Kilalanin ang isang Bituin at ang posible n'yang maging Buwan.

4116 Words
PROLOGUE TRES "Tres, lasing ka? Kaya mo pa ba na magtanghal mamaya?" tanong sa akin ni Miss Maritues na mayroong pag-aalala. Si Miss Maritues ay isang manager sa Underground Royal Bar (URB) na kung saan ako kumakanta anonymously gamit ang aking maskara. Eksklusibo lamang ang lugar na URB na ang mga Very Important Person (VIP) lamang ang mga nakapapasok. Mayroon silang privacy na maaari rin silang magmaskara habang umiinom at nakikinig ng musika. Karamihan sa mga VIP ay mga tao na marunong makinig kung ano ang nais ipahiwatig ng musika. Karamihan sa kanila ay nais din na magpakalasing katulad ko. Sila ay mga VIP na malulungkot ngunit sosyal sapagkat sa tuwing sila ay malungkot maaari silang pumunta sa mga eksklusibong lugar. Sa mahihirap na tao ay sisiksik lamang sa kanilang kwarto upang mag-isa. Lahat tayo ay nalulungkot ngunit sana ay alam din natin na bawat lungkot ay may kasagutan at ito ay nasa ating mga magiging desisyon. "Hay naku! Miss Maritues, ano ka ba?! Lasing lang ako pero hindi sobrang lasing!" katuwiran ko. "Ikaw talaga! ‘Yang maskara, suotin mo muna dahil baka may makakilala pa sa ‘yo," bulong niya sa akin, "pasaway ka talaga Tres!" sermon niya pa. Napangiti lang naman ako sa inasta niya sabay sinuot ko na ang aking maskara. Hanggang kailan kaya kita susuotin? Pero sabagay hindi ko naman kailangan ng kasikatan. Ang nais ko lang naman kaya nandito ako sa URB ay ang kumanta at iparamdam sa mga tagapakinig ko na damhin lamang nila ang musika at mahalin ito. Pero sabi sa akin ni Miss Maritues marami rin akong fans mula sa mga VIP na kadalasan ay hinihingi ang tunay kong pangalan o kaya naman gusto akong ilabas for deep conversations. Pero katulad ng sinabi ko ay hindi ko kailangan lahat ng 'yun. Sinabihan ko na rin si Miss Maritues na kung may mga gumanoon ay tanggihan na lamang niya. Umakyat na ako sa stage sabay lumapit sa mikropono. Nakita ko lahat ang mga VIP... grabe, halos mga kumikinang ang mga suot nila at nakita ko kung gaano sila kagandahan at kagwapuhan kahit na 'yung iba ay nakamaskara. Mayroon din akong napansin na karamihan sa kanila ay malulungkot ang mga mata. "Ngayong gabi ang aking kakantahin ay about sa taong nakilala natin noon," aniko sabay itinapat na ang mikropono sa aking labi. Sinimulan ko nang kumanta. Pagkatapos ay tumigil muna ako, "Sometimes people who we know will just people who we used to know. We used to forget their names but not how they treated us before. It hurts to forget all the painful memories but when people claim to be a good person... forgiveness will be the first reason to every heart to give freedom and way of love to let it go." Tumayo ako. Ipinagpatuloy ko ulit ang pagkanta, nakita ko kung paano nila dinarama ang musika kaya napangiti ako. Bumuntonghininga ako nang matapos akong kumanta, ang lalim ng emosyon na aking ibinigay. Napangiti ako kasi I sang a song na maayos at puno ng emosyon. Isa lang ang sikreto sa pagkanta bukod sa mga ibat-ibang techniques, 'yun ay ang isapuso ang 'yong kakantahin. Nagpalakpakan naman ang mga VIP. 'Yung iba pa nga ay nais pang pumunta sa akin ngunit may humarang na mga guard. Pagkababa ko sa entablado ay nakaramdam ako ng hilo... marami ba talaga akong nainom? "Ang galing mo talaga, Tres!" kantiyaw ni Miss Maritues. "Baka po may makarinig ng pangalan ko! Nasaan po ba ang VIP room dito? Nais ko nang magpahinga Manager ko!" maktol ko. "Halika lumapit ka sa akin, dito ang bakante sa kwarto na ito! Sigurado akong walang tao. Sige na pumasok ka na dahil lasing na lasing ka na. Ikaw talaga! Sobra ang pagiging pasaway mo!" Agad naman akong pumasok sa kwarto sabay humiga sa kama. "'Di ba ikaw ‘yung sikat na kumakanta rito? Hala! Totoo ba ito?" tanong ng isang lalaki. "Ano’ng sinasabi mo?! Oo ako nga!" sigaw ko habang nakapikit. Nahihilo na kasi ako. "Totoo ba ito? Maaari ba akong mag-pa-picture? P’wede ba akong mag-pa-autograph? Promise isa ako sa mga fan mo!" pagdududa ng lalaki. Ngunit sa pananalita niya ay labis ang saya nito. Kinapa ko ang mukha ko, salamat naman dahil suot ko pa rin 'yung maskara ko kaya safe ako. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko na nasa isang kwarto ako kasama ang isang lalaki. Isang hindi ko maaninag na lalaki, Sino naman 'to? Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya kunwari ay nakatulog ako. "Idol?" bulong ng lalaki. Naramdaman kong sobrang lapit na niya sa akin. Sana naman ay wala itong masamang gawin sa akin! "Miss, halatang nakainom ka amoy alak ka. Hindi ko akalain na sa ganitong lugar kita makikita. Sa malayo lang kasi kita nakikita at tinititigan Miss magaling na singer," dagdag ng lalaki. Manyakis ka ba? Bakit mo ako tinititigan?! "Kasi Miss ang galing mong kumanta..." Hala! Oo nga naman. "Wala naman akong karapatan na alisin ‘yang maskara mo. Hawakan ka para mag-pa-autograph o kuhaan ka ng litrato kasama ako ngayon. Kasi una sa lahat ay lasing ka at tulog. Ayaw ko namang mabastos ang privacy mo." Idol mo lang kasi ako kaya ka rumerespeto sa akin. "Kahit sinong babae ang nasa harapan ko... hindi man idol ko ay ganito rin ang gagawin ko Miss! Hindi naman ako mapagsamantala.” Naririnig mo ba talaga ako?! "Alam mo ba Miss, sobrang fan na fan mo ako. Sobrang galing mong kumanta at bawat lyrics ng kanta ay ipinapahiwatig na damhin ko ito. Alam mo rin ba na sa tuwing naririnig kita na kumanta ay kumakalma ako? Alam mo rin ba na sa tuwing naririnig kita na kahit na sad songs ang kinakanta mo ay sumasaya ako?" Ganito pala ang mga fans ko? Ganito pala sila malungkot? Pero sweet hehe! "Tsaka kapag pumupunta ako sa URB pakiramdam ko ako lang 'yung kinakantahan mo. Pakiramdam ko ikaw ang bahay ko na sobrang komportable ako. Alam mo... para kang Mommy ko kasi alam mo ba si Mommy? Kinakantahan niya ako noong bata pa ako. Tsaka alam mo ba? Nangako pa siya sa akin na ako lang ang kakantahan niya pero alam mo ba? Hindi niya tinupad 'yun dahil may kinantahan na s'yang iba. Sabi niya ako lang 'yung kakantahan niya pero alam mo ba na nakita ko sa dalawang mga mata ko na kung paano niya kantahan 'yung pangalawa n'yang pamilya at pangalawa n'yang anak? Ang sakit-sakit nun. Akala ko'y ako lang ang kakantahan niya pero may iba pa pala." Hala! Naglalabas ka ba ng sama ng loob mo sa akin? "Kahit na para sa akin magkapareho kayo ni Mommy na kinakantahan ako, alam mo ba ang malaking pinagkaiba ninyo? Ikaw malayo ka sa akin. Malayo ka na kumakanta, wala tayong kaugnayan sa isat-isa dahil ako ay nakatanaw lang sa ‘yo na ako ay taga-hanga mo lamang at wala ng iba. Tsaka ikaw hindi mo ako sinasaktan dahil nga sa wala tayong kaugnayan sa isat- isa at hindi lang ako ang kinakantahan mo. Hindi ka rin nangako sa akin. Pero si Mommy? Siya kasi nangako siya sa akin at ang pinakamasakit pa ay Nanay ko siya pero nagawa pa rin niya akong iwanan at ipagpalit sa ibang pamilya." Para siyang naiiyak. Kasi 'yung boses niya ay kakaiba, 'yung parang naiiyak na. Grabe... ang lungkot naman pala ng buhay mo. "Kaya ayaw ko na mapalapit sa iba kasi sa huli iniiwan pa rin ako. Kaya naging fan mo ako kasi alam ko na sikat ka at hindi ka mapapalapit sa akin. Malayo ka lang at ako ay nakatanaw lamang sa ‘yo. Gano'n lang walang kaugnayan, na masaya lang ako na nakikita kita at napapakinggan." Gano'n pala 'yun? Na dapat malayo ka para hindi ka masaktan? Sabagay tama ka rin naman. "Pasensya ka na dahil marami akong nailabas sa'yo, okay lang naman 'yun kasi tulog ka. Tsaka okay lang naman 'yun kasi hindi mo naman ako kilala." "Sige na aalis na ako. Makatulog ka sana nang mahimbing aking iniidolo." Nang naramdaman kong bumukas 'yung pinto ay iminulat ko ang isang mata ko. Nakita ko ang likod niya... bigla naman akong nakaramdam ng awa sa kanya. ** 2 years later... "Ang sakit ng ulo ko!" sigaw ko habang nakapikit. I knew it, dahil sa alak na naman. Bumangon ako sabay umupo. Nakalipas na ang dalawang taon pero hindi ko pa rin alam kung paano ako nakauwi noong nalasing ako sa URB at hindi ko na rin matandaan pa 'yung lalaking naglabas ng sama ng loob sa akin. Dalawang taon na rin ang nakalipas at hindi na ako bumalik pa sa URB. Siguro sapat na 'yung ilang taon ko doon dahil sa kailangan ko muna na mag-focus sa aking pag-aaral. Sa dalawang taon na nakalipas ay parang may kulang sa aking pagkatao. Parang hindi ako ito. Ako si Treseya Cream Salvador o mas kilala bilang si Tres Salvador , 21 years old. Isa akong walang kwentang lasenggera at walang kwentang estudyante. Isipin mo pumapasok akong lasing, nag-re-recess akong lasing, nag-re-report sa school nang lasing at umuuwing lasing. Yes, doon nalang umiikot ang buhay ko. Sa permanenteng tama ng alak nalang ako umaasa kung saan natatakasan ko ang reyalidad. Pero 'yung totoo? Isa akong mahina at walang kwenta dahil isa lang naman akong malungkot na tao na nagpapaduwag sa emosyon ko. Iisipin nila ang drama ko, sasabihin nila ang drama ko, pagtatawanan nila ako kasi ang drama ko, haha! Saan na ba ako lulugar? Wala talaga, madrama talaga ako at 'yung lungkot na nararamdaman ko ay ako lang ang nakakaalam. Sabi nila wala raw karapatan ang isang anak na magtanong o magreklamo kung paano sila ipinalaki ng magulang nila. Tama oo tama, pero kailan magiging tama ang tama kung may mali? Hindi naman ako nagrereklamo kung kulang ako sa atensyon, hindi rin naman ako nagreklamo kung palagi akong kinukumpara, hindi ako nagrereklamo kapag sinasabihan akong walang kwenta at mas lalong hindi ako nagrereklamo kapag sinasabihan akong madrama. Pero sa hindi ko pagrereklamo at isinasaisip ko lang ang lahat ng pagrereklamo ko ay nakikita ito sa mga ginagawa ko na nagreresulta sa kung ano ako ngayon. Napatingin ako sa mga medal ko, dati. Ang talino ko pala dati? Tapos ngayon isa nalang akong patapon. Ang hirap pala kapag napagod ang puso at isip lalo na kapag iniwan ka ng taong mahal na mahal mo na nagsabi sayo na... hindi kita iiwan. Sobrang mahal na mahal ko siya. Pero sa huli iniwan niya pa rin ako. Alam niyo ba kung sino? Siya ay ang Lolo ko, siya ang unang lalaki na iniwan ako. Siya ang unang lalaki na nagpamulat sa akin kung gaano kasakit maiwan. Si Lolo nag-ka-cancer siya at namatay. Sa piling niya at ni Lola ako lumaki pero sa pagkakaalala ko ay agad din akong kinuha ni Daddy. Si Lolo? Marami s'yang tinuturo sa akin dati tulad ng kung paano maging mabuting tao at ang magdasal araw-araw. Sobrang saya sa piling niya. Siya ang tagapagtanggol ko. Ini-i-spoiled niya rin ako minsan haha! O madalas pa nga. Sobra ko s'yang mahal pero namatay siya. Masyado pa akong bata noong namatay siya kaya naman kahit nasa kabaong na siya ay iniisip ko na babangon pa siya. Nangako pa ako sa kanya na pagbubutihan ko ang pag-aaral ko, yes! Palagi akong nasa top sa klase, noon. Hanggang sa na-realized ko na wala na talaga siya at hindi na babalik pa kaya nawalan ako ng gana. Yes! Lahat nagbabago pati na rin 'yung dating matalino na kagaya ko. Nangako nga ako pero napako, ewan ba... Lolo sorry. Sorry kasi mukhang nadismaya ko kayo at ang nararamdaman niyo. Mas pinili kong maging pasaway, sorry Lolo. Pero alam ko na balang araw ay makakaya ko rin. Makakaya ko na wala ka. Lumipas ang ilang taon sa piling ni Mama ako lumaki, pero mayroon akong naaalala. Isang pangyayari na hindi ko masyadong maaninag sa mga alaala ko. Ang tanging naaalala ko lang ay bago ko nakapiling si Mama ay ang kasama ko lang muna ay si Daddy. Tapos parang may itinuturo sa akin si Daddy na mga moves sa pakikipaglaban tsaka may isang lalaki akong naaalala na para bang magkasintahan kaming dalawa. Hindi ko matandaan o maipaliwanag, basta ang alam ko ay may mali sa pagkatao ko ngayon. Mayroong kulang, pakiramdam ko'y hindi ako ito. Pagkababa ko sa taas ay kumakain na sina Mama at Ate. "Kumain ka na Tres, habang mainit pa ang mga pagkain at tsaka may pasok ka pa. Bakit nga pala late ka na umuwi kagabi? At bakit hindi ka kumain? Lasing ka ba?" tanong ni Mama Zeroie na mayroong pang-iinsulto. Siya ang aking ina. Hindi ako sumagot at umupo na lamang. "Tres kamusta ka sa school? Bakit parang bumababa ang grades mo? Ay hindi pala parang, dahil matagal nang bumababa! Hindi ka talaga katulad ng Ate Dos Salvador mo," dagdag ni Mama. "Ewan ba d'yan sa anak mo Mama, hindi man lang gumaya sa akin. Joke!" pagbibiro ni Ate Dos. Hindi ako sumasagot sa mga sinasabi nila dahil panibago itong pagkukumpara. Pagkukumpara na halos ipamukha sa akin na hindi pa ako sapat. "Alam niyo Tres, Dos... bago umalis ang Daddy niyo papuntang abroad ay may nakita akong litrato ng isang dalaga sa kanyang wallet." "Hala! May babae si Daddy?!" Ate Dos asked. Bumuntonghininga lang si Mama sabay umiling. Siguro ay hindi naman 'yun magagawa ni Daddy. Pagkatapos kumain ay dumiretso na ako sa cr. Binuksan ko ang shower at naramdaman ko ang malamig na tubig sa katawan ko. Ang lamig! Kaya naman pinatay ko muna ang shower. Nakipagtitigan muna ako sa pader ng isang oras bago maligo. Nang matapos ako ay agad akong nagsipilyo. Pagkatapos ay nagbihis na ako. Pagkatingin ko sa relo ko ay 7 a.m na. Ang start kasi ng first subject namin ay 6 a.m to 7 a.m, hay naku! Late na pala ako. Sabagay wala namang bago palagi nga pala akong late kaya naman second subject na ako nakakapasok. ** Pagkarating ko sa school ay hindi ako nagmadali dahil late rin naman ako. Naglakad ako na parang naglalakad sa buwan. Tumingin ako sa building, ako'y nanghina dahil third floor pa ang room namin pero may elevator naman pala. Pagkataas ko ay sumilip ako agad dahil baka may iba rin na late at sakto nakita ko si Reina na nakatayo at nag-ce-cellphone. Pagkatingin ko sa pinto sa room ay sarado na, haha! "Hey! Reina Stanley, Goodmorning! Here we go again late na naman!" kantiyaw ko sa kanya. "Hey! Late ka rin pala? Magbago ka na!" biro ni Reina sa akin. "Ang kapal naman ng mukha mong mag-advice, late ka rin naman araw-araw!" "Minsan nga ay saktong recess pa ako napasok ewan ba!" "Sometimes I'm late! Minsan lagi! Hindi ko rin alam kung bakit maaga namang gumising pero palagi akong late yeah! One day ay hindi na 'ko late yeah!" sigaw ko habang kumakanta na ang tono ay 'yung sa kanta na paborito ko. "Ang galing mong magtono ng kanta na-compose-san mo agad!" "Gano'n talaga kapag may hinanakit sa buhay! Maraming naiisip at nagiging talent na rin!" Bigla namang bumukas 'yung pinto at bumungad sa 'min si Sir Ethan. Ang first subject Teacher namin. "Both of you are always late! Kapag late pa rin kayo bukas ay ipapatawag ko na ang mga magulang ninyo!" bulyaw ni Sir. "Sorry, Sir!" sigaw ni Reina na kinakabahan. "Paumanhin, Sir!" sigaw ko rin na sobra ang kaba na nararamdaman. Hinala ko siya papasok sa room sabay bumungad sa 'min ang mga kaklase naming maiingay. "Hala! Buhay pa pala kayong dalawa?!" biro ni Kenn Salt. Isa sa mga joker sa room. "Ikaw nga buhay pa, kami pa kaya?!" biro ko rin. "Hay naku! Kenn, ang ingay mo na naman!" biro ni Reina. "May papansin!" biro ni Kenn kay Reina. "Ikaw 'yun!" biro ni Reina kay Kenn. Tumingin ako sa paligid ng room namin nang biglang- "Oy! Tres, ano sama ka sa amin? Mag-cu-cutting," aya ni Fryna Benu. Isa sa mga kaklase ko na tropa ko na rin. "Pasensya na Fryna, halos kakapasok ko pa lang," "Masaya ito promise, iinom ulit tayo!" kumbinsi niya. "Fryna, nag-cutting na ako kahapon at nakainom na rin tayo noong nakaraan kaya pass muna ako, pare ang sakit pa kasi sa ulo," pagsisinungaling ko. "Grabe, tumatanggi ka na! Hindi na ikaw 'yung Tres na tumatanggi agad. Ang daya mo!" "Sige na uupo na ako sa upuan ko sa likod baka kasi dumating na 'yung second subject Teacher natin." "Ang daya mo talaga! Tara na kasi bente nalang ang ambag mo!" "Ayaw ko pa rin! Palagi nga na mababa ang ambag ninyo tapos ako ang palaging mataas kaya mas madaya!" "Sige na nga next time nalang Tres," maktol ni Fryna sabay umupo sa upuan niya. Sakto dahil pumasok na 'yung second subject Teacher namin. "Attendance muna tayo," Ms. Salvain said. She is also our Adviser, "Abulya, Mary Garyce?" "Present po," "Benu, Fryna?" "Present po!" "Salt, Kenn?" "Present Ma'am!" "Salvador, Treseya Cream?" "Present po!" masiglang sigaw ko ngunit ako ay kinakabahan dahil baka tanungin ako ni Ms. Salvain kung nakapasok ba ako sa first subject. "Stanley, Reina?" "Present po!" Nag-attendance pa ulit si Ma'am hanggang matawag niya lahat ng aking mga kaklase na present ngayon. Hay naku, mabuti nalang dahil hindi galit si Ma'am ngayon. ** Nag-discuss lang si Ma'am about sa subject and its previous lessons dahil kami ngayon ay Grade 12 students, graduating students. Nang matapos si Ma'am ay recess na. "Yehey! Sa wakas ay recess na! Nakakagutom na. Ano ang gusto mong kainin natin?!" sigaw ni Reina. Sa sobrang gulat ko ay bigla ko siyang natulak sa dibdib gamit ang aking palad. Ang nakakapagtaka pa ay bumwelo pa ang aking kanang-palad at ang aking kanang-paa ay naka-buwelo rin. "Aray! Grabe ka! Marunong ka pa la sa karate? Ayaw ko nang gulatin ka!" bulyaw ni Reina sa akin kaya bigla akong napaatras. "Sorry..." bulong ko. "Hay naku! Okay lang! Nakakagulat lang. Ano saan na ba tayo? Sa cafeteria na lang ba?" "Ayaw ko rito, gusto ko sa labas," sagot ko. Tumalikod ako at naglakad. Kinalabit niya ako. "Bakit? Kasi maninigarilyo ka?" "Hindi na 'no, simula ngayon ay babawasan ko na ang mga bisyo ko. Susubukan kong hindi na uminom at manigarilyo dahil naisip ko na wala rin namang maidudulot sa akin. Mayroon pala! Sama ng loob lang!" "Verygood! Tara na nga Tres! Baka mabigyan pa kita ng award sa pagiging mabuting nilalang mo!" Marami akong tropa sa room pero sa inuman ko lang sila sinasamahan. Si Reina ang mas gusto ko dahil close talaga kami. Karamihan din sa iba kong ka-close ay mga tambay at mahihirap lamang pero solid silang kasama. "Tres? Kainin mo na 'yang pagkain mo!" Nagulat ako sa pagsigaw ni Reina kasi akala ko naglalakad pa kami. Nasa isang restaurant na pala kami. "Ay oo nga pala!" "Bakit parang malalim ang iniisip mo?" "Wala ito," "Alam mo ba? Nagsasawa na ako sa bahay gusto ko nang maglayas. Palagi nalang kasi ako 'yung mali." "Ano ka ba? Naging pulubi ka sana at kung maglalayas ka ay kawawa ka. Tsaka kahit gano'n sa bahay niyo ay hayaan mo nalang. Gano'n talaga pero 'wag kang mag-alala dahil mahal ka nila," pangaral ko. "Ikaw talaga! Sabi nila Mommy at Daddy ang mga kaibigan daw ay mga bad influence pero ikaw ay sinasabihan mo pa ako ng tama!" "Kaibigan kita, and magulang mo pa rin sila. Mahalin mo at unawain habang nandyan pa." "Ikaw talaga! Tres kakaiba ka!" "Tsaka kapag lumayas ka at pumunta sa amin ay 'wag kang umasa na tatanggapin kita 'no!" "Bad!" She shouted. Kumain nalang ako nang kumain instead na magsalita. "Tres! Magkakaroon daw ng Compose Room kung saan katabi lang ng Music Room. Gusto mo ba na mag-join?!" "Alam mo naman na hindi na ako kumakanta at nagsusulat pa," "Bakit hindi pa? Gusto na kitang marinig na kumanta! Tsaka 'yung mga dati mong ginawa na mga kanta ay ilabas mo na!" "Pag-iisipan ko pa Reina," "Okay! Sana ay mag-enroll ka sa Music Room at sa Compose Room!" "Bahala ka sa buhay mo Reina, ang pangit mo ka-bonding." "Tres, nakilala mo na ba si Uno?!" sigaw ni Reina sabay tinulak ako. Tumitig ako sa kanya nang masama. "Sino naman 'yun?!" "Si Uno Co! Woah! Ang gwapo niya Tres sobra, hehe! Pero balita ko f*ckboy raw tsaka basta sobrang misteryoso niya! Balita nga rito na may naging girlfriend daw 'yun pero namatay!" "Really? Tapos?!" "Hay naku, Tres epal ka talaga! Magaling din siya katulad mo. Mahilig siya kumanta, tsaka balita ko na naghahanap siya ng composer. Ayon sa iba ay gusto raw ni Uno 'yung malalim gumawa ng kanta. Malay mo, kayo pala ang para sa isat-isa!" "Malabong mangyari 'yun dahil wala akong pakialam!" "Ikaw talaga! Pero Treseya Cream! Mag-compose ka na ulit at kumanta, please?!" "I will try," I whispered. Maya-maya pa ay may lumapit sa amin. "Hi! Ikaw ba si Treseya Cream? Nabalitaan ko na kumakanta ka raw na dati ka pa raw sikat? Sayang naman ang talento mo hija. Ako nga pala si Teacher Su from Music Room, may event na gaganapin bukas at ikaw ang gusto kong kumanta at 'yung kanta ay sarili mong gawa. Basta kahit ano and no buts! Bye!" Magsasalita sana ako pero bigla siyang umalis. Paano ako tatanggi? Umalis siya agad. No choice, kakanta talaga ako bukas at titingnan ko ulit 'yung mga ginawa kong kanta dati. Tsaka paano naman nalaman ng Teacher sa Music room na kumakanta ako? Samantalang palagi akong nakamaskara dati sa tuwing nag-pe-perform ako. "Yes! Thank you talaga Teacher Su! Woah! Kaya mo yan Tres!" sigaw ni Reina. "Pasaway ka Reina! Ikaw ba ang nagsabi kay Teacher Su, huh?!" Ngumisi lang naman siya sabay tumawa. Grabe, kinakabahan ako. Nang makabalik kami sa room ay nag-discuss lang ulit ang aming mga Teachers, sa wakas! Uwian na. Pagkauwi ko sa bahay ay kumain ako agad at umakyat sa taas. Pagkapasok ko sa kwarto ay nakita ko si Ate Dos. "Treseya! P'wede ba akong humiram ng dress at heels mo? Ang ganda kasi nila!" "Tumingin at kumuha ka nalang d'yan. Bakit ka pa nagpapaalam?" "Grabe ka naman, masama ba na magpaalam?" humikbi siya, "alam mo ba? Nabalitaan ko sa mga kaklase kong sobrang yaman 'yung about dun sa URB. And about sa magaling na singer doon. May video pa nga 'yung kaklase ko. Oo nga, magaling pala kumanta 'yun. Paano naman ako makakapasok doon? Nasa middle class lang naman tayo. 'Yung mga kaklase ko ay nasa upper class, bakit kasi Doctor lang si Daddy sa ibang bansa? Hindi Business man sa ibang bansa!" "Ate naman! Bakit mo naman kinukumpara si Daddy sa mga 'yun? Alam mo ba na mataas na uri na ng trabaho ang Doctor?! Ikaw talaga, 'wag kang gumaya sa maaarte mong kaklase!" "Hay naku! Sinasagot mo na ako?! Pasaway kang bata ka!" sigaw niya sabay umupo sa kama ko. "Gusto ko lang din naman na makarating sa mga exclusive na lugar, pero si Mommy kahit naman afford natin 'yun ay hindi ako pinapayagan. Ang mahal daw kasi ng tuition fee natin!" "Hayaan mo Ate, kapag may pera ako ay isasama kita!" Bigla namang yumakap sa akin si Ate. "Talaga?! Hay naku! Wala ka namang pera," "Ate Dos, 'wag mo akong mamaliitin 'no, baka hindi mo pa kilala ang little sister mo!" "Hindi nga? Hindi mo naman ako kinakausap! Tsaka ang baba ng grades mo, hindi ka man lang nagsasabi sa akin para matulungan kita. Sorry kung nakukumpara ka sa akin. Ate mo ako, p'wede kang humingi nang tulong sa akin!" Naisip ko naman na tama siya. "Hindi lang ako sanay kasi alam mo naman na tumira ako kay Lolo at Lola, sa kanila ako mas close. Ang tagal bago ako kunin ni Mommy. Ikaw lang kasi ang gusto niyang alagaan... tsaka Ate Dos mag-aaral na ako nang mabuti." "Huwag mong iisipin na ako lang ang gustong alagaan ni Mommy, okay? Salamat sa damit at heels mo!" payo niya sabay naglakad papunta sa pinto. Naiintindihan ko naman lahat ng sinabi niya pero kasi may kakaiba akong nararamdaman tungkol kay Mommy na mas ginusto niya pa na alagaan si Ate keysa pagsabayin kami. Mayroon pa kaya siyang inalagaan? Haha! "Sana 'yung nakita ni Mommy sa wallet ni Daddy na picture ng dalaga ay sana'y hindi niya kabit. Siguro mas matatanggap ko pa kung anak niya 'yun sa labas. Alam ko na wala sa nabanggit ko dahil alam ko naman na mabuting tao si Daddy," dagdag na sabi ni Ate. Hindi naman ako nagsalita, kunwari ay hindi ko narinig. Sana nga hindi totoo, sino naman kaya 'yung dalaga na 'yun? Nakita ko naman agad 'yung luma kong notebook na kung saan sinulatan ko ng mga kanta dati. "Handa na ako," bulong ko sabay bumuntonghininga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD