Who is

4990 Words
THIRD PERSON Ang mga ranks ay sama-sama ngayon sa isang mansyon. "Caral, gusto kong bumalik sa bahay ni Uno..." malumanay na bulong ni Yuria kay Caral habang nagluluto sila. "K-kahit ako ay gusto ko rin, pero paano? Sa tingin mo ba ay tatanggapin nila tayo?" sagot ng dalaga. "Hindi, alam ko kung paano magalit si Uno, hay naku... ano bang mayroon kay Tres? Bakit parang..." "Ano ka ba! Friends daw sila 'diba? Tsaka syempre nasaktan talaga si Tres kaya ganun. Uhm, umaasa ka pa rin ba?" "Alam ko naman 'yun, sana ay okay na si Tres. Saan naman? Haha!" "Alam kong mahal mo pa rin si Uno," "Hindi niya ako mahal 'di ba? Mahal niya pa rin 'yung babae niya." "Yuria! Alam mong hindi lang siya babae lang!" "P'wede bang huwag mo nang ipamukha sa akin? Alam ko naman 'yun eh, nai-insecure lang talaga ako Caral..." "Hay naku, stop loving him okay? Nandito lang ako huh kung kailangan mo nang kausap!" "Susubukan ko, salamat Caral!" masayang sagot ni Yuria sa kaibigan. "Caral, Yuria, p'wede ko ba kayong makausap?" malumanay na tanong ng binata. "Xert? Ikaw ba 'yan? Hindi ka ba nilalagnat? Hahaha!" biro ni Caral. Ngumiti lang naman si Xert sa dalaga. "Tss, may plano ako," seryosong sabi ng binata. Agad na lumapit si Caral sa kanya pati na rin si Yuria. "Ano?" Yuria asked. "Party..." Xert answered. "Ano?! Party? Para saan? Para kanino?" naguguluhang tanong ni Caral. "Para kay Tres..." "Ano?!" sabay na sigaw ni Caral at Yuria. Nagkatinginan ang dalawang dalaga sapagkat hindi nila akalain na maiisip ito ng binata. "Sure ka? Inaasar mo siya 'di ba? Nakokonsensya ka ba sa nangyari? Ito pa! Sure ka ba na papayag su Uno?!" sunod-sunod na tanong ni Caral. "Pero paano?" Yuria asked. "Mag-shopping kayong dalawa, bumili kayo ng mga gown at tuxedo... sagot ko ang gastos." malumanay na sagot ni Xert sabay binigay ang kanyang wallet kay Yuria. "Wow! Hahaha! Sige! Yuria, let's go!" masayang sigaw ng dalaga sabay agad na tinalikuran si Xert. TRES Sobrang sakit pa rin ng katawan ko. Tumingin ako bintana, ang aesthetic ng paligid. Bigla ko namang naalala 'yung hindi pagyakap pabalik sa akin ni Uno, hay naku. Kumuha ako ng isang papel at ballpen, sabay nagsulat ako ng tula. 'Ang nararamdaman sa dibdib ay dapat lamang itago, huwag iparamdam hanggang sa bibig ang magsalita' Binaba ko ang papel sabay dinikit sa bintana. Hindi lahat nang nararamdaman ay dapat malaman ng taong gustong pagsabihan. Tumingin ako sa salamin, namamaga pa rin ang mukha ko... nakakahiya ako. Nang tumingin akong muli sa table ay may isang maliit na papel. Agad ko itong kinuha sabay binasa... 'Mukha mo man ay maga at may pasa, huwag mong kakalimutan na kumikinang ka, maaaring mababa ang tingin mo sa iyong sarili ngunit mataas ang pagtingin ko sa'yo' H-hala?! Ano 'to? Mataas ang pagtingin niya sa akin?! Sino? Si Uno ba? Hay naku, printed kasi 'yung nasa papel kaya baka random quotes lang na naligaw. Lumabas ako sa kwarto, nakita kong topless si Uno habang nagluluto kaya naman bigla akong pumikit. "Tres? Bakit ka bumangon?! Kaya mo na ba?" nag-aalalang tanong niya. Unti-unting kong binuksan ang mga mata ko... ay, nakadamit na. "Oo naman Uno, salamat! Ano palang niluluto mo?" "Welcome, uhm adobo." "Wow! Ang sarap!" "Ano ang makakapagpasaya sa'yo? Sabihin mo sa akin, ano?" bigla akong natulala... bakit nakatitig siya sa akin? Ano bang meron? Uno, bakit seryoso ka? Pero bakit kahit seryoso ka ay may kakaiba akong nararamdaman? "Gusto kong pumunta sa puntod ng kapatid ko, Uno." seryosong sagot ko. Pero ang totoo niyan ay may iba na akong nararamdaman... bakit parang nanginginig ako? Mas lalo akong nagulat dahil lumapit sa akin si Uno... biglang tumigil ang mundo ko nang yakapin niya ako bigla. Uno... "Tres..." bulong niya habang yakap ako. "U-Uno..." "Yes?" "B-bakit... i-iba ang nararamdaman ko?" wala sa sariling tanong ko. Nagulat ako nang bigla niya akong hinarap sa kanya. Chineck niya ang leeg ko kung mainit... grabe, sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Hindi ko talaga maipaliwanag ang nararamdaman ko. Nagulat ako nang bigla niya akong buhatin. "Uno! Saan tayo pupunta?" "Ihihiga kita dyan sa sofa," seryosong sagot niya. Pasikreto ko siyang inamoy... grabe ang bango. Nang binaba niya ako ay ngumiti lang ako sa kanya. Ngumiti lang din siya pabalik... pero, bakit kakaibang ngiti? Ngayon ko lang kasi siya nakitang ngumiti nang malaki. Hahawakan ko sana siya sa kamay pero biglang dumating si Maria. Si Uno naman ay bumalik sa kusina. "Tres, p'wede ka ba?" malumanay na tanong ni Maria. Grabe, hindi ako makapaniwala na ganyan siya magsalita. "S-saan?" "Huwag mo siyang yayain kung saan Maria, hindi pa siya okay." seryosong saad ni Uno mula sa kusina. "Sa kwarto lang kami, brother! Hehe!" "Bakit? Ano ang gagawin mo sa kanya? Hindi pa siya kumakain. Ikaw rin hindi pa kaya kumain na muna tayo." Tumingin ako kay Maria sabay ngumiti, ngumiti rin siya pabalik sabay inalalayan ako para makaupo sa upuan sa kusina. Nagulat ako nang tumabi sa akin si Uno sabay nilagyan niya ng pagkain ang plato ko. Hahawakan ko na sana 'yung kutsara pero hinawakan niya ang kamay ko... lumaki ang mga mata ko... ano bang ginagawa niya? "Susubuan kita," "A-ano?" nagtatakang tanong ko. Tumingin ako kay Maria, nakangiti lang siya. "Susubuan kita o hindi kita papakainin?" seryosong tanong niya. Napakamot ako sa ulo sabay ngumanga. Tumitig siya sa akin sabay sinubuan ako. Grabe, nakakahiya! "I think I'm full, hehe! Tres, pasok ka nalang mamaya sa kwarto ko, okay?" paalam ni Maria. Tumango lang ako sa kanya sabay tumitig ako kay Uno... Uno. bakit ka ganyan? "Bakit mo ako tinititigan?" "W-wala..." "I see," bigla niya akong sinubuan, grabe naman! "U-Uno, busog na ako..." Bumuntong-hininga lamang siya sabay tumitig sa akin. "Pupunta tayo sa puntod ng Ate mo," "Talaga? Ngayon? Pero kasi si Maria ay pinapapunta ako sa kwarto niya... baka mahalaga 'yun." "I see, tsaka hindi ka pa okay... pumunta ka na kay Maria, okay lang ako rito." "Sure ka, Uno?" Tumango siya sa akin sabay ngumiti. Pinilit kong maglakad nang diretso sabaybagad na pumasok sa kwarto ni Maria. "Surprise!" masayang sigaw niya habang nagsusukat ng mga gown. "Para saan 'yan? Haha!" "Secret! Pumili ka ng mga gown dito!' aya niya sa akin sabay hinila ako papunta sa mga gown na nakasampay. Tumingin ako sa mga gown... grabe, ang gaganda naman ng nga 'to. Mahal siguro 'to? Hay naku, parang hindi naman bagay sa akin ang mga gown na 'to. Pero kahit hindi bagay sa akin ay may nagustuhan akong isang red gown na hindi nakasampay, nakalagay siya sa isang babasagin na lagayan. "Bakit ka malungkot, Tres?" "Feel ko kasi hindi bagay sa akin 'yung gown dahil sa hindi talaga bagay sa akin tsaka sa itsure ko..." "Ano ka ba! Uso ang concealer, kaya matatakpan ko 'yang mga pasa ko kapag na-makeup-an na kita, hehe!" "Ano ba kasing ganap?" "Uhm, surprise nga eh! Hehe!" "A-ah... Maria, kaninong gown 'yung red na 'yun?" Agad na tumingin sa Maria sa itinuro ko. "Gusto mo ba nyan?" "Oo... ang ganda kasi sobra!" "P-pero kasi Tres..." "Para sa'yo ba 'yan? Okay lang, wag na hehe!" "Sige Tres, no problem, ipapagamit ko sa'yo kung 'yan talaga ang gusto mo!" Ngumiti ako nang malaki. Tumingin ako kay Maria habang kinukuha 'yung gown, agad niyang binigay sa akin sabay isinukat ko agad. "Wow! Bagay sa'yo!" masayang sigaw ni Maria. Tumawa lang ako sabay kumindat sa kanya. "Salamat!" "Alam mo ba, regalo ko sana 'yan sa isang tao. Pero..." "Pero ano?" "W-wala, hehe! Come here, ma-makeup-an na kita!" Agad akong lumapit sa kanya sabay tumingin sa salamin. Bumuntong-hininga ako kasi ang pangit ko. "Bakit malungkot ka? Dahil ba sa itsura mo ngayon?" "O-oo..." "Ano ka ba, huwag mong isipin na pangit ka. Isipin mo na maganda ang kalooban mo, na kung saan ang kalooban mo ang naglilinis sa mukha mo para gumanda ka." Lumingon ako kay Maria, grabe... ang lalim naman nang hugot niya pero masama ang ugali niya dati. Pero sabagay people change. "Bakit parang hindi ka makapaniwala? Hahaha!" dagdag niya. "Ang b*tch mo kasi, hahaha!" "Hahaha! Girl, I know that!" pagtataray niya "Maria salamat huh, gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabi mo." "It's okay Tres, sorry nga pala sa nagawa ko sa'yo dati at sa mga panglalait ko sa'yo. Lalo na nung binuhusan kita nang tubig..." "Hahaha! Okay lang! Uhm, nilagnat nga ako dun eh ikaw talaga!" "S-sorry talaga... uhm Tres, alam mo ba kung bakit ako pumunta nung nilagnat ka? Kinausap kasi ako ni Uno. Pinaamin niya ako na kung binuhusan kita nang tubig kaya sabi ko oo. Sabi niya bantayan kita, ayaw ko pa nga nun... pero natakot ako sa mga mata niya. S-sorry, Tres..." "T-talaga? Sinabi sa'yo ni Uno na bantayan mo ako dahil kasalanan mo 'yun? Well deserve," biro ko. "Hahaha!" "Mabuti kang babae, bakit hindi ko agad nakita 'yun? Hay naku... sige na aayusan na kita." Ngumiti ako sa kaya mula sa salamin. Isang oras nang matapos siya sa pagme-make up sa akin. Nang iminulat ko ang mga mata ko ay... grabe... ako ba talaga 'to?! Bakit ang ganda ko?! Humarap ako kay Maria sabay tumalon nang tumalon. Tumawa lang si Maria sabay pinalo ako sa puwet. "Sshh! Nag galing ko ba?" "Yes Maria! Mygad! Mahal na ata kita! Hahaha!" biro ko. Sabay kaming nagtawanan. Pinaupo ulit ako ni Maria sabay inayos naman ang buhok ko. Hay naku, I love this feeling. Nang matapos niya akong ayusan ay siya naman ang nag-ayos sa kanyang sarili. Nang matapos siya ay nagpaalam siya sa akin sabay lumabas. Nang tumingin ako sa bintana ay grabe... hapon na pala? Ang bilis ng oras. UNO Nanunuod ako ng action movies nang biglang lumabas sa kwarto si Maria. "Brother!" "Yes? Nasaan si Tres?" "Nasa loob, hehe! Uhm, brother... papayag ka ba?" "Saan?" "P'wede ka bang magbihis ng tuxedo then mag-ayos ng iyong sarili? Here!" masayang tanong niya sabay inabot sa akin ang isang black tuxedo. "Why? Anong meron?" "Secret! Please?" Tumango lang ako sa kanya sabay pumasok sa kwarto. Agad akong naligo, pagkatapos ay nagbihis ng binigay ni Maria. Ano kayang trip ng kapatid ko? Ang lakas eh. Tumingin ako sa kalendaryo... teka, today is the birthday of someone I love the most. Pupuntahan ko siya... siguro naman ay makakapaghintay si Maria sa trip niya. Agad akong pumunta sa mall sabay tumingin ng cake. Nagtataka ako, bakit ang daming tumitingin sa akin? Akala siguro nila ay ikakasal ako dahil suot kong tuxedo. Normalize handsome guy wearing these in public, lvl. Agad akong um-order ng cake, ngumiti sa akin ang cashier sabay binigay 'yung order ko. I bought white chocolate cake... ito kasi ang paborito niya. Pagkatapos ay pumunta ako sa store ng mga bulaklak. Pinili ko 'yung paborito niyang sunflower. Happy birthday... Nag-take out din ako sa isang restaurant ng pagkain dahil baka doon na ako kumain. Bumili rin ako ng alak Agad akong dumiretso sa lugar na kung saan gusto ko nalang din tumira. Pagkarating ko ay agad akong naglakad papalapit sa kanya. "Kumusta ka honey? Na-miss mo ba ako? Mahal na mahal kita..." "It's been three years but my heart still into you and to your soul." "Sobra kitang mahal honey, Can you please stay again with me? Please!" sunod-sunod na saad ko sabay hindi ko na napigilang tumulo ang aking mga luha. At mas hindi ko napigilang humagulhol dahil sa sakit na aking nararamdaman. Sobrang ganda niya, sobrang dalisay ng pagkatao niya. Siya 'yung taong matagal kong pinangarap, siya 'yung taong anak ng Diyos na mahal na mahal ko. Sobrang ganda niya, oo... pero hindi ko siya nakikita. Ang tanging nakikita ko lang ngayon ay ang lapida niya. Umupo ako malapit sa kanya. "Bakit ang ibang tao kaya kong iligtas? Pero bakit ikaw hindi? Sorry..." Ipinatong ko ang dala kong bulaklak at cake sa lapida niya. "Sobrang ganda mo pa rin honey, kahit lapida lang ang nakikita ko ay maganda ka pa rin. Huwag kang ma-insecure kung nasa loob ka ng lapida, para sa akin ikaw pa rin ang pinaka-maganda." Pinunasan ko ang lapida niya sabay nagsindi ng kandila. Naalaa ko lahat, lahat nang pinagsamahan namin na ngayon ay isang alaala nalang. "Selfish ba ako honey? Selfish ba ako na hindi ko pa rin mabalikan ang dati kong buhay?! Sabihin mo sa akin!" wala akong tigil sa paghagulhol. "If our love is tragedy, why are you my remedy? If our love's insanity, why are you my clarity?" malumanay na kanta ko habang humahagulhol. Naalala ko dati, ako ang nagturo sa kanya kung paano kumanta. Naalala ko dati kung paano niya ako hangaan sa tuwing kumakanta ako. Naalala ko nung nag-aaral pa lamang kami, paborito namin ang Music room dahil doon ko siya tinuturuan. Hanggang sa gumaling siya sa pagkanta... "Masisisi mo ba ako kung kumakanta ako na walang puso? Masisisi mo ba ako honey! Wala ka na kasi! Alam mo ba?! Sa sobrang pagmamahal ko sa'yo ay bumalik ako sa school kung saan tayo nagkakilala. Palagi akong tumatambay sa music room kasi nandoon 'yung favorite place natin!" "Hindi ko na kayang kumanta ng may puso kasi wala ka na... At alam mo ba ang pinakamasakit?! Nawala ka dahil sa akin! Kung sana hindi kita pinatay ay wala ka dyan!!!" hindi ko na napigilang humagulhol. Honey... hindi ko 'yun sinasadya, patawarin mo ako... Dahil sa sobrang sikip ng dibdib ko ay binuksan ko ang alak na nasa harapan ko. Tinungga ko ito sabay tumawa nang tumawa habang naiyak. Nag-yosi rin ako... alam ko honey na ayaw mo akong makitang ganito, pero hindi ko kayang makita kang nandyan. "Happy birthday my love, happy birthday my Thirstein." Umiyak lang ako nang umiyak, wala akong pakialam kung may makakakita man sa akin. Tinungga ko lamang ang alak na nasa harapan ko. Pagkatingin ko sa langit ay gabi na pala. "Ano?! Bakit ka nakatingin?! Masaya ka na ba sa nakikita mo?! Humahagulhol ako, oh!" sigaw ko mula sa buwan. Ang buwan na palaging nandyan sa tuwing umiiyak ako. Pero bakit ko sisisihin anh buwan? Kung siya lamang ang maituturing kong listener na hindi ako hinuhusgahan. "Pero salamat! Kasi kahit na saksi ka sa mga problema ko ay hindi mo ako hinuhusgahan! Salamat!" Tinungga ko ang isang bote ng alak hanggang sa naubos ko ang isang bote. Tumungga pa ako ng isa hanggang sa naubos ko rin. Nakakaramdam na ako ng hilo kaya naman nag-yosi nalang ako. "G-gabi na pala Thirstein, pero ayaw ko pa ring umalis! Gusto ko rito! Thirstein! Bakit ba kasi pumayag ka rin!" Sinuntok ko ang damo sa harapan ng lapida niya habang humahagulhol. Ang sakit na nararamdaman ko ngayon ay hindi lang basta sakit dahil may konsensya. Thirstein, my love... please, forgive me. TRES Okay na ang lahat, habang nakatingin ako sa salamin ay masasabi kong ang ganda ko ngayon. Ngumiti ako sa salamin sabay ngumuso pa. I love my self, hehe! "Tres!" sigaw ni Maria mula sa pinto, nang tumingin ako sa kanya ay may dala siyang panyo. Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin sabay agad na inilagay sa mata ko ang panyo. "P-para s-saan ba 'to, Maria?" Hindi siya nagsalita, naramdaman kong inalalayan niya ako habang naglalakad. Nang maramdaman ko ang hangin ay pakiramdam ko ay nasa labas kami. "Are you ready?!" masayang bulong ni Maria. Tumango lamang ako. Nang alisin ni Maria ang panyo ay may nakita akong pitong tao na nakatayo sa harapan ko... nagulat ako dahil mayroon silang baril at lahat ng baril nila ay nakatutok sa akin. "T-teka... M-Maria p-para s-saan 't-to?" "Hahaha! Uto-uto! Hahaha!" Tatakbo na sana ako pero bigla akong hinawakan ni Maria sa braso. "Saan ka pupunta?" UNO Bigla akong nagising, nakatulog pala ako katabi ni honey. Mabuti nalang dahil may ilaw dito. Anong oras na ba? Tss, wala akong pakiakam dahil kailangan ako rito ni honey. "Thirstein, happy birthday... sasamahan kita rito okay?" Biglang may humampas na malamig na hangin... ikaw ba 'yan Thirstein? Nandito ka ba? Nang tumingin ako sa likod ay parang may nagmamasid. "Naalala ko nung araw na namatay ka, 'yun din 'yung araw na magpo-propose sana ako sa'yo. We are in our legal age then we have our work, kasal nalang ang kulang. Paano ko mabubuo ang pamilyang gusto ko kung nandyan ka? Kung p'wede lang kitang buhayin ay ginawa ko na. I miss you honey, p-please come back..." Dahil sa sama ng loob ay tinungga ko ang alak. Kinain ko 'yung dala kong pagkain, sana kung nandito si Thirstein ay may kasalo ako. "Kung sasabihin mo sa akin ngayon na maghanap nalang ako ng bago kong mamahalin ay malabo 'yun, kahit na may mga babae sa harapan ko ay ikaw lang ang pipiliin ko. Every girl deserve a man, and you... even you're dead you still deserve to have me." Tinungga ko ulit 'yung isang bote ng alak. I really miss my Thirstein. Naalala ko, siya lang 'yung kilala kong babae na magaling sa martial arts. Walang makakapantay kay Thirstein kahit na si Yuria na pilit siyang nilalamangan. I don't feel bad for Yuria, I always said to her na she deserve better than me. Ayaw kong nai-insecure siya dati kay Thirstein ng dahil lang sa mas magaling si Thirstein. Ang gusto ko kasi ay tanggapin niya kung ano lamang ang kakayahan niya. Hindi pa kami magaling sa martial arts noon ng mga ranks. Naalala ko dati, isang simpleng estudyante lamang kaming walo hanggang sa nakilala namin si Thirstein na sikat sa school dahil sa magaling makipaglaban. Habang pinapanuod ko siyang binu-bully ng iba ay agad niyang binabawian ng asusuntok. Hanggang sa bigla akong pinakilala ng mga ranks kay Thirstein dahil sa idol nila ito kaya bigla kaming nagkakilala. Idol siya ng mga kaibigan kong ranks kaya naman sabi ng mga kaibigan ko ay gusto nilang matuto sa martial arts. Ayaw ni Thirstein dahil baka gamitin lamang nila sa kasamaan pero nangako naman ang mga ranks. Habang nalipas ang taon sa pamimilit ng mga ranks kay Thirs ay dun 'yung time na nagkaka-inlove-an na kami. Ako ang pinaka magaling kumanta sa aming school noon, noong nakilala ko si Thirs ay nagsabi siya sa akin na pangarap niyang matuto na kumanta. Kaya mas lalo kaming napalapit sa isat-isa dahil ako ang nagturo sa kanya. Hanggang sa umamin ako sa kanya na gusto ko siya, hanggang sa naging kami at naging masaya kami. Dahil sa ayaw ni Thirstein na pumayag na turuan ang mga ranks na mga kaibigan ko ay naghanap sila ng bagong magtuturo. Ang saya lang dahil may nahanap sila, at sobrang yaman pa nung boss dahil willing magturo sa amin kaya naman pumayag sila... kahit ako. Pero may kahilingan 'yung anonymous boss na si Thirs dapat ang magturo sa amin. Pumayag naman kami, masaya kaming nag-training sa malaki at komportableng bahay ng anonymous boss. Sa isang taon na pagte-training ay nabuo ang mga ranks at ang aming mga rank, si Thirstein ang rank one dahil siya ang pinaka magaling. Tuwang-tuwa ako sa tuwing tinuturuan ako ni Thirs dahil minsan kapag kami lang dalawa ay niyayakap ko siya sabay hinahalikan sa leeg. Sa tagal nang pagte-training ay naging full trained martial artist ako. Sama-sama kami ng mga ranks na magtanggol sa mga tao laban sa mga masasama. Akala ko ay masaya na ang lahat, pero may muling kahilingan 'yung anonymous boss kapalit nang lahat ng tinulong niya. Alam niyo ba ang hiniling niya? 'Yun ay ang patayin ko ang taong mahal ko, pinaglaban niya kami ni Thirs. Wala akong nagawa dahil akala ko ay tutupad sa isang pangako niya sa akin 'yung anonymous boss. Isang pangako na simula bata palang ako ay gusto ko ng makuha, pero hindi niya tinupad. Nawala ang babaeng pinakamamahal ko dahil sa akin. Hindi ko mapatawad ang sarili ko dahil sobrang hina ko. Ang t*nga ko kasi naniwala ako sa anonymous boss, samantalang 'yung taong hinihiling ko sa anonymous boss ay walang pakialam sa akin. Isang taong pinakamahalaga sa akin a ng sinabi niyang kapalit pero hindi niya tinupad. Nawala tuloy sa akin si Thirs. Gusto kong hanapin kung sino 'yung anonymous boss na 'yun, gusto ko siyang pagbayarin dahil niloko niya ako. Ang sakit, umasa ako. Ang kapalit kasi nang pagkawala ni Thirs ay isa sa mga magulang ko. Hindi sasabihin kung si Mommy o Daddy 'yun. "Thirstein! Patawarin mo ako!" humahagulhol na sigaw ko habang nakatulala sa lapida niya. "S-sorry honey... sorry kung pinatay kita sa mismong birthday mo! Honey!" Hindi ko na inawat ang sarili ko. Nagwala ako sa harapan ng lapida niya. Gumulong ako sabay tinadyak ang paa ko. Para akong bata na inagawan ng nanay o iniwan ng nanay sa school. Wala akong pakialam, dahil ang nakakakita lang naman sa akin ay buwan. Hidni ako huhusgahan ng buwan dahil simula bata palang ako ay saksi na siya kung gaano ka unfair sa akin ang mundo. TRES Pumikit na lamang ako dahil hawak ako sa braso ni Maria. "It's a prank! Hahaha!" sigaw ng isang babae na familiar ang boses... si Caral? "Laruan lang ang mga baril, Tres, hahaha! Sorry huh, ako ang nakaisip nyan... natakot ka ba? Ayaw nga nilang gawin 'yan pero sabi ko para may thrill..." paliwanag ni Maria. "Okay lang! Pero kinabahan ako..." "Tss, parang pinaalala mo sa kanya 'yung nangyari nung nakaraan." seryosong ani ni Xerz. "Kaya nga sorry, sorry kasi pumayag din kayo dahil sa sobrang kulit ko... sorry guys!" "Okay lang, hay naku, pero sa susunod 'wag ganun okay? Nakaka-trauma 'yun kay Tres." pangaral ni Yuria. "Oo na ranks, sorry kasi napilitan kayo dahil sa akin..." malumanay na ani ni Maria. Agad ko siyang niyakap dahil kanina pa siya sorry nang sorry. "Sorry Tres!" bulong niya sa akin habang umiiyak. Agad kong pinunasan ang luha niya sabay niyakap ulit siya. "Shh, tahan na! Mabubura ang make up mo! Hahaha! Basta next time 'wag naman surprise na dagdag pa sa trauma ko! Hahaha! Joked!" Humarap ako sa mga ranks, ang una kong tiningnan ay si Xerz. Ang gwapo niya pero seryoso masyado. Agad siyang lumapit sa akin. "Sorry Tres, hindi matutumbasan ng salitang sorry ang nagawa namin sa'yo..." Hindi ako nagsalita, agad ko siyang niyakap. "Salamat ha, kasi nag-effort kayo nang ganito... grabe na-appreciate ko talaga!" "Si Xert ang may plano nito," bulong niya sa akin habang magkayakap kami. Agad akong napabitaw sa pagkakayakap kay Xerz sabay napatingin kay Xert. Si Xert ay seryoso lamang nang tumingin ako sabay tumungo siya. "Xert, come here!" sigaw ko sa kanya. Agad siyang lumapit. Agad ko siyang niyakap sabay kinurot sa tainga. "Aray! Hahaha!" maktol niya. Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya. "Ang sama ng ugali mo sa akin tapos may pa-party ka?! Hahaha!" "Tss, sorry!" nahihiyang sigaw niya. "Okay lang! Salamat nga pala sa effort, na-appreciate ko hehe!" "Deserve mo 'to, Tres!" masayang sagot ni Xert. Grabe hindi mawala ang ngiti sa labi ko dahil sa nangyayari. Lumapit din sa akin ang iba pang mga lalaking ranks sabay niyakap ko rin sila at nagpasalamat. Ang huling lumapit sa akin ay si Yuria at Caral. "Hi sis! Sorry..." malumanay na ani ni Caral sabay niyakap ako. "Okay lang Caral, salamat sa effort ha, na-appreciate ko!" masayang sagot ko. Agad akong niyakap ni Caral sabay hinalikan niya ako sa pinsge. "Ang ganda mo ngayon, Tres..." masayang bati sa akin ni Yuria. "S-sorry ha, sorry talaga," dagdag niya pa sabay agad akong niyakap. "Shh, okay lang ako ha, salamat sa effort! Na-appreciate ko!" masayang sagot ko sabay niyakap siya nang mahigpit. Agad namang lumapit sa amin si Maria. "Tres! Hindi mo ba napansin ang kapatid kong si Uno?" "H-hindi eh, nasaan ba siya?" nagtatakang tanong ko. "Oo nga, nasaan si Uno?" dagdag na tanong ni Xerz. Nagulat ako nang lumapit sa akin si Xerz sabay inayos ang buhok ko. "S-salamat..." malumanay na bulong ko kay Xerz, ngumiti lamang siya. "Hay naku! Nasaan na ba siya?!" nag-aalalang tanong ni Maria. Nasaan na nga ba si Uno? Miss ko na siya. Hindi ko maitatanggi na miss ko na talaga si Uno. "Sinabihan mo ba siya na mayroong ganap na party?" tanong ko kay Maria. "Yes, ang totoo nyan ay pinagbihis ko siya para nga makapag-celebrate tayo para sa soparty!" maktol niya. "Soparty?" nagtatakang tanong ko. "Kung may christmas party, kung may thanks giving, at kung may iba pang party syempre may soparty rin! Meaning Sorry party! Hehe! 'Di ba ang talino ko? Well normalize having party kapag magso-sorry ka sa tao hehe!" masayang sagot niya. Napakamot na lamang ako sa ulo dahil may ganun palang party? Soparty? Hahaha! Hay naku, sa may mga kasalanan sa akin dyan magplano na kayo ng soparty. "Tara! Magsimula na tayo!" sigaw ni Maria. Agad kaming umupo sa isang magandang table. Grabe, ang daming masasarap na pagkain. Tumingin ako sa mga ranks, hindi ko akalain na magkakaroon ako ng mga kaibigan na mga lumaki na nasa upper class. Kung titingnan ko sila at hindi ko sila kilala ay grabe nakakamangha ang mga itsura nila, halatang mayayaman. Ngayon ay naka-tuxedo ang mga lalaki, kami namang mga babae ay mga naka-gown. Para kaming nasa elite party, hehe! Nagulat ako nang tumabi sa akin si Xerz. "Are you okay? Bakit parang malungkot ka?" "Masaya ako, Xerz! Hehe!" "Dahil ba wala si Uno? I think may pinuntahan lang siya or business." "Ah, sabagay..." "Kumain na muna tayo, ito oh." masayang ani niya sabay nilagyan ako ng pagkain sa aking plato. I just smiled at him, hindi talaga ako makapaniwala na ang gwapo niya. "Huwag ka sanang ma-offend, bakit ang bilis mawala ng mga pasa mo? Hehe! Proud ako may Uno dahil inalagaan ka niya nang sobra..." "Haha! Dahil sa make up 'to Xerz! Hahaha! Uhm, yes... inalagaan ako ni Uno nang sobra pa sa sobra." "Ah, ang ganda mo hehe! Mabait si Uno kaya naman aalagaan ka talaga niya, sana lang ay huwag mo siyang sukuan." masayang saad niya habang nakatingin sa malayo. Hindi na ako nagtanong dahil mukhang seryoso siya. Kumain nalang ako nang kumain. Nasaan kaya si Uno? Kumusta na kaya siya? Nang tumingin ako sa harapan ng table ay tumayo si Xero, niyayaya niyang sumayaw si Yuria. Agad na may music na tumugtog... 'yung para sa sweet dance. Pumayag naman si Yuria sabay nagsayaw sila. "P'wede ba kitang isayaw?" bulong ni Uno sabay lahat ng kamay niya. Lumingon ako sa kanya... totoo ba? Agad kong tinanggap ang kamay niya sabay tumayo kami. Inalalayan niya ako papunta sa gitna... grabe ang sarap pakinggan ng tugtog. Nagulat ako nang hawakan niya ang bewang ko sabay hinawakan niya ang kamay ko sabay nilagay sa balikat niya. Hindi katulad nang nararamdaman ko kay Uno sa tuwing tinititigan niya ako... Uno nasaan ka ba? Nang matapos kaming sumayaw ni Xerz ay inalalayan niya ako na umupo. Ngumiti siya sa akin, ngumiti rin ako. Nang wala na siya sa harapan ko ay tumingin ako sa sarili ko. Ang ganda ko, lalo na 'yung suot kong gown. Tumingin ako sa mga ranks lahat sila ay masaya, niyaya nila akong sumayaw sa gitna kaya naman pumayag ako. Nang matapos kami ay umupo ulit ako sabay kumain. Bakit parang hindi pa rin sapat ang kasiyahan ko? Niyaya nila akong uminom, tumagay lang ako ng isa sabay nakipagkwentuhan na lang ako. "Uno!!!" sigaw ni Maria na parang gulat na gulat. Nang lumingon ako ay... si Uno ay ang dumi, naka-tuxedo siya pero ang dumi niya. Namumugto rin ang mga mata niya tsaka mukha siyang lasing. Uno... ano ang nangyari sa'yo? Agad siyang nilapitan ng mga ranks, ako ay tumayo lang sa table dahil parang hindi ko siya kayang lapitan. Nakakaawa ang itsura niya, para siyang pulubi pero pang mayaman ang damit. Saan ba siya pumunta?! "Uno! Ano bang nangyari sa'yo?!" galit na sigaw ni Maria. "I think alam ko na kung bakit..." malumanay na saad ni Xerz. Bakit Xerz? Anong meron? Nagulat ako nang biglang tumingin sa akin si Uno. Ngumiti siya sa akin nang malaki sabay tumawa nang tumawa. Ay grabe? Hindi ba bagay sa akin 'yung suot ko? Ang ganda ko kaya tss. "A-ang ganda mo naman Thirstein! 'Di ba 'yan 'yung niregalo ko sa'yo na hindi mo nasuot dahil namatay ka na?" biglang sabi ni Uno sa akin. Nagulat ang mga ranks sa sinabi niya kaya naman agad na umatras si Maria. "Brother, she is Tres..." "So why she wearing the gown of my love?! Siya ba si Thirstein?!" sigaw ni Uno sabay ngumisi. "Uno, lasing ka na pare, magpahinga ka na..." ani ni Xerz. Nang tumingin ako kay Xert ay mukhang galit siya. Nakayukom kasi ang kamao niya at masama pa ang tingin kay Uno. Nagulat kaming lahat nang biglang sinuntok ni Xert si Uno. "Kasalanan mo 'to! Ganyan ka ngayon kasi alam mong birthday niya ngayon!" galit na sigaw ni Xert sabay sinuntok niya ulit si Uno. Agad kong inawat si Xert. "Please, ako na ang bahala sa kanya... look at him, kahit bugbugin mo siya ay wala siyang alam dahil lasing na lasing siya." pakiusap ko. Tumango lang sa akin si Xert sabay tumalikod. Tumingin ako sa mga ranks, 'yung tingin na ako na ang bahala kay Uno kaya naman tumango lang sila. Inalalayan ko si Uno papasok sa bahay, uhm, nasaan kaya si Tita Jenika? Parang wala siya rito kaya naman ako nalang ang mag-aalaga kay Uno. Kahit nandito siya ay ako pa rin, ayaw ko kasing mag-alala siya. Birthday pala ngayon ni Thirstein, nice interesting. Hindi naman kumirot ang puso ko, tama lang. Agad kaming nakarating sa bahay. Agad ko siyang inupo sa sofa. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. "Ang ganda mo sa gown mo, Tres... thank you for wearing her gown. Kahit papaano ay nabuhay siya, kahit hindi totoo." Labis akong naawa kay Uno, hinayaan ko lang na yakap niya ako. Bigla siyang bumitaw, tulog na ata. Agad ko siyang hiniga sa sofa. Kumuha ako ng towel sabay pinunas ko sa kanya. "You deserve her, hindi mo kailangang masaktan nang ganyan aking tala. Siguro nga'y hindi talaga para sa akin ang tala. Hindi ka para sa akin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD