Episode 7.

4049 Words
TRES "Tres gumising ka!" sigaw sa akin ni Uno. Grabe sobrang lapit ng mukha niya sa akin, hay naku! May balak pa yata siyang halikan ako. Teka, umaga na ba? So it means, natulog kami sa kotse? Nang iminulat ko ang mga mata ko ay may nakita akong mga limang lalaki na malalaki ang katawan na nakaharang sa amin. Teka, sino naman sila?! Holdapers?! "Nandito na ba tayo sa probinsya, Uno?" "Oo pero may mga humarang." "Uno sino sila?!" nagtatakang tanong ko. Mahigpit akong kumapit sa kanya dahil natatakot ako. "Bumaba na kayo! Lalo na ikaw, Uno Co!" sigaw ng isang lalaki na nasa gitna. Grabe, sobrang laki ng katawan niya. Dahan-dahan na binuksan ni Uno ang pinto ng kotse at gano'n din naman ang ginawa ko. Nang pareho na kaming nasa baba ay agad silang lumapit sa amin. "Kumusta ka na Uno? It's been a long time since your longest heartbreak, hindi ka pa rin ba naka-move on?" pagdududa ng lalaki sabay ngumisi. Ano ang move on na sinasabi nito? Hindi naman sumagot si Uno. Nakita ko naman 'yung apat na lalaki na nakatayo lang at walang ginagawang iba. "Bakit hindi ka makasagot? Did you miss her?" madiin na tanong ulit ng lalaki. Sa kanyang pagtatanong ay parang ang laki ng kasalanan ni Uno. Hindi pa rin sumagot si Uno kay nagtaka ako. Bakit hindi makapagsalita si Uno? Natatakot ba siya sa mga lalaking 'to? And Sino si her? Inusisa ako ng lalaki, "May kasama ka pala, isang maganda." Bigla akong kinabahan dahil mukha siyang manyakis pero guwapo. Hindi pa rin sumasagot si Uno. Nagulat ako nang biglang... sinuntok siya ng lalaki sa tyan kaya naman biglang napaupo si Uno. Tumayo naman agad si Uno ngunit umikot ang lalaki sabay sinipa sa dibdib si Uno, ngunit si Uno ay nanatiling nakatayo at hindi lumalaban. Uno ano?! Wala ka bang gagawin?! Hindi rin naman ako makatulong kasi... basta! Hindi ko alam ang gagawin ko, pero sa puso at isip ko ay alam kong kaya ko ang lalaking nasa harapan ko ngayon gamit lamang ang suntok ko. Umatras ang kanang-paa ko upang bumwelo, akma ko na sanang susuntukin 'yung lalaki pero bigla akong niyapos ni Uno. "Huwag," bulong na pakiusap niya sa akin. Inalis ko ang pagkakayakap ni Uno sabay sinugod ko ang lalaki. Umatras ang kanang-paa ko sabay humugot ako nang lakas para makabuwelo, sabay sinuntok ko ang lalaki sa kanyang mukha. Bumwelo rin ang lalaki, akma niya akong sisipain pero nahawakan ko ang paa niya sabay pinaikot. Hinawakan ako sa kwelyo ng lalaki. "Sabihin mo sa akin, sino ka?!" "Tama na 'yan, huwag mo siyang sasaktan dahil alam mo kung ano'ng kaya kong gawin sa'yo kapag sinaktan mo siya. Tama na ako nalang," seryoso ngunit makapangyarihang saad ni Uno. Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. Nakita ko naman 'yung lalaki na nanakit kay Uno, lumayo siya sa amin sabay ngumisi. "Sumama ka sa amin Uno," malumanay na aniya ng isang lalaki na mas matipuno at guwapo. "Para saan pa?" seryosong tanong ni Uno. Ngumisi naman 'yung lalaking na mukhang pabida. Pero 'yung lalaki na nagsabi sa kanya na sumama siya ay wala man lang emosyon na ipinapakita. "Xerz, hindi mo na dapat pinipilit 'yan!" sigaw ng lalaking pabida. Siya lang 'yung maingay samantalang 'yung tatlo ay tahimik. "P'wede bang manahimik ka Xert?! Nakakahiya ka dahil isang babae lang ay napaikot 'yang paa mo! Tapos sinaktan mo pa si Uno without knowing na kaya ka niyang patayin! Tumigil ka ng lalaki ka! Kailangan natin si Xeru!" sigaw ni Xerz. Uhm teka... Xert? Xerz? Xeru? Ano ba sila?! "Hey! Are all of you a gangsters?!" sigaw na tanong ko dahil sobra akong nalilito. "Si Uno, hindi siya gangster. Hindi rin siya mafia boss, hindi siya assasin, dahil siya ay fully trained martial arts man," seryosong ani ni Xerz, "kami ay hindi ordinaryo lamang na mga trained man, you can consider us as a protector of this country but no institution hold us." I see. Namangha ako sa sinabi ni Xertz kasi gano'n pala 'yun? Hahaha! "Magpakilala kayo," Uno command. "Ako si Xerz," "Ako si Xeri," "Ako si Xero," "Ako si Xern," "Ako si Xert!" galit na sigaw ni Xert. Papansin talaga siya, para siyang bata. "Hi sa inyong lahat! I'm Treseya Cream Salvador!" "Salvador?!" sigaw ulit ni Xert. Alam mo Xert, naiinis na ako sa 'yo kasi bukod sa ang yabang mo ay akala mo'y napakalayo ko sa'yo, grabe ka makasigaw. "Bakit? May problema ka ba sa apelyido ko?!" sigaw ko rin sa kanya. Nakita ko naman na nagulat siya at hindi na nagsalita pa. "Magaling kang makipaglaban, ikaw are you a gangster?" seryosong tanong sa akin ni Xerz. Grabe, hindi ko mapagkakaila na sobrang gwapo niya at mabait. "Hindi, hehe! Tsamba lang 'yun, nung tinuruan ako ni Lolo ko noon ay mga suntok lang," sagot ko. Tumingin naman ako kay Uno, nagulat ako dahil sa nakatingin din siya sa akin pero blangko lang ang kanyang expression. "Xerz, Xeri, Xero, Xern, Xert, maaari bang ibigay niyo muna sa akin ang araw na 'to? Maaari ba? Alam niyo naman 'yung nangyari," seryosong pakiusap ni Uno. Ano ba kasi ang nais nilang gawin? "Alam ko 'yun at naiintindihan namin, pero hanggang kailan?" tanong ni Xerz. "Bago ako bumalik, hanapin niyo muna kung sino ang big boss na humawak sa atin. Hindi ko na kayo sisisihin dahil sa nagpahawak kayo sa kanya dahil sa pera, at dahil din doon ay nawala ang isa sa iniingatan ko. Ito lang ang masasabi ko, bago niyo ako mapabalik ay siguraduhin niyo muna na alam niyo ang buong pangalan niya. Para kapag nakaharap ko siya, ako mismo ang mag-uukit ng pangalan niya sa lapida," seryosong sabi ni Uno. Agad siyang tumalikod sa mga lalaki, tumingin siya ng seryoso sa akin sabay hinawakan ako sa kamay ko. Sabay kaming naglakad papunta sa kotse sabay agad niya akong pinapasok. Napakamisteryoso mo talaga Uno. "Uno naguguluhan na ako!" sigaw ko mula sa loob ng kotse. Nang lumingon ako sa harap ay nakita ko ang mga lalaki na nakatayo sa harapan ng kotse. "Humawak ka nang mahigpit sa braso ko, hindi aalis 'yang mga 'yan sa harap ng kotse," seryosong saad niya. Pero hindi ako humawak sa braso niya kaya naman siya na ang naglagay ng kamay ko sa braso niya. Unti-unti naman akong napangiti. Umatras ang kotse, tapos agad itong pinaharurot ni Uno papunta sa limang lalaki. Hala! Hindi ba talaga sila aalis?! Grabe mga wala silang takot! Pipikit sana ako pero nakita kong tumalon ang limang lalaki sa bubong ng kotse. Mas walang takot si Uno dahil wala siyang pakialam kung masagasaan sila. And wala ring magagawa ang mga lalaki dahil ginusto nila 'to. Lumingon ako sa likod at nakita ko 'yung limang lalaki na nakatayo pa rin, grabe ang galing! Kaya siguro hindi sila gangsters kasi mga unggoy sila. Tumingin ako kay Uno na mukhang seryoso, kaya naman hindi na ako nagsalita. Natulog nalang ako, sana ay maging okay na ang lahat pagkagising ko. ** UNO Grabe matulong ang babaeng 'to, mahimbing. I found Tres as a perfect girl I looking for, pero hindi maaari itong naiisip ko sa kan'ya. Mapatatawad niya kaya ako kung ano lang ang pakay ko sa kanya? Mapatatawad niya kaya ako kung ano ako sa kanya? Sa ngayon gusto kong i-appreciate ang kabutihan niya sa ibang tao at sa akin. I really admired Tres simula noong nakialam siya sa akin sa music room na ako raw ay walang puso kumanta, sa isip ko ay tumawa ako kasi siya lang ang may lakas ng loob na sabihin sa akin ang mga 'yun. "Tres, gising," malumanay na bulong ko sa kanya. "N-Nandito na ba tayo sa bahay mo? Wala na ba 'yung mga lalaki?" "Oo, kaya bumaba ka na." Naglakad na ako papalayo. Naramdaman ko namang sumunod din sa akin si Tres. Pero nang lumingon ako sa likod ay nakita kong tumakbo papalayo si Tres. "Mayroong aso!" sigaw niya. May nakatingin sa kanya na isang malaking aso na naglalaway. Tumingin siya sa akin na para bang nanghihingi siya ng tulong pero agad siyang tumakbo palayo kaya agad siyang hinabol ng aso. Pasaway ka talaga, Tres. Sobrang bilis niyang tumakbo, kaya agad ko siyang sinundan kasi baka kung saan pa siya mapunta. Pagkalingon ko sa gilid ay nakaupo siya sa lupa sabay takot na takot. 'Yung malaking aso ay nasa harap niya, umupo ang malaking aso sa harap niya at itinaas ng aso ang kamay niya na ang kahulugan ay para hawakan ito ni Tres, goodjob isang asong matulungin. Agad na hinawakan ni Tres sa kamay 'yung aso sabay niyakap niya ito. "Grabe! Akala ko ay kakagatin mo ako! Bakit mo ako hinabol?!" masayang bulyaw ni Tres sa aso. Umikot lang naman ang aso habang nagalaw ang buntot. "Alexius, come here!" sigaw ko sa aking aso. Nakita ko naman na ikinagulat ni Tres ang pagtawag ko. "Alexius?! Sa 'yo siya?!" "Yes Alexius means Defender, kaya 'wag kang tumakbo dahil hindi ka niya kakagatin, in fact, ipagtatanggol ka niya. Hinabol ka lang niya kasi tumakbo ka kaya akala niya ay nakikipaglaro ka," paliwanag ko sa kanya dahil halatang naiirita siya sa akin. "Mayroon ka pang nalalaman na Alexius Defender d'yan! Dapat sinabi mo kaagad para hindi na ako tumakbo! Nadapa pa tuloy ako!" giit niya na halos mamula ang mukha dahil sa galit sa akin. "Huwag ka nang magalit, Inaya," bulong ko sa harapan niya sabay agad akong tumalikod at naglakad na papalayo. Naramdaman ko na sumunod din siya. Napangiti naman ako kasi alam ko kung ano ang magiging reaction ng mukha niya. ** TRES "What is the meaning of Inaya?" bulong ko sa sarili ko habang naglalakad. Ang gulo naman ni Uno, pero tama ba ang narinig ko? Inaya?! Baka naman kasi ang kahulugan nun ay tara na Tres kaya Inaya niya ako?! Hahaha! Pagkarating namin sa bahay niya ay natulala ako dahil wow! Sobrang laki ng bahay niya, bakit ngayon ko lang napansin? Pumasok siya, kaya agad din akong pumasok. "Hi anak!" sigaw ng isang matandang babae ngunit maganda. May kasama siyang isang matandang lalaki ngunit guwapo at isang magandang dalagang babae. Nakita ko kung paano nagulat si Uno kaya tumingin ako sa kanya. "Mommy, Daddy, at Maria, ano ang ginagawa ninyo rito?" pagdududa ni Uno. Tumingin ako sa tatlong nasa harapan namin ngayon, grabe sila ba ang pamilya ni Uno? Ang elegant nila tingnan. "Anak, Why? Don't we have the rights to visit you?" nag-aalalang tanong ng kanyang Mommy. Grabe, naramdaman ko sa tanong ng Mommy niya 'yung pagmamahal niya para kay Uno. "Wala na po akong magagawa dahil nandito na kayo," sagot ni Uno sabay tumalikod sa kanila. "How about you? Who are you?" tanong sa akin ni Maria. Nakakakaba naman dahil para bang ako'y inuusisa niya kung paano niya ako tingnan. "Oo nga Hija, ang ganda mo nga pala, sino ka?" nakangiting tanong din sa akin ng Mommy ni Uno. "Ako po si-" "Ang pangalan niya ay Inaya, at ako lang ang may karapatan na tawagin siya nun. Kung nais niyo siyang tawagin, ang itawag ninyo sa kan'ya ay Tres," biglang sabi ni Uno sabay tumalikod at naglakad papunta sa kusina. Ano?! Kailan pa ako naging Inaya? Nakakagulat na, hindi ko siya maintindihan. "Maria sumunod ka sa kapatid mo, tulungan mo si Uno sa kusina, at ikaw naman honey ay puntahan mo ang ating farm," utos ng Mommy ni Uno kay Maria at sa asawa niya. Masama naman ang tingin ni Maria sa Mommy niya pati sa akin. Ano kaya ang problema nun? Lalo sa akin. "Tres, maaari ka bang umupo?" her Mommy asked, "Mag-uusap lang tayo." Tumango ako sabay ngumiti sa kanya ngunit pilit lamang dahil mukha siyang masungit. "Si Uno ay isang mabuting bata... si Uno ay mahal na mahal naming mag-asawa, pero siya ay malayo ang loob sa amin." Tumitig ako sa mga mata ng Mommy niya,"B-Bakit naman po?" Pero sa tingin ko ay malapit sila kay Uno, hindi lang ipinapakita ni Uno. "Hindi ko masasagot 'yan ngayon. Bakit kasama ka ng anak ko sa bahay niya?" nakangiting tanong niya sa akin. Normal lang ba talaga na nakangiti siya sa akin palagi? Siguro ay boto siya sa akin para kay Uno! Hahaha! "Sige po naiintindihan ko po, ano po ang pangalan niyo? Masaya po ako na nakilala ko kayo. Tinutulungan po kasi ako ng anak niyo, hehe! Mabuti po talaga si Uno," nahihiyang sagot ko. Hay naku! Nakakatakot naman makipag-usap sa katulad niya, baka kasi magkamali ako. "Tawagin mo nalang ako na Tita Jenika, alam mo ba na ang kahulugan ng pangalan na Jenika ay a gracious gift from God? Hehe! I see, welcome ka naman dito." "Hello po Tita Jenika, ang ganda po ng kahulugan ng pangalan niyo! Salamat po!" masayang sagot ko kay Tita Jenika. Bigla ko namang naalala 'yung tawag sa akin ni Uno na Inaya. Mayroon din kayang kahulugan 'yun? O pinaglalaruan niya lang ako? "Welcome Hija... may malalim ka bang iniisip?" "Wala po Tita, uhm maaari po ba na mag-kuwento kayo about kay Uno?" Ngumiti sa akin si Tita na parang may kahulugan, "Si Uno ay isang mabait na binata, guwapo, at nakapagtapos na sa kan'yang pag-aaral." "Ano po?!" hindi ko na napigilan na sumigaw dahil tama ba 'yung narinig ko?! Nakapagtapos na si Uno sa pag-aaral?! Samantalang Grade 12 pa lang kami! Uno bakit sobrang misteryoso mo?! Nakaramdam ako ng galit at tampo dahil sigurado ako na hindi magsisinungaling ang Mommy niya, kaya siya ang nagsisinungaling. Totoo ba talaga? Bigla kong naisip ang aking sarili, dahil kung siya ay tapos na sa pag-aaral ano pa ako? Kami ni Uno ay mukhang magka-edad lang... sino ba talaga si Uno? At sino ako? "Bakit Hija? Ikaw ba ay nakapagtapos na rin ng iyong pag-aaral?" "Ang totoo po niyan ay-" "Gutom na po ako Mommy, lets eat," biglang sabi ni Maria. Tumingin ako kay Maria at ngumiti ngunit tumalikod agad siya. "Ikaw ba Inaya? I mean, Tres? I'm sorry!" sigaw ni Tita. Ngumiti lang ako sa kanya kasi ang cute niya. "Okay lang po Tita Jenika, sige na po mauna na po kayo, magpapahangin lang po ako sa labas," masayang sagot ko sa kanya sabay tumango ako to give respect to her. Tumango rin siya sa akin at ngumiti, agad akong tumalikod ako at naglakad papunta sa labas. Ang sarap pagmasdan ng kapaligiran, ang bango rin ng hangin dahil sariwa. Aang sarap sa pakiramdam na ganito, 'yung tipong pinagmamasdan ang kalikasan habang walang iniisip na sakit mula sa dibdib dahil sa hinanakit. Sino ka ba talaga, Uno? "Malalim ba ang iniisip mo?" Pagkalingon ko ay si Uno, agad akong lumingon sa malayo. Siguro ay hindi ko na tatanungin sa kanya 'yung sinabi ng Mommy niya dahil pakiramdam ko ay pagod na ang utak ko para umintindi. "Wala 'to, ano nga pala ang kailangan mo?" seryosong tanong ko sa kanya na hindi man lang ako lumilingon. Ayaw kong humarap sa kanya dahil pakiramdam ko ay halos lahat ng sasabihin niya ay kasinungalingan. "Kakain na kasi tayo, nagluto ako ng adobo," mahinang bulong niya sa akin. Walang gana naman akong tumingin sa kan'ya. 'Yung tingin na pagod na sa lahat, 'yung tingin na wala na akong pakialam sa sinasabi niya. "May masakit ba sayo, Inaya?" nag-aalalang tanong niya. Hindi naman ako sumagot sa kanya sabay umalis ako sa harapan niya at nagtungo na sa loob. Agad na bumungad sa akin ang Mommy niya at si Maria na mukhang masungit. "Bakit nandito ka?" naiiritang tanong sa akin ni Maria. Hindi ko siya pinansin, bahala siyang mamatay sa galit, dahil ako ay galit din. "Maria! Napakaganda ng iyong pangalan ngunit magaspang ang iyong pag-uugali!" sigaw ng Mommy niya. Yumuko naman ako bilang paggalang kay Tita Jenika. "Okay lang po Tita," "No Tres, dapat lang na itama 'yan si Maria," "Bakit ba Mommy?! Ano ba ang mali sa sinabi ko? Naiinis ako sa babaeng 'yan!" sagot ni Maria. Tumingin siya sa akin sabay umirap. "Kung naiinis ka sa kanya ay lumayas ka sa bahay ng kapatid mo, that's very easy and simple. Bumalik ka sa sarili mong bahay! Dahil may sarili ka ng buhay!" sigaw ni Tita. Nagmaktol naman si Maria. Pinaupo na ako ni Tita kaya umupo ako. Sakto ang pagdating ni Uno pero hindi ko siya tiningnan. "Uno, I want to seat on your lap while eating," biglang sabi ni Maria na mukhang inaartehan si Uno. "Maria, are you f*cking serious? Respect the foods! And the visitor!" sigaw ni Uno sa kapatid niya. Humikbi naman si Maria habang namumugto ang mata niya. Nagulat ako nang bigla siyang lumapit kay Uno. "Brother, why are you so rude to me?!" sigaw ni Maria kay Uno sabay agad na umupo sa lap nito. Nagulat naman si Uno sabay agad na napatingin sa akin. "Maria! Can you please bring your manners? Because your character is on the ground!" sigaw ni Tita Jenika. Nagdabog naman ito sabay tumayo. Malakas niyang inilapat ang kanyang kamay sa lamesa. Grabe naman si Maria, ang wild sa kapatid at ang hard sa kanyang ina. "Let's eat, huwag kayong maingay... mahiya naman kayo sa bisita ko," seryosong ani ni Uno. Tumahimik ang mag-ina kaya patuloy kaming kumain, tanging tunog lamang ng kutsara at tinidor ang aking naririnig. Pagkatapos naming kumain ay tumingin sa akin si Maria. "Ikaw ang maghugas, mukha ka kasing katulong! Hahaha!" pang-aasar niya sa akin. Maria, ang dami mong alam, kapag ako ang bumanat, baka humagulhol ka sa sobrang sakit. "Payag akong maghugas, basta ang huhugasan ko ay 'yang mukha mo kasi mukha kang masebong pinggan! Hahaha!" pang-aasar ko sa kan'ya. Nakita ko naman na namula ang mukha niya sa galit, susugurin na niya sana ako pero hinawakan siya ni Uno sa braso. "Tres, go to your room. Pagpasensyahan mo na si Maria dahil ma-attitude "yan," utos ni Uno sa akin sabay iniligpit niya ang mga plato. "Go ahead Hija," seryosong sabi sa akin ni Tita Jenika. Nang tumingin ako kay Maria ay inirapan niya ako kaya inirapan ko rin siya. Agad akong pumasok sa kwarto kasi baka makalbo ko pa 'yung babaeng 'yun. Sayang ang ganda niya dahil hindi maganda ang ugali niya. Napansin ko lang na hindi sila magkamukha ni Uno... pero pareho silang maganda at gwapo. Pagpasok ko sa kwarto ay sumakit ang ulo ko, gusto kong makita si Ate ulit... kumusta na kaya siya? Nakalibing na kaya siya? Hindi ko kayang mag-stay lang sa bahay ni Uno na hindi ko man lang nakakausap si Daddy para mayroon akong maipaliwanag sa kan'ya. Magagalit kaya siya sa akin? Hindi ko pa rin maalis sa isip ko 'yung sinabi ni Tita Jenika na tapos na sa pag-aaral si Uno. Ano ang intention niya bakit siya nag-aral ulit? "Maaari ba akong pumasok, Tres?" Pagkalingon ko ay si Uno kaya naman tumango lang ako. "Tumayo ka d'yan, may itururo ako sayo," seryosong utos niya sa akin. Nakaramdam naman ako ng kaba kasi para saan? Ano ang ituturo niya sa akin? O isa na naman bang kasinungalingan? Hindi ako sumagot sa kan'ya, tumayo nalang ako. Pagkalabas namin ay seryoso siyang tumitig sa akin, tumayo siya nang diretso sabay itinaas ang dalawa niyang kamay at sabay tiniklop ang kan'yang kamao. Sumuntok siya nang sumuntok sa hangin. "Mag-jogging tayo," seryosong ani Uno sabay tumakbo papalayo sa akin. Ano ba ang nasa isip ng lalaking 'to? At kahit ako ay gusto niyang idamay? Ang malas ko naman, pagod ako sa biyahe tapos magjo-jogging pa. Wala rin naman akong magagawa kaya agad akong tumakbo papalapit sa kan'ya. Nang maabutan ko siya ay sabay na kaming nag-jogging at sobrang sarap sa pakiramdam na pagmasdan ang mukha niya... 'yung mukhang parang matagal ko ng kilala. Nang matapos ang limang minuto ay natapos na kami sa pag-jogging at pareho kaming may pawis sa aming mukha at katawan, napahawak ako sa puno dahil nakakapagod! Ngayon ko nalang yata nagawa 'to! "Mag-jumping jacks ka ng dalawampung beses," seryosong utos sa akin ni Uno. Nag-execute naman siya ng jumping jacks. Ano ba kasi ang nais ng lalaking 'to? Ayaw ko namang magreklamo. "Naligo ka na ba?" tanong niya sa akin. So, ngayon naman ay concern siya kung naligo ako? "Kung hindi pa ako naliligo, paliliguan mo ba ako?" seryoso kong tanong sabay ngumisi ako. Lumapit siya sa akin. "Inaya please, answer me correctly," "Mukha ba akong naligo na? Kakagaling lang natin sa biyahe, ang bilis mo namang makalimot. Ano ba 'yang Inaya na 'yan? Baka ang ibig sabihin niyan ay mawala ka na sana Tres? Grabe ka naman." "Pasensya na, oo nga pala," bumuntonghininga siya, "Ikaw lang ang nagsabi niyan, narinig mo na ba mula sa akin? 'Di ba hindi? Kaya kahit ikaw ay wala kang karapatan na bigyan ng kahulugan," seryosong saad niya sabay tumalikod sa akin. Ang hard talaga ng lalaking 'to. Naglakad siya papalayo kaya naman agad akong sumunod sa kanya. Kung siya ay may tawag sa akin ay dapat ako rin! "Lev!" sigaw ko mula sa likod niya. Huminto naman siya sa paglalakad sabay humarap sa akin. "Who's Lev?" "Ikaw! It's from origin from two different country and the meaning is heart and lion. Lev name have soft and fierce side like you! Hi Lev!" masayang sigaw ko pero agad siyang tumalikod. Ang ganda kaya ng Lev, it sounds love! Hahaha! Hindi ko namalayan na sa paglalakad namin ay nakarating na kami sa bahay nila, sa tapat ng bahay nila na kung saan ay may malaking garden. Grabe, sobrang ganda ng tanawin. Nakita ko naman si Maria na papalapit sa amin pero hindi siya mukhang masungit, mukha siyang mabait na hindi gagawa ng masama. Ano namang nakain niya? "Go, execute one hundred sit-ups," seryosong sabi sa akin ni Maria. Agad niyang inilatag sa harapan ko ang isang portable double mat for fitness workout, para saan?! Hindi na ako nakapagsalita dahil seryoso siyang tumingin sa akin, 'yung tingin na may authority kaya humiga nalang ako dun sa mat. Tumingin naman ako kay Uno na seryosong nakaupo at nakatingin sa aming dalawa, nang humiga ako ay I bend my knee sabay inilagay ang aking dalawang kamay sa aking ulo. Umupo si Maria sabay hinawakan ang aking paa upang maging pabigat sa aking paa para hindi ako ma-out of balance. Seryoso ba talaga siya?! Na one hundred sit-ups?! "Bilisan mo, dahil mamaya one hundred push-up naman," seryosong ani niya sabay tumingin nang diretso sa akin. Grabe, siya ba talaga si Maria? Ang laki kasi ng pagkakaiba niya kanina at ngayon. "Why are you like that?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Bumuntonghininga siya, "In teaching exercise and in teaching martial arts, you should have discipline. A discipline that you are not just have brain about learning your skills, it's just about your discipline and how you act responsible. If you have knowledge about martial arts, you should must not have your skills on it, you must have your proper attitude. Don't disrespect and be little others. Don't use your skills to simple fight just because they are weak and you are strong. It's very sad yet lost of power to control your brain." Namangha naman ako sa sinabi niya. Gusto ba nilang magkapatid na turuan akong matuto ng martial arts?! Para saan?! Hindi naman ako lalaban sa kung saan! Hahaha! Nang matapos akong mag-sit-up ay tumingin ako nang masama kay Uno, 'yung tingin na ayaw ko na. Lumapit siya sa akin. "Maria is very professional when it comes to exercise and especially in teaching martial arts. Maybe she has rude personality but she knew her limitation," bulong sa akin ni Uno sabay umupo ulit sa upuan niya. Tumingin sa akin si Maria kaya naman I perform one hundred push-up. Pagkatapos ay sobra akong nakaramdam ng pagod. 'Yung pagod na sobrang sakit sa katawan. Sana naman ay wala ng kasunod. "I remember someone like you, she not acted like you before when she's in training. I like her too until Uno loves her... I know I don't have the rights but I don't want her for Uno. And I hope you are not also like her. Falling in love with Uno is just a waste of time, you need to do is to make yourself stronger because you don't know who will kill you. The girl I'm talking is the girl who died from love, her love." Ang gulo mo Maria, pero may kakaiba sa sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD