Episode 9.

4683 Words
Kinabukasan. MARIA Naiinis ako kay Uno at kay Tres, ang kapal ng mukha nilang iwanan ako sa bar. Akala nila'y tulog ako sa kotse pero hindi, bakit parang naglalandian sila? Ano ba ang mayroon sa dalawang 'yon? Nakakainis sila. Ang lakas din kasi ng tama ni Uno, kung tutuusin ay dapat busy siya sa business namin pero iba ang mga pinagkakaabalahan niya. Ang mas lalong nakakainis ay babae na naman. Pero wala akong magagawa, ang gagawin ko lang ngayon ay gisingin ang tulog mantika na si Tres. Hindi ko alam kung bakit nagsasayang ng oras si Uno sa kanya, ang yaman naman namin. Sino ba kasi si Tres sa kanya? Nang pumasok ako sa kwarto ni Tres ay ngumisi ako dahil ang sarap ng tulog niya. May kakaiba sa babaeng 'to, parang kilala ko siya. Hindi ako nakatiis, ibinuhos ko sa kanya 'yung tubig na pinanglinis ko sa kotse ko. Bigla naman siyang nagising na halos hindi alam ang gagawin. Agad siyang tumingin ng masama sa akin. Mabuti nga sa'yo. "H*ayop ka ba?!" sigaw na tanong niya. Ngumisi lang naman ako sa kanya sabay nag-wink. "Tres, una palang 'yan," banta ko sa kanya sabay agad akong umalis. Nakita ko si Uno na nasa labas, busy siya sa page-exercise kaya naman napangiti ako. Hindi ko maitatagong gwapo at malaki ang katawan ng kapatid ko. TRES Bwesit na babae 'yun! Binuhusan ako ng maitim na tubig! Hay naku! maliligo nalang ako. Pagpapasensyahan ko 'yung babaeng 'yun kahit na masakit sa akin ang ginawa niya. Nang matapos akong maligo ay agad akong lumabas, natanaw ko sa bintana si Uno na nage-exercise. Ano ang trip niya? Lumingon ako sa kusina, mabuti nalang dahil may pagkain. Agad akong kumain. Pagkatapos ko ay agad akong lumabas. Tumitig sa akin si Uno, kaya bigla akong natakot. "Magpahinga ka ng thirty minutes, tapos mag-stretching ka after mo magpahinga," seryosong sabi niya sabay umupo. Bigla akong tumango dahil natakot ako sa kanya. Tumingin ulit ako kay Uno... grabe sobrang seryoso niya. Ano kayang gagawin niya sa akin? Papatayin niya ba ako? Hala! "Gusto mo ba na mangyari ang mga imposibleng pangyayari?" bulong niya mula sa gilid ko. Nagulat ako kaya agad akong napalingon sa kanya, "What?!" "Gusto mo ba?" ulit na tanong niya. "O-o naman Uno, dahil sa mga imposibleng pangyayari ay maaaring mangyari ang mga hindi inaasahan na nakapagdudulot ng kasiyahan," seryosong sagot ko sabay umiwas sa pagtingin sa kanya. Naramdaman ko na siya na ang nakatingin sa akin, nakakahiya naman. "Balang araw, ang mga hindi mo inaasahang pangyayari ay makapagdudulot sa'yo ng kasiyahan," aniya. Agad akong napatitig sa kanya dahil sa sinabi niya, ano ba ang ibig niyang sabihin? "Bakit? Kasi ikaw ang nagsabi?" pagdududa ko. Tumitig siya sa mga mata ko, pakiramdam ko ay kumikinang ang mga mata niya ngunit hindi masaya. "Hindi, dahil ako ang gagawa," sagot niya. Nagulat ako sa sinagot niya kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya. Hay naku! Ano naman ang gagawin niya? "Tadhana ka ba? Hahaha! Ay! Hindi pala, isa ka nga palang joker, hahaha!" pang-aasar ko. Kumunot naman ang noo niya at umiwas ng tingin sa akin. Hay naku! Tumatawa lang ako pero natatakot na talaga ako sa kanya. "Mahigit thirty minutes na, so go, have your own stretching," seryosong utos ni Uno. Napanganga ako dahil anong klaseng stretching ba? Nakakainis! "Paanong stretching Uno? 'Yun bang mag-split ako?" Bumuntonghininga si Uno, "Stretching means you need to perform different exercises to stretch your body before your incoming task." Ano?! Anong task?! Grabe, pakiramdam ko ay mababali ang mga buto ko. "Ano pa ang hinihintay mo?" seryosong tanong niya. "Ikaw!" biglang sigaw ko. Lumaki naman ang mga mata niya sabay umiwas sa akin. "I mean ikaw! Ikaw ang magsabi ng mga e-exercise ko!" "Ten counts for neck roll, side reach, shoulder stretch, runner's stretch, thigh hug, resistance legs, and squat," seryosong aniya. Napanganga naman ako, "Grabe ka Uno, saksakin mo nalang ako!" "Gagawin mo ba o bubuhatin pa kita?" "Buhatin mo nalang ako! Keysa naman sa ganyan na parang papatayin mo ako!" "It's for your own good," seryosong aniya. Talaga ba? "Sigurado ka ba? Bago ko kasi matapos 'yan ay patay na ako!" maktol ko. Kumunot naman ang noo niya. Parang gusto ko nalang maging toothpick. "Fifty counts for all of them! Ngayon ay sabihin mo sa akin, magrereklamo ka pa ba? Or I will add more counting?" "Ano?! Oo sige na ito na! Para saan ba kasi 'yan?!" "Kailangan 'to para lumakas ka. Paano pa kaya kapag tinuturuan na kita ng Kung Fu? Baka mamatay ka na." "Ipalibing mo nalang ako!" maktol ko. Hindi naman niya ako tiningnan kaya agad akong nag-execute ng mga pinapagawa niya. Habang ginagawa ko ay napapangiwi ako dahil ang sakit, hindi naman kasi ako mahilig mag-exercise. Sa totoo lang ay ngayon ko pa lang yata ito nagawa. Grabe, nakakapanghina naman. Nang matapos ako ay tumingin ako nang masama kay Uno pero ngumiti lang siya. "One hundred counts for sit-ups, push-ups, and jumping jacks," seryosong sabi niya habang nakapamulsa. "Hala! Seryoso ka ba?!" sigaw ko sa harapan niya. Wala akong pakialam kung mabaho ang hininga ko. "Do I look joker to you?" Napangiwi naman ako sa tanong niya dahil ang taray. Alam mo ba Uno?! Ang sarap mong sabunutan. Hindi ko pa nga nasasabi sa'yo na ang magaling mong kapatid ay binuhusan ako ng marumig tubig! Pahirap kayong magkapatid sa buhay ko. Pakiramdam ko ay mababali na ang buto ko sa maraming exercise na pinapagawa niya. No choice, ginawa ko pa rin. Halos hindi na ako makabangon sa sit-ups pa lang. Hay naku! Kung p'wede lang bumaril ng tao ay ginawa ko na. Pinapakulo ni Uno ang dugo ko. UNO Habang pinapanuod ko si Tres ay hindi ko maiwasang mapangiti dahil halos hindi siya makatayo. Hirap na hirap siya sa push-ups at sit-ups, pero naramdaman kong gusto naman niya ang ginagawa niya sadyang kulang lamang siya sa practice. "Araw-araw mo 'yang gagawin!" sigaw ko dahil baka hindi niya ako marinig dahil nagbibilang siya. Lumaki ang mga mata niya at masama ang tingin sa akin. "Patayin mo nalang ako!" maktol niya. Hindi ko ipinapakitang ngumingiti ako sa bawat kilos niya dahil baka tumigil siya. Dapat nga ay araw-araw talagang nage-exercise ang mga tao dahil para rin naman sa kabutihan nila 'yun, hindi lang para maging malakas. Umupo ako habang pinapanuod siya. Humanga ako sa labis na kagandahan niya, hindi ko maitatagong maganda siya dahil gwapo ako. Ang ibig kong sabihin ay magkamukha kasi kami. Nang matapos si Tres sa push-ups and sit-ups ay agad siyang nag-jumping jacks na masama pa rin ang tingin sa akin. Bigla akong natahimik, mayroon akong naalalang tao. Pareho sila ni Tres ng mata. Kung paano ako tingnan noon ng taong naaalala ko ay mayroon silang pagkakapareho. Naalala ko na naman, pero hindi ko maiwasang turuan si Tres. Mayroon pala silang pagkakaiba ng taong naaalala ko, dahil 'yung taong 'yun ay hindi mahina katulad ni Tres. She is very fierce before, natatandaan ko pa kung paano siya umasta. Nakakatakot ang mga mata niya, para siyang tigre. Nang tumingin ako kay Tres ay mukhang tapos na siya pero nakahilata siya sa mat. Lumapit ako sa kanya sabay inalok ko ang kanang-kamay ko upang hawakan niya para makatayo. "P-pagod ako," nanghihinang bulong niya sa akin pagkatayo niya na habang hawak ang kamay ko. Hinawakan ko siya sa braso at naramdaman kong nanlalamig ang kanyang balat. Grabe ang babaeng 'to sa ganitong exercise pa lang ay sumusuko na, pero naaawa ako sa kanya. Pinaupo ko siya sa coach sabay pinainom ng tubig. Masyado ba akong hard sa kanya? Kasi ang daming exercise ang pinagawa ko sa kanya. Dapat pala ay hindi ko siya binigla. "Inaya, are you okay?" bulong ko sa kanya. Tumitig naman siya sa akin ng masama. Sabagay, bakit ko nga ba siya tinatawag na Inaya? Wala lang naman siya sa akin. "Huwag mo akong alalahanin, wala lang 'to, okay lang ako." Tumango lang ako. Pumikit naman siya. Bigla akong naawa sa kanya dahil naging hard ako. Hindi ko man lang inisip na first time niya 'yun. Sorry Tres, pasensya na talaga. Habang nakapikit siya ay naalala ko 'yung isang gabing magkasama kami sa tinatawag niyang pares o paresan ba 'yun. Sa totoo lang ay masarap 'yung pares, hindi ko lang sinabi sa harapan niya dahil baka matuwa pa siya. You know what Tres? I didn't expect any happiness from you, pero simula noong dumating ka ay araw-araw ko nang ine-expect na mapapasaya mo ako. I know what our real relationship, pero hayaan mo sana muna na hindi kita kilala. Sana pala ay hindi nalang ako ang- "U-Uno nilalamig a-ako," mahinang bulong sa akin ni Tres. Agad ko siyang binuhat at ipinasok sa loob. Nakapikit lamang siya habang hinahaplos ang mga braso niya. "Bakit mo buhat ang babaeng 'yan? Pilay ba 'yan?" naiiritang tanong ni Maria. Hindi ko naman siya pinansin at agad akong nagtungo sa kwarto ni Tres. Inihiga ko siya sa kama, nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang aking kamay. "M-Mama please 'wag mo akong iwanan," naiiyak na bulong niya. Grabe kang babaeng ka, bakit sa tuwing wala ka sa tamang pag-iisip mo'y napagkakamalan mo akong Mama mo? Pasaway ka. Sa awa ko sa kanya ay hinaplos ko nalang ang mga kamay niya. Nang naramdaman kong tulog na siya ay agad akong lumabas para kumuha ng medyas sa kwarto ko. Pagkabalik ko ay agad ko siyang sinuotan ng medyas at kinumutan. Tumingin ako sa desk niya, mabuti naman dahil ginagawa niya pa rin ang mga module niya. Tres, masyado ka pang bata para sa akin at Tres, bawal tayo dahil ako ay... nevermind. "Uno!" sigaw ni Maria mula sa pinto. Agad ko siyang nilapitan dahil baka magising si Tres. "Bakit?" walang ganang sagot ko sa kanya. "Binabantayan mo siya?" pag-uusisa niya. Tumango lang naman ako. "Tara sa bar!" nakangiting aya niya. May naisip naman ako kaya tumango lang ako sa sinabi niya. Nag-wink siya sa akin, "Yehey! Magbihis ka na!" Nang tumalikod si Maria at naglakad papalayo ay agad akong pumasok sa kwarto para magbihis. Pagkalabas ko ay nasa pinto si Maria. "Mabuti naman dahil walang papansin," aniya sabay hinimas ako sa kamay. "Saan tayo sasakay? Sa kotse mo ba?" tanong ko. Umirap naman siya sa akin dahil hindi ko pinansin ang una niyang sinabi. "Yes! Let's go!" ** Ilang oras lamang ay nakarating na kami sa bar. Ang daming mga magagandang babae, ang daming mga alak at mga magagandang babae ulit... pero walang papantay sa kanya. "Brother, let's drink!" Tumango lang ako kay Maria, inabutan niya ako ng alak kaya naman tinanggap ko nalang. Umupo sa lap ko si Maria at doon sumayaw, hindi ako komportable kaya agad ko siyang itinulak. "What's wrong brother? I'm your sister!" naiinis na aniya. "Maria, lalabas muna ako, gusto ko kasing magpapahangin," paalam ko. Agad akong tumalikod sabay naglakad papalayo. Naramdaman kong nagdabog siya pero hindi ko na lamang siya nilingon. Nang makalabas ako ay agad akong tumakbo pero naglakad nalang ako hanggang sa natanaw ko ang gusto kong makita. Nang makarating ako ay ngumiti sa akin ang isang matandang lalaki. "Hijo! Ikaw pala! Nasaan ang iyong kasintahan?" masayang bati at tanong niya. Medyo nakaramdam ako ng hiya sa tanong ni Manong. "Mayroon po siyang sakit kaya hindi ko siya kasama," "Ay! Gano'n ba Hijo? Tama ang iyong pagpunta dahil baka gusto niya ng pares. Kapag nakarating ka na sa inyo ay initin mo nalang, okay?" Agad akong tumango kay manong, nagpasalamat at nagbayad. Habang naglalakad ako ay naisip ko na baka gising na siya. Baka kasi isipin niyang iniwan ko siya. Hindi ko na inisip si Maria, agad akong nag-taxi. Nang makarating ako sa bahay ay agad akong nagtungo sa kusina, iinitin ko kasi 'yung pares para kay Tres. Agad akong pumunta sa kwarto ni Tres, nakaupo siya habang tulog... siguro ay hinintay niya ako. "Tres," mahinang bulong ko sa kanya. Gumalaw siya at iminulat ang mga mata. Agad kong ibinigay sa kanya 'yung mangkok na may laman na mainit na pares. Ngumiti siya sa akin, hindi ko napigilan na ngumiti rin pabalik sa kanya. "Bakit ang tagal mo? Bakit mo ako iniwan?" parang bata na tanong niya. Nakaramdaman naman ako ng konsensya. "Hindi kita iniwan, hindi ko ugaling iwanan ang isang tao. May binili lang ako para sa'yo." "Haha! Sorry, praning lang ako. Ito ba 'yun? Grabe nag-abala ka pa! Pares pa talaga?! Wow salamat!" "Kainin mo na 'yan Tres, tapos inumin mo 'tong gamot dito," seryosong aniko sabay agad na tumalikod. "Hindi mo ba ako babantayan?" Humarap ako sa kanya. "Para saan? Malaki ka na Tres." "Alam mo ba na kaya masama ang pakiramdam ko ay dahil sa binuhusan ako ng maruming tubig ng iyong kapatid na si Maria? Kaninang umaga lang, nagulat nga ako kaya bigla akong nagising." "Ano?!" hindi ko napigilang sumigaw sabay agad na lumapit sa kanya. "Kaya please naman, alagaan mo ako please? Kapatid mo naman ang may gawa nito sa akin tsaka ikaw na pinahirapan ako kanina," maktol niya. "P'wede bang 'wag kang makiusap?! Huwag mong ugaliin na makiusap sa isang tao para lang maawa na mag-stay sa'yo." "Hindi ka naman iba sa akin 'di ba? Ang totoo nga nyan Uno ay-" "Kainin mo nalang 'yan Tres, matutulog na ako," mabilis na saad ko. Hindi ko ipinahalata na gusto kong marinig ang susunod na sasabihin niya. Agad akong tumalikod. Naglakad ako papalayo habang dala ang aking konsensya. TRES Bakit ako nasasaktan? Bakit iba 'yung napapanuod ko sa tv na mga palabas na kapag may sakit ay inaalagaan? Hindi ba ako 'yung tipong inaalagaan? Hay naku! Parang gusto ko nalang maging kamote. Niyapos ko ang aking sarili sabay tumingin sa pares sa gilid ko. Kakainin ko ba? O itatapon? Kasi ang sama ng loob ko. Pero kasi parang itinapon ko na rin 'yung effort ni Uno. Bakit kaya ayaw ni Uno na alagaan ako? Maasim ba ako? O mabaho ang hininga? O may galit siya sa akin? Ayaw ko ng magtanong sa sarili ko, kakain nalang ako. "Nakakainis ka!" biglang sigaw ni Maria mula sa pinto. Ano namang ginagawa ng babaeng 'yan dito? "Ano ang ginagawa mo rito? Bubuhusan mo ba ako ulit ng tubig?" "Hindi, papatayin kita!" naiiritang sigaw niya sabay lumapit sa akin habang nagdadabog. "Patayin mo, pakialam ko ba sa 'yo? Tulungan pa kita na patayin ang sarili ko!" "Talaga ba? Nakakainis ka talaga," "Really?! Bakit hindi mo pa ako patayin, Maria?" "Manahimik ka d'yan Tres," seryosong sagot niya sabay umupo sa sofa. "Bakit ka nakaupo d'yan? Huwag mong sabihin na babantayan mo ako?" pang-aasar ko sa kanya. "Nakaupo ako rito dahil sira ang aircon ko. Patulog na rin pala," seryosong aniya sabay humiga at pumikit. Ang weird ng babaeng 'to. ** Halos isang oras na rin ang nakalipas pero hindi pa rin ako nakakatulog. Tiningnan ko si Maria, tulog na tulog siya, siguro ay dahil sa alak dahil mukhang lasing siya. Tumayo ako sabay agad akong lumabas sa bahay. Tumingin ako sa langit, "Ate Dos, nakikita mo ba ako? Nararamdaman mo ba na mahal na mahal kita at miss na miss na kita?" Hindi ko namalayan na tumulo ang luha ko. Ang bilis ng mga pangyayari, parang dati ay g*go ako, parang dati ay nagbabago pa lang ako at ngayon ay mayroon akong mga kasamang weird na tao. Habang nakatingin ako sa langit ay naaalala ko 'yung mga VIP sa Royal Underground Bar, sobrang saya nila habang pinapanuod ko sila na nasa harapan ko... samantalang ako ay kumakanta dahil malungkot, pero ang naidudulot pala nun sa iba ay kasiyahan. Bigla kong naalala 'yung lalaking nag-confess sa akin 2 years ago, sino kaya siya? Lasing kasi ako ng sobra kaya hindi ko matandaan kahit ang boses niya. Ang naaalala ko lang ay kaya niya ako naging idol ay dahil sa sikat ako at malayo sa kanya. Ayaw niya raw kasing mapalapit sa iba, dahil sa huli ay iniiwan siya. Tsaka ang sabi niya ay nangako sa kanya ang Mommy niya na siya lang ang kaisa-isang kakantahan pero napanuod niya kung paano kantahan ng Mommy niya ang iba nitong pamilya. Gusto kong makilala 'yung lalaki, kasi natandaan ko na sumasaya siya sa pag-idolize sa akin. Masaya ako na may naidudulot pala akong kasiyahan sa iba. Gusto kong bumalik sa URB pero sa puso ko ay gusto kong manatili kasama si Uno. Sa totoo lang, kaya kong umalis sa lugar nila, kaya kong tumakas pero mas pinipili kong mapalapit sa kanya kasi parang matagal ko na siyang kilala. Ang sama ng pakiramdam ko, tsaka parang ang sakit ng mukha ko... 'yung tipong parang may sugat ang mukha ko, hindi ko maipaliwanag dahil sobrang sakit. Mayroon rin na time na kapag hinahawakan ko ang mukha ko ay parang may kakaiba. Sa tuwing tumitingin ako sa salamin ay humahanga ako sa itsura ko dahil sobrang perfect, pero parang may mali, parang hindi ako 'to. May kakaiba rin sa kilos ko, 'yung manong sa may iskinita ay nabigyan ko ng leksiyon gamit ang paa ko lang. Nung past life ba ay magaling ako sa martial arts? Hahaha! "Gabi na pero nasa labas ka pa," Pagkalingon ko ay nakita ko ang kapatid ni Uno habang nakapamulsa, "T-Truz?" "Why you look so scared?" "Bakit naman ako matatakot sa'yo? Aswang ka ba?" Tumawa naman siya pero ngumisi. Hindi sila magkamukha ni Uno, mas gwapo si Uno... syempre joke lang. Pero totoo pala. "Nandito ako para sunduin ka," "Hindi ko alam na ikaw na pala si kamatayan," agad akong tumawa nang tumawa pero napatigil ako sa pagtawa dahil nakatitig siya sa akin. 'Yun bang titig na para bang ngayon niya lang ako nakitang tumawa. "Your eyes... look a like of someone, she is Thirs," "Thirs? Sino 'yun Truz?" "Bakit ka nasa labas?" pag-iiba niya sa usapan. "Ikaw bakit ka nandito? 'Di ba pinalayo ka na?" "Hindi ako aalis sa lugar na 'to dahil dito siya nakalibing." "Sino?" "Kaya hindi rin naalis dito si Uno kahit na maganda at maayos ang buhay niya sa city, dahil sa binabalikan niya rito. Ako rin hindi aaalis dito, pareho lang kami." Lumapit ako sa kan'ya. "Magkwento ka, makikinig ako." Hindi ko alam kong ano ang gusto niyang iparating, pero isa lang ang alam ko... sa likod ng makisig niyang pangangatawan ay malungkot ang kanyang mga mata. "Girlfriend ka ni Uno? Huwag ka nang umasa na mamahalin ka niya pabalik." "Hindi, tsaka oo alam ko na hindi niya ako mamahalin dahil may sinabi siya sa akin." "Gusto mo bang mag-inom kasama ako?" aya sa akin ni Truz. "Magmo-module pa ako tsaka may sakit pa ako, hehe! Siguro ay next time nalang." "P'wede mo ba akong samahan maglakad? P'wede ba?" "Sige, lakad lang pala. Sure ka na lakad lang Truz, huh?" "Haha! Sa pananalita mo parang ililigaw kita." Naglakad kami ni Truz, medyo nakakatakot kasi para kaming nasa gubat dahil probinsya ang lugar. Ang tanging nagbibigay ng ilaw ay mga street lights na medyo malayo pa ang mga pagitan. Tahimik lang ako, pa-simple kong tinitingnan si Truz. Totoo ba na may kasama akong gwapo sa ilalim ng gabi? Joke, multo 'to kasi gabi siya sumusulpot. "Sabi mo ay magmo-module ka pa, 'di ba? Hindi ka pa ba tapos mag-aral? Uno and I graduated already in college. Why are you still studying?" pagtataka niya. Bigla akong nahiya, ano ang iisipin niya kapag nalaman niya na grade twelve pa lamang ako? "Y-yes, in fact, I'm just grade twelve student, kaklase ko si Uno." "Seriously?! Ang lakas talaga ng trip ng kapatid ko, palibhasa ay nililibang ang sarili niya. Pero bakit parang ka-edad ka lang namin?" "Hindi ko alam, ako ang naguguluhan kasi bakit ko 'to nalalaman? Ang gulo ninyo." "'Wag mo nalang isipin. Bata ka pa pala, grabe ang trip ni Uno ngayon dahil kahit bata ay gusto niyang maging kasintahan." "Excuse me Truz, hindi na ako bata. Tsaka 'di ako magiging kasintahan nun. Ikaw na ang nagsabi na huwag akong umasa." "Gusto sana kitang pag-trip-an, pero nang malaman kong parang younger sister kita ay naawa ako sa'yo. Baka kasi umiyak ka! Haha!" "Tsk! Ang kapal naman ng mukha mo, Kuya!" biro ko. "Kuya? Haha! Hindi bagay." "Ayaw mong tawagin kitang Kuya? Like Kuya Truz, ayaw mo?" "Ayaw ko, gusto ko ay baby." "Hahaha! You mean baby damulag?" "Your so funny Tres, thank you for this night. Okay ka lang ba?" "Wala 'to, Truz. Siguro napagod lang ako sa exercise kanina." "Tinuturuan ka ba ni Uno? Makinig ka sa pagtuturo ng Kuya mo, 'yan naman ay ma-inlove ka! Haha!" "Grabe, never! You know what? I thought na napakaseryoso mong tao, pero easy to hang-out ka pala." "Oo naman, nalaman ko rin na mas bata ka sa 'kin, kawawa ka naman kung aawayin kita!" "Ang sama ng ugali! Hahaha!" "Your eyes really look like her... wala ka bang kapatid?" "Mayroon akong Ate... pero patay na." "Sorry, you know what? Akala ko talaga ay kakambal ka ni Uno dahil sa magkamukha kayo." "Magkamukha lang pero hindi! Siguro ay kapatid ko siya nung past life! Hahaha!" "Sigurado ka ba talaga na grade twelve ka pa lamang?" "Mukha ba akong may amnesia para 'di ko matandaan? Sana nga ay nakapagtapos na ako! Hahaha!" Nagtawanan kami ni Truz, he looks so familiar. UNO Pagkabukas ko ng kwarto ni Tres ay naabutan kong nakahiga si Maria, tumingin ako sa kama pero wala si Tres. "Uno, ikaw pala." Hinilamos niya ang kamay niya sa mukha niya. I think kakagising niya lang. "Nasaan si Tres?" "Nandyan lang siya kanina, ewan ko sa babaeng 'yun baka umihi lang." "'Di ba sabi ko na bantayan mo siya?! Ikaw 'yung dahilan kung bakit mayroon siyang sakit! Ikaw 'yung pinagbabantay ko 'di ba? Responsibilidad mo siya!" Tumakbo sa akin Maria sabay niyakap ako. "Brother! Huwag ka namang magalit, please? Bakit mo ba ako sinisigawan?! Kapatid mo ako!" Inalis ko ang pagkakayakap niya. "Nasaan siya?" "Hindi ko nga alam! Ano ba?! Bakit ba concern ka sa babaeng 'yun?! Mahal mo? O mahal mo na?!" Bigla akong napatigil sa sinabi niya. Advance siya masyado mag-isip, concern lang naman ako dun sa tao. Hindi ko siya pinansin, agad akong lumabas. Hinanap ko sa labas si Tres pero wala siya. Saan naman pumunta 'yun? Naglakad-lakad ako, hanggang sa may natanaw akong dalawang tao. Lumapit ako, bigla namang uminit ang ulo ko dahil bakit niya kasama si Truz? Baka pag-trip-an lamang siya nito. "'Di ba may sakit ka? Bakit may oras ka pa para maki-chismis?" walang ganang tanong ko. Napalingon naman si Tres at Truz. "Ikaw? 'Di ba tulog ka na? Bakit may oras ka para hanapin siya? Sana ay itinali mo siya sa tabi mo para 'di siya nawala. Nakakatawa ka kapatid, kahit pala bata ay papatulan mo," pang-aasar ni Truz. Hindi ko siya pinansin, tumingin ako ng seryoso kay Tres. "Umuwi na tayo Uno, huwag lang kayong mag-away," kinakabahan na aya ni Tres. Tumalikod ako sabay naglakad papalayo. Pakiramdam ko naman ay sumunod na si Tres, dapat lang. TRES Nasa likod ako ni Uno. Grabe 'yung takot na naramdaman ko kay Uno, para siyang mangangain ng tao. Nang makauwi na kami ay hinawakan ni Uno ang leeg ko, para siguro i-check kung mainit pa ako. Nagulat nga ako pero 'di ko pinahalata. "Magpahinga ka na Tres," "B-bakit ka pa nag-abala na hanapin ako? 'Di ba ayaw mo akong bantayan?" "Kung alam mo lang kung gaano ang pag-aalala ko! Bata ka pa talaga! Dahil ganyan ka mag-isip, porke hindi kita binantayan ay aalis ka ng walang paalam?!" Nakakatakot, grabe, hindi ko maiwasan na pumikit dahil hindi ko siya magawang titigan kasi nakakatakot talaga! Ako raw ay bata pa talaga? Bata pa ba ang tingin niya sa akin? Kaya concern siya sa akin? Parang si Truz, nung nalaman niyang mas bata ako sa kanya ay naging mabait siya sa akin. Gano'n lang ba 'yung tingin sa akin ni Uno? Gano'n lang ba?! Kaya pala concern siya sa akin kasi siya ay graduated na sa college pero hindi niya sa akin sinasabi kasi baka isipin ko na naaawa siya sa akin. Bakit? Nabuhay ba ako para lokohin? Pero kasi naa-appreciate ko 'yung effort ni Uno, kaya bakit naman ako tatanggi? Maaaring naaawa siya sa akin pero okay lang. Sa isip ko ay ayaw ko siyang pagkatiwalaan, but in my inner heart, gusto kong makasama siya nang mas matagal. "S-sorry, sorry kasi ito lang ako," aniko sabay tumango lang ako sa kanya. Ayaw ko ng magsalita kasi pakiramdam ko'y galit talaga siya. Pumasok ako sa kwarto, mabuti naman dahil wala na si Maria. Umupo ako sa kama, kakanta na lang ako. Sinimulan ko na ang pagkanta, pagkatapos ay tumitig ako sa pader. Na-mimiss ko na si Mama, wala ba talaga siyang balak na ipahanap ako? Si Daddy ko kaya ay mayroong time para hanapin din ako? Para akong lobo, hinayaan na lumipad at mawala. "Narinig kong kumanta ka, teka, singer ka ba?" nagtatakang tanong ni Maria na kakapasok lang. Chismosa rin pala 'to. "Hindi ako singer," "Mayroon kasi akong naalala, isang singer sa URB. Sikat 'yun, idol ko 'yun." "Alam mo 'yung lugar na 'yun, Maria?" "Oo naman! We are rich, afford naming pumunta sa exclusive underground place na gano'n." "May iba pa bang pinupuntahan na unit si Uno sa URB?" "Sa pagkakaalam ko ay sa condo niya lang, hindi ko rin kasi alam ang mga iba pa niyang ginagawa. Ikaw ba? Taga roon ka?" "Hindi, naririnig ko lang ang place na 'yun." "So, it means poor ka? So bakit kita kinakausap? Tsk!" "Ikaw kaya 'yung unang kumausap sa akin!" maktol ko. Akala ko ay magiging close ko na siya pero natingin pala siya sa social class, pero siya ay walang class sa ugali. Lumabas na siya sa kwarto ko, nakahinga naman ako ng maayos. Sobra akong hate ni Maria, pero paano kung malaman niya na ako 'yung iniidolo niya? Hahaha! I think hindi ko siya dapat i-hate kasi kahit gano'n siya ay isa siya sa mga humahanga sa akin. Ang gusto ko lang mabago sa kanya ay 'yung ugali niyang magaspang. Bigla kong naalala 'yung maskara ko sa URB, kumusta na kaya 'yun? Mayroon na kayang iba na gumagamit nun? Gusto ko nang bumalik, pero gusto kong manatili sa lugar na 'to kasi pakiramdam ko ay masaya ako kahit na masungit sa akin si Uno. THIRD PERSON "Wala ka pa bang balita kay Treseya Cream Salvador?!" galit na sigaw ng boss ng URB. "W-wala p-pa p-po," sagot ni Miss Maritues. "Halos ilang buwan na! Ano bang klaseng mga tauhan ang kinuha mo?! Mga isda na nakakalangoy sa lupa?!" "We're trying our best, boss!" "Sa tingin ko ay mayroon siyang kaibigan na tumulong sa kanya para makaalis," "Sa aking pag-iimbestiga, wala sa mga kaibigan o tropa niya si Tres. Mayroon akong nalaman na 'yung sikat daw sa paaralan nila Tres na si Uno Co ay matagal nang hindi pumapasok. Naisip ko lang... magkasama kaya sila boss?" "Si Uno Co, Co? Tama ako ba ako na nag-stay siya rito? 'Di ba? Sa condo rito." "O-opo," "Kumusta pala siya? Did he pay his bills here?" "Yes boss, ang balita ko ay walang tao sa condo niya pero patuloy ang bayad niya." "Good, ngayon naman ay ang imbestigahan niyo ay si Uno. Alamin mo at ng mga tauhan mo kung saan siya nakatira, kung saan ang iba pa niyang bahay, o iba pang lugar na p'wede niyang puntahan." "S-sa totoo lang po ay p'wede nating palitan si Tres," natatakot na ani ni Miss Maritues. "Bakit ko siya papalitan? Siya lang ang gusto ko at gusto kong piliin kaya huwag ka nang mangialam!" "Kilala kayo ni Tres... sa huli, sa tingin niyo po ba ay mapapatawad niya kayo?" Huminga nang malalim ang boss ng URB at tumalikod. "Alam ko na kamumuhian niya ako, alam ko rin na isusumpa niya ako, pero lahat ng ito ay para sa kanya." Tumango si Miss Maritues sa kanyang boss na nakatalikod. Agad naman siyang lumabas sa opisina ng kanyang boss. "Marami akong pagkatao, Tres. Sa huli, you will think na 'yung akala mong kalaban ay kakampi mo pala. Sana ay mapatawad mo ako ngayon pa lang, kasi ngayon ko pa lang sisimulan ang aking mga kasinungalingan na matagal ko ng pinaghandaan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD