Episode 8.

4963 Words
TRES Bumungad sa akin ang sikat ng araw. Umupo ako sabay kumanta dahil nais kong mawala ang aking nararamdaman na sakit sa aking puso, 'yung sakit na hindi ko maintindihan. 'Yung lungkot na ako lang ang nakaaalam na kahit sino ay walang karapatan na sabihin na ako ay isa lang na malungkot dahil ang hirap buhatin ng lungkot sa totoo lang. 'Yung lungkot na akala mo'y kapag binuhat mo na mag-isa ay kakayanin mo, pero ang lungkot kasi ay hindi groupings na kung saan sama-sama kayong malulungkot. Hindi p'wede 'yun dahil magkakaiba ang bawat nararamdaman ng bawat isa. Pero isa lang ang alam ko na ang kalungkutan ay hindi kailangan ng tulong ng tao, dahil naniniwala ako na dinadala ng bawat tao ang kalungkutan kasama ang Diyos. Sana wala nang malungkot, pero hindi p'wede 'yun. In my opinion, yes it go away quickly and could goes about daily life but the sadness is still there which for me I just think positive to see my everyday life as a new beginning of my journey. And I need to pursue my hope, kahit mahirap ay lalaban ako. Kumanta ako ng mahina. It's about happiness and sadness, na dalawang paborito kong kanta, kanta na parang kinakanta ko sa isang tao. Isang tao na mahal ko ngunit ang pagmamahalan namin ay isang trahedya, ngunit siya pa rin ang aking lunas na gamot, lunas na hindi ko maalala. Ang pagmamahalan namin ay pagkabaliw ngunit kalinawan namin ang isat-isa na dun kami pinag-iisa. Am I influenced by nostalgia for my happiness thinking about someone I love? but I felt sadness when I can't remember who is that person. I felt strange about my feelings for someone, na parang mayroon talaga kaming past at iniwanan niya ako ng sharp sting of pain na hanggang ngayon ay nananatili sa aking puso. Ang boring naman dito. Naramdaman ko naman na ang sakit ng katawan ko dahil sa kahapon na ipinagawa nila Uno. Ano kaya ang maaari kong gawin? Maliligo nalang ako. ** Pagkatapos kong maligo ay naalala ko 'yung mga ngiti ng mga taong tinulungan ko kanina. Grabe kung nakikita kaya 'yun ng mga kurap na tao ay ma-appreciate rin kaya nila ang mga ngiti ng bawat tao? Instead of having corruption bakit hindi nalang sila gumawa ng tama? Ang ibang magulang na corrupt ay hindi ko maisip na kaya nilang ipakain sa pamilya nila ang galing sa masama. 'Yung tipong ang pang-tuition, at ang pang-party ng mga anak nila ay galing sa masama. Tapos masasama pa ang ugali nila, But by the way, naniniwala pa rin ako na ang lahat ng tao ay may kabutihan sa kanilang puso, at mas naniniwala ako na ang mga tao ay magbabago at mayroon pang puwang sa puso ng ating Panginoon. Naniniwala ako na kahit gaano pa kasama ang isang tao ay sa tuwing sila ay nag-iisa ay nalulungkot din sila at lumalapit sa ating Panginoon. Sana maisip ng bawat tao na mas masarap maging mabuting tao, 'yung pakiramdam na walang dinadalang konsensya sa puso, 'yung pakiramdam na puno ng pagmamahal sa puso, at 'yung pakiramdam na naniniwala tayo ng buong puso sa ating Panginoon. Pagkalabas ko sa kwarto ay nakita ko si Tita Jenika, si Maria at si Uno na mga nakaupo sa sofa. "Hija you may sit here!" aya sa akin ni Tita, agad naman akong lumapit sa kanila at umupo rin. "Alam mo Tres, kamukha mo si Uno! Para kayong kambal dahil magkamukha kayo! Kung 'di ko kayo kilala ay mapapagkamalan ko kayong kambal sa totoo lang!" maarteng paliwanag ni Maria sabay inirapan ako. Ang attitude talaga ni Maria, ang sarap kurutin sa singit. "Hala! Akala ko ay ako lang ang nakapansin ikaw din pala?!" masayang sigaw ni Tita Jenika, "jusko! Twins ba talaga kayo?" pag-uusisa sa amin ni Tita. Tumingin sa akin si Uno sabay umiwas din, tumingin ako sa salamin na kung saan nakikita ko rin si Uno... oo nga, Magkamukha nga kami ang pinagkaiba lang ay mahaba ang buhok ko pero kung may wig si Uno ay parang ako siya... nakaloloka naman 'to. Nagulat ako dahil sa sobrang lakas nang tunog ng pinto na 'yung nagbukas ay parang si Ate Dos. Nagulat ako kasi may tatlong lalaki na malalaki ang katawan, mukha silang mga gangsters. "Ano ang kailangan ninyo?" seryoso ngunit makapangyarihan na sabi ni Maria. Maria sino ka ba talaga? Bakit kapag tungkol sa mga ganito ay seryoso ka? Pero mataray ka kapag iba ang nangyayari. Professional ka na nun? Hahaha! "Face them Maria, wala akong oras sa mga barumbado na 'yan," seryosong sabi ni Uno sabay tumitig sa akin, 'yung titig na parang sinasabi niya na don't be afraid Tres... nagulat naman ako dahil hinila niya ako papalapit sa kanya at hinawakan niya ako sa braso. Napatingin ako kay Tita pero seryoso rin siya na nakaharap sa mga lalaki... gangsters ba ang pamilya Co?! Grabe parang hindi sila natatakot. Lumapit si Maria sa tatlong lalaki at bigla akong nagulat dahil si Maria ay sumipa na parang nalipad, really?! Ang alam ko kasi isa 'yan sa mga moves sa Kung Fu. Grabe ang galing niya, nang masipa niya 'yung tatlong lalaki nang sunod-sunod ay tumayo siya ng diretso sabay ang dalawa niyang kamay ay nakaharang sa kanyang mukha na para niyang shield. "Magaling ka pa rin talaga Maria, ikaw Uno kumusta? Hahaha! Sabihin mo nga ulit sa akin... hindi ka pa rin ba nagsisisi?! Hahaha!" sigaw ng isang gwapong lalaki na mas malaki ang katawan kay Uno. Grabe 'yung tawa niya sobrang nakakaasar. Who is he?! Nagulat ako dahil biglang tumayo si Uno na halos namumula ang mukha at nakayukom ang kanyang kamay. Lumapit siya du'n sa lalaki kaya bigla akong napatayo "Truz, ano'ng karapatan mo para sisihin ako?" madiin na tanong ni Uno dun sa Truz habang hawak ni Uno ang kwelyo niya. Si Truz naman ay nakangisi lang 'yun bang nang-aasar pa. Bigla namang tinulak ni Truz si Uno tapos sinuntok si Uno sa mukha pero si Uno ay agad na nakabawi dahil agad niyang sinipa sa ulo si Truz. Ano bang ginagawa nila?! Kumilos naman 'yung dalawang lalaki pero si Maria ang nakipaglaban sa kanila na halos parang basic lang sila kay Maria. Grabe ang galing sumipa ni Maria, sana ako rin hehe! Kaso kaunti lamang ang aking kaalaman, dahil 'yun sa pagtuturo sa akin ni Lolo. Pagkatingin ko kay Truz ay grabe! Nakakaawa siya dahil ang dami niyang dugo sa mukha! "Can you guys stop?! Nasaan ba ang mga character ninyo? Nasa lupa?! Hindi man lang kayo nahiya kay Tres!" sigaw ni Tita Jenika na ikinagulat ko. "Mommy, itong anak mong si Uno ang pagsabihan mo, hindi ako! She lost my love!" sigaw ni Truz kay Tita. Teka?! Magkapatid sila ni Uno?! "Ano ang karapatan mo para sabihin na my love mo siya?!" galit na galit na sigaw ni Uno. Grabe ngayon lang ako nakaramdam ng takot. "Maaaring ikaw ang mahal niya, ngunit ako ang gusto niyang makasama, kasi sa piling mo puro siya pangamba! Tapos sa huli ay wala kang nagawa noong humihingi siya ng tulong! H*yop ka!" galit na galit na sigaw ni Truz kay Uno. Teka! Sino ba ang sinasabi nila?! Sino?! Naguguluhan na ako at nakakaramdam ako nang kirot sa aking puso dahil ano bang sinasabi nila? Pero sabagay bakit ko aalamin eh hindi naman ako parte ng pamilya nila. Mas nagulat ako nang hindi na nagsalita si Uno, tahimik lamang siya at tulala sa sinabi ng kanyang kapatid na si Truz... so totoo nga? "I'm serious Truz Co, umalis na muna kayo ng mga kaibigan mo dito sa bahay ni Uno, nakikiusap ako..." pakiusap ni Tita kay Truz ngunit ngumisi lang ito sabay tumingin sa akin. "Sino ka naman? Mommy bakit kamukha siya ni Uno? Twins ba sila?" nagtatakang tanong ni Truz sa kanyang ina. Pati ba naman siya ay napansin na magkamukha kami ni Uno? "No, I think it's just coincidence," seryosong ani ni Tita sabay umalis. "Tandaan mo 'to Uno, simula nung ginawa mo 'yun sa kanya ay simula rin natin bilang magkaaway," madiin na sabi ni Truz kay Uno sabay tumingin sa akin. "You look so beautiful, your eyes looks like her..." walang emosyong sabi nito sa akin bigla naman akong napaatras dahil nakakatakot siya. "Truz, don't you ever hurt Uno again or else you will be gone from the list of my love," seryosong sabi ni Maria sabay tapik sa balikat ni Truz. "Why? Are you deeply in love with your own brother? Haha!" "Yes! Because he is my brother! And I love him so much so stop thinking too much! You j*rk!" galit na sigaw ni Maria sabay umalis. Oo nga naman, kapatid niya 'yun kaya mahal niya. Hindi pinansin ni Truz si Maria, dahil sa akin siya tumingin. "I don't know who you are, but don't make yourself fall in love with him. His first love died from love, so what you expect? You're not even his first love so don't you ever fall for him, because falling in love with that j*rk is deadly," madiin na saad niya sabay tumingin sa akin at kay Uno. Bumuntonghininga nalang ako sa sinabi niya dahil nakaramdam ako ng takot. Nang umalis na sila Truz at ang mga kaibigan niya at tumingin ako ng seryoso kay Uno, 'yung tingin na naiinis ako sa kanya kasi ang dami niyang lihim at kasinungalingan. Sino ka ba talaga? Totoo ba talaga na ikaw si Uno? Baka kasi kahit pangalan mo ay hindi rin totoo. "Can we talk?" seryosong tanong sa akin ni Uno. Tumango nalang ako sa kanya. Sabay nagtungo kami sa labas... sa garden. "I need to go back to my home. Kailangan ko rin na mag-aral, I can't study through module nor be with you." "Are you afraid to me?" "Can you please shut your mouth? I don't want to hear any words from you," seryosong sabi ko sa kanya sabay talikod pero bigla niya akong hinawakan sa braso. Nagulat ako dahil kumanta si Uno. Inilapit niya pa ang bibig niya sa tenga ko habang kumakanta Familiar sa akin ang kinakanta niya kaya kinikilig ako! Paborito ko rin 'yun. Hindi ako nagsalita dahil tumitig lang ako sa kanya kasi ang guwapo niya at 'yung mukha niya ay mukhang anghel. Kinanta niya ang chorus na sobra ang lapit sa akin, this time hindi na sa tainga ko dahil sa mukha ko na. Agad akong nakiliti dahil ang init ng hininga niya. Hay naku akala ba niya ay okay kami?! "S-Stop..." naguguluhan na bulong ko sa kanya pero siya ay patuloy na tumitig sa akin at hinawakan ako sa kamay. Ipinagpatuloy niya ang pagkanta sabay hawak sa bewang ko dahil mukhang isasayaw niya ako. Hala! ano ang gagawin ko?! Pumikit nalang ako dahil nahihiya ako sa kanya. Naramdaman kong wala na 'yung kamay niya sa bewang ko kaya iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko siyang nakatayo... bakit hindi mo ako isinayaw?! "May dumi ka sa bewang sa iyong damit kaya inalis ko... sige na Tres, magpahinga na tayo dahil bukas ay may ituturo ulit ako sa'yo," seryosong bulong niya sa akin kaya bigla akong napaatras. Grabe nakakahiya, nag-expect pa naman ako bakit ka gan'yan? Hay naku, ang pangit mo ka-bonding. Tumalikod sa akin si Uno sabay naglakad papalayo, sumunod na rin ako sa kanya sabay pumasok nalang ako sa kwarto ko. Pagkapasok ko sa kwarto ay may napansin akong itim na box sa ilalim ng aking kama uhm, ano kaya 'yun? Bomba ba 'yun?! Instead na mag-isip ako ay hindi ko nalang pinansin. Humiga nalang ako at natulog. "Hon, I have a surprise for you! Are you ready?!" "Hon, mayroon din akong surprise sayo..." "Hala! Hon totoo ba?! Ano 'yun hon?" "Ahh!!!" sigaw ko sabay hinawakan ko ang aking sarili dahil sa aking panaginip ay nakita ko ang dalawang babae at lalaki na 'yung babae ay excited na sinabi na may surprise siya sa lalaki at yung lalaki naman ay tumutulo ang pawis na parang naiiyak. Tapos may surprise rin 'yung lalaki na ikinagulat ko dahil bigla niyang sinipa sa ulo 'yung babae at 'yung babae ay biglang napahiga. Mukhang nabali 'yung ulo ng babae! Grabe! Tapos lumapit 'yung lalaki sa babae at binali ulit 'yung ulo! Anong klaseng panaginip 'yun?! ** Pagkagising ko ay umaga na. Hay naku! Hanggang kailan ako ganito?! Bakit parang ang gulo ng mundo ko? Bakit may kakaiba sa mga tao sa paligid ko? Si Uno akala ko isa lang siyang grade twelve student pero sinabi ng Mommy niya na tapos na siyang mag-aral. Anong kalokohan ba 'to! Nakakarma na ba ako dahil sa ginawa ko kay Ate? Pero hindi ko siya pinatay. Wala akong ginawang masama. Sinumpa na ba ako ni Mama Zeroie? Galit pa rin kaya siya sa akin? Mama Zeroie I'm so sorry. Tumingin ako sa bintana, hay naku maulan na umaga na naman. Ang sarap sa pakiramdam noong bata ako habang nakatingin ako sa bintana habang umuuulan. Ngayon naman na matanda ako ay masarap pa rin sa pakiramdam, pero noong bata ako ay wala akong problema. Ngayon kasi parang umuulan din ang problema ko. Bigla namang bumukas ang pinto. "Bakit hindi ka pa lumalabas? Mag-be-breakfast na tayo," seryosong sabi ni Maria. Tumango lang naman ako sa kan'ya at bumangon na ako. Pagkalabas ko ay nakita ko silang tatlo na nakaupo na sa lamesa at mayroon ng mga pagkain. "Kumain ka na muna dahil mamaya ay hindi ka makakaramdam ng gutom," seryosong ani ni Uno. Bumuntonghininga ako, "Imposible 'yan, dahil palagi akong gutom." UNO Tinitigan ko si Tres habang kumakain... masasabi kong kamukha ko nga siya. Pareho kami ng mata, ilong, labi at hugis ng mukha. Ang pinagkaiba lang ay mahaba ang buhok niya sa ulo. Sa mukha ay halata na siya talaga'y babae. Tres, sino ka? "Tres!" sigaw ni Maria sa harapan ni Tres. Pagkatingin ko kay Tres ay bumuntonghininga siya na para bang nagtitimpi. "Ano?" walang ganang tanong niya habang diretsong nakatitig kay Maria. Tres eyes is very familiar. "You want to go outside? Party gano'n!" maarteng saad ni Maria. Tumitig ako kay Tres kung papayag siya. "Why not?" seryosong sagot niya. "Maria, mag-party ka kung gusto mo. Si Tres ay maiiwan dito. May gagawin kami pagkatapos niyang magpahinga after kumain," seryosong sabat ko. Lumapit sa akin si Maria at nag-smirk. "Can you join us, first? Bago ka magreklamo. May bukas pa naman, so tsaka na 'yang ituturo mo sa kan'ya. Let enjoy this night." "Are you serious Maria? Huwag mo na kaming yayain. Dahil hindi mo kilala 'yang si Tres kapag nalalasing." "Huh? Why?!" nagtatakang tanong ni Maria. Si Tres naman ay napatingin sa akin, masama ang kanyang tingin kaya umiwas ako. "Sige, I will join. I don't trust anyone, mahirap na baka mangyakap pa 'yan ng iba," bumuntonghininga ako bago uminom ng tubig. Nakikita ko sa side ko na may masama ang tingin sa akin at alam kong si Tres 'yun. "Nakakainis ka talaga Uno!" sigaw ni Tres sabay pumasok sa kwarto. Mayroon akong kinuha sa bag ko. Agad ko siyang sinundan, nakita ko na nakatakip ang unan sa mukha niya. "Tres bumangon ka d'yan. Mamayang gabi pa naman 'yung sinasabi ni Maria kaya gawin mo muna itong mga ipapagawa ko. Basahin mo 'tong printed modules at sagutan mo ang mga activities, then ipapasa ni Manong Henry sa mga Teachers natin." "Ayaw kong mag-aral!" sigaw niya habang nakatakip ang kanyang mukha. "Education is important more than your pride. So stand up! Swerte mo nga dahil afford ng parents mo ang pag-aaral mo!" sigaw ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil sumigaw na ako ng malakas. "Bakit ikaw?! Nag-aaral ka pa kahit-" sigaw niya pero bigla siyang tumigil sa pagsasalita. "Ano ang ibig mong sabihin?" seryosong tanong ko. Ano ang point niya? Mayroon ba siyang alam sa akin? "Wala! Sige na umalis ka na, gagawin ko 'yang mga modules na 'yan! Teka bakit walang books?" sigaw niya habang inaayos ang kanyang papers. "I have books there, too many books in the table. Pumili ka nalang para mayroon kang matutunan," seryosong sagot ko. Tumitig naman siya sa akin ng masama. Bakit ba ang hilig niyang tumitig ng masama? Ang kulit talaga. "Ikaw hindi ka mag-mo-module?" nagtatakang tanong niya. "Ginagawa ko ang modules ko kapag gabi. Kaya mabilis akong matapos. Kaya ikaw ayusin mo ang pagmo-module." "Uno, wala bang online class? Hehe!" masayang tanong niya. Alam ko na gusto niya 'yun kasi she can contact her friends kaya nga module ang kinuha ko. "Ipangako mo sa akin na magbabasa ka ng mga printed modules, mahalaga 'yan, dahil sa bawat paglaktaw mo sa isang lessons ay maaaring mawalan ka ng kinabukasan. Be serious enough," "Ay! Grabe, kinabukasan agad? Hahaha!" biro niya. "Sabi mo sa akin, isapuso ang pagkanta. Ngayon sasabihin ko sa'yo, isapuso mo ang iyong pag-aaral," seryosong sabi ko sabay tumalikod. "Seryoso ka talaga 'no? Pagdating sa pag-aaral," seryosong sabi ni Tres mula sa likod ko. "Para sa akin, kapag may pinag-aralan ka ay hindi ka maloloko. Maaaring maloko ka pero hindi na mauulit pa," sagot ko sa kanya sabay agad akong umalis. THIRD PERSON Agad na nakarating sila Tres, Uno at Maria sa isang 'di masyadong kilalang bar sa bayan sa kanilang probinsiya. Si Tres ay simple lamang ang suot, si Uno ay simple rin, at si Maria naman ay pang-sexy. Pagkapasok nila sa isang bar ay maraming mga nag-iinuman at mga nagsasayawan. Agad namang nawala sa paningin nila si Maria, pero nanatiling magkasama si Uno at Tres. "Ano ang gusto mong inumin?" tanong ni Uno kay Tres. Habang si Tres ay nakahawak sa kanyang mga kamay na para bang nilalamig. "Mayroon bang kape rito?" parang batang tanong ni Tres. "Yes, coffee bar naman 'to. Ayaw mo bang uminom? Uminom ka na dahil nandito naman ako," seryosong sagot ni Uno. Si Tres naman ay napatitig lang sa mga mata ng binata. "Excuse me, are you both twins?" tanong ng isang magandang babae na ang edad ay fourty plus na. "Ay! Hindi po!" nahihiyang sagot ni Tres sa babae. "I see, sorry kasi akala ko lang sapagkat magkamukha kayo, by the way I'm Park Allym," pagpapakilala ng babae sa dalawa sabay inabot ang kanyang kamay para makipag-shake hands. "I'm Tres po," "I'm Uno," "Nice to meet you Tres and Uno. Siguro ay curious kayong dalawa na sa edad kong 'to ay mahilig pa akong tumambay sa isang coffee bar," natatawang sabi ng nagpakilala na si Park Allym. "Huh? Ilang taon na po ba kayo?" nagtatakang tanong ni Tres. "Well Hija, I'm fourty five na." "Talaga po? Hindi po halata, hehe!" "Hay naku! Bolera! Hahaha!" natatawang sagot ni Park Allym. Bumuntonghininga si Tres, "Uhm, p'wede ko po ba kayong tawagin na Mrs. Park?" "Hija, sa katunayan ay p'wede mo akong tawagin sa kahit anong gusto mo, but you can call me Miss Park. May hinahanap ako, mayroon kasi akong anak. Ipapakita ko sayo, wait." May biglang nilabas na litrato si Miss Park sabay ipinakita kay Tres ang isang litrato. "Ang ganda po niya, uhm, nasaan naman po siya?" pagdududa ni Tres. "Hinahanap ko ang anak ko secretly. Kaya ako'y nandito dahil nagbabakasakali ako. Maraming beses ko na siyang hinahanap pero nabibigo ako," paliwanag ni Miss Park. "Ay! Gano'n po ba?" malungkot na tanong ng dalaga, tumingin naman siya sa binata. "Uno tingnan mo 'tong litrato baka kasi kilala mo siya," Agad na tumanggi si Uno sabay ngumiti na lamang dahil hindi siya interesado. Kaya naman si Tres ay tumitig nalang sa litrato na tila ba'y inuusisa ito. "Pasensya na po, hindi ko po siya kilala," nanghihinayang na sabi ni Tres kay Miss Park. "It's okay Hija, sana ay kapag nalaman mo kung sino siya ay tawagan mo ako rito," nakangiting sabi ni Miss Park sabay mayroong inabot na isang maliit na papel kay Tres. Ngumiti naman si Tres kay Miss Park at tumango upang magbigay ng galang. "Madam Park Allym, let's go," sabi ng isang matandang lalaki na naka-black tuxedo at mayroon siyang kasamang siyam na lalaki na naka-black tuxedo rin. Nagulat si Tres dahil lahat sila ay nag-bow kay Miss Park Allym. Iniisip ni Tres na hindi lang ordinaryo ang pagkatao ni Miss Park Allym dahil marami itong men in black na kasama. Si Uno naman ay walang pakialam sa mga nakikita niya at patuloy lang ang pag-usisa sa paligid. Nang paalis na si Miss Park ay ngumiti ito nang sobra kay Tres na para bang pinagkakatiwalaan niya ang dalaga. "Kinausap kayo nun?" nagtatakang tanong ni Maria sa dalawa. "Yes, bakit?" sagot ni Tres. "Wala lang, kilala kasi siya rito bilang pinakamayaman pa sa mayaman na Madam. She almost own this province pati na rin ang ibang lugar. Ang alam ko ay isa rin siyang sindikato," seryosong saad ni Maria. "I think hindi naman, mabait kasi siya," sagot ni Tres. Si Uno naman ay nakatingin lang sa dalawa. "Bakit hindi pa kayo nag-iinom? Tara na!" aya ni Maria sa dalawa habang mayroong dala na bote ng alak. Sumunod naman ang dalawa sa dalaga. "Please give me one bottle of alcohol drink. And please coffee for her," Uno said in the bartender. Nang maibigay na sa kanila ang kanilang inumin ay parehas silang tahimik at hindi kinikibo ang isat-isa. ** Makalipas ang ilang oras ay lasing na si Maria kaya naman napanuod ni Tres kung paano kumapit na parang linta si Maria kay Uno. "B-Brother Uno, I-I love you so much!" sigaw ni Maria habang nakayakap kay Uno. Inalis naman ni Uno ang pagkakayakap ng kanyang kapatid. "Let's go, ihahatid ka na namin," seryosong sabi ni Uno kay Maria. "No! Please no! There's have room there, can we go?" aya ni Maria sa kapatid. Napatingin naman si Uno kay Tres. "Sige na Uno, samahan mo siya sa room ng bar. I can wait here." "Sige Tres, wait for me." Inalalayan ni Uno si Maria. Si Maria ay walang ginawa kung hindi yakapin si Uno. Nang makapasok sila sa kwarto ay agad na naghubad si Maria. Napatakip naman ng mata si Uno. "Wala naman 'tong malisya 'di ba brother? Kaya 'wag kang magtakip ng mata, please?!" "Maria, just sleep," seryosong utos ni Uno sabay agad niyang binalutan ng kumot sa katawan si Maria. "Pero brother! Can we sleep together? As a brother and sister?" nagmamakaawang tanong ni Maria. Hindi naman nagsalita si Uno, agad siyang niyakap ni Uno sabay pinaupo niya ito sa kama. "Matulog ka na Maria, I'm serious," seryosong utos ni Uno kay Maria. Nakaramdam naman ng inis si Maria at nakaramdam din siya ng hiya kaya hindi na siya nagsalita. Agad na lumabas si Uno at agad na hinanap si Tres. Pagkatingin niya sa gilid ay nakita n'yang may tatlong lalaki sa harap ni Tres. "Excuse me, uupo ang Boyfriend niya," seryosong sabi ni Uno sa mga lalaki. Agad namang tumayo ang mga lalaki at biglang umalis. Kahit na halatang mga gangsters ang mga lalaki ay hindi sila nagalit kay Uno dahil natakot sila sa awra pa lamang nito. Labis na nagulat si Tres sa sinabi ni Uno at halos matapon ang kapeng iniinom niya. "Kailan pa kita naging boyfriend?!" gulat na sigaw ni Tres. "Kanina lang, pero ngayon hindi na dahil kaka-expired lang," seryosong sagot ni Uno. Napangisi naman si Tres, "Joker ka rin pala? Hahaha!" "Buong buhay ko ay I just spend my time studying and spending my time to music," seryosong saad ni Uno habang nakaharap sa shot glass na hawak niya. "Why?" seryosong tanong ni Tres. May pag-aalala sa kanyang mukha at tono ng pagtatanong. "Nothing, Tres. May gusto ka pa bang puntahan? Balikan nalang natin si Maria rito." "Mayroon Uno, hehe! Gusto ko sa labas," Agad namang lumabas si Uno at si Tres. TRES Ang sarap damhin ng hangin sa gabi, sobrang lamig at sariwa. Hindi katulad ng ibang mga tao. Napatingin ako kay Uno, seryoso lamang siyang nakatayo sa tabi ko at nagmamasid sa paligid. Walang masyadong tao rito sa labas, lahat yata ay nasa bar. Tsaka probinsya nga pala 'to kaya walang masyadong tao. Naglakad ako nang mabilis at naramdaman kong sumunod agad sa akin si Uno. Naglakad lang ako nang naglakad dahil sobrang sarap sa pakiramdam. Mayroon akong nakita sa malayo na isang tricycle na mayroong payong, 'yung payong na katulad sa cart ng bubong ng ice cream. Teka! Hala! Mayroon pala nyan dito?! "Uno, tara tumawid tayo!" sigaw ko kay Uno na medyo malayo na pala ako sa kanya. Hay naku! Bakit ang bagal nyang maglakad? Pagkatingin ko ay nagulat ako dahil nasa tabi ko na siya. "Teka, humawak ka sa kin. Huwag kang tatawid agad," bulong niya sa akin. Napalayo naman ako kasi sobrang lapit ng bibig niya sa tainga ko. Hindi ko siya pinansin, pero nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko sabay hinila niya ako kaya agad kaming nakarating sa kabilang gilid. "Manong, magkano po ang pares niyo?" masayang tanong ko sa matandang nagtitinda ng pares. Grabe, kahit gabi na ay nagtitinda pa rin siya. Alam ko na mahirap ang buhay niya pero kahit papaano ay alam kong malaking tulong ito sa kanya at sa pamilya niya. "Forty pesos lang po, Madam!" masiglang sagot ng Manong kaya naman napangiti ako. Nang tumingin ako kay Uno ay wala lang siyang emosyon. Siguro ay dahil sa ngayon lang siya nakakita ng ganito, hahaha! "Manong, bigyan niyo po ako ng dalawang order ng pares with rice po! Salamat po Tatay!" masayang ani ko. Ngumiti naman si Manong sa akin pati na rin kay Uno. "Ano 'yan?" pagdududa ni Uno. Natawa naman ako sa tanong niya kasi halatang wala siyang alam sa mga ganito, hahaha! "Pares ang tawag d'yan Uno, 'yan ang madalas naming kainin ng mga tropa ko sa labas! Alam mo solid ang lasa n'yan! Tsaka mura pa. Hindi katulad sa mga mamahaling kainan dahil kung wala kang one thousand pesos mahigit ay hindi ka makakain," masayang paliwanag ko sa kanya. Pero halata ko na naguguluhan siya, ang cute. "Hindi ba marumi 'yan? Kasi..." naguguluhan na ani niya. Bigla namang tumingin si Manong kay Uno. "Ay! Hijo hindi ito marumi, teka iinitin ko para mawala talaga ang germs! Hahaha!" biro ni Manong. Natawa naman ako at napatingin kay Uno pero si Uno ay seryoso lang. Ang mga mayayaman nga naman, ignorante sa mga pagkain ng mahihirap. "Initin mo po Tatay ng mabuti huh! Mayaman po kasi itong kasama ko! Hahaha!" masiglang ani ko kay Tatay. Tumingin ako kay Uno at nakita kong namumula ang dalawang pisnge niya. Siguro ay dahil sa hiya, kaya naman nanahimik nalang ako. Agad na binigay ni Tatay ang order namin sa isang maliit na mangkok na may plastic para itatapon na lamang kapag tapos na kami. Kumuha ako ng kutsara sa lalagyan ni Manong, napatingin sa akin si Uno kasi hindi plastic 'yung kutsara dahil metal. "Why Uno? Malinis naman 'yan. Ang mahalaga ay hinugasan 'yan, 'di ba Tatay?!" biro ko. Nang hihigupin ko na 'yung sabaw pero kunwari lang ay napatingin sa akin si Uno. Alam ko na hindi niya alam ang gagawin. "Uno, hindi pa natin kakainin ng walang ibang ingredients o pampalasa like toyo, onion na maliliit, bawang na fried, sili tsaka paminta. Ano'ng gusto mong ihalo d'yan sa pares mo?" Hindi siya nagsalita. Kaya naman kinuha ko 'yung pares niya at nilagyan ko ng mga pampalasa. "Huh? Bakit marami?" "Bago ka magreklamo ay tikman mo muna. Dahil baka kahit nasa mamahaling kaninan ka ay maghanap ka ng pares kapag natikman mo 'to! Hahaha!" Hindi ako pinansin ni Uno sabay agad na tinikman 'yung ginawa ko. Habang tumitikim siya ay nilagyan ko ng pampalasa ang aking pares. Yummy! Nang tumingin ako kay Uno ay nilagyan niya ng kanin 'yung isang mangkok sabay sumubo siya nang sunod-sunod. "Hija, mukhang nagustuhan ng boyfriend mong mayaman, hehe!" bulong sa akin ni Tatay kaya agad ko siyang nginitian pero napangiwi ako. Tatay hindi ko boyfriend si Uno, hehe! Nang natapos kaming kumain ay halos sumabog ang tyan ko dahil naka-limang kanin ako. Si Uno ay naka-lima rin yata. Sabi sa'yo Uno, masarap ang pares. Nagulat ako nang may inabot sa akin si Uno, pagkatingin ko ay one thousand pesos... totoo ba? "Bayaran mo na si Manong, say keep the change," bulong sa akin ni Uno sabay naglakad siya papalayo habang nakapamulsa. Ngumiti ako kasi mabuti pala siya. "Tatay, ito na po ang bayad, hehe!" masayang saad ko. Nang tingnan ni Tatay ang binigay ko ay bigla siyang nagulat, "Hija! Grabe ang laki naman ng bayad ninyo, wala po akong panukli," "Tatay, keep the change po. Ganyan po magsabi ng masarap si Uno, hehe!" Hindi naman makapaniwala si Tatay, paulit-ulit ang pasasalamat niya sa akin. Ngumiti lamang ako sa kanya nang malaki at kumindat. Agad kong sinundan si Uno. Pinagmasdan ko siya habang nakatalikod. Grabe, sobrang perfect niya. Ang tangkad, ang gwapo, ang yaman at mabait na rin. Thank you Uno for this night. I really enjoyed this night with you. Nang nakarating kami sa bar ay agad naming sinundo si Maria, binuhat siya ni Uno patungo sa loob ng kotse. Grabe, siya 'yung nag-invite pero lasing. Nasa loob na kami ng sasakyan, kaming dalawa ni Uno sa front seat. Tumingin ako sa bintana ng kotse, grabe ang ganda sa probinsya... ang tahimik lang ng lugar. Sana pala ay dito ako lumaki. "Okay ka lang ba?" mahinang bulong ni Uno. Tumitig ako sa kanya. Totoo ba na gwapo ang katabi ko ngayon? Para siyang anime character na naging tao. "Hey? Are you okay?" tanong ulit niya. Bigla akong nagulat dahil sobra yata ang pagtitig ko sa kanya. "Yes Uno," ngumiti ako sa kanya nang diretso sabay agad na tumingin ulit sa bintana. Sobrang sarap ng pakiramdam ko, 'yung tipong wala akong iniisip. Sana ay mahanap na ni Miss Park Allym ang kanyang anak, sayang naman dahil kung kilala ko lang sana 'yung nasa picture ay matutulungan ko siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD