Episode 15.

4172 Words
TRUZ Naalala ko 'yung nangyari kahapon, nung pumunta ako sa bahay ay si Mommy lang ang tao. Sinugod daw ang mga ranks ng aldeath. Sana ay walang nangyaring masama kay Maria dahil ang sisisihin ko talaga ay si Uno. Sumakay ako sa kotse para dalawin si Maria sa bahay ni Uno. Habang nagmamaneho ako ay naisip ko si Uno. Si Uno ay isang matalino, talented tapos isang boring na tao na ngayon. Hindi ko naman siya masisisi nang dahil sa nangyari. Ang totoo niyan ay hindi ko naman talaga ginustong magalit sa kanya, sadyang nakatanda lang siguro na hindi kami magkasundo. Mas nagalit ako sa kanya sa nangyari, wala siyang karapatan na gawin 'yun kahit na inutos sa kanya ng humawak sa amin dati. Nang makarating ako sa bahay ni Uno ay nakita ko agad si Maria sa labas. Yakap niya ang kanyang sarili habang nakatayo. "Bakit nandito ka?" mataray na tanong niya. Ganyan lagi ang bungad niya sa akin dahil hindi kami close, mas gusto niya pang mahalin si Uno keysa sa akin. "Nalaman ko 'yung nangyari kahapon, kumusta ka?" "Wala namang masamang nangyari sa akin, pero kay-" "Kanino?" "Anong pake mo, Truz?" "Sino?" "Fine, si Tres kasi ay nakakaawa siya." "Ano ang nangyari sa batang 'yun?!" "Truz, she's not bata!" "Ano nga ang nangyari sa kanya?!" "Bakit parang concern ka? Kilala mo ba siya?" "She's kind," "Oo mabait siya pero still I don't like her." "Wala ka namang ibang gusto, ang gusto mo lang ay mapansin ni Uno." "Tss, pero naaawa ako kay Tres, so what?!" "Nasaan siya? Ano bang nangyari?!" "Kilala mo ba si Ex ng aldeath?" "Sino bang hindi makakakilala sa mayabang na lalaking 'yun? Bakit anong ginawa niya?" "Binugbog niya si Tres, ito pa, sa sobrang galit niya sa aming mga ranks ay ang kinalaban niya ay si Tres. Pinanuod niya sa amin kung paano niya pahirapan si Tres. Mabuti nalang dahil naawa yata kay Tres 'yung big boss." "Talaga?! Wala man lang kayong ginawa?! Kayo 'yung may kasalanan 'di ba?! Hindi man lang kayo nahiya kay Tres!" "Truz! Hindi ako involve noong nangyari 'yung pagsumbong ng ibang ranks sa mga police! Nahihiya kami kasi wala kaming nagawa dahil nakaupo lang kami sa chair na with rope na may blade." "Pero bakit naawa 'yung big boss sa inyo? Ang alam ko kasi lahat ng bumabangga sa kanila ay pinapatay na nila agad." "Malakas lang sa guardian angel niya si Tres," "What?! Stop joking, Maria!" "I'm not joking, mabuti nalang talaga dahil ligtas kami." "Kung napahamak ka ay papatayin ko si Uno," "Ganyan ka naman Truz, pero hindi mo magawa dahil kapatid pa rin natin siya." "Whatever, nasa loob si Tres 'diba?" Tumango lang naman si Maria. Agad akong pumasok sa loob. Pumunta ako sa kusina, nakita ko si Mommy na naghuhugas ng mga pinggan. "Mommy, are you okay?" Nagulat si Mommy sabay agad niya akong niyakap. "Salamat talaga dahil okay na ang mga kapatid mo! Pero si Tres ay nakakaawa." "I see, nasaan po siya?" "Nasa kwarto anak. Go, puntahan mo siya." Tumango ako lang kay Mommy. Medyo bukas ang pinto sa kwarto ni Tres kaya naman agad akong pumasok. Nagulat ako nang makita ko ang mukha niya... para siyang boxer na nabugbog dahil marami siyang pasa. Tulog siya kaya naman pinagmasdan ko lang siya. Nakakaawa naman ang batang 'to, saan naman kaya siya nakuha ni Uno? Pagdating talaga sa magagandang babae ay para siyang may magnet. Medyo magaan ang loob ko sa batang 'to, hindi ko maipaliwanag kung bakit. Her eyes is very familiar. Dahil sa awa ko sa kanya ay kinuha ko 'yung towel na nasa maliit na planggana sabay piniga ko then pinunas ko sa kanya. Ngayon ko lang napansin na sobrang ganda niya kahit may pasa, ano kayang kaugnayan niya kay Uno? Imposible kasi na may gusto sa kanya ang kapatid ko, dahil si Uno ay hindi interesado. "K-kuya T-Truz?" Pagkalingon ko ay gising na siya, "Hindi ako papayag na kuya ang tawag mo sa'kin, tss." "Pakipot ka pa!" "Huwag kang tumawa d'yan, baka sumakit 'yang mga pasa mo. Saan ka naman nakipag-boxing? I mean sorry alam ko na gawa 'yan ni Ex." "Tama ka, inaway ako ni Ex. Ewan ba du'n ang lakas ng tama sa utak wala naman akong kasalanan pero ako 'yung kinalaban niya," "Kawawa ka naman pala, hayaan mo kapag nakita ko 'yun ay sasapakin ko para sa'yo." "Totoo? Truz? We? Baka tumakbo ka lang," "Bakit ako tatakbo? Hindi naman ako kandidato." "Hahaha! Joker ka pala?! Laughtrip ka!" "Huwag kang tumawa, kapag 'yang mga pasa mo ay sumakit ay bahala ka d'yan." "Truz naman, papansin ka! Uhm Truz, nakita mo ba si Uno?" "Hindi, bakit? Iniwan ka ba niya? Hindi ka man lang ba inalagaan nu'n?!" "Inalagaan niya ako, sabi niya kasi ay magluluto lang siya para sa tanghalian ko," "Gusto mo ba na ako nalang ang magluto para sa'yo, bata?" "Tss, hindi naman na ako bata!" "Grade twelve student ka pa lang, sobrang bata mo pa." "Baka dalaga! Tss! Kapag 'yan ang lagi mong sasabihin ay sino ang magkakagusto sa'kin?" "Tss, don't find love, lalo't wala kang pamasahe." "H-ha?" "I mean kapag wala ka kasing pamasahe tapos hahanapin mo ang love ay hindi ka makakarating," "Marami naman akong pera! Hahaha!" "Not about money, ang paghahanap kasi sa love ay kailangan mo nang pamasahe na ang ibig sabihin ay responsibilidad, kaya kung hindi ka pa handa dahil wala ka pang pamasahe ag tumigil ka. Love is not about love, nagmahal ka para hindi lang magmahal." "Ha? Hindi kita gets!" "Bata ka pa talaga! Ang sabi ko ang love ay hindi ka lang basta magmamahal. Alam mo ba na ang love ng isang tao ay nawawala kapag tumagal na?" "Sus, hindi 'yan totoo dahil may tinatawag tayong true love." "I mean sa iba, pero patuloy pa rin nilang minamahal ang isat-isa kahit na wala nang love na nararamdaman." "Meron palang ganun? Pero sabagay, mahirap kasi 'yung love at lust ang habol sa relasyon. Maganda na alam 'yung responsibilidad at kung ano ang dapat intindihin sa relasyon." "Sige na, magluluto nalang ako para sa'yo, masyado kang maraming alam." Ngumiti sa akin si Tres. Tumango ako sabay umalikod at lumabas. "Ano ang ginagawa mo rito?" seryosong tanong ni Uno. Ngumisi ako sabay lumapit sa kanya. "Bakit? Masama ba?" "Hindi naman," "Uno, kahapon nga pala ay pumunta rito ang mga carzi." "Ano?! Hindi ba nila kayo sinaktan? Lalo na si Mommy?" "Wala silang ginawa nung sinabi kong sinugod kayo ng aldeath. Pasalamat ka dahil walang nangyaring masama kay Maria at Tres." "Pasensya na," seryosong sagot niya sabay pumasok sa kwarto. TRES Sobrang sakit ng katawan ko! Parang gusto ko nalang maging kamote as in. Tsaka ewan ba, sobrang kirot ng mukha ko, tsaka parang tabingi na ang mukha ko. Umupo ako sabay kinuha ko 'yung salamin... ang pangit ko na, mabuti nalang talaga dahil hindi ako nasuntok sa ilong ni Ex. Ang sarap isumpa ng lalaking 'yun. Sobrang sakit talaga ng katawan ko as in! Ayaw ko nang tumayo pa, gusto ko nalang humiga maghapon. Pero umupo ako para yakapin ang aking tuhod. Hihiga na sana ako pero biglang bumukas 'yung pinto. Nang tumingin ako ay si Uno, may dala siyang isang supot na may lamang pares. Seryoso ba siya? "Bakit gising ka?" seryosong tanong niya habang sinasalin 'yung pares sa mangkok. Akala ko ba ay magluluto siya, hehe! Pero grabe ang effort niya... naghanap pa talaga siya. "Kagigising ko lang eh, alam mo ba hehe! Ang sarap kausap ni Truz!" "Oh, talaga? Wala naman akong pakialam." "Ang sungit mo naman, hindi ka ba naaawa sa akin?" "Naaawa, kaya kainin mo na 'to. Ano ang gusto mong gawin ko para makabawi ako sa'yo?" "Gusto kong sumayaw ka ng ramdom dance tapos gusto kong kantahan mo ako with puso! Ikaw masi ay kumakantang walang puso, tss!" "Tss, p'wede bang kumanta nalang? Ayaw kong sumayaw," "Ay nagrereklamo ka? Bahala ka d'yan." Nagulat ako nang bigla siyang tumayo. "Paano ako sasayaw? Walang music?" "Hahaha! Ako nalang!" masayang sigaw ko sabay kumanta ako nang kumanta. Sobra akong natuwa dahil para siyang kahoy habang sumasayaw, simple lang 'yung pagsayaw niya pero natutuwa ako, hahaha! Tawa lang ako nang tawa. "Young woman, what's next?" "Kumanta ka, ang kantahin mo ay about happiness hehe! Please?" Nagulat ako nang bigla siyang natulala, "Uno, what's wrong? Ayaw mo bang kumanta ng about du'n?" "Paborito mo ba 'yung mga gano'ng kanta?" "Yes! Sino ba namang hindi magiging paborito ang kanta na about sa kasiyahan?" "Wala na bang ibang kanta?" Bakit kaya? Hindi niya ba gusto ang gano'ng type ng kanta? O may alaala siya sa kantang gano'n? "Sige 'wag ka ng kumanta, magkukwento nalang ako!" masayang aniko sabay kinuha ko ang mangkok na may lamang pares. "Uno, lumaki ako sa piling nila Lolo at Lola tapos noong time na kinuha ako ni Daddy ay hindi ko na maalala, basta bigla nalang akong pinakuha ni Mama Zeroie kasi nalaman ni Daddy na hindi ako nakatira sa bahay. Unfair sa akin si Mama Zeroie, kasi sa aming dalawa ni Ate Dos ay si Ate ang palagi niyang pinahahalagahan." "Nagseselos ka sa Ate mo, tama ba? Hindi naman dapat gano'n ang trato ng Mama mo sa'yo. May karapatan ka ring magalit." "Oo, pero hindi ko magawang magalit. Naalala ko dati, instead na magalit ako at sabihin ko sa kanya ay nagbubulakbol na lamang ako. Gabi na ako umiiwi sabay nagcu-cutting then inom ako nang inom. Gano'n lang, tapos bakit hindi raw ako nagsasabi ng problema. Samantalang hindi naman sila nagtatanong." "So you mean ang naging buhay mo ay ang iyong mga barkada? Some parents asked what's the problem, sana tinanong muna nila 'yun sa sarili nila." "Yes napabarkada ako sa mga lower class na solid kasama. Uhm Uno, sa pananalita mo ay parang masama ang loob mo? May problema ba kayo ni Tita before?" "Hindi ko ugaling magkwento, Tres," "I see, pero alam kong may tampo sa mga salita mo, you can talk to me Uno... makikinig ako." "Wala na bang masakit sa'yo?" "Masakit pa rin ang katawan ko Uno and ang mukha ko. Pakiramdam ko nga ay parang tabingi." "Huwag kang mag-alala, bubuhatin kita. Hindi ka ba naiihi?" "N-naiihi..." nahihiyang sagot ko. Nagulat ako nang bigla siyang tumayo sabay binuhat ako. "U-Uno C-co ibaba mo nalang ako," Hindi niya ako pinansin, patuloy lang siya sa paglakad sabay binaba ako sa cr. Agad akong pumasok sabay umihi. Hindi ko maiwasang ngumiti, hehe! Bakit ba kasi iba 'yung nararamdaman ko sa kanya? Self! Tumigil ka! Kumatok ako sa pinto, sign na okay na. Agad na pumasok si Uno sabay binuhat ulit ako. Nagulat ako nang mahawakan niya ang bewang ko kaya naman agad akong nakiliti sabay gumalaw nang sobra. Nagulat ako nang biglang... natumba kami. Teka! Nang iminulat ko ang mga mata ko ay nasa ibabaw na ako ni Uno. "Y-young woman, huwag ka kasing malikot," malumanay na bulong niya sabay tumayo. Agad niya akong binuhat sabay binaba sa kama. "U-Uno..." "Yes?" "Gusto kong lumabas," "S-sige, payag ka bang buhatin lang kita? Wala kasing wheel chair dito," "Oo naman! Hehe!" "Aalis kayo? Sayang naman 'tong niluto ko," boses ng isang lalaki. Nang lumingon ako ay nakita ko si Truz na may dalang pagkain, seryoso? Nagluto talaga siya? Nang tumingin ako kay Uno ay seryoso lamang siya sabay tumayo sa gilid ko. "B-busog na kasi ako," malumanay na aniko. "Gano'n ba? Tikman mo lang kahit kaonti," masayang aniya sabay lumapit sa akin. Agad kong tinikman ang luto niya sabay ngumiti ako. "Ang sarap!" "Talaga?" "Opo! Hehe! Salamat, Truz!" "You're welcome. Sige na, mauna na ako baka kasi may sumabog d'yan dahil sa sobrang galit," nakangiting saad niya sabay tumango sa akin. Ngumiti ako pabalik sa kanya. Umalis siya habang nakapamulsa. "Masarap ba talaga?" Tumingin ako kay Uno, "Yes! Gusto mong tikman?" "Tss, no thanks," "Hahaha! Bakit ba kasi hindi kayo okay ng kapatid mo? Hay naku, ang gwapo niyo pa naman!" "Sinong mas guwapo?" biglang tanong niya. Syempre ikaw! "Ako! Hahaha!" "Tss, ang kulit mo. Tara, saan mo ba gustong pumunta?" "Sa farm, hehe!" Tumango lang sa akin si Uno sabay ngumiti. Nang makarating kami sa farm ay ngumiti lang ako nang sobra dahil ang sarap sa pakiramdam. "Safe na ba ang mga ranks?" tanong ko habang seryosong nakatingin sa kanya. "Bakit ba palaging iba ang inisiip mo? Isipin mo naman ang sarili mo," "Okay lang ako," nahihiyang sagot ko. Tumango lang naman siya sabay inupo ako sa magandang upuan sa harap ng farm. "Marunong ka bang gumawa ng tula?" tanong niya habang nagmamasid sa palagid. "Gumagawa ako ng kanta kaya gumagawa rin ako nang tula." "You're talented," "Hahaha! Hindi naman! Alam mo, bigla ko tuloy na-miss ang Compose room." "Ako naman ay miss ko na ang Music room," "Nare-relax ka ba Uno sa tuwing nasa MR ka?" "Oo Tres... alam mo ba? Na ang tawag sa akin ng mga lalaking bumastos sa Ate mo sa cafeteria ay f*ckboy?" "A-alam ko na, si Reina sinabi niya rin sa akin." "Hindi ko rin alam kung bakit gano'n ang tawag nila, samantalang wala naman akong babae. Siguro gano'n sila para totohanin ko." "Ang gwapo mo kasi! Hehe!" "Hindi naman," "Bakit kasi ayaw mong bigyan nang chance ang sarili mong magmahal ulit? Kaya nila sinasabi 'yun kasi kabaliktaran 'yung nakikita nila. Magmahal kang muli, walang masama du'n." "Sabihin mo sa akin Tres, natural lang bang mahalin ang taong patay na?" "Oo naman Uno, walang masama du'n, pero kasi wala na sila. Oo mahal pa rin natin sila pero sa puso nalang natin dapat ipakita at maramdaman 'yun hindi sa kilos natin." "Sabihin mo sa'kin Tres, mahirap ba akong mahalin?" Hindi ko alam ang sasabihin ko... pero alam ko kung ano ang sasabihin ko. Pero tutulain ko nalang "Para kang tala, sa tuwing tumitingin ako sayo'y kumikinang ang aking mga mata. At sa tuwing sasapit ang gabi nais kong ikaw lang ang aking nakikita. Ang tala ay natatangi kaya huwag nang mangamba." "Tula ba 'yan Tres? Haha!' "You laugh!" gulat na sigaw ko. "It's not a big deal, ano ang ibig sabihin ng tula mo?" "Hindi mo ba naintindihan?" "Naintindihan, pero may meaning ba 'yun? O tula lang?" "Hahaha! Tsaka ko na sasabihin, basta para sa akin ay isa kang tala," "'Yang tula mo ba ay ipinapahiwatig na hindi ako mahirap mahalin?" "Secret! Hahaha!" "Fine, tss," "Uno," "Yes?" "Gusto kong matuto sa martial arts, gusto kong seryosohin ang mga tinuturo mo," "Are you sure? Baka gusto mong matuto dahil gagantihan mo si Ex? Haha!" "No, gusto ko lang kasi hindi ako sure kung ano ang mangyayari sa akin." "Bakit naman? Nandito naman ako 'di ba?" "Hindi naman habambuhay na magkasama tayo," "I know, pero huwag kang mangamba." "Uno, gusto ko nang umuwi sa bahay," "Ayaw ka nang pauwiin 'di ba? Bakit pinipilit mo pa?" "Sa nangyari kasi sa akin at kay Ex ay pakiramdam ko ay hindi na ako safe kahit nandyan ka," "Dahil ba sa wala akong nagawa?" "Hindi naman sa gano'n Uno, pero kasi... gusto ko nang umuwi para makapag-usap talaga kami ni Mama." "Tuturuan muna kita ng mga basic techniques then p'wede ka nang umuwi, hindi na kita pipigilan pa kasi nang dahil sa aming mga ranks ay napahamak ka. Ayaw ko nang may mapahamak ng dahil lang sa akin. Sorry Tres, sana ay mapatawad mo ako." "Okay lang Uno, naiintindihan kita. Nandito lang ako na handang makinig sa'yo," "Salamat Tres. Uhm, mayroon ka bang gusto kainin?" "Wala naman Uno," Medyo nakaramdam ako ng hiya dahil sa titig ni Uno. Mas lalo akong nahiya dahil sa itsura ko ngayon. "Maganda ka pa rin kahit na mukha kang boxengera," "Ano?! Hahaha!!" "Stop laughing Tres, baka sumakit ang mga sugat mo!" "Ano ka ba?! Okay lang ako Uno, hehe! Salamat huh, kasi kahit papaano ay inaalagaan mo ako. Salamat talaga!" "Walang anuman, wala na akong ibang hiling kundi ang maging okay ka. Labis akong nakonsenya noong may nangyari sa'yo. Gustong kong mahati 'yung katawan ko ng blade para lang mapuntahan kita. Noong wala akong magawa ay parang wala akong kwenta, sorry talaga Tres. Sorry!" "U-Uno... okay lang, ang mahalaga ay ligtas naman ako." "Alam mo ba? Kung may nangyaring masama sa'yo do'n ay hindi ko talaga mapapatawad ang aking sarili." "Teka! Gagawan nalang kita ng tula para mapatawad mo ang iyong sarili, hehe! Alam ko kasing nakokonsensya ka pa!" "B-bakit ka ganyan?" "What do you mean, Uno?" "Bakit mabuti ka pa rin sa kabila ng lahat?" "'Di ba sabi mo sa sagot mo sa tanong ko na what is the purpose of life? Ang sagot mo ay is to choose to be a good person. Ginaya lang kita!" "Ako nga 'yung sumagot nu'n pero hindi naman ako good person." "What do you mean?" "Basta Tres? I can't explain now, noong may nangyari lang sa'yo... ay bigla kong naisip na mali pala lahat ng mga naiisip ko sa'yo." "L-like w-what?" "Huwag mo nalang isipin Tres. Uhm, nasaan ang tula ko?" Ngumiti na lamang ako kay Uno, sabay nag-isip ng tula. "Patawarin mo ang iyong isip sa mga masamang iniisip. Patawarin mo ang iyong puso kung patuloy na kumukulo sa poot. At mas patawarin mo ang iyong sarili dahil sa maling pagkakaintindi mo na hindi ka mahalaga. Sapagkat para sa akin ay kahit hindi ka magsabi ay mahalaga ka na." Nagulat ako nang tumingin ako kay Uno ay nakatingin din siya sa akin... tila ba'y may gusto siyang gawin pero hindi niya magawa. "S-salamat... bakit sa kabila ng masamang pagtrato ko sa'yo ay hindi sumama ang loob mo?" "Welcome... hahaha! Anong hindi? D'yan ka nagkakamali! Hahaha! Halos isumpa nga kita araw-araw eh! Hahaha!" "Haha! You're so funny, but thank you huh! For being kind." "Wala 'yun!" "Are you sure? "Oo naman, basta ikaw Uno." "Nahihiya tuloy ako sa'yo ngayon," "Ako nga ay kilig na kilig sa'yo ngayon," "K-kilig? Kinikilig ka sa akin?" "H-ha? Hindi! Hahaha! I mean sa mga pasasalamat mo tss! Akala ko kasi na ang isang demonyo ay hindi nanghihingi ng sorry, hehe!" "Demonyo talaga? Grabe ka naman Tres," "Totoo naman, ang sungit mo kaya!" "At least gwapo," "Sayang 'yang kagwapuhan mo kung 'di ka magmamahal, kung ako sa'yo'y maghanap ka na hehe!" "Sige try ko maghanap," "Saan? Wala ka bang nakikita sa paligid mo?" "Ikaw, ikaw ang nakikita ko..." "I-I m-mean ako lang?" "Yes ikaw lang kasi ang nasa harapan ko, pero bawal na ikaw," "Ay! Bakit?" "Bata ka pa, just focus on your goals." "Fine, ayaw ko rin naman sa'yo!" Nagulat ako nang hindi na siya nagsalita. Hindi totoo na ayaw ko sa'yo Uno, ang totoo niyan ay... "Umuwi na tayo, ipagluluto muna kita." Binuhat niya ako. Nakakagulat ka talaga Uno. Nanlaki ang mga mata ko dahil sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Patawarin nawa ang aking kakaibang nararamdaman! "Bakit lumaki ang mata mo?" "Hahaha! Hindi!" pagsisinungaling ko sabay pumikit nalang. Agad kaming nakarating sa bahay nila, binaba niya ako sa kama sabay nagpaalam na magluluto raw muna siya. Ngumiti ako... feeling ko kasi ay may kakaiba! Like... ewan ba. Dahil sa wala akong magawa ay tumingin ako sa ilalim ng kama. Nakita ko 'yung lagusan papuntang underground, ngumiti lang ako kasi bawal yatang pumasok doon. Nang tumigin ako sa gilid ay nakita ko na naman 'yung itim na box, nakita ko na 'yun ah? Ano kayang laman nu'n? Para kasing may magic 'yung box na parang sinasabi nito na buksan ko siya. Biglang bumukas ang pinto, nagulat ako nang ang pumasok ay si Maria. "Kumusta ka?" malumanay na tanong niya. Siya ba talaga 'to? "O-okay lang ako Maria," "Ang pangit na tuloy ng mukha mo, tss!" maktol niya sabay lumapit sa akin. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang mukha ko sabay tumitig sa akin... grabe, para siyang manika sa malapitan. "Pangit ako? Tss," maktol ko rin. "Hindi, maganda ka naman, naiinis lang ako kasi close ka sa brother ko!" sigaw niya sabay inalis ang kamay niya sa mukha ko. "Pero sure ka ba? Na okay ka lang?" "Oo naman, ikaw ba?" "Really? Nagtatanong ka pa?" "Ha? Anong masama?" "I mean, nagtataka lang ako kasi mas nag-aalala ka pa sa akin o sa amin." "Wala 'yun," "I just want to say thank you, Tres! Sana'y mabuhay ka ng matagal! Hehe!" masayang saad niya. Kumunot naman ang noo ko. "Hahaha! Sana ay maging mabait ka rin!" Umirap siya sa akin pero ngumiti. Tumango siya sa akin kaya tumango lang ako pabalik sabay lumabas na siya. Bumuntonghininga ako, I love this feeling... Mama Zeroie, magkikita na po tayo ulit. Biglang bumukas ang pinto, pagkabukas ay si Uno ang bumungad na may dalang pagkain. "Here's your adobo, and milk," aniya sabay nilagay sa mini table ang mga pagkain. Ngumiti ako sa kanya nang malaki, then biglang ngumiti rin siya. "Masarap 'yan! Sure ako!" "Tikman mo muna, okay?" "Okay!" tumitig ako sa kanya, "Uno," "Yes?" "Bago ako umalis, 'di ba ay tuturuan mo ako ng mga basic techniques? P'wede bang mag-bonding din tayo? I want to spend my every important time with you." "S-sure, sa ngayon ay kumain ka muna, okay?" "Yes!" masayang sagot ko sabay kumain. Grabe, sobrang sarap niyang magluto ng adobo. Lumapit sa akin si Uno. "Promise me na kapag bumalik ka na sa city ay aayusin mo ang buhay mo, mag-aral kang mabuti. And higit sa lahat ay huwag mo na akong isipin pa." Nalungkot ako sa sinabi niya, bakit ba kasi ayaw niyang sumama sa city? Ano bang hindi niya maiwan dito? Mas nalungkot ako na huwag ko na raw siyang isipin. "Uno... can I confess something?" "Ano naman, Tres?" "Uno..." "Yes, Tres?" "Maaari ba akong tumula Uno para sabihin 'yun?" "Go ahead," "Ang tala ay hindi masama, ang tala ay mabuti, pero ang tala ay hindi para sa akin." "Tres, hindi naman talaga para sa'yo ang tala, para sa langit ito." Ngumiti lang ako sa sagot niya, alam kong naintindihan niya 'yun. Kapag gusto kong magsabi sa isang tao na gusto ko siya ay hindi ko sinasabi sa salita kung hindi sa isang tula. Ngunit baka nagkakamali lamang ang aking puso, baka gusto ko lamang si Uno bilang mas nakatatanda sa akin at bilang kaibigan. "P'wede bang ako naman ang tumula?" malumanay na tanong ni Uno. Tumango lang ako sa kanya sabay ngumiti nang malaki. "Go Uno!" "Hindi p'wedeng magmahalan ang bituin at buwan sapagkat ang mga puso nila'y iisa. Iisa sila ng dugo, pero magkaiba sila ng nararamdaman. Gustong ipilit nang buwan na mapalapit sa bituin ngunit mayroong distansya na humaharang. Pareho silang kumikinang ngunit hindi maaari." "Ang lalim naman ng tula mo! Hahaha! Ang naintindihan ko lang ay buwan at bituin! Pero ang ganda, tumutula ka rin pala." "Malalim talaga kasi malalim ang pinaghugutan. Oo naman tumutula ako, paborito ko ang mga tula kasi sa pamamagitan ng tula o pagsulat ng tula ay kumakawala ang mga salitang hindi mapahayag ng diretso." Pumalakpak ako. "Totoo 'yan, ang sarap kayang tumula, hehe!" "May tula pa ako," bumuntonghininga siya, "kung may malaman man ang bituin kapag bumalik siya sa langit ay sana'y hindi niya itakwil ang buwan. Sapagkat ang buwan ang dahilan kung bakit siya napalayo sa langit na kanyang tirahan." "Ay ang ganda! Ang galing mo Uno! Teka... ano namang dahilan ng buwan bakit siya ang dahilan nang paglayo ng bituin?" "Salamat, ang buwan kasi ay may maitim na balak ngunit nang makita niyang mabuti ang bituin ay hahayaan na nitong makabalik sa langit at kuminang muli." "Ang ganda Uno! Parang gusto ko tuloy na magtulaan kayo! Hahaha!" Ngumiti lang sa akin si Uno. Bakit pakiramdam ko ay may gusto siyang sabihin? At bakit ang lungkot ng mga mata niya? "Uno? Lumapit ka sa akin," seryosong sabi ko. Tumango lang siya sa akin sabay lumapit, akala niya siguro ay may ibubulong ako sa kanya... nang sapat na ang distansya namin ay agad ko siyang niyakap. "T-Tres..." mahinang bulong niya na parang nanghihina. Pumikit ako para madama ang kanyang yakap... pero hindi niya ako niyakap pabalik. Ngumiti nalang ako dahil sa dapat pala ay hindi na ako nag-expect ng something sa isang tao, lalo kay Uno. Nang lumabas si Uno ay nag-isip na lang ako tungkol kay Mama Zeroie at kay Ate Dos. Teka, hanggang ngayon kaya ay nag-i-stay pa rin si Daddy sa amin? Miss ko na si Daddy, palagi niya kasi akong sinusuportahan. Nang tumingin ako sa pinto ay nakita ko si Tita Jenika habang nakangiti. Pumasok siya sabay umupo sa kama ko, umupo rin ako sabay tumango sa kanya. "Kumusta, hija? Pasensya na huh, dahil nasaktan ka." "Tita okay lang po, naging mabuti po kayong lahat sa akin kaya wala po akong sama ng loob, hehe!" Agad akong niyakap ni Tita sabay hinimas ang aking likod. Habang yakap niya ako ay parang yakap na rin ako ni Mama. I love kapag niyayakap ako kasi nakaka-heal ng trauma. "Tita, can you be my Mama for a while?" nahihiyang tanong ko sa kanya. Hindi siya nagsalita, hinimas niya lamang ang likod ko sabay hinimas din ang aking buhok. Niyakap niya ako nang mas mahigpit sabay hinalikan ako sa noo. "You may rest, beautiful Tres."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD