Home

4608 Words
TRES Agad na may sumalubong sa amin ni Truz na mga men in black na may kotse, tumango sila kay Truz. Agad kaming sumakay sa kotse ni Truz, tahimik lamang ako. "Welcome to city, Tres..." bulong ni Truz. Ngumiti lang ako sa kanya. "I want to go to cemetery Truz," "I see, ihahatid na kita," "Talaga? Pero 'di ba may business ka pa? Maglalakad nalang ako..." "Uhm, ganito nalang, magpapadala ako ng sasakyan para sa'yo. Kailangan ko kasing um-attend sa meeting, are you sure okay ka lang?" "Oo naman Truz, salamat sa lahat..." "You're welcome, ipagpatuloy mo ang buhay mo rito, huh?" Tumango lang ako sa kanya sabay niyakap ko siya. Hindi ko alam pero biglang tumulo ang luha ko. Hindi naman ako mahina, ewan ba... pakiramdam ko ay ang sakit ng nararamdaman ko. Hinarap ako ni Truz sa kanya. "Don't cry little Tres, I'll be your kuya in this world full of babe, baby and honey." Dahil sa sinabi niya ay yumakap ulit ako nang mahigpit sa kanya sabay umiyak nang umiyak. He just tapped my back to let me feel that he's there for me. Pinanuod kong umalis ang sasakyan ni Truz. Agad akong naglakad, hinanap ko ang puntod ni Ate pero nabigo ako... bakit wala? Pumunta nalang ako sa puntod ni Lolo. Nang makarating ako ay agad akong umupo. "In my past based on my dream I'm always into pain, now in my present I'm still in pain. Why, Lolo?" "I love you, Lolo!" Biglang lumakas ang hangin. Hindi ko alam, pero gusto kong matulog habang nakaupo. Gusto kong makasama si Lolo sa puntod niya, feel ko kasi ay walang sakit na nararamdaman kapag nandito ako. THIRD PERSON May sumundong kotse kay Tres mula sa sementeryo. Bumaba siya sa isang coffee shop. "T-Tres?! Ikaw ba y-yan?!" hindi makapaniwalang tanong ng kanyang matalik na kaibigan na si Reina. Nagulat ang dalagang si Tres kaya naman agad niyang niyakap ang kanyang kaibigan. "Na-miss kita! Kumusta ka?!" "Okay lang ako, Tres! Ikaw ba? Tara, pumasok muna tayo sa coffee shop may order na ako eh." Agad na pumasok ang magkaibigan. "Ano ba talagang nangyari sa'yo Tres? Sabi naman ng mga teachers natin ay nag-modular ka nalang daw. Bakit?" "Mahabang kwento Reina, hindi ko rin nasabi sa'yo na pinalayas ako ni Mama." "Really?! Bakit hindi ka nagsabi sa akin?!" "Reina, alam kong may problema ka rin kaya hindi na kita pinuntahan pa. Naging okay naman ako..." "Alam mo ba? Balita sa school na magkasama raw kayo ni Uno kasi parehas kayong wala. May issue pa nga na nabuntis ka raw ni Uno kaya nawala kayong dalawa." Tumawa lang naman ang dalagang si Tres, "Hahaha! Hindi nga ako gusto nun tapos mabubuntis? Wow ah!" "Pero totoo ba na magkasama kayo?" Tumango si Tres kay Reina. Hindi na nagtanong pa si Reina dahil nababasa niya sa mata ni Tres ang lungkot. "Totoo ba talagang pinalayas ka ni Tita? Kasi nung nakaraan ay pinapahanap ka niya. Halos mabaliw na nga si Tita sa paghahanap sa'yo... hindi mo alam?" "A-ano?! Totoo ba 'yan Reina?!" "Mukha ba akong nagbibiro Treseya Cream?! Naisip ko nga na ang sama mo dahil hindi mo na-appreciate ang paghahanap ni Tita." "T-teka... wala akong alam! Totoo ba talaga?!" "Yes, ilang araw rin ako sa bahay niyo to make sure na may makakausap siya. 'Di ba wala na rin si Ate mo." "Salamat huh, uhm, saan ba nakalibing si Ate?" "Cremated siya Tres, nasa bahay niyo siya. Kung ako sa'yo ay umuwi ka na muna... your Mama Zeroie is waiting for you." Agad na nagyakapan ang magkaibigan. Sumakay agad sa taxi si Tres para makauwi. Nang makauwi siya ay dahan-dahan siyang sumilip sa kanilang gate. TRES Nakatingin lamang ako sa gate namin... bubuksan ko na sana pero biglang lumabas si Mama kaya nakita niya ako. Agad siyang tumakbo papalapit sa akin sabay binuksan ang gate. "Anak?!" "M-Mama..." Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin, niyakap ko rin siya pabalik sabay umiyak ako nang umiyak. "M-Mama... sorry po!" Hinarap niya ako sa kanya. "It's okay... ano bang nangyari sa'yo?! Patawarin mo ako anak!" "Okay lang po ako... akala ko po kasi ay ayaw mo na akong bumalik kaya mas natagalan ako, Mama!" "Hindi totoo 'yan anak! Hinanap kita! Sorry..." "Okay lang po... Mama, miss na miss na talaga kita!!!" Agad kaming nagyakapan ni Mama, sobrang sarap nang yakap niya na para bang limang taon kong hindi naramdaman. Agad kaming pumasok sa bahay... nagulat ako nang makita ko si Dad na nakaupo. "D-Dad?" hindi makapaniwalang tanong ko. Seryoso lamang siya sabay biglang lumapit sa akin. Pumikit ako dahil alam kong sasampalin niya ako dahil sa ginawa ko kay Ate at sa paglalayas ko. Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Daddy... totoo ba talaga?! Niyakap ko rin siya nang mas mahigpit. "Daddy! Sorry po, huh!" "It's okay my Tres, saan ka ba nagpunta? Matagal ka na naming hinahanap. Ano bang nangyari sa'yo?" nag-aalalang tanong niya. Yumuko lang ako dahil sa kahihiyan. "Sa kaibigan ko po... Daddy, hindi ba kayo galit sa akin dahil sa nangyari kay Ate?" Biglang tumingin si Daddy kay Mama Zeroie. "Pinapatawad na kita," "Daddy... hindi ko naman po sinasadya!" "Alam ko, okay?" nag-aalalang ani niya sabay niyakap ako. Isang yakap na matagal ko nang hinihintay. "Mama? Nasaan po si Ate?" "Nasa kwarto niya anak... sige na, puntahan mo siya." Tumango ako kay Mommy sabay umakyat sa taas. Habang naakyat ako ay pakiramdam ko ay sobrang lakas ng hangin, nang makapasok ako sa kwarto niya ay nandun 'yung jar kung saan siya cremated. Agad kong hinawakan ang jar. "Ate, galit ka ba? Ate sorry..." Biglang lumakas ang hangin dahil bukas ang mga bintana. Ate, ikaw ba yan? Sorry talaga, Ate. Bigla kong naisip si Uno. So... mali ang mga sinasabi niya?! Ano 'yung sulat na dala ni Manong Henry?! Hindi 'yun totoo?! So it means na sinungaling si Uno?! Hindi ko alam, pero galit na ang nararamdaman ko sa aking puso. Naiinis ako kay Uno... ano namang dahilan niya para magsinungaling sa akin? At ano ang dahilan niya kaya niya ako dinala sa probinsya? Gusto niya ba talaga na ilayo ako para sa kabutihan ko? O para sa gusto niya? Niyakap ko ang jar ni Ate. "Ate, tama bang mahalin ko si Uno? Ate naging mabait naman siya sa akin sa probinsya. Pero hindi ko akalain na sinungaling pala siya. Ate... sabihin mo sa akin, bakit ba palagi akong sinasaktan ng mga taong mahal ko? Ate!" Pagkababa ko ay nakita ko si Mama. "Mama, don't worry about me... nag-aaral pa rin naman ako kahit malayo ako." "Mabuti naman anak, ipagpatuloy mo, huh!" Tumango lang ako kay Mommy. Pagkatingin ko kay Daddy ay nakatingin siya sa akin na para bang tinititigan niya ang mukha ko. "Anak, bakit parang may pasa ka sa mukha?" nagtatakang tanong ni Daddy. Bigla ko namang hinawakan ang mukha ko para takpan. Biglang lumapit sa akin si Daddy sabay chineck ang mukha ko. "Iniingatan ko ang mukha mo simula pa noon, bakit mo hinayaang magkapasa ka? Mabuti nalang at hindi nasira." "Okay lang po ako Daddy... salamat po. Uhm, Daddy... kumusta ka po bilang Doctor sa ibang bansa?" "Okay naman ako anak, marami akong natutulungan doon. Sigurado ka ba na hindi ka nasaktan sa pinuntahan mo? Wala bang umapi sa'yo? Ano 'yung nabalitaan ko na kasama mo raw si Uno? Paano ka nakakasiguro na mabuti siyang tao? Huwag mong sabihin sa akin na you already love him?" "D-Daddy... masama po bang mahalin ko siya?" "Oo!!!" malakas na sigaw ni Dad kaya naman nanginig ako sa takot. Nang tumingin ako kay Mama ay nakayuko lang siya. "D-Daddy... bakit po? Kilala niyo po ba siya?!" "Based kasi sa background niya ay hindi siya mabuting tao!" Grabe, bakit ganito si Dad? Ngayon ko lang siya nakitang ganyan kagalit. "Hindi po siya masama, sa ilang buwan ko po siyang nakasama ay mabuti po siya! Sa katunayan nga nyan Dad ay tinuruan niya ako na matuto ng martial arts." "At nagpaturo ka naman?!" "Zuryon... honey, tama na..." awat ni Mama. Agad kong niyakap si Mama dahil natatakot ako kay Daddy. Bakit ba ganun siya? Nang tumingin ako sa kanya ay bigla siyang umalis. "Mama... bakit ba ganun si Daddy?" "Anak hayaan mo na, you're still young pa kasi. He just protecting you, okay?" "I see..." tumango lang ako sabay niyakap nang mahigpit si Mama. I hate this feeling. Kahit galit ako kay Uno dahil sa pagsisinungaling niya ay gusto ko pa rin siya. Bigla namang nag-text sa akin si Reina na pumasok raw kami sa school bukas kaya naman nag-reply ako sa kanya na oo. ** Kinabukasan, nag-taxi ako papunta sa school dahil nasa school pa ang kotse ko. Nang makarating ako sa parking lot ay nakita ko ang kotse ko kaya napangiti ako. Nasa harapan daw ng gate si Reina kaya naman agad akong pumunta. Medyo naiilang ako dahil may mga students na nakatingin sa akin na para bang may ginawa akong mali. Nang makarating ako sa gate ay parang nakikipagtalo sa Reina sa tatlong babae. "Talaga ba?! Wala akong pakialam!" sigaw ni Reina. "Anong problema?" tanong ko kay Reina. "Woah! Nandito na pala ang malanding si Tres na tinakbo si Uno!" "Hahaha!" tawa nang dalawa niyang kasamang babae. "Hindi ako malandi, hindi ko kasalanan na gusto mo siya at hindi ka niya gusto." Nagulat ako nang sinampal ako nung babae. Bigla naman siyang inawat ni Reina kaya si Reina ay nasampal din sabay hinawakan siya ng dalawang babae. "Bakit mo ako sinampal?" malumanay na tanong ko. "Bakit hindi?! Uno is mine!" "Really? Paano kung ako ang mahal niya? May magagawa ka ba?" Sinampal niya ulit ako. Ngumisi lang naman ako sabay tumawa. Sinampal niya ulit ako pero tumawa lang ako. "Creepy! Are you crazy?" "No, kampante lang ako kasi ako ang gusto niya. Samantalang ikaw ay galit na galit, hahaha!" Biglang may sumabunot sa akin sa likod kaya naman umikit ako sabay sinipa ko siya sa tyan. Sumugod din sa akin 'yung isa sabay sinipa ko siya sa ulo. Humarap ako sa babaeng sumampal sa akin. "Ikaw ba? Gusto mo ring masipa?" "Hindi pa tayo tapos!" sigaw niya sabay tumakbo. "Ang galing mong sumipa! Sapol na sapol, I'm sure na nahilo 'yun, hahaha!" biro ni Reina. "Hindi ka ba sinasaktan ng mga 'yun nung wala ako?" "Hindi naman, tinatarayan lang nila ako dahil hinahanap ka nila." "I see, I'm sorry." "Okay lang, uhm Tres! Hindi ko nasabi sa'yo na walang gagawin sa school dahil may event. Uhm, bonding nalang tayo! Saan mo ba gustong pumunta?" "Ano ba 'yan, sana sinabi mo, natulog nalang sana ako!" "Ayaw mo ba akong kasama?!" "Hindi naman..." "Talaga ba? Uhm, kumusta pala kayo ni Uno? Yiee! Hahaha!" "Wala 'no, 'di naman sweet." "Ay 'di sweet? Sayang naman! Mukhang in love ka pa naman kay Uno, wahaha!" "Tss, papansin!" "Hahaha! Tara Tres! Mag-inom tayo ano? P'wede raw sa bahay nila Kenn!" "Talaga?! Tara!" Agad kaming sumakay sa kotse ni Reina. Nang makarating kami sa isang malaking bahay ay namangha ako. "Bahay ba 'to nila Kenn?" "Oo sis! Yayamanin! Hahaha!" "Ikaw rin Reina 'no! Hahaha!" Agad na pumasok si Reina kaya naman sumunod ako. Nang makarating kami sa sala ay nakita ko siyang naghahanda sa kusina. "Kenn! Nandito na ang kaibigan natin!" Nang lumingon si Kenn ay gulat na gulat siya sabay agad akong niyakap. "Saang lugar ka ba pumunta? Hindi mo sinabi sa akin na isa ka palang dora! Hahaha!" Hinampas ko siya sa balikat, sabay nagtawanan kaming tatlo. Agad niya kaming pinaupo para kumain. Grabe, ang sasarap ng mga pagkain. Pagkatapos ay niyaya niya kami sa sala para uminom ng wine. "Alam mo ba Tres, nung nawala ka ay nawala na rin ang maingay sa room! Hahaha!" biro ni Reina. "Hindi naman ako maingay, ah?" "Hindi nga, pero nawalan kami ni Reina nang ganang mag-ingay nung nawala ka kaya walang maingay." malungkot na ani ni Kenn. "Nandito na ako, hahaah!" "Hindi ka na ba aalis?" tanong ni Kenn. "Hindi na," "Sure? Si Uno mo nasaan?" kantiyaw ni Reina. "Bahala ka dyan! Hahaha!" "Alam mo Kenn, halatang kinikilig si Tres, hahaha!" "Hahaha! Sino ba namang hindi kikiligin kay Uno? Ako ngang lalaki ay kinikilig, hahaha!" Nagtawanan kaming lahat sabay nagkwentuhan. Kinuwento nila ang mga nangyari sa room at sa school. Ang saya ko kasi nakilala ko sila, sana ay magpatuloy na ang kasiyahan ko. Hinatid ako ni Reina sa bahay. Pagkapasok ko ay parang may kausap si Dad kaya tiningnan ko siya, nakakunot ang noo niya habang nakikipag-usap sa cellphone. "Hindi ko alam kung nasaan ang anak mo! Kaya manahimik ka!" sigaw niya sabay pinatay ang cellphone. Nang makita niya ako ay nanlaki ang mga mata niya. "Anak, wala ka bang ibang pupuntahan? Dito lang sa bahay?" "Wala na po, pumunta po ako kanina sa mga kaibigan ko akala ko po kasi ay may pasok." "Sure ka na wala ng iba?" paninigurado niya. Sa pananalita ni Dad ay parang may gusto siyang puntahan ko. Umiling lang ako sa tanong niya. "Dad... p'wede pong magtanong?" "Go ahead, Tres." "Daddy... anak niyo po ba talaga ako ni Mama Zeroie?" Nagulat siya sa tanong ko, "Ano bang sinasabi mo anak?!" "Wala po, sorry!" Agad akong tumakbo sa taas sabay nag-lock ng pinto. Sumilip ako sa bintana, nakita ko na naman ang mga bituin. Kinuha ko ang papel ko at ballpen. 'Ang lahat ng sakit ay mapapawi rin, isang tingin lamang sa bituin ay magkakaroon na nang liwanag. Tumingin pa sa langit upang mas magkakaroon ng pag-asa,' 'Tila ba'y ang pag-ibig ay isang araw at gabi, sapagkat araw-araw na nangyayari. Pero sa akin na hindi pinili ay parang gabi lang, sapagkat sa isang hating gabi ay oras ng puso para matulog at para magpahinga kaya sa akin ay hindi umaamin o walang aaminin dahil hindi mahal.' 'Habang natututo ako sa pagsuntok ay natututo rin ang puso kong mahalin ka.' 'Sana ay sinapak mo nalang ako kesya sa patuloy akong alagaan. Ayaw kong umasa, ngunit ang puso ko'y gusto ka.' 'Sabi ko ay isapuso mo ang pagkanta. Pero mas nauna ang puso kong kantahin ang aking pag-ibig para sa'yo.' Ilan lamang 'yan sa mga tulang isinulat ko habang nakatingin sa bintana. Nakangiti ako habang nagsusulat ng tula pero hindi ibig sabihin ay masaya ang aking ginawang tula. THIRD PERSON "Good morning, boss!" "Happy sunshine, po!" "Magandang araw, po!" Ilan lamang 'yan sa bati ng mga empleyado sa kanilang amo na kababalik lang. Agad na binisita ng amo ang kanyang pitong art gallery sabay tiningnan ang bawat isang painting na pininta niya. Ito ay ang isang magandang babae na hindi niya makalimutang ipinta at hindi niya nakakalimutan. "Nasaan si Kristina?" tanong ng boss sa isang empleyado. "Nasa office niya po," sagot ng empleyado. Agad na nagtungo ang boss sa kanyang secretary na si Kristina na ngayon ay nag-o-operate ng kanyang seven art gallery business. Nang pumasok siya ay parang nang-aakit si Kristina dahil nakataas ang dress nito. Sino ba namang hindi aakitin ang isang boss na gwapo pero iisang babae lang ang mahal at bawat art gallery ay may painting ang pinakamamahal niyang babae. "Hi boss!" mapang-akit na boses ni Kristina. "Kristina, kumusta ang aking business?" "0kay naman, Sir!" lumapit si Kristina sa boss sabay inilagay ang kanyang dalawang kamay sa shoulder ng boss. "Ikaw po ba? Kumusta?" Inalis ng boss ang pagkakayakap ni Kristina. "I will operate my business again," "Talaga? So araw-araw na tayong magkasama?" Hindi na napigilan ni Kristina ang kanyang sarili. Bigla niyang hinalikan sa leeg ang kanyang gwapong boss. "Stop Kristina, look at your back." Agad na tumingin sa likod si Kristina. "Tingnan mo ang painting na 'yan, titigan mo. Siya lang ang pinakamamahal kong babae, wala ng iba pa." Napahiya si Kristina. Biglang umalis ang boss sabay pumasok sa kanyang office. Matagal ng ninanais ni Secretary Kristina na sirain ang painting ng babae, lahat kasi sa art gallery ay hindi nawawala ang mukha ng babaeng mahal ng kanyang amo. Ang boss ay pumasok sa kanyang opisina. Matagal na niyang pangarap na maging isang painter at magkaroon ng isang gallery. Nang makapagtapos siya sa pag-aaral ay hindi niya ginamit ang pera ng mga magulang niya, nagtrabaho siya bilang isang waiter sa ibang bansa upang makaipon. Nang makaipon siya ay nagpatayo siya ng isang maliit na art gallery. Hanggang sa lumago, pero nang dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari ay hindi na niya naasikaso ang kanyang business. Mayaman sila, mayaman na mayaman. Nang tumingin siya sa opisina niya ay nakita niya ang isang painting, isang painting ng kanyang ina na hindi niya nakakalimutan. Agad siyang kumuha ng mga art materials at nag-paint. He paint again ang pinakamamahal niyang babae. Nag-drawing din siya ng isang bata dahil gusto na niyang magkaroon ng isang anak. TRES Kinaumagahan ay sabay-sabay kumain nina Mama at Daddy. Seryoso lang kaming kumakain, masyadong tahimik. Kapag kasi kumakain kami ay maingay dahil kay Ate Dos. "Tres, can you find an artist, please?" "Mama, para saan po?" "I want to have painting para sa Ate Dos mo, 'di ba masaya 'yun? Ang ganda kasi kapag art materials ang ginamit keysa picture. P'wede ka bang maghanap? Uhm, baka may gagawin ka kaya bukas nalang." "Wala po, Mommy! Sige po, hehe!" "I already sent to your email kung ano ang ipapa-paint mo, hehe! Salamat anak!" "Pero Mama wala po akong cellphone..." "Here," biglang sabi ni Daddy sabay may binigay sa akin na isang magandang cellphone. Ang brand ay kilala rito sa pilipinas at sa ibang bansa. "Akin po ito? Hala! Salamat po!" "You're welcome anak, I love you..." Agad kong niyakap si Daddy, pati na rin si Mama. I love this feeling, hehe! Agad akong lumabas, saan naman ako makakananap ng isang pintor? Naglakad ako nang naglakad, ang daming magagandang building pero wala akong nadadaanan na mga art gallery. Nang binuksan ko ang phone ko ay mayroong sinend na pera sa akin si Daddy. Nakakapagtaka... ang bait pa rin sa akin ni Daddy kahit na ako ang dahilan kung bakit namatay si Ate. Tumingin ako sa isang mataas na building. Grabe, ang taas! Agad akong lumapit sa guard para magtanong. "Kuya, anong klaseng building po ito?" "Art gallery po ito Mam, sa ngayon ay hanggang first floor lang po muna kayo para makita niyo ang mga paintings. If ever po na may magustuhan kayo ay p'wede niyo pong kunin agad 'yung painting po, magbayad nalang kayo sa cashier." "Uhm, I see, how about personalized painting po? Is there's have available artist here?" "Sa ngayon po ay wala dahil nasa ibat-ibang meeting po sila. Sa ngayon po ay free kayo para sumilip sa gallery, and kung gusto niyong bumili ay you can get discount po." "Salamat po!" masayang sagot ko. Tumango lang sa akin 'yung guard. Agad akong pumasok... grabe, sobrang laki. Sino kaya ang may-ari nito? Sigurado akong big time siya at very talented. I'm sure na siya ang may-ari and also he is a painter. May isang painting ang pumukaw sa atensyon ko. Isang painting ng isang babae pero walang parts ng mata, ilong, kilay at bibig. Blangko lamang ang painting ng babae. Grabe... ang ganda! Ang aesthetic kasi ng theme niya tsaka ang payapa ng itsura ng painting. Agad akong pumunta sa cashier. "Miss, available pa po ba 'yun?" turo ko sa painting na nagustuhan ko. "Sorry Mam, unfortunately, that painting is exclusive only for this gallery. There's have a lot of paintings pa naman po." "Ay ganun? Kahit bilhin ko ng isang milyon?" "Yes po, kasi po ang gumawa niyan ay ang may-ari ng gallery. Sa katunayan niyan Mam ay may itsura na ang painting na 'yan na may copy sa second floor pero hindi pa po p'wedeng puntahan. Marami pong nagkakagusto dyan pero bawal po." "I see," Tumango ako sabay tumalikod na. Hay naku, ano bang klaseng art gallery 'to ang daming bawal. Nagulat ako nang biglang dumami ang tao sa gallery sabay nagtitilian. Nakita kong may isang lalaking naka-tuxedo na nakatalikod sa akin. Artista ba siya? Tss, wala akong pakialam. Nang lumabas ako ay biglang lumapit sa akin 'yung guard. "Mam! Si Sir po nasa loob na, p'wede na po kayong magpa-personalized ng painting." "Huwag na po kuya, salamat nalang po!" Agad akong umuwi. Nang makauwi ako ay agad akong sinalubong ni Mama. "Anak, may nabili ka ba?" "Sorry Mama, pero wala po..." "Sige anak, ako nalang siguro kapag nakalabas ako. Uhm, anak mahal na mahal kita!" Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Mama. Bakit? Dati kasi kahit hindi pa patay si Ate ay cold siya sa akin. Ano kayang nangyari? Nagsisisi na ba siya dahil sa nangyari? Niyakap ko lang nang mahigpit si Mama. Bigla niya akong hinalikan sa pisnge. "Tres, can I talk to you?" biglang tanong ni Dad. Tumango lang si Mama sabay umalis. "Anak, palagi mong tatandaan na huwag mong hahayaan na masaktan ka ng mga tao. Hindi kita pinalaki upang apihin lang. Tara, sumama ka sa Hospital." Tumango lang naman ako kay Daddy. Agad kaming sumakay sa kotse sabay agad na nakarating sa isang Hospital. "Nakikita mo 'yan?" tanong ni Daddy habang pinagmamasdan namin ang isang building na hospital. "Yes Daddy... dyan po ba kayo nagtatrabaho?" "Hindi lang ako basta nagtatrabaho dyan, sa akin 'yan. At sa'yo balang araw." "H-hala?! Talaga po?!" "Yes anak, huwag kang maingay sa Mama mo. Ikaw lang ang nakakaalam nito. Ang alam kasi ng Mama mo ay OFW ako sa ibang bansa, na sa ibang bansa ako nagtatrabaho. Yes doon nga, pero hindi niya alam na may-ari rin ako ng hospital." "Daddy... bakit po ayaw niyong sabihin?" "Mahabang kwento anak, I can't explain to you dahil baka hindi mo maintindihan. Pero isa lang ang alam ko, sa'yo ang hospital na ito balang araw. Can you please pursue ang pagiging doctor?" "Daddy... alam mo naman na ayaw kong maging doctor 'di ba?" "I see, pero sana ay magbago pa ang isip mo. You need to take care this hospital, kung hindi ay marami ang aagaw. Tara pumasok tayo." Tumango ako kay Daddy sabay agad kaming pumasok. Lahat ng staff doon ay nagba-bow sa kanya. So it means, sobrang yaman ng Daddy ko... pero hindi namin alam. "Hi everyone! Eyes here!" sigaw ni Daddy. Lahat ng doctor at nurse at iba pang tauhan sa hospital ay tumingin sa amin at lumapit. "I want you to know that she is my one and only daughter, ang kaisa-isa kong anak na magmamana ng aking hospital!" Nagulat ako sa anunsyo ni Daddy. Lahat ng tao ay nagpalakpakan pero may isang girl doctor na nakasimagot. "Daddy... who is she? Bakit parang hindi siya masaya para sa akin?" bulong ko kay Dad. "She is Eunaz, siya ang director. Gusto niya kasi na siya na ang magmana ng hospital since she is my pamangkin. Please anak, pursue being a doctor. Kaya kong i-advance ang study mo just to sent you in medical school." "Daddy, bakit kasi hindi mo nalang ibigay sa kanya?" "Anak, ano ba kasing pangarap mo?" Tumingin ako sa maraming tao sabay ngumiti, kumakaway naman si Dad habang nagbubulungan kami. "Daddy... gusto kong maging isang instructor sa martial arts." Naramdaman kong namula si Dad na hindi niya nagustuhan 'yung sinabi ko. Hindi na siya sumagot, ngumiti lang siya sa maraming tao. Bigla naman niya akong iniwan dahil may meeting daw siya sa office kaya naman nagpaiwan nalang ako. "Do you think na maaagaw mo sa akin ang hospital?" biglang sabi ni Eunaz. Grabe, feeling close ka girl? "Alam mo wala akong pangarap na maging doctor, gusto kong maging instructor sa martial arts." "T-talaga? T-totoo b-ba?" Tumango ako, "Oo nga, kaya wala kang problema sa akin. Uhm, ikaw si Eunaz right? Ano bang trabaho ng Dad ko rito?" "Hindi mo alam? Ang Dad mo ay isang sikat na surgeon sa ibang bansa! But dito ay isa lang siyang medical doctor." "I see, haha! Ganun pala? Wala kasi akong alam, hahaha!" "I see, uhm Tres, sigurado ka bang ikaw si Tres?" nagtatakang tanong niya. "Bakit naman po Miss Eunaz?" "I saw you before eh, I think you're just fifteen years old? I'm not sure huh, para kasing may kakaiba sa mukha mo. I think puberty hits you hard, hehe!" "Ah! Hahaha! Wala na po kasi akong maalala sa past ko..." "Ganun ba? Sana ay may maalala ka na. Uhm, Tres, pursue what you like. Huwag mong hayaan na itulak ka ng ibang tao sa pangarap na hindi mo gusto, parang ako." "Salamat... really? Kaya ka doctor ngayon dahil sa pinilit ka lang din?" "Yes, at gusto ng Dad ko na mapunta sa akin ang hospital. Pero hindi naman ako anak." "Don't worry, hindi ko aagawin sa'yo to, sa isang kondisyon." "A-ano?" "Gusto ko kapag may pasyente na walang pera na biglang pumunta rito ay huwag niyo nang singilin, kapag naman kulang ang pang opera ng isang pasyente ay huwag niyo nang singilin. Gusto ko rin na kung may kakilala lang dental doctor ay sabihin mo na i-free ang bunot, restoration, at pustiso for five years. At lastly, gusto ko na tulungan mo na maibalik ang ngiti ng mga bingot na bata. Are we clear?" "Tres... parang ang hirap naman, really five years? Walang kikitain ang hospital!" "I will also give financial support, are we clear or not? Or akin nalang 'tong hospital?" "We are clear! Salamat!" "Pero secret lang natin 'to kay Dad, okay?" "Yes, Tres!" Agad akong tumango sa kanya sabay ngumiti. Eunaz is very happy, well I'm very happy too kasi may mga matutulungan ako. Hindi pa rin ako makapaniwala na sa amin pala ang hospital na 'to... akala ko ay isang ordinary doctor lang si Dad. Pinagmasdan ko ang hospital, very professional ang mga doctors, nurse at staffs. Pero biglang kumunot ang noo ko nang may biglang sumigaw na doctor na mukhang kakarating lang. Isa siyang babae. "Kung wala kayong pambayad ay huwag na kayong pumunta rito! Tsaka hindi kami tumatanggap ng kulang ang bayad!" sigaw niya. Yumuko lang naman ang isang babae habang hawak ang kanyang sanggol. "Ate, anong problema?" tanong ko sa babae. "Nagtatae po kasi ang anak ko Mam! Pero ayaw pa nila ipa-admit dahil kulang ang pera ko!" sigaw ng babae habang umiiyak. I just tapped her back and hinawakan ko sa leeg 'yung babae grabe medyo malamig na siya. "Eunaz! Get the baby!" sigaw ko. Agad namang lumapit si Eunaz sabat agad na kinuha ang baby at dinala sa loob. "Sino ka naman?! At bigla mong napasunod ang director?!" sigaw sa akin ng bababeng doctor. Nakatingin lang naman sa amin ang nanay ng baby. Ngumisi ako sa babaeng doctor. Inilabas ko ang two hundred thousand cash ko sabay itinapon ko lahat sa mukha niya. Nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa pera. Kahit ang nanay ng baby ay nanlaki ang mga mata, kahit ang mga pasyente rito. "Ano bang ginagawa mo?!" sigaw ng babaeng doctor. "Sa'yo na 'yan, abuloy ko sa ugali mong patay na." seryosong sabi ko sabay tumalikod. "Sino ba 'yun?!" sigaw ng babaeng Doctor. "Anak siya ni Sir Zuryon!" sigaw ng isang lalaki. Hindi ko na sila nilingon pa sabay naglakad na papalayo. Pero alam ko na hindi makakakuha ng pera 'yung masamang doctor sa tinapon ko dahil kukunin 'yun ni Eunaz. Kahit na may magtago sa pera ay ipapahanap pa rin 'yun ni Eunaz, takot lang sa akin ni Eunaz dahil mawawala sa kanya ang hospital. Sana ay okay lang si baby, no baby deserve this bad treatment. Ang lahat ng baby ay blessing na dapat bilisan ang paggamot sa kanila mayaman man o mahirap. Pagkalabas ko ay naglakad-lakad ako. Mukhang matagal pa si Dad kaya naman nag-taxi nalang ako. Nakatingin ako sa bintana ng taxi, may bigla akong may nakita... teka?! Si Uno ba 'yun?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD