Episode 23

4348 Words
TRES Nag-text sa akin si Reina na wala na raw pasok, bakasyon na. Napaisip naman ako about sa sinabi ni Uno na kung p'wede na maging ako si Thirstein. Kakayanin ko naman, gusto ko rin kasing makatulong sa mga bata. Bahay ampunan na ang pinag-uusapan kaya kailangan ko talagang tumulong. Pero... hindi ko alam kung paano ko maco-contact si Uno. "Anak, gusto mo bang sumama sa akin? Bibisita kasi ako sa resort ko." biglang tanong ni Daddy na kakapasok lang sa kwarto ko. "Daddy?! May resort ka?!" "Oo, huwag kang maingay sa Mama mo." "Daddy... bakit? 'Di ba asawa mo si Mama?" "Huwag na natin pag-usapan muna 'yan, ano sasama ka ba?" "Sige po, magbibihis lang ako Daddy..." Tumango lang naman si Dad sabay lumabas. Agad akong nagbihis sabay nag-asikaso na. Pagkalabas ko ay naabutan ko si Daddy sa labas. Nang tumingin ako sa paligid ay wala si Mama kaya naman dumiretso agad ako kay Daddy. "Daddy, tara na po..." "Sige, sakto wala pa si Mama mo." Tumango lang ako sa kanya sabay sumakay na kami sa kotse. ** Halos isang oras na ang biyahe namin, nakatingin lang ako sa bintana. Naaalala ko kasi si Uno at mga sinabi niya. "Nandito na tayo anak," Tumango ako kay Daddy sabay bumaba. Agad kaming sinalubong ng mga staff, nag-bow sila kay Daddy. "She is my daughter, please respect her too." Tumango lang ako sa mga staff at ngumiti sa amin. Naglakad si Daddy papasok sa mismong resort. Nagulat ako dahil grabe, kulay blue ang dagat at ang payapa. "Daddy... gusto ko pong maglakad sa dagat, p'wede po ba?" "Sure, basta mag-iingat ka okay? Kapag gusto mong kumain ay magsabi ka sa mga staff." Tumango ako kay Daddy sabay tumakbo sa dagat. Naramdaman ko sa paa ko ang maliliit na alon, grabe ang sarap sa pakiramdam. Naglakad ako nang naglakad hanggang sa may nakita akong isang naka-jacket na lalaki habang nakaupo sa buhangin. Agad akong lumapit sa kanya. "Kakarating mo lang ba? Ako rin eh, hahaha!" biro ko sabay tinapik siya sa likod. Feeling close ata ako, tss. "Kanina pa ako rito," seryosong sagot niya. Teka... his voice. Agad ko siyang hinarap sa akin, siya ay si... "Uno?!" "Tres?!" gulat din na tanong niya. "Grabe... hindi ko akalain na magkikita ulit tayo. 'Di ba sabi mo last day mo na sa school, sakto dahil bakasyon na. Hindi ko rin alam kung paano kita maco-contact. Nakapag-isip na kasi ako..." "Ano ang naisip mo? Ang maging si Thirs?" "Oo Uno, handa na ako..." "Talaga? Salamat, Tres!" masayang sigaw niya sabay niyakap ako. "Uno... huwag mong sabihin na kaya ka nandito dahil dito kayo nagde-date? Sa dagat na ito?" "Oo dito nga, hinahanap ko na rin kung nasaan ang mga ginto. Dagat kasi ang huling sinabi niya, si Thirs ay mahilig magsabi ng password na salita kaya mahirap hanapin. Paano ko naman mahahanap kung dagat lang ang sinabi niya? Kanina pa ako naghahanap pero wala talaga. May idea ka ba?" "Door, Ant, Guard, Apple, Tomato..." malumanay na ani ko. "Huh? What do you mean, Tres?" "Maaaring ganyan ang password. Dito ba sa resort saan kayo madalas pumunta noon?" "Sa Kwarto at sa isang mataas na bato lang naman kami pumupunta," "Ano pang hinihintay mo? Tara na, hanapin na natin." seryosong ani ko sabay agad akong tumayo. "Tara sa room 444," Tumango lang ako kay Uno, nauna siyang maglakad kaya sumunod lang ako. Maraming tao ngayon sa resort kaya sana ay hindi kami mapansin ni Dad na magkasama. Hindi ko rin sasabihin kay Uno na anak ako ng may-ari ng resort, wala naman siyang pakialam. Agad kaming pumasok sa kwarto... grabe, ang laki! Agad na naghanap si Uno, tumingin siya sa ilalim ng kama pero umiiling siya sign na wala. Umupo lang ako sabay pinagmasdan ang kwarto, sobrang linis ng kwarto at maganda. Nasa iisang kwarto sila sa resort so it means magiging mag-asawa na talaga sila. "Tara na Tres, wala talaga. Doon tayo sa mataas na bato." Tumango lang ako sa kanya. Nauna siyang lumabas, may nakita akong isang picture frame na nakataob. Titingnan ko sana pero bigla akong tinawag ni Uno. Sumakay kami sa elevator para makababa. Nang makababa kami ay dumiretso kami isang maliit na iskinita na maraming puno. "Uno, safe ba rito?" "Oo naman, tara," Tumango lang ako sabay sumunod sa kanya. Ang ganda naman dito, pagkatapos namin dumaan sa isang masikip na maraming puno ay lumuwag na ang daan. May dagat na ulit na may kaonting buhangin. "Uno, hindi ba nasasakop ng dagat ang maliit na daan na buhangin dito?" "Hindi, daan talaga 'to sa mataas na bato." "I see," Patuloy lang kami sa paglakad, nae-enjoy ko ang tanawin. Bukod sa fresh ang hangin ay very challenging pa kasi 'yung daan ay buhangin na parang kakainin na ng dagat. Nakakatakot baka biglang humampas ang malaking alon tapos madala ako. "Uno, wait!" Agad na lumingon sa akin si Uno, tumakbo siya papalapit sa akin sabay binuhat ako. Nakaramdam naman ako ng hiya kaya hindi ko nalang siya tiningnan. Nagulat ako nang makita ko na ang isang malaking bato na parang isang bundok. "Huwag mong sabihin na dyan tayo aakyat, Uno?" "Dyan nga, kumapit ka lang sa akin, okay?" Tumango lang ako sa kanya. Nang makarating kami sa mismong mataas na bato ay grabe ang taas pala mula rito sa baba. "Uno... baka madulas tayo," "'Di ba sabi ko kumapit ka lang sa akin?" "Sige..." Agad siyang umakyat, kumapit siya sa mga bato. Umakyat na rin ako sabay hinawakan ko ang mga bato na hinawakan din niya. "Kumapit ka na sa paa ko, then 'yang isa mong kamay ang ihawak mo sa bato. 'Yang mga paa mo naman ay ipatong mo lang sa bato kung saan ka humawak, baka madulas ka kaya mag-focus ka." pangaral niya habang nasa taas. Agad akong kumapit sa paa niya. Dahan-dahan kaming umakyat hanggang sa makarating kami sa isang mataas na bato. "Salamat huh, hindi mo ako pinabayaan." Tumango lang siya sabay naghanap, grabe, ang laki pala ng bato na 'to. Flat ang bato kapag nasa taas na kaya nakakalakad kami nang maayos. "Tres! Look!" sigaw ni Uno. Agad akong lumapit sa kanya, may nabasa ako na nakaukit sa bato. Ang nakalagay ay 'dagat'. "'Yan na 'yun, Uno!" "Pero Tres, paano naman natin bubungkalin 'yan? Nasa ilalim ng bato. Dapat pala ay nagdala tayo ng martilyo o isang asarol para mabungkal ang bato." "Grabe naman si Thirs magtago ng isang bagay, hahaha! Nag-effort pa siyang sementuhin, huh!" "Kaya nga, pero at least walang nakinabang ng ginto. Kilala ko si Thirs, hindi siya makikipagtulungan sa mga masasama. Alam niya kasi na siya ang pinakamagaling na martial artist kaya hindi niya gagamitin ang kanyang kakayahan sa masama." "I see, nakaka-proud si Thirstein, uhm, Uno paano ka makakakuha ng martilyo at asarol?" "Bababa muna ako Tres, payag ka bang dito ka muna?" "Sige, basta bumalik ka agad, huh!" "Oo naman, bibili pa ako kaya asahan mo na medyo kalahating oras ang itatagal ko." "Sige Uno, maghihintay lang ako... mag-ingat ka!" Tumango lang naman sa akin si Uno sabay ngumiti. Pagkababa niya ay tumingin ako sa langit, naisip ko na okay lang na magkaibigan nalang kami ni Uno. Masaya ako na nakakatulong ako sa kanya. About naman sa pagsisinungaling niya about sa paghahanap sa akin ni Mama ay isasantabi ko muna 'yun dahil nais ko muna na makatulong sa iba, lalo na sa mga bata sa ampunan. Tsaka ko nalang siya kakausapin, sana lang ay habang magkasama kami ay maturuan ko ang puso kong huwag siyang mahalin. Pagkatapos ng isang oras ay bumalik na si Uno. Grabe, ang dami niyang gamit na binili. Tinulungan ko siya sabay inilagay ko ang ibang kagamitan sa mismong inukitan ni Thirstein. "Magsisimula na ako Tres, dito ka sa tabi ko pero huwag sobrang lapit baka kasi matalsikan ka ng bato." Tumango lang ako sa kanya. Agad na niyang binungkal ang bato, nakita kong hirap na hirap siya. "Uno, p'wede ba akong tumulong?" "Sige Tres, ikaw ang bahala." Agad kong binungkal ang bato, grabe ang tigas. ** Halos isang oras na kaming nagbubungkal, napangiti ako nang makita ko ang ilang sako. "Uno! 'Yan na ata!" "Oo nga, sige ituloy pa natin." Agad naming binungakal, pagkatapos ay kinuha ni Uno ang mga sako. Hirap na hirap siyang binuhat ito kaya naman tinulungan ko siya, pero grabe hindi ko rin kaya pero pinagtulungan namin hanggang sa maitaas namin ang sampung sako ng ginto. "Grabe!!! Nakakamatay!" sigaw ko habang nagpupunas ng pawis. "Ang bigat 'no, okay ka lang ba Tres?" "Oo naman Uno, kaya pa! Hahaha! Pero paano natin 'to mabababa?" "Mahirap na ibaba natin 'yan at ilabas, baka kasi may makakita. Ipapahakot ko nalang sa mga helicopter, tumawag na ako sa kakilala ko kaya tara na bumaba na tayo. Papunta na rin sila ngayon." "Talaga? Sige, sana ay bilisan nila dahil baka may pumunta rito." "Ayan na sila!" sigaw ni Uno. Agad na may sampung helicopter ang nasa harapan namin, grabe... ang yaman talaga ni Uno. "Tara na Tres, bumaba na tayo!" Sumunod ako kay Uno, agad kaming bumaba. Nang makababa na kami ay nag-land ang tatlong helicopter, hindi kasi malaki ang space sa sampu. Agad akong hinawakan ni Uno sabay naglakad kami. Nang makarating kami sa bungad ng resort ay humarap sa akin si Uno. "Ano bang ginagawa mo rito? Baka may bonding kayo ng pamilya mo, ako na muna ang bahala. Go, mag-enjoy ka muna." "Ite-text ko nalang si Daddy na aalis na ako, Uno p'wede ba akong sumama sa'yo?" "Sige, tara sa bahay ko." seryosong ani niya sabay naglakad. Agad kaming sumakay sa kotse niya. Nakatingin lang ako sa bintana, sana tama ang mga naging desisyon ko ngayon. Agad kaming nakarating sa isang malaking mansyon... grabe ang laki! "Uno... bahay niyo 'to?" turo ko sa mansyon pagkababa namin. "Yes, welcome to our house, tara pumasok tayo." Tumango lang ako sa kanya, nang pumasok kami ay bumungad ang isang maganda at malaking fountain. Binuksan niya ang isang malaking pinto, bumungad sa akin ang isang bahay na kulay ginto. "Uno?! Gawa ba sa ginto ang mansyon niyo?!" "Oo, my Dad own minahan ng ginto." "Grabe!!! Ganun kayo kayaman?!" "Haha! Obvious ba?" "Hahaha! Grabe, pamanahan mo naman ako!" biro ko. "Alam mo Tres, para sa amin sana ang bahay na 'to. Para sa amin ni Thirs at sa magiging anak namin." "Isipin mo nalang Uno na lilipas din ang panahon, you can find love in another way." Tumango siya sabay naglakad, sumunod lang naman ako sa kanya sabay nakarating kami sa kusina. Nang makarating kami sa kusina ay kumuha siya ng isang alak. "You want to drink alcohol?" "S-sige!" Agad niya akong binigyan sa isang shot glass. Agad akong uminom, grabe ang alat. "Anong klaseng alak 'to Uno? Ang alat, hahaha!" "Masarap kaya..." "Oo masarap pero alat! Hahaha!" "Uhm Tres, mamaya ay nandito na ang mga ginto. Handa ka na bang harapin ang mga sorro mafia?" "Oo naman Uno, handa na ako. Pero p'wede bang turuan mo ako ng mga steps pa? Tapos turuan mo rin ako kung paano hunawak ng baril." "I see, tara sumunod ka sa akin." seryosong ani niya sabay lumakad habang dala ang alak. Sumunod lang ako sa kanya, nagulat ako nang makarating kami sa isang malawak na labas na kung saan maraming mga baril, swords at mga gamit sa martial arts like mga damit, punching bag at mga gloves boxing. "Handa ka na bang gamitin lahat ng 'yan?" "Opo!" "Umupo ka muna sabay tumagay ng alak dyan. Panuorin mo ako." seryosong saad niya. Kumuha siya ng isang sword. Dahan-dahan niya hinawakan ang ibat-ibang sword. "Ang pangalan ng sword na 'to ay Shinai, Bokken, Katana, Wakizashi, at tanto. Ano ang gusto mong gamitin ko?" "Uhm, ang katana?" Tumango lang sa akin si Uno sabay hinugot ang isang katana sa lagayan nito. Inilagay niya sa kaliwa niyang bewang sabay itinali sa bewang niya. Agad siyang na-execute ng mga technique sa katana. Grabe ang galing niya. Ang sunod naman niyang kinuha ay isang baril. Sunod-sunod niyang tinamaan ang mga target, pumalakpak lang ako nang pumalakpak dahil ang galing niya. "Lumapit ka sa akin," utos niya. Nang lumapit ako sa kanya ay hinawakan niya ang kamay ko sabay nilagyan niya ng gloves for boxing. Hinawakan niya ang punching bag sabay sinabi niyang suntukin ko kaya agad ko namang ginawa. Sinuntok ko nang sinuntok hanggang sa napagod ako. "Now can I carry your leg? You must perform kicking." Tumango lang ako sa kanya, hinawakan niya ang legs ko para makapag-split nang dahan-dahan. Medyo naiilang ako kasi naka-short lang ako, napansin ko naman na parang wala lang sa kanya ang paghawak sa legs ko kaya hinayaan ko nalang din. Seryoso kasi siya habang nagtuturo. Ngumiti lang ako sabay nag-focus na. Pinahawak niya ako sa isang wall sabay sinabi niyang sumipa lang ako nang sumipa hanggang sa nasanay na ako. "Ang galing mo na!" masayang sigaw ni Uno sabay lumapit sa akin. "Salamat, hindi naman! Hahaha!" Tumango lang siya sabay pinag-practice ulit ako. Nang matapos ako ay biglang may nag-door bell kaya naman agad na umalis si Uno. Umupo lang ako sabay nagpahinga. "Andyan na ang mga ginto, handa ka na ba?" "Oo Uno, pero p'wede bang bukas na? Saan ba natin matatagpuan ang sorro mafia?" "Sa isang underground, pina-contact ko na sila sa kakilala ko, binigay na nila ang tunay na address. Tayo nalang ang hinihintay nila." "I see, uhm Uno p'wede bang umuwi na muna ako?" "Sige Tres, gusto mo bang ihatid na kita?" "P'wede ba Uno?" "Oo naman, tara." seryoso siyang umalis kaya sumunod ako. Agad kaming sumakay sa kotse niya. Tumingin lang ako sa kanya sabay natulog. "Tres..." malumanay na tawag sa akin. Pagkamulat ko ay si Uno. Nang tumingin ako sa bintana ay nakita ko na nasa bahay na pala kami. "Salamat Uno... uhm, tara pasok tayo sa loob!" Tumango lang siya, hinawakan ko siya sa kamay. Sakto dahil bumukas ang gate, agad na bumungad sa amin si Mama. "Anak! Saan ka nagpunta?" nag-aalalang tanong ni Mama. "Teka... siya ba si Uno?" dagdag niya pa. "Yes po Mama, alam niyo po ba na maraming beses na niya akong tinulungan? Hehe!" "Talaga? Tara pumasok kayo sa loob, ipagluluto ko kayo, hehe!" Tumango kami kay Mama. Si Uno naman ay seryoso lang, medyo awkward naman kung dito ko ipapahiya si Uno na sasabihin ko kay Mama na si Uno ay nagsinungaling sa akin. Gusto kong makilala ni Mama si Uno, kasi kahit may bad side si Uno ay mabuti siyang tao. "Tres... gusto ko nang umuwi," bulong ni Uno sa akin habang papasok kami sa bahay. "Ano ka ba, nakakahiya naman kay Mama!" Bigla siyang tumahimik. Nang makapasok kami sa bahay ay pinaupo muna kami ni Mama sa upuan sa kusina. Exxited siyang nag-apron para magluto. "Dyan muna kayong dalawa, huh! Magluluto ako nang masarap!" excited na sigaw ni Mama. Nang tumingin ako kay Uno ay hindi siya makangiti o kahit makatingin kay Mama. Alam niya siguro 'yung kasalanan niya sa akin tapos nakokonsensya siya. Kung ano man ang dahilan niya ay malalaman ko rin. "Ito na!" masayang sigaw ni Mama sabay inilagay sa lamesa ang masarap na luto niya. "Ang bango po Mama!" "Masarap 'yan! Sige na kumain na kayo ni Uno!" Binigyan ko ng plato si Uno sabay kutsara. Nilagyan ko rin siya sa plato niya, tahimik lang naman siya. Agad akong kumain, si Uno naman ay tahimik lang habang nakain. Pansin ko na nakatingin siya kay Mama. "One, two, three!" masayang sigaw ni Mama habang kinukuhaan kami ng litrato. "Hala! Mama baka pangit ako dyan!" "Hahaha! Ano ka ba Tres, okay lang! Natutuwa kasi ako sa inyo ni Uno dahil magkamukha kayo! Hahaha!" Nang tumingin ako kay Uno ay oo nga, magkamukha talaga kami kaya si Mama ay natutuwa. "Uno, ang saya ni Mama 'no, nakakatuwa kasi kahit wala na si Ate ay sumasaya pa rin siya, hehe!" "I'm happy for her," seryosong sagot niya sabay kumain ulit. Ang sungit talaga pero naramdaman kong nasarapan siya sa luto ni Mama. Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam na rin agad si Uno. Agad ko siyang hinatid sa labas. "Tres, bukas ba ay handa ka na? Pupunta na tayo agad bukas," "Uno, seryoso ka ba na ibibigay mo ang mga ginto sa masasamang 'yun?" "Of course not, ipapa-dublicate ko ang ginto para maging class A. Hindi na nila mahahalata 'yun kasi maibebenta pa nila 'yun." "Maibebenta nga pero sa mababang halaga naman, paano Uno? Paano kung bumalik sila sa atin? Lalo na sa mga ampunan?" "Sa tingin mo ba ay maiisahan nila ako? Ang plano ko ang buyer ay kakilala ko lang din, isa siyang kilalang business man kaya ang sorro mafia ay ibebenta ang ginto sa kanya. Babayaran sila ng kakilala ko ng isang maliit na halaga." "Ha? Papayag ba sila sa isang maliit na halaga?!" "Oo naman, 'yung taong kilala ko ay malaki ang impluwensya, kung hindi nila ibebenta ng mura ang mga ginto ay papatayin sila nun." "Pero Uno, hindi mo maloloko ang dayuhan nilang amo." "Dayuhan din naman ang bibili ng ginto. At alam mo ba? Kung hindi sila papayag sa maliit na halaga ay mawawalan sila ng transaction sa bansa natin." "Bakit naman?" "Kasi Tres, 'yung kilala ko ang nagpupuslit at nagpapalabas ng mga dayuhan. Huwag kang mag-alala, 'yung kakilala kong masama ay ipapahuli ko rin sa police. Pero sa ngayon ay kailangan natin siya." "So you mean Uno, gagamitin mo ang isang masamang tao laban sa isang masama? Tama ba?" "Tama ka Tres, pero natatakot ako para sa'yo..." "Bakit naman?" "Balita ko kasi na ang sorro mafia ay may ten stages bago ka makarating sa underground, pahihirapan ka muna nila sa ten stages kahit na kailangan nila 'yang dala mo. Tsaka sure ako na mapapasabak ka sa laban." "May ideas ka ba sa ten stages, Uno?" "Wala, pero isa lang ang alam ko... delikado." "I see, ano kayang magandang dalhin? Baril o sword?" "Huwag ka nang magdala nun o gumamit nun, ako nalang ang gagamit, ako ang back-up mo." "Talaga Uno? Uhm, sasamahan mo naman talaga ako 'di ba?" "Oo, sa ten stages na 'yun ay hindi ako mawawala. Sa ten stages na 'yun ay hindi ko hahayaan na masaktan ka. Kaya huwag kang mag-alala." seryosong ani niya sabay tumalikod. Napangiti naman ako nang sobra. "Uno! Teka!" sigaw ko sabay habol sa kanya. "Uno, ibabalik mo na ba sa mayamang ampunan ang mga totoong ginto? P'wede ba akong sumama?" "Sure ka? Walang kasama si Mama mo. Kaya ko na 'yun, magpahinga ka nalang." "Hindi Uno, please?!" Tumango lang siya sabay naglakad. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa kotse niya sabay sumakay ako. "Nasaan ba ang mga ginto? Nasa kotse mo na?" "Oo Tres, isang oras ang biyahe kaya matulog ka muna." Tumango lang ako sa kanya sabay pumikit. UNO Agad kong gising si Tres dahil nasa Rich Orphanage na kami, ang laki ng orphanage na ito dahil mayaman ang nagpatayo at kilalang tao sa bansa. Agad namang nagising si Tres, pinagbuksan ko siya ng pinto para makalabas. Naglakad ako nang naglakad, nakasunod lang naman siya sa akin. Pumasok ako sa loob ng orphanage, nagtungo ako sa office. Sakto dahil nandoon ang may-ari. "Uno, you may sit... what's your concern?" "Ikaw nalang ang umupo," bulong ko kay Tres, agad naman siyang sumunod. "My concern is about the gold that has been stolen three years ago. Nasa kotse ko po ang sampung ginto." "Talaga?!" gulat na gulat na tanong ng lalaking matanda na may-ari. Tumango lang ako sa kanya. "Pero paano napunta sa'yo?" dagdag niya pa. "Kilala niyo po si Thirstein right? Isa po sa sa mga nagnakaw... but please sana ay huwag magbago ang tingin niyo sa kanya. Opo nakipagkasundo po siya sa sorro mafia na nakawin ang mga ginto sa hindi ko alam na dahilan, pero hindi niya po binigay sa mga mafias. Sa katunayan nga po niyan ay itinago niya sa isang mataas na bato, kaya namin nabungkal. Nalaman po namin na hindi napunta sa mafias dahil sinugod po nila kami kahapon." "I see, salamat! Pero paano na kayo? Sigurado ako na babalikan niya kayo dahil hindi napunta ang ginto sa kanila..." "Bukas po ay may class A na mga ginto ang dadalhin namin, huwag po kayong mag-alala dahil kami na po ang bahala ng kasama ko ngayon na si Tres." seryosong sagot ko sabay tumingin ako kay Tres. "S-salamat talaga Uno! Salamat din Hija, Tres! Paano ako makakabawi sa inyo?" "Huwag na po kayong bumawi, Sir?" "I'm Lorenzan, huwag mo na akong tawaging Sir o Lolo, hahaha!" Natawa naman si Tres pero biglang nagtakip ng bibig. "Pero gusto kong makabawi sa kabutihan niyong dalawa... huwag kayong mag-aalala dahil ipapagdasal ko kayo. Uhm, gusto niyo bang makita ang mga bata? Nasa garden sila." "Talaga po? P'wede po bang patingin? Hehe!" masayang sagot ni Tres. Ngumiti lang naman sa kanya si Lorenzan sabay naglakad papalayo. Sumunod lang kami sa kanya. Agad kaming nakarating sa garden na kung saan maraming mga bata. Masayang lumapit si Tres sa mga bata, kinausap niya ang mga ito at nagtawanan sila. Nagpaalam na sa akin si Lorenzan na may aasikasuhin pa raw siya. Sinabi ko rin kay Lorenzan na ipakuha nalang niya sa mga tauhan niya ang mga sako ng ginto. Tumingin lang ako kay Tres, iba ang saya niya kapag kasama ang mga bata, napangiti ako dahil nakikipaglaro talaga siya. Dati, dream namin ni Thirs na magkaanak agad kapag kinasal kami... ngayon ay sa iba na ata mangyayari 'yun at hindi sa kanya. TRES "Keit tingnan mo si kuya Uno mo parang kahoy na nakatayo, hahaha!" "Bad ka Ate sa iyong boyfriend! Hehe!" "Ay bata ka! Hindi ko siya boyfriend, hehe!" "Ano mo po siya, Ate?" tanong pa ng isang bata. "Siya ay kaibigan ko, hehe!" "Pero Ate base po sa mata niyo ay gusto mo siya, hehe!" "Hindi kaya, hahaha!" pagsisinungaling ko sa mga bata. Nakipaglaro lang ako sa kanila nang nakipaglaro. Dahil sa pagod na ako ay lumapit ako kay Uno. "Tara Uno, umuwi na tayo! Hehe!" "Tara," seryosong sagot niya sabay tumalikod. Sumunod nalang ako sa kanya. Nang makarating kami sa loob ng kotse ay tumitig siya sa akin. "Gusto mo bang kumain? Or you want to go to mall?" "Sa mall, gusto kong mag-shopping, hehe! Basta ba libre mo ah, hahaha!" Hindi siya sumagot, tumitig lang ako sa kanya habang nakangiti. Maya-maya pa ay nakarating na kami sa isang mall. Pagkapasok namin ay nagtinginan ang lahat lalo na ang mga kababaihan dahil ang kasama ko ay guwapo. Agad akong tumakbo sa isang kids clothing brand, kumuha ako nang kumuha ng mga damit, shorts, pantulog, at mga panggala. "Para kanino ang mga 'yan?" nagtatakang tanong ni Uno. Hindi ako sumagot, ngumiti lang ako sa kanya. Pagkatapos kong bayaran ang mga pinamili ko ay kinausap ko ang isang staff na i-deliver sa isang orphanage, nang tingnan nila kung saan ay agad naman nila nahanap dahil nga sa sikat ito. Pumunta naman ako sa isang make up brands. "Uno, anong lipstick ang bagay sa labi ko? Pula o pink?" Tumitig naman sa akin si Uno na wala man lang emosyon. "Kahit hindi ka na mag-lipstick ay kulay pula na ang labi mo." "Yiee!!!" sigaw ng mga saleslady sa likod kaya naman tumawa lang ako nang tumawa. "Pano ba 'yan mga Ate hindi ko na raw need? Hahaha! Kayo nalang po ang kumuha ng gusto ninyo, sagot ko po." masayang saad ko. Agad namang pumili ang mga saleslady sabay nagpasalamat sa akin. "Uno ano ang skincare mo?" "Why?" "Wala lang, ang puti kasi ng mukha at katawan mo, hehe!" "Sabon lang ang gamit ko, pinanganak lang talaga akong guwapo." "Hahaha! Oh?" "Tss, ano bang bibilhin mo? Pili ka pa nang pili dyan bilhin mo na lahat ng make up sa harapan mo, sagot ko na." "Weh?! Talaga ba?! Hahaha!" Tumango lang naman siya sabay sinabi ko sa mga saleslady na bigyan ako ng mga mask na pang skin care at para sa eyebags the rest ay sa kanila nalang 'yung mga make up dahil hindi talaga ako mahilig. Liptint nalang ang bibilhin ko sa susunod. Nang mabayaran na ni Uno lahat ay agad kaming naglakad papunta sa isang restaurant. "Ano ang gusto mong kainin?" "Uhm, kung ano ang gusto mo Uno." Agad na nag-order si Uno, pagkatapos ay sabay kaming umupo. Bigla namang may umagaw ng attention ko, isang batang punit ang damit kasama ang kanyang Nanay. Dahil sa awa ko ay agad akong lumabas sabay nilapitan ko sila. "Mabuti nalang dahil pinapasok kayo sa mall, ano pong ginagawa niyo rito?" "Mam, birthday po kasi ng anak ko, gusto niya pong i-celebrate sa restaurant, kaso wala naman po akong pera Mam..." "I see, uhm, ano ang pangalan mo?" "Ako po si Dos," sagot ng batang lalaki. "D-Dos ang pangalan mo?" "Yes po Ate, bakit po?" "Wala naman, uhm tara po sa loob Ate..." "Mam! Wala po kaming pambayad ng anak ko, Mam!" "Ako na po ang bahala..." Masayang tumalon si Dos sabay pumalakpak. Papasok na sana kami pero bigla kaming hinarang ng guard. "Mam, pasensya na po, hindi po p'wede na papasukin ang mga katulad nila..." "Really? Ako naman ang bahala sa kanila so can you consider that?" "Pero Mam," "This is part of discrimination act because you and your boss discriminate the child. Did your boss study about law?" Nagulat ako dahil si Uno ang nagsalita. Napanganga ako dahil ang dami niyang alam. "Ano Kuya aangal ka pa? Hahaha!" pang-aasar ko sa guard sabay pumasok na kami ni Dos at Mama niya. Masayang tinuro ni Dos ang isang cake at mga pagkain. Bumulong ako kay Uno na sagot niya na lahat, tumango lang naman siya. Habang kumakain kami ni Uno sa kabilang lamesa ay masaya naming pinanuod ang mag-ina habang sila ay kumakain. Kahit hindi siya kapangalan ni Ate Dos ay tutulungan ko pa rin siya. Siguro ay pinadala siya ni Ate as an angel kasi pagod ako ngayon. Ate salamat, masaya na ako ngayon at pakiramdam ko ay hindi ko na naramdaman ang pagod. Bukod kasi sa nakatulong ako ay halos nakasama ko maghapon ang lalaking mahal ko... na hindi ako gusto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD