The Fight I.

4676 Words
THIRD PERSON Kabado ang lahat ng mga ranks dahil nasa harapan nila si Tres at ang boss ng aldeath na si Ex. "We have funny fight, I will be fair to you Tres, Madali lang ang ating laban. Handa ka na ba? Hahaha!" makapangyarigang sigaw ni Ex mula sa baba. Walang emosyon si Tres, pero sa isip niya ay hindi niya talaga kakayanin si Ex lalo na kung ang laban ay suntukan o sipaan. "First fight! Entitled go run, go run," Men of Ex announced. "Ang laban na ito ay pabilisang tumakbo, oh 'diba? Sobrang fair ko sa'yo! Hahaha! Tatakbo ka lang!" sigaw ni Ex sa harapan ni Tres. Napaatras si Tres dahil sa lakas nang sigaw ni Ex. Nakampante ang ibang ranks dahil tatakbo lang naman. Pero ang nasa isip nila ay pagod at sugatan si Tres, kakayanin niya kaya? Naniniwala pa rin ang mga ranks na malalagpasan ito ni Tres. Si Uno ay hindi pa rin mapakali, kasi alam niya na mahina ito, pero naniniwala siya na hindi lang madaldal si Tres... na si Tres ay kaya ring tumakbo nang mabilis. "Pindutin mo na ang square na tinatayuan namin papunta sa underground!" utos ni Ex sa tauhan niya. "Wait!" sigaw ni Uno mula sa itaas na upuan, "Inaya! Please be safe!" dagdag pa nito. Napalingon si Tres kay Uno... pero walang emosyon ang dalaga. Nalungkot si Uno dahil pakiramdam niya ay kasalanan niya kung bakit pagdadaanan ito ni Tres. Gustuhin mang tumayo ni Uno sa upuan ay may nakaharang na rope na may blade. Pakiramdam niya ay mas mamamatay siya sa mangyayari ngayon. Agad na nakababa si Tres, si Ex at ang mga tauhan ni Ex sa underground. Plain lamang ang lugar na kung saan malawak. Ang maganda sa lugar ay bulaklak ang nakapaligid. Nakita ng mga ranks sa malaking 292 inches Tv flat screen na nakababa na si Tres at Ex, nakita nila na sobrang lawak ng lugar na p'wede nilang takbuhan. "Paano niya kakayanin na tumakbo kung pagod siya?" nag-aalalang tanong ni Xerz kay Uno. Hindi naman sumagot ang binata dahil sa labis na pag-aalala. Pinasuot si Tres nang maayos na damit ng mga tauhan ni Ex para komportable ito sa pagtakbo. Malayo ang tatakbuhin nila at ang gagawin lamang nila ay ang magpaunahan. Kung sino ang mauna ay siya ang panalo. "Handa ka na ba?" mapang-asar na tanong ni Ex. "Kapag nakalabas ako rito at manalo ay pahihirapan kita!" "Hahaha! Really?" "Let's the go run, begin!" sigaw ng tauhan ni Ex. Sabay na tumakbo si Ex at si Tres. Sa isip ng dalaga ay wala namang imposible kung maniniwala siya sa sarili niya. Sobrang layo pa sa finish line. Nangunguna si Ex, pero hindi siya tinitingnan ni Tres. Tuloy-tuloy sa pagtakbo si Tres hanggang sa madapa siya. Sinuntok niya ang paa niya dahil sa sobrang inis, hindi niya tuloy naiwasan na tingnan si Ex na malayo na sa kanya. Pero hindi siya nagpatinag dahil sa narinig niya kanina mula kay Uno. Ginanahan si Tres, agad siyang tumabo sabay mas binilisan ang kanyang takbo. Ngayon ay halos malapit na siya kay Ex na abala sa pagtakbo. Sumigaw si Tres nang malakas na nakaagaw atensyon ni Ex kaya bigla itong lumingon, hindi niya alam ay gumulong si Tres para hindi niya makita sabay tumayo ulit para tumakbo. Ngayon ay nangunguna na si Tres, mas binilisan ni Ex ang pagtakbo. Tumigil si Tres sa pagtakbo, tumingin siya kay Ex na medyo malayo sa kanya. Nagulat siya nang biglang may pinakawalang malaking aso na papunta sa kanya habang tunatahol. Agad na tumakbo si Tres nang tumakbo, nang lumingon siya ay malapit na sa kanya ang malaking aso kaya naman tumakbo pa rin siya nang tumakbo hanggang sa may humarang sa kanyang isang men in black. Sa isip ng dalaga ay ang tumakbo lang, pero bakit may involve na aso at isang tauhan ni Ex. Sa sobrang inis ni Tres at sinipa niya sa ulo ang isang men in black at bigla itong natumba. Labis na nagulat ang mga ranks sa ginawa ni Tres, si Uno ay napatayo sa sobrang tuwa kaya agad na nasugatan nang malaki ang kanyang braso. "Brother! Ang daming dugo!" sigaw ni Maria mula sa likod na hindi mapakali. "Don't mind me, masaya lang ako, kaya kong tiisin 'yung dugo dahil may mas nahihirapan sa atin ngayon at hindi ako 'yun." Tumango lang si Maria dahil wala siyang magagawa. "Okay ka lang ba talaga?" nag-aalalang tanong ni Yuria mula sa likod. Tumango lang naman si Uno sa kanya. Tres run faster hanggang sa bigla siyang nadapa. Tatayo na sana siya pero biglang bumugad sa kanya 'yung aso na naglalaway. Ayaw niya itong sipain o saktan kahit na alam niyang kakagatin siya nito. Sa isip ng dalaga ay hindi kasalanan ng aso kung masama siyang pinalaki ng kanyang amo. Kaya naman agad na tumayo si Tres sabay tumalon sa aso. Nang makatalon siya ay agad siyang bumwelo para makatakbo. Lumingon siya sa likod dahil parang malapit na sa kanya si Ex, totoo nga, dahil konti nalang ay maaabutan na siya nito kaya naman matulin siyang tumakbo hanggang sa nadapa ulit siya dahil may parang tali kaya siya natalapid. Nang tumingin siya sa unahan ay biglang nauna si Ex. Agad na tumayo si Ex kahit na masakit ang paa niya. Tumakbo siya nang tumakbo hanggang sa halos pantay na sila ni Ex. Nang tumingin si Tres sa unahan ay nakita niyang malapit na ang finish line kaya nag-focus siya at tumakbo nang tumakbo hanggang sa maunahan na niya si Ex. "Run! Until you die!" sigaw ni Tres habang tumatakbo siya nang mabilis ay nakatingin siya sa likod na kung saan nandun si Ex. Tumakbo siya nang tumakbo hanggang sa siya ang nauna sa finish line. Hinihingal siya dahil sa sobrang pagod, mabuti nalang dahil may tubig sa finish line kaya agad siyang uminom sabay ngumisi sa papalapit na si Ex. "Tsamba!" sigaw ni Ex habang papalapit kay Tres. "One point for Tres!" men of Ex announced, "Ang susunod na laban ay entitled gumapang ka hanggang mamatay." "Are you ready?" "Bakit hindi, Ex?" pagmamayabang ni Tres. Masaya ang mga ranks dahil nakaligtas si Tres sa unang laban, sa isip nila ay mabuti nalang dahil kinaya ito ng dalaga. Pero sa isip ni Uno ay kung madali sa unang laban, pahirap nang pahirap sa mga susunod kaya naman hindi siya kampante. Pinagpahinga muna ng limang minuto ang dalawa. Masama ang tingin ni Ex kay Tres, dahil sa isip niya'y imposibleng makatakbo ang kagaya niyang nabugbog sa laban. Misteryoso para sa kanya ang dalaga. "The fight entitled gumapang ka hanggang mamatay ay gagapang lamang kayo. Pero, ang mga gagapangan niyo ay mga ipis, mga basag na bote, mga bulate, mga alupihan at putik. Handa na ba kayong dalawa?!" masayang tanong ng tauhan. Tumango lamang ang dalawa. "Ganun ka fair si Ex? Gagapang siya sa mga 'yun just to be fair? Akala ko ba ay sobrang sama niya?" naguguluhan na tanong ni Maria mula sa likod. "Kilala ko siya, gusto lamang niyang magpasikat." seryosong sagot ni Xerz. "Please Tres, manatili kang nakatayo..." mahinang bulong ni Uno. Sa isip niya'y baka hindi kayanin ni Tres ang gumapang sa mga basag na bote. "Gumapang na kayo!" Men of Ex command. Agad na bumwelo si Tres at Ex sa harapan na gagapangan nila. Nakita ng dalawa na ang unang gagapangan nila ay putik, sa isip nila ay okay lang na gumapang dito kaya sabay silang gumapang. Gumapang sila nang gumapang hanggang sa kulay putik na sila, mahaba pa ang gagapangin nila kaya hirap na hirap si Tres. Si Ex naman ay balewala lang sa kanya dahil sanay na siya sa mga ganito kaya nauuna siya kay Tres. Agad na natapos si Ex sa paggapang sabay sumunod din agad si Tres. Nakita ng dalawa na ang sunod nilang gagapangan ay ang mga ipis. Napangisi si Ex sabay tumingin kay Tres, "Sigurado ako na ang katulad mong maganda ay maarte at hindi kayang gumapang sa maraming ipis." Hindi siya pinansin ni Tres, sa isip ng dalaga ay totoo naman ang sinabi ni Ex pero kailangan niyang gumapang dahil kung hindi siya gagapang ay agad siyang matatalo. Naunang gumapang si Ex, pinanuod lamang siya ni Tres, namangha si Tres sapagkat walang takot si Ex. Hindi na siya nagtaka dahil ang masamang damo ay hindi natatakot sa mga pagkain niya lang. Dahan-dahan na humiga si Tres, agad niyang naramdaman ang mga ipis na gumagalaw. Gusto niyang pumikit na lang pero hindi p'wede dahil hindi siya makakapag-focus, agad siyang gumapang nang mabilis sabay inisip na ang ginagapangan niya ay mga laruan lamang. "I can't believe na kaya ni Tres na gumapang sa mga ipis!" maarteng sigaw ni Maria. "Kung ako siya ay hindi na lamang ako tutuloy," dagdag ni Caral. "No choice siya, ginagawa niya 'yan para sa atin, kaya kapag maayos siyang makabalik ay dapat lamang na pasalamatan natin siya," seryosong saad ni Yuria. "I agree, we must thank her," saad ni Xern. "Naiinis ako sa babaeng 'yun kasi siga, pero this time, naaawa ako sa kanya. Hindi ko akalain na kakayanin niya 'yan," mahinang bulong ni Xert. Si Uno ay tahimik lamang, sa isip niya ay hindi rin siya gagapang sa mga ipis. Bumilib siya sa tapang ni Tres at sa kakayahan nito. Patuloy na gumapang si Tres, wala namang pumapasok sa katawan niya dahil fitted ang suot niya pati na rin ni Ex. Si Ex ay nangunguna pa rin. Gusto nang umiyak ni Tres dahil sa sakit na nararamdaman niya dahil sa mga paa ng ipis. Patuloy pa rin siya sa paggapang dahil nandidiri na siya. Nauna sa kanya si Ex na natapos sabay agad siyang sumunod na natapos. "Lahat talaga gagawin mo 'no para sa mga walang kwentang ranks na 'yun? Sayang ang ganda mo," pang-aasar ni Ex. "Mas sayang ka kasi masama kang tao, mas nakakapanghinayang ka dahil mas pinili mong maging masama. Sa paningin ko ay isa kang sayang dahil masama ka." Ngumisi lang naman sa kanya si Ex, sabay uminom nang tubig. Ang susunod nilang gagapangin ay ang mga bulate, agad na gumapang si Ex sabay sumunod si Tres. Halos maduwal si Tres habang gumagabang dahil galaw nang galaw ang mga bulati. Sa isip niya'y gumagapang lamang siya sa mga gummy worms na kinakain niya dati kaya naman mas binilisan niya ang paggapang. Si Ex naman ay seryosong gumagapang nang gumagapang, nang tumingin si Ex kay Tres ay mas lalo siyang nagtaka dahil walang emosyon ang dalaga. Nang matapos sila sa paggapang ay ang sunod naman nilang gagapangin ay ang mga alupihan. Dito medyo napaatras si Tres dahil takot na takot siya sa mga alupihan. "You look scared? Hahaha! Pag-isipan mo kapag hindi ka gumapang dyan ay mamamatay kayo ng mga ranks!" pang-aasar ni Ex. Hindi siya pinansin ni Tres, bumwelo lamang ang dalaga sabay gumapang na agad. Gusto na niyang umiyak dahil ang mga alupihan ang kinatatakutan niya pero ayaw niyang ipakita na mahina siya lalo na kay Uno. Gumapang siya nang gumapang hanggang sa makarating siya sa finish line. Mas lalo siyang natakot sa nakita niya sa harapan niya, ito ay ang mga basag na bote. Lumingon siya kay Ex na napakaseryoso na mukhang nag-iisip. "Takot ka na 'no? Huwag kang matakot d'yan, mas matakot ka sa sarili mo dahil mas nakakasugat 'yang ugali mo," pang-aasar ni Tres kay Ex. "Of course not, arm ko lang naman ang masusugatan kaya hindi ako matatakot," pagyayabang niya. Naunang gumapang si Ex, napangiwi ang mga ranks dahil agad na dumugo ang dalawang arm nito. Si Tres ay nakabwelo pa rin at nag-iisip nang paraan kung paano siya makakagapang na hindi masyadong nasasaktan ang kanyang dalawang arm, dahil hindi naman masyadong masasaktan ang kanyang tuhod dahil siya ay naka-fitted pants. Nagulat ang lahat nang biglang hinubad ni Tres ang kanyang fitted na damit, naiwan lamang ang kanyang bra. Kitang-kita ang malulusog niyang dibdib, kahit si Ex ay biglang napatingin kahit busy sa paggapang dahil nakita niya sa unahan na ang tauhan niya ay nakatulala. Agad na nag-focus si Ex sa paggapang, si Tres naman ay pinunit ang kanyang fitted na damit sabay itinali sa dalawang arm niya. Agad na gumapang si Tres, wala siyang masyadong nararamdaman pero dumudugo pa rin ang dalawa niyang arm dahil sa matalas pa rin ang mga basag na bote. Napapangiwi ang dalaga sa tuwing may tumutusok sa kanya pero inisip niya na kaya niya at walang makakapigil sa kanya. Mahaba pa ang lalakbayin ng dalawa, pareho nilang gustong mauna. Hanggang sa sabay lang silang nakalapit sa finish line. Nang tumayo silang dalawa ay mas maraming dugo ang lumalabas kay Ex pero hindi bakas sa mukha niya ang takot. Tumingin si Ex kay Tres, may kakaiba siyang nararamdaman sa dalaga pero hindi niya masabi kung ano 'yun. "Bigyan mo siyang damit," utos ni Ex sa tauhan niya sabay nagpunas ng tuwalya sa kanyang arm. Agad na binigyan ng damit si Tres, nagbihis siya sabay uminom nang tubig. "One point si Tres at one point si Ex, mayroon pang laban!" Men of Ex announced. Napaupo si Tres, pagod na pagod na siya. Gusto na niyang magpahinga pero hindi p'wede. Yumuko siya sabay pumikit. "Magpahinga ka, dalawampung minuto ay magsisimula na ang isa pang laban," seryosong saad ni Ex sabay umalis. Ang mga ranks ay hindi pa rin mapakali, sapagkat hindi nila alam kung ano ang susunod na laban. "We look stupid here, na pinapanuod natin siyang nahihirapan," Xerz said. "Pero wala tayong dapat pagsisihan, sa kabila ng lahat at may mga natulungan pa rin tayong mga tao. Unfair lang talaga ang aldeath, pinanganak na talaga silang walang sikmura," sagot ni Caral. "We must thankful to Tres,' dagdag ni Yuria. "I really hate her, pero naaawa ako sa kanya," bulong ni Maria. "Bakit mo siya hate?" Yuria asked. "Kasi malapit siya sa brother ko, parang ikaw, I hate you too." "Shh! Tama na 'yan, oo na Maria hate mo na si Yuria at si Tres pero sa ngayon ay magdasal nalang tayo," pangaral ni Caral. "Whatever, I just can't believe na may mga taong masasama na mga walang sikmura, just yuck!" maarteng sigaw ni Maria. "Sa totoo lang ay ayaw kong mapanuod ang mga ganitong pangyayari," seryosong bulong ni Xert, "kung masakit 'to na mapanuod sa'kin dahil may naaalala ako, mas masakit 'to kay Uno. I hate him, pero itong palabas na 'to ay sampal sa kanya sa nangyari dati. Hindi dapat siya nakakapanuod nang ganito." Tumango naman sa kanya ang ibang ranks dahil alam nila ang nangyari kay Uno noon. "Masakit na makapanuod ulit nang trauma na tinatakasan mo noon at ngayon," seryosong saad ni Xerz. "Tapos na 'yun, huwag niyo nang banggitin," makapangyarihang sabi ni Uno. Tumango lang ang mga ranks sabay ngumiti. Bumuntong-hininga si Uno dahil sa mga narinig niya na kahit minsan ay hindi niya makalimutan. Sa 'di kalayuan ay nakatanaw ang big boss, isang big boss na tinitingnan ang galaw ng mga tao sa baba. Seryoso lamang siya habang pinagmamasdan ang mukha ng dalagang si Tres. Sa isip niya'y parang kilala niya ito. Ayaw sana ng big boss na magsayang ng oras sa mga ranks at sa dalaga, pero sa ipinakita ng dalaga na katapangan ay parang gusto niya pa nang maraming laban. Dumating na si Ex, seryoso siyang tumayo sa tabi ng dalagang si Tres. "Alam mo, may kakaiba sa'yo," bulong niya sa dalaga. "Ano naman? Isa lang akong mahinang nilalang," sagot ng dalaga. "Hahaha! Sinabi ko bang malakas ka?" "Huwag mo akong kausapin, nahihilo na ako sa mga nangyayari," "Handa ka na ba sa susunod na laban?" pang-aasar ni Ex. Umirap lang naman sa kanya si Tres. Sa isip ng dalaga ay parang hindi na niya kaya. Pero sa tuwing iisipin niya ang mga ranks ay lumalakas ang loob niya. "Ang susunod na laban ay Don't shoot him!" Men of ex shouted. Napaatras si Tres dahil may involve na baril, nakita niyang naglakad ang mga tauhan ni Ex sa harapan niya na may dalang dalawang baril. Agad na inabot ng mga tauhan ni Uno ang baril sa dalawa. Kinuha ng dalaga ang baril, ganun din naman si Ex. Nang mahawakan nila ang baril ay pumwesto ang mga tauhan ni Ex sa harapan nila, medyo malayo. "Simple lang naman ang laban, huwag niyo silang matamaan, kung matatamaan niyo sila ay buhay ng isa sa mga kasama niyo ang kapalit," men of Ex whispered. Biglang kinabahan ang dalagang si Tres, sa isip niya'y paano kung may mabaril siya sabay namatay? Wala pa ring ligtas ang mga ranks. Sa isip niya'y wala siyang alam sa paghawak o pagbaril, kaya paano siya mananalo sa larong ito? "Marunong ka bang gumamit niyan? Sana ay hindi ka lang maganda, sana may utak ka rin," seryosong sabi ni Ex. "Gusto mo i-try ko sa'yo?" pagpapalusot ng dalaga, pero sa isip niya'y hindi niya kaya. Tumingin ang dalaga sa unahan, mayroong isang men of black na nakatapat sa kanya. Nagulat siya nang biglang may pumutok, nang tumingin siya kay Ex ay hindi nito natamaan ang tauhan ang natamaan niya ay ang orange prutas sa ulo nito. "Kaya mo 'yun?" pagyayabang ni Ex. Umiwas na lamang nang tingin si Tres. Tinapat niya sa gitna ang kanyang dalawang kamay sabay tinutok ang baril sa orange sa ulo ng men in black. "Kalabitin mo na!" sigaw ni Ex. Mas lalong kinabahan ang dalaga dahil kapag ang men in black ang natamaan niya ay isa sa mga ranks ang mababaril. Nag-focus ang dalaga, nanginginig niyang binaba 'yung baril sabay nanginginig niyang itinaas. Dahan-dahan inilagay ang kanyang isang finger sa trigger ng baril at unti-unting nilapat. Nang pumutok ay nagulat ang lahat dahil natamaan ng dalaga ang orange, sa mismong gitna. "Tsamba," bulong ni Ex sa dalaga. Hindi siya pinansin ng dalaga, bagkus nag-focus ulit ito para sa pangalawang orange. Mayroong tig limang tao sa harapan nila, ang unang makakaubos ng mga orange sa ulo ng mga tauhan ni Ex ay siya ang panalo. Nangulat ang lahat nang sabay-sabay ang pagputok. Napatingin si Ex kay Tres dahil agad na natapos ni Tres ang mission, samantalang siya ay apat pa lamang ang natatapos. "Two points kay Tres! Kay boss Ex ay one pa rin! Tuloy ang laban!" Masayang ngumiti ang mga ranks, nagulat din sila dahil paano nagawa ng isang babaeng wala pang training ang ganun. Even fully trained ay hindi kayang gawin 'yun. Sa kabila nang lahat ay naisip ng mga ranks na mahalaga sila kay Tres kahit hindi sila close, dahil ginawa ng dalaga ang lahat upang maligtas sila. "Ang last na laban! Entitled Mamatay o mamatay!" Men of Ex said. Nagulat ang lahat ng mga ranks lalo na si Tres, dahil ang ibig sabihin ng laban na 'yun ay may mamamatay sa kanilang dalawa. "Are you ready?" pang-aasar ni Ex sa dalaga. Hindi siya pinansin ng dalaga. "Ang laban na ito ay one on one fight! Handa na ba ang lahat? Hahaha! Magsimula na kayo!" masayang anunsyo ng tauhan ni Ex. Bumwelo si Ex sabay agad na sinipa sa tyan si Tres. Napaupo ang dalaga sabay napangiwi. Mahina na si Tres, hindi na niya kaya dahil kanina pa siya binubugbog. "T-tama n-na," pakiusap ng dalaga. Ngumisi lamang si Ex sabay sinuntok sa mukha si Tres. "F*ck!" galit na sigaw ni Uno mula sa kanyang upuan. Agad na napatayo ang binata sabay nasugatan ulit ang kanyang braso kaya nagdugo agad. "Huwag ka nang tumayo, brother! Look at your arms!" sigaw ni Maria na mayroong pag-aalala. Hindi siya pinansin ng kanyang kapatid. "Please, stop! Huwag ka nang tumayo!" sigaw rin ni Yuria na nag-aalala sa binata. Ngunit nabigo silang dalawa ni Maria dahil tumayo pa rin si Uno. Napangiwi ang lahat nang makita nilang dugo nang dugo ang kanyang braso dahil sa rope na may blade na nakaharang sa harap ng upuan niya. "Uno please, sit down," malumanay na pakiusap ni Xerz. Hindi siya pinansin ni Uno, nakatayo lamang ang binata kahit tumutulo na ang dugo. Dahil sa galit ng dalaga ay tumayo siya sabay bumwelo, bakas sa mukha niya na wala nang kaba. Niyukom ng dalaga ang kanyang kamao sabay agad na sinugod si Ex para suntukin pero agad na nahawakan ni Ex ang kanyang kamay sabay agad siyang binalibag. Napangiwi ang dalaga sa sakit, pero bumangon pa rin siya. Sinubukan ng dalaga na sipain si Ex pero nahawakan ni Ex ang kanyang paa sabay binalibag ulit siya. Napahawak si Tres sa kanyang paa at hita dahil sa sobrang sakit. Namumugto na ang mga mata ng dalaga pero pinilit pa rin niyang tumayo. Agad siyang nakabawi dahil nang suntukin niya si Ex sa mukha ay natamaan niya ang binata ngunit agad siyang nasuntok sa tyan kaya siya'y napaupo. "Hindi ko siya kayang panuorin! Para akong walang kwenta rito!" sigaw ni Xert. "Wala ba tayong magagawa?!" galit na sigaw ni Xern na minsan lang magsalita kaya napatingin sa kanya ang lahat. "Wala talaga Xern, para tayong mga inutil dito. Gustong-gusto 'yan ni Ex na maramdaman natin para mas mas masaktan tayo. Gusto niyang magmukha tayong tanga," sagot ni Xerz. "Naaawa na ako sa kanya, look at her! Pinipilit niyang tumayo! Ipapakulong ko talaga 'yang ex na 'yan! Mayaman naman tayo kaya p'wede tayong makapag-file ng kaso!" sigaw ni Maria. "Nakalimutan mo na ba? Ang may-ari ng aldeath ay ang pinakamayaman at maimpluwensya. Hindi man natin siya kilala pero alam natin kung gaano kalakas ang aldeath. Sana pala ay hindi na natin sila binangga," saad ni Yuria. "Pero kung hindi natin sila binangga ay hindi tayo makakatulong sa iba, 'diba? Magdasal nalang tayo para kay Tres," paliwanag ni Caral. Nang tumingin ang mga ranks kay Uno ay nananatiling nakatayo ang binata, wala siyang pakialam kung dumudugo ang kanyang mga braso. Nagulat ang iba pang ranks nang tumayo si Xerz, sa isip ni Xerz ay dadamayan niya si Uno. Agad na dumugo ang arm ni Xerz kaya napangiwi ang lahat. Ayaw mang aminin ni Xert pero gusto niya ring damayan 'yung dalawa kaya naman agad siyang tumayo sabat napapikit dahil sa sakit ng blade. Tumayo rin lahat ng mga lalaking ranks sabay dumugo ang kanilang mga arm. "Huwag na kayong tumayo girls," malumanay na saad ni Xero. "P-pero," nahihiyang sagot ni Yuria. "Kaya na namin 'to, huwag na kayong magpasugat. Sa paraan na 'to ay may magagawa kami para kay Tres," pangaral ni Xero. Tumango lang naman ang tatlong babaeng ranks sabay yumuko. Sinubukan ni Tres na suntukin si Ex, mabuti nalang dahil nakatama siya nang dalawang suntok. Sinipa niya sa maselang parte si Ex sabay napaupo ang binata. "Kapag nagalit ako sisiguraduhin kong mamamatay ka," banta ng dalaga. Tumawa lang naman si Ex habang nakaupo. Nang mainis sa tawa ni Ex si Tres ay sinipa ni Tres sa ulo ang binata. Napahiga ang binata sabay agad na tumayo habang pinupunasan ang kanyang bibig dahil sa dugo. "Malakas kang sumipa, saan mo natutunan yan?!" galit na sigaw ni Ex. "Ewan! Pina-split lang naman ako ng isa sa mga ranks! Sapilitang split pa! Sa tingin mo ba hindi lalakas 'yun! Aba ang sakit kaya!" sigaw ng dalaga dahil sa pagkainis. "Hindi sa ganun 'yun! Nag-training ka na ba noon?!" Hindi siya sinagot ni Tres, bumwelo ang dalaga sabay sinipa ulit sa ulo si Ex kaya agad na napaupo ang binata. Nang dahil sa galit ay agad na sinugod ni Ex si Tres sabay agad na sinuntok sa tyan sabay suntok sa ulo at sipa sa tyan. Napahiga ang dalaga, sa isip niya'y hindi na niya kaya. Pilit na pumipiglas si Uno kaya naman sa bawat paggalaw niya ay nasusugatan siya. Tulo nang tulo ang dugo niya pero wala siyang pakialam ang nasa isip niya lang ay ang tulungan ang dalaga. Sa hindi kalayuan ay nakatingin ang big boss. Tumingin siya sa kanyang isang tauhan na katabi niya. "Tell me, ano'ng pangalan ng babaeng 'yan?" "Hindi ko pa po alam, big boss," kinakabahan na sagot ng tauhan. "I-research mo ngayon na!" makapangyarihang sigaw ng big boss. Nakahiga lamang si Tres habang hinihingal, agad na bumungad sa harapan niya si Ex habang nakangisi. "Kaya mo pa ba? Hahaha!" Hindi sumagot ang dalaga, nagulat ang lahat nang biglang sipain ni Ex sa ulo si Tres kaya biglang napapikit ang dalaga. "Tres!" nag-aalalang sigaw ni Uno. Samantalang, patuloy ang pagdugo ng arm niya dahil sa paggalaw niya. Sa bahagi nang taas ng building ay agad na lumapit ang tauhan ng big boss. "Big boss! Ang pangalan niya po ay Treseya Cream Salvador!" Bumuntong-hininga ang big-boss, sabay kinuha ang kanyang mic. "Ex, stop the fight, palayain mo na sila. Kayong mga ranks, huwag na huwag niyo nang babanggain ang aking business dahil hindi uso ang second chance sa mga masasamang tao," seryosong anunsyo ng bigboss. Nagulat ang lahat, dahil dinig na dinig nang lahat ang boses ng big boss dahil nasa taas ito nang building sabay naka-mic pa habang nagsasalita. Napaupo si Uno dahil sa nakahinga siya nang maayos. "Bakit po?!" sigaw ni Ex. Sisipain niya pa sana si Tres sa ulo pero pinigilan niya ang kanyang sarili . Sakto naman ang pagmulat ng mata ng dalaga. Umiyak nang umiyak ang dalaga dahil sa narinig niya, hindi na niya napigilang umiyak dahil sa tuwa na kanyang nararamdaman. Agad siyang nagpasalamat sa panginoon. Hinayaan ng mga tauhan ni Ex na bumaba sa underground ang mga ranks. Kahit mga duguan sila ay agad silang tumakbo papalapit kay Tres. Naunang tumakbo ang binatang si Uno sabay agad na niyakap si Tres. "Tres! Huwag kang mamatay please!" sigaw ni Uno habang buhat ang dalaga. "H-hindi ako mamamatay buhat mo kasi ako," biro ng dalaga. Hindi siya pinansin ni Uno, patuloy lang sa paglakad ang binata habang buhat si Tres. Hindi naman makapagsalita ang mga ranks dahil sa kahihiyan na kanilang dinulot. "Uuwi na kami, huwag na kayong susunod," seryosong banta ni Uno sa mga ranks, "Maria, bilisan mo." Agad namang tumakbo si Xerz papalapit kay Uno. "Uno, sorry. Tres, sorry," malumanay na saad ng binata. Tumakbo ang mga ranks sa harapan nila Uno kaya naman tumigil sa paglakad si Uno. Walang emosyon siyang tumingin sa mga ranks. Sabay-sabay na nag-bow ang mga ranks sa kanila. "Tres, Uno, sorry!" sabay-sabay na sigaw ng mga ranks, "patawarin niyo kami!" dagdag pa nila. Tumango lang naman si Tres, si Uno ay seryoso lamang ang tingin sa kanila sabay patuloy na naglakad papalayo. "Bakit hindi mo sila pinansin?" nagtatakang tanong ng dalaga habang buhat siya ng binata. "Huwag ka nang magtanong, just rest." "Tres, I'm sorry," mahinang bulong ni Maria sa likod ni Uno. Tumango lang naman sa kanya si Tres sabay ngumiti. Agad na sumakay sa kotse sila Tres, Uno at Mara. Seryosong nagmaneho si Uno. Nang makarating sila sa kanilang bahay ay pinauna niyang bumaba si Maria. "Are you okay? Aalagaan kita," malumanay na bulong ni Uno. "I'm okay... mabuti nalang dahil naawa ata sa atin 'yung big boss... teka! Bakit marami kang dugo?!" "Tres!" pagpipigil na sigaw ni Uno, "please, huwag mo akong alalahanin, mas mag-alala ka sa sarili mo. Okay lang ako, okay? Mamaya aalagaan kita. Tara na bumaba na tayo." Tumango ang dalaga sa binata. Hindi niya akalain na mangyayari sa kanya ito. Pero sa tuwing titingnan niya si Uno ay parang wala siyang sakit na nararamdaman. Agad na binuhat ni Uno si Tres sa kwarto. Kumuha ang binata ng tubig sabay towel, pinunasan niya ang dalaga. Binigyan ni Uno nang damit ang dalaga, tumalikod siya para makapagbihis ang dalaga. Nang matapos magbihis ang dalaga ay pinunasan ulit siya ni Uno. Agad na kumuha nang first aid kit ang binata sabay ginamot ang sugat sa mukha ng dalaga pati sa kanyang arm. "U-Uno... salamat," "Shh, ako ang dapat magpasalamat sa'yo at dapat na manghingi nang sorry. Hindi mo 'to deserve Tres." Nakaramdam ng labis na awa ni Uno kay Tres kaya naman niyakap niya ang dalaga. Kahit na may paghihiganti sa puso ng binata sa dalaga ay hindi niya napigilang maawa rito. Hinayaan niyang maging malaya ang kanyang bisig na yakapin ang dalagang lumigtas sa kanila. At nagpamulat sa kanya na maging matatag sa bawat pagsubok na dapat ay tumayo lang kahit na hindi na kaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD