako ng awa sa kanya kasi alam kong nahihirapan siya na pabalikin ako sa URB. Pero kasi may iba pa akong priority. Totoo ba talaga na kakanta ako sa harap ng maraming tao mamaya sa school? Na they will see my face while singing. May dahilan ako kung bakit ako kumakanta na mayroong maskara. Noong kumanta kasi ako na walang maskara ay 'yung inaasahan kong tao na darating ay hindi dumating, she is Mama. Nag-try pa rin ako na humarap sa mga tao para magtanghal kasi nga gusto ko talaga 'yun pero hindi ito natuloy kasi biglang tumawag si Mama na aalis si Daddy papuntang abroad. Kaya para saan pa na magpakita ako ng mukha? Kung sa tuwing magtatanghal ako na gusto kong magpakita ng mukha ay hindi naman natutuloy. Hanggang sa narinig ako ni Miss Maritues na kumanta at kinuha niya ako para magtrabaho sa URB bilang isang singer doon. Isang oras lang kada araw pero 'yung sahod mas malaki pa sa sahod ng mga middle class. Dun nalaman ko na p'wede akong gumamit ng maskara na kung saan walang magbabawal sa akin. Noong una kong try na kumanta sa harap ng mga tao, alam niyo ba na natuloy? Kasi siguro nakamaskara ako. Hanggang sa pinanindigan ko na 'yun kasi sa tingin ko ay sa tuwing nakamaskara ako ay walang mangyayaring makakasakit sa akin. Pagkababa ko ay dumiretso ako sa kusina, may narinig naman akong kumakanta. Teka, si Mama Zeroie ba 'yun? Nagtago ako sa gilid ng pader dahil baka maabala ko siya sa pagkanta. Pero hindi ako nakatiis, agad akong nagpakita sa kanya. "Mama Zeroie, kumakanta po pala kayo?!" pagdududa ko. Nanlaki naman ang mga mata niya, "Tres, ikaw pala!" "Ang galing niyo palang kumanta Mama!" "'Yung narinig mo kanina ay kinanta ko lang dahil bored ako, wala lang 'yun Tres." "Pero Mama, ang galing niyo!" "Tres! 'Di ba sinabi ko naman sa'yo na wala lang 'yun?" Tumango lang ako. I'm just curious, siguro ay sa kanya ako nagmana. "Sorry po Mama, sige po Mama kakain nalang po ako." Hindi ako pinansin ni Mama, iniwanan niya lang ako ng pagkain sa lamesa. Matagal ko nang napansin na cold sa akin si Mama, hindi ko rin alam kung bakit. Oo hindi ako lumaki sa kanila pero hindi naman yata sapat na dahilan 'yun para hindi kami maging close. Kung nandito lang siguro si Daddy sa Pilipinas, siguro hindi niya hahayaan na malungkot ako. Pero naiintindihan ko naman na kailangan n'yang lumayo dahil na rin sa marami kaming gastusin lalo na sa tuition namin ni Ate. Si Mama Zeroie ay anak ng may-ari ng isang kompanya pero nakaaway niya ang magulang niya kaya wala s'yang nakukuhang suporta, tsaka hindi na rin siya pinagtatrabaho ni Daddy kasi kaya naman daw ni Daddy. Maging full-time mother lang daw sa amin si Mama, pero bakit parang pagdating sa akin ay half lang ang time niya? ** Pagkarating ko sa school ay nakita ko si Ate Dos. "Treseya ko!" She shouted. "Bakit Ate? Ngayon mo lang ba ako nakita?" "Why?! Ayaw mo ba na nilalambing ka?" "Ate Dos gusto ko, pero tumabi ka sa dinadaanan ko kasi baka ma-late ako, hehe!" "Okay sige! Magkita nalang tayo sa cafeteria, okay? Promise treat ko kasi pinahiram mo ako ng dress at heels! Tsaka kaya ko libre kasi hinulugan ni Daddy 'yung credit card ko. Sa 'yo ba?!" "Hindi ko pa na-check, pero kung wala ay i-treat mo nalang ako kasi ikaw naman ang may pera," saad ko. Ngumuso naman si Ate Dos at tumango. Ngumiti ako sa kanya then naglakad na palalayo. Nang makarating ako sa room ay bumungad sa akin si Kenn. "Wow! Ang aga mo, sa sobrang aga mo ay parang ikaw na 'yung nagbukas ng gate kanina, hahaha!" biro niya. "Alam mo ikaw Kenn, ang sarap mong kurutin sa ano!" Lumaki naman ang mga mata niya sabay nagtakip ng bibig. "Saan?!" Ngumuso ako sa ibabang parte ng katawan niya. "Bastos!" natatawang sigaw niya. "Ang sarap mong kurutin sa ano, sa paa hahaha!" "Ikaw talaga Treseya Cream, bakit ganyan ka?!" "Ang corny talaga nito," biro ni Reina na mukhang kararating lang. "Hindi ako corny, kayo 'yun!" Kenn replied. Tinakpan naman ni Reina ang bibig ni Kenn sabay pinaupo sa upuan. Bigla namang kumindat si Reina sa akin sabay kumagat labi pa. "Bakit?" I asked seriously. "Ano ka ba?! Kung iniisip mong malaswa ay expression ko lang 'yun para sabihin na excited na ako para mamaya! Hahaha!" "Ang ingay naman ng pet mo, Tres!" sabat ni Kenn. Agad namang kinurot ni Reina si Kenn sa tainga kaya naman naghabulan silang dalawa. Teka, bakit kaming tatlo pa lang dito sa room? "Tumigil nga kayong dalawa!" sigaw ko. Tumigil naman sila. "Bakit tayong tatlo pa lang?" "May event kasi ngayon Tres kaya naman walang klase! It's so fun in the school with have so many events! Hahaha!" masayang sagot ni Kenn. "Masaya 'yung mga hindi nag-aaral nang mabuti katulad mo!" sigaw ni Reina kay Kenn. "Ano naman?! Taara bukas, pataasan tayo ng score sa quiz!" hamon ni Kenn kay Reina. Lumabas ako sa room. Saan ba may store ng jogging pants dito? Nilalamig kasi ako. Nang makababa ako sa building namin ay natanaw ko mula sa kinatatayuan ko ang isang building na may dalawang room na may nakasulat na music room at compose room, ang ganda. Agad naman akong naglakad papunta sa elevator pero may nakita akong isang mini store room na may mga tinda ng mga jackets at jogging pants kaya naman agad akong pumasok. Wala kayang cashier dito? Tumingin ako sa hilera ng mga jogging pants, ang gaganda nila. Nagustuhan ko 'yung blue kaya kinuha ko ito at pagkatingin ko sa presyo ay ang mahal. No choice kaya naman ito nalang ang kinuha ko. Agad akong sumakay sa elevator. Nang makarating ako ay naglakad ako papunta sa gilid ng music room at agad na binuksan ito. May nakita akong isang lalaki na nakatalikod sa akin at nakaharap sa mikropono. Pinakinggan ko ang pagkanta niya at sa tantiya ko ay may kulang. "Ang kinakanta mo ay isang kanta ng isang singer," biglang sabi ko dahil hindi ko na mapigilan. Humarap naman agad 'yung lalaki. "Yes tama ka, bukod sa alam mo ang kanta ay alam mo rin siguro kung paano kantahin." Teka, bakit parang familiar siya? "Yes tama ka alam ko lahat. Pero ikaw, bakit parang hindi mo alam kung paano kumanta ng may puso?" "Paano ba ang may puso para sa 'yo? 'Yun ba 'yung todo bigay ka sa pagkanta hanggang sa mailabas na 'yung emosyon na nais ipahiwatig ng kanta?" "Alam mo naman pala, pero bakit hindi mo isinasapuso ang pagkanta? Totoo ba na isa kang kumakanta?" pagdududa ko. Ngumisi naman siya sabay lumapit sa akin. "Ikaw? Sino ka naman sa tingin mo para sabihin sa akin kung totoo ba akong kumakanta? Isa ka bang judge? Saan namang competition?" Napangisi naman ako sa tanong niya, "Judge lang ba ang may karapatang magsabi kung ano'ng dapat mong gawin? Kumakanta ka pero hindi mo alam 'yun?" "Alam mo Miss," bumuntonghininga siya, "hindi ko kailangan ng opinion mo dahil alam ko ang ginagawa ko." Bigla naman akong napatulala dahil parang narinig ko na 'yung tawag na 'yun dati. Bakit ba ang sungit niya? I think na-offend ko siya. "Alam mo hindi 'yun opinion lang. Pagtatama 'yun na pwede mong maging technique para mas maging magaling ka," giit ko. Ngumisi naman siya sabay tumalikod. "Good morning Uno Co!" makapangyarihang sigaw ng isang lalaki. Pagkaharap ko naman ay si Teacher Su. Agad akong tumalikod, hala! Ngayon niya nga pala ako papakantahin, ayaw ko dahil hindi pa ako handa. Humarap naman ang lalaki. Uno Co?! Teka... siya 'yung sinabi ni Reina na kung kilala ko raw ba. Siya pala 'yun? Tinitigan ko si Uno Co. Isa s'yang matangkad na payat, matangos ang ilong, 'yung mga mata niya ay mapungay, mahaba ang pilik mata, 'yung labi niya ay maliit lang pero namumula, 'yung kilay niya ay tama lang ang kapal, at maputi ang balat niya. Sa makatuwid ay isa s'yang gwapong lalaki. "Miss, bakit parang naliligaw ka sa Music Room?" tanong sa akin ni Teacher Su. Humarap ako sa kanya sabay nagulat siya. "Ikaw pala! Sakto ipapahanap na sana kita pero ikaw na 'yung pumunta rito," saad niya, "Uno Co, come here!" Lumapit si Uno Co na mukhang masungit. "Uno Co, meet Tres Salvador. Siya 'yung sinasabi ko sa inyo sa class na isa sa mga magaling na kumakanta, pero balita ko kasi na hindi na siya kumakanta pa kaya naman sinabihan ko siya kahapon na siya ang magtatanghal ngayon." Teacher Su said, "at hindi ninyo siya masyadong kilala dahil hindi naman siya enrolled sa music room o compose room. And balita ko rin na minsan lang pumasok si Tres sa school dati, hehe!" "Siya po pala 'yun kaya pala marami s'yang alam." Uno replied. Ang hangin naman niya. "Yes siya 'yon Uno! Tres? If gusto mong mag-enroll sa compose room or sa music room ay sabihan mo lang ako, okay?" "Sige po Teacher Su pagiisipan ko pa po," tumitig ako kay Uno, "Uno anong maraming alam? Teacher, p'wede bang si Uno nalang ang mag-perform mamaya?" P'wede ko po s'yang turuan para naman mas mabigay niya 'yung emosyon na dapat ipahayag sa kanta." Ngumisi naman si Uno. "I will consider it as a Good idea Tres, pero nais ko kasing marinig na kumanta ka hehe!" "Teacher Su hindi kasi ako okay ngayon, hehe! Ang sama po ng pakiramdam ko at medyo paos po ako," pagsisinungaling ko. "Gano'n ba Tres? Sige mabait naman ako kaya si Uno nalang ang ang magtatanghal mamaya, pero tuturuan mo siya na maayos 'yung kulang sa pagkanta niya. Kung narinig mo man s'yang kumanta dati o ngayon na naabutan mo siya ay may kulang talaga, hehe!" "S-sige po," "Bago ako pumayag ay mamili ka muna kung saan ka mag-e-enroll, sa music or compose?" "Teacher Su naman, sige na nga po payag na ako. Sa compose room po ako mag-e-enroll." "Ako ba Teacher Su ay hindi mo tatanungin kung gusto kong turuan niya ako?" giit ni Uno. "Uno, alam ko naman na magaling ka nang kumanta pero you need more improvement okay? Tsaka kahit hindi ko pa naririnig na kumanta si Tres ay naniniwala na ako sa nagsabi na magaling siya, hehe!" paliwanag ni Teacher Su, "sige na! Umayos kayong dalawa dahil mamaya ng 9 a.m ang start. Tsaka Tres sige enrolled ka na sa Compose Room, see you, galingan mo sa paggawa ng kanta." Umalis na si Teacher Su. Tahimik ang paligid dahil kami lang ang naiwan ni Uno. Tumingin ako sa cellphone ko kung ano ang oras, maaga pa. Mahabang pag-pa-practice pa 'to. Tumitig sa akin si Uno, "Why are you wearing jogging pants? May physical education ba ngayon?" "Nilalamig ako, okay? Tsk!" I replied. "Sabagay malamig nga naman, kaya dapat lang na mahaba ang suot mo. Gusto mo rin ba ng jacket?" "'Wag na," "Pasensya ka na kasi tinanong ko kung bakit ka nakasuot ng ganyan. Karamihan kasi sa mga babae rito sa school ay kahit malamig mas maikli pa 'yung orihinal na size ng palda nila sa totoong palda ng uniform sa school," paliwanag niya, "okay lang naman 'yun, hindi nila kailangan magpalit pero nag-aalala lang ako baka kasi mabastos sila." "I see, salamat sa concern," Tumitig siya sa akin, "Sigurado ka bang hindi mo kailangan ng jacket?" Wow! Kanina ang sungit mo tapos ngayon halos protektahan mo lahat ng babae at inaalok mo pa ako ng jacket. Pero sabi ni Reina ay f*ckboy raw si Uno, parang hindi naman. "Okay lang talaga ako, I'm wearing tuxedo naman... kaya hindi na rin masyadong malamig," paliwanag ko sa kanya habang nakatitig sa ibang direksyon. "Pasensya na rin kanina kung masungit ako, gano'n lang talaga ako makitungo sa iba. Naiintindihan ko na kailangan mo akong itama dahil nga naman sa totoo n'yan ay may mali ako." "Alam mo Uno, maayos ka namang kumanta, just have and grab the emotion. Kapag nahihirapan kang kumanta lalo na kapag kumakanta ka ng malungkot na kanta pero masaya ka, balikan mo 'yung araw kung paano ka nalungkot noon," paliwanag ko, "kasi pwede 'yun na maging way para makahugot ka nang malalim na emosyon." "Tama ka naman, salamat," aniya ngunit may kakaibang sinasabi ang mga mata niya. Hindi ko na alam ang sasabihin ko kaya tumango lang ako. "P'wede ba kitang marinig na kumanta ngayon?" Nagulat ako sa itinanong niya kaya hindi ako nakasagot agad. "I see, hindi ka nga pala okay. Bakit napili mo ang compose room?" "Mahilig kasi akong gumawa ng kanta, Uno." "May sample ka ba d'yan?" He asked, "teka, parang nakita na kita-" "Sorry! Wala kasi akong bag, pumunta lang talaga ako rito para sumilip lang sana bago pumunta sa compose room. Ano? Ako ay nakita mo na?" "It's okay pero kaya mo bang sabihin 'yung ibang lyrics na nagawa mo?" pag-uusisa niya, "sorry, baka hindi ikaw 'yun." Hindi ako nakapagsalita agad. Pero hindi naman ako kakanta kaya okay lang. "Ahm sige, you like a scars that left me a painful mark. Everytime I saw you, you still have part to me. I tried, I tried, I tried but it goes to me to be tired." "Wow! Impressive, mas maganda 'yan kung kakantahin mo but I respect you. Ang galing mong gumawa ng kanta, nice," seryosong sabi niya. Naramdaman kong na-appreciate niya 'yung gawa ko. "Oo nga, kaso masama ang pakiramdam ko. Let's start, i-gu-guide na kita para sa kakantahin mo mamaya," Tumango naman si Uno sabay itinapat ang bibig niya sa mikropono. Pinanuod ko siya habang kumakanta, bigla naman akong napangiti. "Wait, sa part na kakantahin mo na 'yung chorus ay hindi mo kailangan na ipilit na itaas ang tono nito. Just be your voice and the tone will follow slowly. Pero mas mataas na ang tono ng boses nun, subalit kahit ganoon ay hindi masakit sa tainga," paglilinaw ko. Tumango naman siya at ngumiti. Ngumiti siya? Weh?! Pinagpatuloy niya ang pagkanta kaya pinanuod ko lang siya, napahinto ako sa pagtingin niya sa akin nang binanggit niya 'yung lyrics na nakakakilig. Grabe, totoo ba ‘to? "Mayroon bang mali?" tanong niya. Walang mali Uno sa totoo lang ay ang galing mo, "Hey!" sita niya sa akin kaya nagulat ako. "Sorry, napatulala ako kasi ang galing mo, ang linis! It’s a yes for me!" "Thank you, haha!" "W-welcome!" Tumango naman si Uno at seryosong itinapat 'yung mapulang labi niya sa mikropono. Ipinagpatuloy na niya ang pag-pa-practice. Nagpaalam ako sa kanya na kakain muna ako sa cafeteria. Biglang nag-vibrate ang phone ko, nang tingnan ko ay text message mula kay Ate. Nasa cafeteria na raw siya. Agad naman akong pumunta sa cafeteria at ang daming magagandang babae at lalaki. Natanaw ko naman si Ate Dos, sabay lumapit ako sa kanya. "Ate Dos, I want five orders of carbonara please, hehe!" "Ano? Hindi ka ba pinakain ni Mommy?!" sigaw niya. Inirapan ko siya at kunwaring nagtatampo. Tumayo agad si Ate sabay pumunta sa counter para um-order. Parang marami pa akong gustong malaman kay Uno Co. Bukod sa familiar siya ay parang may kamukha siya. I think ay matagal ko na s'yang nakita o nakilala. Naging kalaro ko ba siya dati o naging kaklase ko siya noong elementary? "Ano ba? Bakit mo ba ako hinihipuan?!" sigaw ng isang babae. "Ha? Hinihipuan daw pare? Hahaha!" pagmamataas ng isang lalaki. "Oy! Nangangarap ka?!” sigaw pa ng isang lalaki. "Pelingera!" sigaw ng isa pang lalaki. Sigaw ‘yun ng isang familiar na boses. Pagkaharap ko ay si Ate Dos na nakikipag-away sa isang lalaki na may back-up na mga aso este nga lalaki rin. Bumwelo ako sabay binuhat ko ‘yung isang upuan at hinagis ‘yun mula sa kinatatayuan nila. Nagulat naman sila kaya napatingin silang lahat sa akin. "Oy! Kayong mga lalaking mga mukhang ipis! Ano’ng karapatan niyo na hipuan at pagtawanan ang kapatid ko?!” sigaw na tanong ko mula sa malayo pero dinig sa buong cafeteria kasi tahimik silang lahat at halos lahat ay nakatingin sa akin. "Wow! Ano ka tagapagligtas ng kapatid mo? Hahaha!" bulyaw ng lalaki. "Ang sarap mo rin!" sigaw ng isa pang lalaki. Tumawa naman 'yung iba pang lalaki pero ako'y ngumisi sa kanila at binato lahat ng upuan na malapit sa akin. Agad naman silang umiwas sabay tatakbo sana sila papalapit sa akin pero- "Subukan niyo na galawin siya, kayo mismo ang kukurba sa mga lapida niyo kahit patay na kayo," Banta ng isang lalaki. Pagkaharap ko ay si Uno. Nagsigawan naman ang mga estudyante sa loob ng cafeteria. Ang ilan ay sumigaw na gwapo si Uno at ang pangalan niya mismo. "Nandito na ‘yung tagapagligtas ng lahat pero isa namang f*ckboy noon! Hahaha!" sigaw ng lalaki na mukhang leader nila na humipo sa Ate ko. Agad na lumapit si Uno sa kanya sabay hinawakan sa braso at ibinalibag. Bumangon agad 'yung lalaki habang nagpupunas ng dugo sa mukha niya pero agad siyang sinipa ni Uno sa mukha kaya agad siyang napahiga ulit. Sabay sumugod naman sa kanya 'yung tatlo pa na kasama ng leader nila. Sabay sinubukan na sipain si Uno pero nahawakan ni Uno ang mga paa nila at ipinaikot. Nakita ko na nasaktan sila kasi halos hindi maipaliwanag 'yung mukha nila, ano kayo ngayon?! Tumayo naman 'yung lalaking leader na may dalang bote sabay naglakad papunta kay Uno, nakita ko na nakatalikod si Uno. Agad akong humarang sabay nabasag 'yung bote sa ulo ko, f*ck ang sakit! Agad ko namang sinipa sa maselan na parte niya 'yung lalaki. Nang susuntukin na sana ni Uno ang lalaki ay tumakbo agad ito kasama ang iba pang lalaki. Nagulat ako kasi bigla akong hinila ni Uno Co at halos napayakap na ako sa kanya sa sobrang lapit niya sa akin. "Saan masakit? Tres, saan masakit?" nag-aalalang tanong niya. "Sa banda rito, Uno." Turo ko sa kaliwang bahagi ng ulo ko. Agad naman na tinakpan ni Uno ang ulo ko gamit ang kamay niya. "Sh*t may dugo! Tara sa clinic!" Hinawakan ni Uno ang kamay ko sabay lumabas kami sa cafeteria, bigla akong napatitig sa kanya dahil sobrang gwapo niya... and hawak niya ang kamay ko. "Sandali! ‘Yung carbonara ng kapatid ko!" malakas na sigaw ni Ate Dos. Napakamot tuloy ako sa noo kasi sobrang lakas ng boses niya. Agad namang tumakbo si Uno papunta kay Ate at kinuha 'yung tray na may laman na carbonara. ** Pagkarating namin sa clinic ay agad akong inasikaso ng nurse. Pagkatapos ay agad akong nilapitan ni Uno. "Okay ka na ba? Kapag gano'n kasi ay 'wag mong saluhin. Hayaan mong ako ang masaktan. Paano kung nasaktan ka nang sobra?" tanong niya na mayroong pag-aalala. Napaiwas ako ng tingin sa kanya, “Wala 'to, siguro pasasalamat na rin 'to sa pagligtas mo sa Ate ko." "Wala 'yun, and hindi dapat sugat ang kapalit. Sa susunod 'wag mong hahayaan na masaktan ka ng dahil lang sa akin o may nagawa ako sa'yo, okay?" ngumiti siya sa akin sabay kinuha ang tray. "Here, kumain ka na." Binigay niya sa akin 'yung tray at agad ko naman itong sinunggaban kasi gutom na ako. "Eight pa lang ng umaga, so take your time. Kainin mo 'yan and ubusin mo," He said. "Salamat talaga ha! 'Wag kang mag-alala kaya ko naman para mamaya," "Ano? Anong kaya mo pa naman mamaya? Wala kang gagawin kung hindi ang manuod lang sa akin, 'wag kang titili at tumalon. Manuod ka nang tahimik baka kumirot 'yan," dikta niya. Magsasalita pa sana ako pero bigla s'yang umalis. ** Halos kalahating oras din akong naghintay sa kan'ya dahil nagbabakasali ako na babalik siya pero hindi na. Baka kasi naghahanda na siya kasi mag 9 a.m na. Lumabas ako ng clinic at natanaw ko ang gymnesium, halos mapuno ito sa dami ng mga estudyante at halos karamihan ay mga babae. Naglakad ako papunta sa harap ng gym at may narinig na nagbubulungan. "Did you know that Uno Co will be one of the performers later?! Yehey!" "Really?! Lets go! Baka maunahan pa tayo sa upuan!" "Yeah, I'm so excited girl!" "I love Uno Co!" Gano'n ba talaga ang pagiging sikat ni Uno Co? Sabagay paano ko naman malalaman? Halos buong semester ay absent ako sa school. Mabuti nalang at nakakahabol pa ako at pinapahabol ako ng mga Teachers. Kung napasok man ako noon ay nakatambay lang ako lagi sa labas at hindi ako napasok sa cafeteria o kung saang lugar dahil nga sa alam ko na maraming toxic sa loob ng school. Sa room lang ako natambay o sa labas kaya nanibago ako noong pumunta ako sa cafeteria. Si Ate Dos sanay na sa gano'n pero hindi ko akalain na mababastos talaga siya kanina. Simula ngayon ay aayusin ko na ang pag-aaral ko kasi ultimo sikat sa school ay hindi ko kilala kasi bihira ako pumasok. Pero kahit gano'n ay nakakapasa pa rin naman ako pero hindi nakaka-proud 'yun. Pagkapasok ko sa gym ay halos puno na ang mga upuan at ang iingay nila. Bigla namang namatay ang ilaw at may biglang bumukas na ilaw sa stage na naka-focus lang sa isang lalaki... bigla akong napangiti kasi nakita ko si Uno. Umupo na ako sa available na upuan sa hulihan, tumingin ako sa ibang upuan ngunit hindi ko makita sila Ate Dos, Reina, Kenn, o ibang mga kaklase ko. Sigurado ako na nasa unahan silang lahat. Tumingin ako nang diretso kay Uno at sakto ang pagtapat niya sa labi niya sa mikropono. "Magandang araw sa inyong lahat, ang kakantahin ko ay tungkol sa hope and patience." Uno said seriously at ngumiti nang sapilitan. Nagsigawan naman ang mga kababaihan. Ang galing mo talaga Uno. Nakita ko naman na parang may hinahanap si Uno. Bumuntong-hininga si Uno pagkatapos n'yang kumanta at ngumiti sa lahat. Agad namang nagpalakpakan ang lahat ng estudyante at mga nagtayuan pa. "Mahal na yata kita Uno!" malakas na sigaw ng isang lalaki at 'yung lalaki na 'yon ay kaboses ni Kenn. Kaya naman hinanap ko at hindi ako nagkamali dahil siya nga, hahaha! Nagtawanan naman ang lahat sa inasta niya "Uno Co!!" biglang sigaw ko nang malakas. Hala! Halos matunaw ako sa kinauupuan ko kasi halos tumahimik lahat ng mga estudyante at lahat na sila ay nakatingin sa akin. Oo nasa hulihan ako pero kasi may echo ang gym kaya naman maririnig talaga. "Ate girl, sa 'yo siya?!" biglang sigaw sa akin ng Bakla kong katabi habang nakangiti. Bigla naman akong namula sa sinabi ng Bakla, "'Di ba Co talaga 'yung apilyedo niya? Hehe!" Tumango lang 'yung magandang bakla sabay sumigaw na ulit. Hindi na rin nakatingin ang karamihan sa akin. "I want to say thank you for teaching me Tres," Nagulat ako sa sinabi niya. Bakit naman sa maraming tao pa siya nagpasalamat? "Ate Girl, Teacher ka ba sa Music Room?!" sigaw at tanong ulit ng magandang bakla. Ngumiti lang naman ako sa kanya sabay umiling. Nahihiya na talaga ako. "Hindi ko ito makakanta nang maayos at may puso kung hindi mo ako tinuruan Tres," dagdag pa ni Uno. "Hala! Sino si Tres?" "No! Sa amin lang si Uno!" "Girlfriend niya?!" "Sino si Tres?!" "Woah!" Sigawan ng mga estudyante. Napatitig naman ako kay Uno at ngumiti sa kanya, ngumiti rin siya sa akin at kumindat. Pero nagulat ako dahil nakatingin na sa akin ang mga estudyante. "Everyone! Give more claps for Uno Co!" sigaw ni Teacher Su. Nagpalakpakan naman ang lahat. "And another claps for Tres Salvador kasi malaki ang naitulong niya! Everyone, add more claps for her and for Uno Co!" Hay naku! Nakakahiya talaga, nagpalakpakan naman ulit ang karamihan. ** Ilang oras din akong nakaupo kasi ang dami pang nagtanghal na mga estudyante kasi nga may events at wholeday na walang klase. Agad akong nakaramdam ng antok kasi hapon na. At ilang oras din akong kinukulit ni Kenn, si Reina naman halos paulit-ulit sa tanong bakit na raw hindi ako ang kumanta. Sakto naman na tumawag sa akin si Mama Zeroie, pinapauwi na niya ako. Mag-aral nalang daw ako sa bahay dahil wala namang klase. Agad naman akong pumunta sa parking lot at sumakay na sa aking sasakyan. Nakakapagod naman pero na-enjoy ko. Masarap palang pumasok, bukas ay aayusin ko na ang aking pag-aaral. Bago ko patakbuhin ang sasakyan ay naalala ko si Uno, bigla naman akong napangiti. Uno, hindi ko maipaliwanag dahil parang matagal na kitang nakilala. Sino ka ba talaga? Bakit sa tuwing kasama kita ay sobrang magaan ang loob ko sa'yo? THIRD PERSON Kaganapan pagkatapos umuwi ni Tres. Tumingin si Uno sa paligid, pagkababa niya sa stage ay maraming mga sumalubong sa kan'ya ngunit lahat ay hindi niya pinansin hanggang sa nakasalubong niya ang kaniyang Guro sa Music Room na si Teacher Su. "Teacher Su magandang hapon, nakita niyo po ba si Tres?" "Hindi Hijo, bakit? By the way, I'm so proud of you Uno!" bati ng Guro, "nakakapagtampo na mas nakinig ka pa sa isang estudyante keysa sa akin na Guro mo sa Music Room haha!" "Gano'n po ba? Salamat po," nakangiting sagot niya, "sorry Teacher Su, siguro ay sabihin nalang natin na mas maganda pala kapag na-re-realtalk minsan para naman matauhan sa pagkakamali." "Uno kayo ni Tres ay can grow together by the individual talents both you have," masayang sabi ng Guro, "And I'm happy because I already enrolled Tres sa Compose Room, you know naman na Compose Room have the big impact to Music Room since sa kanila tayo nagkakaroon ng bagong kanta na kung saan ay orihinal na nagmumula sa sa ating school na ginagamit din natin." "Oo nga po," "Napansin ko rin Uno na si Tres pa lang ang pinansin mo sa buong school, Uno you also need some friends around you or some strangers students here that will be helpful to you," seryosong payo ng Guro. "Siguro po dahil sa komportable ako sa kan'ya, hindi ko po maipaliwanag. And Teacher, gusto ko lang na mapag-isa." "Okay I respect your words and I hope you and Tres will be more close," Tumango naman ang binata sa kaniyang Guro sabay tumalikod na. Naglakad siya at patuloy na hinanap si Tres ngunit nabigo siya. "Excuse me, nakita mo ba si Tres?" tanong ni Uno sa isang kaklase ni Tres. "Uhm, oo kanina... dumiretso siya sa parking lot, umuwi na yata hehe!" masayang sagot ng kaklase ni Tres. Agad namang tumakbo ang dalaga at masayang sumigaw at nagkuwento sa mga kasama niya sa kadahilanang napansin siya ng isa sa sikat sa kanilang paaralan. Napaisip naman si Uno Co kung bakit biglang umalis si Tres. Pero napaisip din siya na baka kailangan na talaga nitong magpahinga dahil sa natamo nitong sugat sa ulo. Nag-aalala ito sa dalaga dahil baka nasaktan ito nang sobra. Agad nang naglakad si Uno papuntang parking lot. Nang makarating siya ay masaya siyang sumakay sa kotse. Siya si Uno Co, 22 years old. Isa siyang gwapong estudyante sa kanilang eskwelahan. Bukod sa apil na kagwapuhan ay isa rin s'yang estudyante sa Music Room na limited lamang ang nakakapasok dahil sa lebel ng talento, isa s'yang matalinong estudyante at araw-araw pumapasok. Umiikot lamang ang mundo niya sa kanilang silid-aralan at sa sa music room. And hindi siya nakikihalubilo sa ibang mga estudyante, kaibigan nga ay wala siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD