I see

4443 Words
TRES Dahil sa papasok na ako ay agad kong sinuot ang aking uniform. Agad akong sumakay sa aking kotse. Nang makarating ako sa school ay dumiretso ako sa cafeteria dahil nandoon si Reina. "Tres!" sigaw ni Reina. Nang lumingon ako ay nasa isang table siya. Medyo naiilang ako sa mga students na nakatingin sa akin. Agad akong lumapit kay Reina. "Grabe?! Sayo lahat 'yan?" turo ko sa mga pagkain sa harap niya. "Hindi! Para sa ating dalawa 'to! Maaga pa naman so kumain tayo, hehe!" Tumango lang ako sabay kumain nang kumain, mabuti nalang talaga dahil libre niya. Hahaha! "Tres, hindi ka na pala belong sa section natin. Pinapasabi ng Principal na you can enter the VIP room na kung saan dalawa lang kayo ng teacher mo dun, then tuturuan ka niya. Malaki lang ang bayad but kaya naman ng Dad at Mama mo! Hehe!" "Ay ganun? Bawal ba akong lumipat?" "Yes bawal, ayaw mo nun? Isa lang teacher mo at isa ka lang na student niya. Hahaha!" "Sabagay," sagot ko sabay kumain nalang ako nang kumain. "Kyahh!!!" "Bumalik na siya!!!" "Woah!!! Ang gwapo!!!" "Hala!!!" "Pansinin mo ako, please!!!" Ilan lamang 'yan sa mga sigawan ng mga estudyante, teka? Ano bang meron? May artista ba? "Sino kaya 'yun?" pagdududa ni Reina. "Baka naman isang student lang na gwapo tapos kababalik lang." sagot ko. "Wala namang mas gwapo sa school kung hindi si Uno, hahaha!' "Talaga ba Reina?" pamimilosopo ko. "Hindi ba?! Hahaha!" "Reina... may sikreto si Uno na alam ko." "Ano naman? About saan?" "W-wala..." "Tara! Sasamahan na kita sa VIP room para naman maturuan ka na, hahaha!" "Sige," Agad kaming pumunta ni Reina sa VIP room, nagulat ako dahil katabi pala ito ng music room... bigla ko tuloy naalala si Uno. Sisilip sana ako pero agad akong tinulak ni Reina sa maliit na room. Pagkapasok ko ay may teacher na. Sino siya? "Good morning Tres," bati ng lalaking guro. "Good morning po..." "So okay, let's start." seryosong ani niya sabay nag-discuss. Dahil tahimik ang paligid ay naiintindihan ko lahat ng tinuturo niya. Masaya ako kasi kahit na parang nangyari na 'tong pag-aaral ko at parang na-take ko na ang mga lessons na 'to ay gusto ko pa ring matutunan. Agad na nagpaalam ang aking guro sabay lumabas din ako. Unti-unti akong sumilip sa music room... sino kayang tao rito? Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Pagkabukas ko ay may isang lalaking nakatalikod, teka... "Kung tititigan mo lang ang likod ko ay saraduhan mo na ang pinto, lalabas ang lamig ng aircon." seryosong ani ng lalaking nakatalikod. Ang boses niya, siya ay si... "Uno?!" Nagulat ako nang bigla siyang humarap dahil siya nga si Uno. Ano namang ginagawa niya?! Bakit siya nandito?! Agad akong lumapit sa kanya sabay sinampal ko siya nang malakas. "Bakit ka nandito?! Hanggang kailan ka ba magsisinungaling sa akin?!" "Ano bang sinasabi mo, Tres?" "Uno, bakit nandito ka? Matagal nang sinabi sa akin ni Tita Jenika na tapos ka na sa pag-aaral! Tapos ngayon nandito ka?! For what?!" "I see, alam mo na pala." walang emosyon na sagot niya. Bw*sit, para akong nakikipagusap sa robot. "Bakit?! Ano ang purpose mo?!" "This place is very important to me..." "Bakit?! Dahil ba kayo nagkakilala ni Thirs?! Bakit naman hinahayaan ng school na bumalik ka rito?!" "Calm down, why you're so affected?" "Wow!!" singhal ko sa harapan niya dahil chill lang siya. Bakit? Ang sakit mong mahalin? "Hindi mo ba alam, Uno?" "Ano ang hindi ko alam?" "Hindi mo ba talaga nararamdaman?" "Ano ang hindi ko nararamdaman?" "Uno, mahal kita! Mahal na kita! Sabi ko nga sa isinulat kong tula... na habang tinuturuan mo akong sumuntok ay mas natututo ang puso kong mahalin ka!" Tumalikod sa akin si Uno. Alam ko naman na hindi niya ako gusto, bakit pa ako umamin? Para masaktan? "Stop loving me Tres, loving me is like a blade. When you touch me or know me, you will just hurt." seryosong sagot niya sabay hinawakan ang gitara niya at nag-practice. A-ano? G-ganun n-na l-lang 'y-yun? Dahan-dahan akong tumalikod. Ang sakit lang, bakit ba kasi ganito ang magmahal? Bakit ba kasi sa maling tao pa? Bakit sa lalaking cold pa? At bakit sa lalaking maraming sikreto! Dahil sa sakit na nararamdaman ko ay biglang sumakit ang ulo ko. May mga naaalala na naman akong mga scenes na hindi ko masyadong maintindihan. Pagkabukas ko sa pinto ay bumungad sa akin si Teacher Su. "Hija!!" gulat na sigaw niya. "Nandito ka na pala?!" "Yes po, why po?" "Na-miss ko lang kayo ni Uno, mabuti nalag dahil bumalik na kayo. Uhm, saan ba kayo pumunta?" "Dyan lang po sa tabi ng mga damo." biro ko. "W-what?!" gulat na gulat na sigaw niya kaya tumawa ako. "Secret po, uhm Teacher Su... gaano niyo po kakilala si Uno?" Tumingin si Teacher Su kay Uno sabay bumulong. "He is our old student, tanging mga faculty teachers lang ang nakakaalam. And it's favor to them since wala naman siyang ginagawang masama rito, and his family is one of the shareholder here." Tumango lang naman ako kay Teacher Su sabay tumitig kay Uno. "Ay jusmio!!!" sigaw ni Teacher Su. Nang tumingin ako sa kanya ay parang may nakalimutan siyang sabihin. "Bakit po?!" "May bagyo pala ngayon!! Hay naku, pakiramdam ko ay hindi na tayo makakalikas dahil signal number five na!" Hinawi ko ang kurtina, totoo nga. Kaya pala pagpasok ko kanina ay madilim ang langit. "Pero wala naman pong mangyayaring masama ngayon 'di ba?" "Oo, kakayanin naman ng ating building, huwag kayong mag-alala ni Uno nagpadala na ako ng pagkain para sa ingo, okay?" Tumango lang ako kay Teacher Su sabay nagpasalamat. Agad siyang umalis. Lumabas ako ng room kaya naman nakita ko kung gaano kalakas ang hangin at kung gaano kalakas ang ulan. Medyo may tubig na rin sa sahig, saan naman 'to galing? Pagkatingin ko ay may mga estudyanteng hindi mapakali, lakad sila nang lakad sabay pumasok sa ibat-ibang room. Kampante lang naman ako dahil matibay ang school, sobrang laki pa. Sana ang lahat ng students ay magdasal para sa safety ng lahat. Kawawa naman ang mga batang nakatira sa kahoy gawa ang bahay o sa squatter area. Nag-text na rin ako kay Reina at Kenn na mag-ingat sila. Pumasok ulit ako sa music room, nagkatinginan kami ni Uno. Nagulat ako nang lumapit siya sa akin. "P'wede bang maging magkaibigan nalang tayo? Isipin mo nalang na ako ang Kuya mo na nagturo sa'yo kung paano maging malakas." Tumango lang naman ako sabay ngumiti. "S-sige, madali lang naman akong kausap... alam mo Uno, hindi ko pa rin nakakalimutan kung paano ka naging mabuti sa akin." "Ako rin Tres, hindi ko nakakalimutan kung paano ka naging mabait sa akin, kay Mommy, Maria at sa mga ranks. Salamat, napakabuti mong tao Tres." "Haha! Ikaw naman! Huwag naman sobra ang papuri, hahaha!" "'Yan, you smile and laugh again, 'yan ang gusto ko. Just pursue your dreams okay? Last na araw ko na kasi rito, I will pursue my business career." "T-talaga Uno?" bigla naman akong nalungkot. "Yes Tres, kailangan ko rin kasing magpatuloy. Kaya ikaw, magpatuloy ka kahit nahihirapan ka, okay?" "Oo Uno... uhm, may bagyo pa 'no hay naku." "Kaya nga eh, may dala ka bang kotse?" "Oo Uno, pero baha ata sa labas..." "I see, dito muna tayo habang hindi pa okay ang panahon." 'Attention! Lahat ng students ay pumunta sa gym upang doon mag-stay' anunsyo mula sa speaker. "Tara?" aya ko kay Uno. Tumango lang naman siya sabay agad kaming bumaba. Nang makababa kami ay agad kaming nagtungo sa gym. Ang ibang mga students ay nakatingin sa amin sapagkat kasama ko si Uno. Biglang may humarang sa amin na tatlong babae, sila 'yung kahapon tss. "Hi Uno! Bumalik ka na pala?" "Yes, ladies, dadaan kami." seryosong ani ni Uno sabay tumabi naman sila, masama ang tingin nila sa akin pero hinayaan ko nalang. Ang lamig sa gym, ang daming mga students ang nakaupo ngayon, busy sa pagce-cellphone. Agad kaming umupo ni Uno, ngumiti lang ako sa kanya na para bang okay kami. Well okay naman siya ako lang ata ang hindi. May lumabas na isang student sa gitna ng stage. "Everyone, please keep safe, magdasal muna tayong lahat." Pagkatapos magdasal ay may ipinalabas sa malaking screen, mga news, and school videos from students projects and innovation. "Uno, gutom ka na ba?" "Hindi pa naman Tres, ikaw ba?" "Oo eh, tsaka sabi ni Teacher Su na may pinadala siyang pagkain sa Music room, tara?" Tumango lang si Uno, sabay kaming naglakad. Hindi ko maiwasan na makita na may mga tumingin sa amin, siguro ang iniisip nila ay mag-asawa na kami. Hahaha! Nang makarating kami sa music room ay maraming mga pagkain. Kumain ako nang kumain, inalok ko si Uno pero ayaw naman niya. "Nagpa-practice ka pa ba?" seryosong tanong niya habang naggigitara. "H-hindi eh, uhm pero dala ko 'yung copy na drawing na binigay mo, hehe!" "Tapos ka na bang kumain? Tara mag-practice." Nagulat naman ako kaya bigla kong kinuha sa bag ko 'yung copy na drawing. May nilagay si Uno na isang bottle sa ulo niya. "Sipain mo nga," "H-ha? Kaya ko ba?" "Kaya nang mag-stretch ng legs mo, kaya mo 'yan!" seryosong sagot niya sabay tumayo na may bottle sa ulo. Sinubukan kong i-balance ang katawan ko, itinaas ko ang paa ko pero medyo baluktot pa rin. Nagulat ako nang bigla akong hawalan ni Uno sa paa kaya naman na-out of balance ako pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa paa kong nakataas kaya naman hindi ako natumba. "I-try mo ulit," utos niya. I try na itaas ang paa ko, I point my daliri sa paa sa bote... malapit na, kaonti nalang! "Kaya mo 'yan!" Dahil sa sigaw ni Uno ay agad kong nasipa 'yung bote, my legs straight pointed in his head. "Nice!" "Salamat, tsamba! Hahaha!" "Hindi, magaling ka naman talaga. Keep it up, ang galing mo." Tumango lang ako sabay ngumiti, umalis si Uno sa harapan ko. Nakita kong naggigitara siya kaya naman nag-practice ako nang nag-practice ng suntok at sipa gamit ang copy na papel na may drawing niya na mga steps. Pagkatapos kong mag-practice ay tumingin ako sa kanya, kumakanta siya habang nakapikit, wow! Ang galing. Bigla niyang iminulat ang mga mata niya sabay tumingin sa akin. Agad akong lumapit sa kanya. "Uno, may kilala ka bang painter? Gusto kasi ni Mama na ipa-paint si Ate." Bigla akong nakaramdam ng galit sa kanya. Naalala ko na naman 'yung sinabi ni Reina at Mama na hindi tumigil si Mama sa kakahanap sa akin. Nagsinungaling siya sa akin pero bakit kapag kaharap ko siya ay hindi ako nagagalit. "Maghanap ka nalang sa mga website or sa ibat-ibang gallery, marami naman dyan. Okay na pala kayo ni Mama mo?" "O-oo, pero may sinabi siya na ikinagalit ko..." Tumingin nang diretso sa akin si Uno, inaantay niya siguro ang sagot ko. Alam na niya siguro na magagalit ako. "Sabihin mo nga sa akin Uno, bukod sa pagsisinungaling sa akin na tapos ka na sa pag-aaral... bakit ka nagsinungaling sa akin about kay Mama?" "Tres! Uno!" sigaw ni Teacher Su na kakarating lang. "Bakit po?" biglang tanong ni Uno. "Kailangan namin ng tulong sa labas! Bumabaha na kasi! Hindi rin makapunta ang magre-rescue dahil basa sa labas! May mga students pa na na-stock sa gym, ano ang gagawin natin?!" "May mahabang lubid po ba rito Teacher Su?" "Oo tara sa stock room!" Agad kaming tumakbo papuntang stock room. Grabe, matibay nga 'yung school pero patuloy naman ang malakas na ulan kaya babaha talaga. Hay naku, sana ay walang mapahamak! Agad na binuksan ni Teacher Su ang stock room. Agad nilang hinanap ang mga lubid. "Teacher Su, ang mga Teachers po ba ay nasa matataas na building?!" sigaw ko. "Oo Tres, ang mga students nalang sa gym ang naiwan!" Tinulungan ko sila para mahanap ang lubid. Sakto dahil may mataba at mahabang lubid kaming nakita. Agad na pinagtulungan namin ang mahaba at matabang lubid kaya naman agad kaming nakarating sa baba. "Paano tayo makakarating sa gym?! Grabe ang baha!" sigaw ni Teacher Su. Napatingin naman ako kay Uno. "Ako nalang ang lalangoy, Uno, hawakan mo ang lubid at itali mo sa poste. Gets?!" "Tres! Sigurado ka?! Baka marumi ang tubig at malamim!" "Kaya ko Uno, basta sa pagtulong sa iba ay kaya ko!" Hindi ko na sila nilingon pa, agad akong tumalon papunta sa gym. Lumangoy ako nang lumangoy, naramdaman kong medyo malalim kaya naman dumiretso nalang ako. Naulan pa rin nang naulan kaya naman basa na talaga ako. Nang malapit na ako ay tinulungan ako ng isang lalaki. "Everyone! Kung ayaw niyong mabasa ay sa lubid kayo tatawid! Kaya niyo ba?!" Tumango naman ang lahat, 'yung lalaking tumulong sa akin ang nagtali sa lubid sa poste. "Kung hindi niyo kaya sa lubid ay lumangoy nalang kayo!" sigaw ko. "Nakakadiri!" "Iw!" "Ayaw ko!" "No way! The hell!" "Wala bang available na rescue boat dyan?!" Ilan lamang 'yan sa reklamo ng iba. "Kung ayaw niyo ay bahala kayo, look! Marami nang nakaalis, tapos kayo ay mag-iinarte lang?! Ang lakas ng hangin at ulan kaya gumalaw na kayo!" sigaw ko. Umirap lang sila sabay nagpatulong na makatawid sa lubid. Nang makita ko na halos lahat ay nakatawid na ay agad na akong tumawid sa lubid. Kaya pala ayaw ng iba dahil masakit sa kamay! Hay naku, basa na talaga ako. Nang makarating ako isang building kung nasaan ang lahat ay may isang babae na sumigaw. "Ang mahal ng tuition namin sa school pero ganito lang ang mangyayari?!" "Hoy!" sigaw ko dahil naiinis ako sa sinabi niya. "Oo, maaaring mahal ang tuition, maaaring matibay ang building at mataas. Pero mapipigilan mo ba ang bagyo?! Kahit gaano katibay ang isang building o kahit gaano kataas ay maaari pa ring pasukan ng baha! Alam mo ang magandang gawin ng mga tao, huh?! Ang magtulungan!" Nanahimik ang babae kaya naman agad akong umalis. Si Teacher Su na ang bahala, basang-basa na ako kaya kailangan ko nang maligo at magpalit. Naramdaman ko naman na nakasunod sa akin si Uno. Bigla humarang si Uno sa harap ko. "Where's your locker? Kukuha ako ng damit mo." "Talaga?" Tumango lang siya, agad kong tinuro kung nasaan ang aking locker kaya naman agad akong pumunta sa cr para maligo. Ay nakita akong damit sa taas ng pinto kaya alam kong dinala na ni Uno. Pagkalabas ko ay nakasandal siya sa pader. "Okay ka lang ba talaga? Uminom ka na nang gamot, tara sa Music room." Tumango lang ako sa kanya sabay naglakad na kami. "Uno, nakita mo ba kanina sila Reina at Kenn?" "Hindi, I think nasa kabilang building sila, huwag kang mag-alala dahil safe sila dun." "I see," Nang makarating kami sa Music room ay mas lalong lumakas ang hangin at ulan. Grabe, ang lamig... nagulat ako nang ibigay sa akin ni Uno ang tuxedo niya. "Huwag na Uno, masyado kang pa-fall." "W-what?" "Hahaha! Wala, nagpapatawa lang ako!" "Ah, haha! Tanggapin mo na, okay lang ako." Hindi ko pa rin tinanggap ang kanyang tuxedo, naka-tuxedo na kasi ako kaya okay lang ako. Ang unfair naman na dalawa ang suot ko tapos siya ay isang long sleeve lang. Binuksan ko ang bintana... grabe, biglang nabasa ang mukha ko kaya naman agad kong sinara. Nakita ko si Uno na kumuha ng tubig sabay lumapit sa akin, binigyan niya ako ng gamot. Grabe, pa-fall talaga, pero sabagay... concern lang kasi siya. Ewan ba, kahit na galit ako sa kanya ay gusto ko pa rin siyang kasama. Kapag nakikita ko siya ay hindi galit ang nararamdaman ko kung hindi ligaya. Bumalik si Uno sa upuan niya sabay hinawakan ang gitara niya. He is so serious yet he is still happiest man in my eyes. I can't imagine my poem without him, he is my theme, my love for him has a lot of stanza. But I'm just the writer of the poem, and not his type. Nang tumingin ulit ako sa bintana ay nabasa na naman ang mukha ko, grabe sobra ang baha sa labas. Pakiramdam ko ay hindi na kami makakauwi pa. "May ginawa ka bang bala ng kanta para kantahin natin? Tara kumanta tayo," aya ni Uno. Ngumiti lang naman ako sabay lumapit sa kanya. "Ikaw ba? Hindi mo pa ba naranasan na gumawa ng kanta?" "Hindi Tres, pero gusto mo bang gawan kita ng spoken poetry? Gusto ko kasing magpasalamat sa'yo about sa ginawa mo sa mga ranks. Hindi ko alam kung paano kita mapapasaya, alam mo naman o napapansin mo na cold ako, hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin ko para makabawi." "Uno... okay na ako, kung 'yan pa rin ang iniisip mo kaya ka bumalik dito o hindi man ay nais kong sabihin sa'yo na okay lang ako." "Gagawan nalang kita ng spoken poetry, umupo ka lang dyan, mag-iisip lang ako." Tumango lang ako sa kanya sabay ngumiti. Nag-hintay ako ng kalahating oras. Nang tumingin ako kay Uno ay nakatingin din siya sa akin. "Handa ka na ba?" tanong niya. Ngumiti lang ako nang malaki, nakakahiya kasi. "Isang babaeng hindi ko kakilala, isang babaeng hindi ko inaasahan, isang babaeng biglang pumasok sa pintuan... Akala ko'y isang guro sapagkat maraming nalalaman, hindi ko inakala na isa ring estudyante... Siya'y babaeng maingay, madaldal, magulo naiinis ako sa kanya pero hindi ko maiwasang sumaya kapag nandyan siya..." "Nagulat ako noon sapagkat ang babaeng pumasok noon sa pintuan ng silid-aralan ay pumasok muli sa aking kwarto, siya'y lasing na lasing... Sa sobrang kalasingan niya ay niyakap niya ako at napagkamalan niya ako na kanyang ina... Hanggang sa dinala ko siya sa probinsya, wala siyang pinagbago, maingay pa rin..." "Tinuruan ko siyang maging malakas, pero siya'y nanatiling mahina kaya ako'y hindi nagtiwala, sinubukan pa namin hanggang siya'y matuto... Hanggang sa isang pagsubok ang humamon, hindi siya natakot o nangamba... Nasasaktan na siya pero nagagawa niya pang tumawa at isipin ang iba Ikinagagalak ko na siya'y nakilala, siya ay ang babae sa aking harapan, siya si Inaya..." Tumango siya pagkatapos tulain ang spoken poetry na ginawa niya. Grabe... hindi ako makapaniwala. Totoo ba? "S-salamat, Uno..." "Nagustuhan mo ba?" "Oo! P'wede bang humingi ako ng copy nyan sa notebook ko? Please?!" "Ikaw na ang magsulat," "Ayaw mo bang ibigay sa akin 'yang copy mo? Hahaha! Para hindi na ako magsulat!" "Ayaw, sa akin 'to kaya naman kopyahin mo tss." "Okay!!" Agad kong sinulat ang poetry na gawa niya habang nakangiti. Naramdaman ko na mas lalong lumakas ang ulan, siguro dahil nainis ang ulan dahil sa sobra ang kilig na nararamdaman ko. "Kapag tumigil ang ulan ay ihahatid kita, Tres." "H-ha? Huwag na! Hahaha!" "Hindi p'wede, baka mapahamak ka pa sa daan." "Baka kasi makita ka ni Daddy..." "Ano naman?" "Ayaw niya kasi sa'yo..." "Talaga? Bakit naman?" "Ewan, galit na galit siya... magkakilala na ba kayo dati?" "Hindi pa Tres, siguro kaya siya galit ay dahil akala niya ay nililigawan kita which is not." "I-I s-see..." "Sige na, humiga ka muna sa upuan sabay matulog. Gigisingin nalang kita kapag okay na." "S-sige," Humiga ako sa upuan. Gusto kong sumbatan si Uno ngayon pero pakiramdam ko ay hindi kakayanin ng puso ko na sigawan siya. Ang hirap kasi, oo galit ang isip ko pero hindi ang puso ko. UNO Isang oras na ang nakalipas, nakahiga pa rin si Tres. Pero nagulat ako nang bigla siyang nanginig. Agad akong lumapit sa kanya, pinainom ko na siya ng gamot pero bakit nilagnat pa rin siya? Nang tumingin ako sa oras sa cellphone ay nine na ng gabi. Pinunasan ko ng basang towel ang ulo niya, ang init niya. Agad akong tumawag sa cafeteria para magpadala ng VIP lugaw pero hindi raw nila madadala. Baka gutom na rin kasi si Tres, kawawa naman. Habang pinupunasan ko siya ay naaawa ako sa kanya. Sobrang inosente niya at mabuti ang kanyang puso. Kailangan niya ng isang mainit na lugaw, gagawa ako nang paraan. TRES "Tres..." Nagulat ako nang may tumawag sa akin. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, pakiramdam ko ay sobrang sama ng pakiramdam ko. Pagkatingin ko sa harapan at sa gilid ay wala naman si Uno... sino ang tumawag sa akin? Hay naku, baka panaginip lang. Nakita ko na may basang towel, siguro ay pinunasan ako ni Uno dahil ang init ko. Nagulat ako nang bumukas ang pinto. Nakita ko si Uno na seryoso habang may dalang mangkok na naka-plastic... teka?! Saan naman siya kumuha? Agad akong tumayo. "Uno... saan nanggaling 'yan? Pumunta ka pa ba sa cafeteria? Malayo pa 'yun dito 'di ba?" "Ano naman kung malayo? Umupo ka na, susubuan kita." Dahan-dahan akong umupo, grabe, nakakatakot si Uno pero alam kong concern siya sa akin. Agad siyang lumapit sa akin sabay sinubuan ako. "Masarap ba?" "Oo..." "Akala ko maalat, wala na kasing gustong magluto ng lugaw sa cafeteria kasi mga pagod at takot na. Nag-volunteer na ako para naman may makain sila at may mabigay ako sa'yo." "T-talaga? Salamat Uno, pero, basa ka..." "Huwag kang mag-alala sa akin, okay lang ako. Ikaw ba?" "Okay lang din ako Uno, salamat talaga!" Dahil sa hiya ko ay inagaw ko na ang lugaw sa kanya, ako na ang nagsubo sa sarili ko. Bigla akong nagulat dahil naghubad siya. "H-hala..." "Pumikit ka, magbibihis ako." Agad akong sumunod, pagkamulat ko ay okay na kaya naman ngumiti lang ako sa kanya. "Kumain ka lang dyan, kapag tumila ang ulan ay ihahatid na kita." "Uno... baka magkasakit ka," "Kaya ko naman ang sarili ko, ikaw kahit na kaya mo ay aalagaan pa rin kita, I'm just here." Hindi ko alam ang gagawin ko. Bigla ko siyang niyakap nang mahigpit. Umalis ako sa pagkakayakap, tumitig ako sa maganda niyang mata, hinawakan ko ang panga niya sabay hinimas. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko, unti-unti kong nilapit ang labi ko sa kanya pero agad niya akong pinunasan ng basang towel. "Mainit ka pa, magpahinga ka na muna." Umiwas ako nang tingin dahil sa hiya. Tatayo na sana ako pero bigla niya akong niyakap nang mahigpit. Dahan-dahan akong tumingin sa kanya... inilapit niya ang mga labi niya sa akin. Nang humawak ako sa leeg niya ay medyo mainit siya kaya lumayo ako, pinunasan ko siya ng mainit na towel. Pagkatapos ay tumingin ako sa bintana. "Uno, wala ng ulan, umuwi na tayo..." "Sige, tara na..." Agad kaming tumayo, nagulat ako nang yakapin niya ulit ako nang mas mahigpit. "T-Tres..." "Yes, Uno?" "I'm sorry..." "For what?" "I just want to say sorry... Niyakap ko siya nang mas mahigpit. Nang makalabas kami ay agad kaming nakarating sa parking lot. Agad kaming sumakay sa kotse niya. Tahimik lamang siyang nagmamaneho. Napangiti ako kasi naalala ko na niyakap niya ako kanina. Para saan? Sigurado ba siya sa akin? Uno... hindi ko na talaga mapigilan ang nararamdaman ko sa'yo. "Uno... itigil mo ang kotse." seryosong ani ko sabay agad namang tinigil ni Uno. Tumingin ako sa paligid, medyo malayo na rin kami sa school. Agad akong lumapit sa kanya, dahan-dahan kong hinawakan ang kamay niya sabay pinisil. Hinawakan ko rin ang panga niya, inilapit ko ang labi ko sa kanya pero... pero may biglang umilaw. "F*ck!" sigaw na mura ni Uno kasi may tatlong sasakyan ang nakaharang sa amin. Mas nagulat ako dahil may mga dalang baril ang mga lalaki. Tinutukan kami ng baril ng mga lalaki kaya naman natakot ako. "Tres, bumaba na tayo, gusto tayong kausapin ng mga 'yan." "Teka Uno! Kilala mo ba sila?!" "Hindi pa..." Hindi na ako nagtanong pa sabay agad kaming lumabas. "'Di ba ikaw ang may-ari ng sasakyan na 'yan? 'Di ba ikaw si Uno? 'Di ba girlfriend mo si Thirstein?! Nasaan na siya?!" makapangyarihang sigaw ng isang lalaki na malaki ang katawan. "Ano bang kailangan niyo sa kanya?!" "Ang sampung sako ng ginto, kami ang Sorro Mafia. Kakilala namin si Thirs noon na nakipagkasundo kami sa kanya na tutulungan niya kami na manakaw sa isang mayamang ampunan ang mga ginto. Pero hindi siya tumupad! Hindi niya sa amin binigay ang mga ginto dahil sinolo niya!" "Hindi ganyan si Thirstein, kaya niya siguro hindi binigay sa inyo dahil alam niyang masama kayo! Oo nakipagtulungan sa inyo si Thirs pero hindi ibig sabihin nun ay nagtiwala siya sa inyo!" sigaw na sagot ni Uno. Nagulat ako nang hampasin ng lalaki si Uno ng baril. "Ano ang karapatan mong sumagot?! Nasaan ang girlfriend mo?! Saan niya itinago ang mga ginto?!" "Hindi ko alam kung nasaan si Thirs at hindi ko alam kung saan niya tinago." "Babarilin ko sa ulo 'tong kasama mo o sasabihin mo?!" seryosong sigaw ng lalaki sabay tinutukan ako ng baril. "Hindi ko alam! Pero sana ay hayaan niyo kami! Hahanapin ko kung saan itinago ni Thirs!" "Sige, totoo ba 'yan?! Ito pa, ang gusto kong mangyari ay si Thirstein din ang magbabalik ng ginto. Kung hindi ay pipindutin ko 'tong hawak kong bomba. Nakatanim pa naman ang bomba sa mga thirty plus na ampunan, kakayanin kaya ng konsensya niyo o ni Thirs?! Hahaha!" banta ng lalaki sabay tumalikod. Umalis na sila kaya naman napatitig ako kay Uno na mukhang malungkot. "Uno... paano na? Gusto niya na si Thirs ang magdala, 'di ba wala na si Thirs?!" "Oo... hindi ko alam, paano na?" "Pero may sinabi ba sa'yo si Thirs about sa mga ginto?" "Hindi ko alam, hindi ko rin masyadong matandaan. Ang alam ko lang ay bago siya mamatay ay sinabi ang salitang dagat." "Saan namang dagat?!" "Sa isang lugar 'yun kung saan kami nagde-date." seryosong sagot niya sabay may tinawagan siya sa cellphone. "Verified nga na mafia sila, sila ang sorro mafia na ang amo nila ay isang american. Isang dayuhan ang may-ari ng sorro kaya naman malakas sila. Ayon din kay Xerz ay delikado ang mga ito kaya kailangan nating mag-ingat. "I see, pero paano... wala na si Thirstein na kaya silang labanan. 'Di ba sabi mo na magaling makipaglaban si Thirs? Kaya niya ang mga 'yun kahit na hindi ibalik ang ginto sa mga masasamang tao na 'yun. Pero patay na siya... hay naku, nakakaawa naman ang mga bata." "Tres, can you be Thirstein?" Nagulat ako sa tanong ni Uno, nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko alam ang aking isasagot. "Uno... I can't be her, malakas siya samantalang ako ay mahina." "Tres, 'di ba sabi mo na kung about sa pagtulong ay kakayanin mo? Why not to try? Nakakaawa ang mga nasa ampunan Tres. P'wede nating ituloy ang training, dahil alam ko na kakalabanin ka nila kapag dinala mo ang ginto dun o hindi mo man dalhin kapag 'di natin nakita. About naman sa mukha, magtakip ka ng bibig, mata lang ang ipakita mo dahil parehas kayo ng mata." "Pero hindi ko kakayanin..." "Tutulungan kita, maniwala ka sa sarili mo... again, can you be Thirstein?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD