Episode 6.

5000 Words
TRES Pagkagising ko ay parang wala na akong maramdaman. Ang gusto ko lang ay lumipas na itong isang araw sabay gabi na ulit. Pagkatingin ko sa mini table ay mayroong gatas, dahil sa paborito ko ang gatas ay agad ko itong ininom. Lumabas ako sa room. Nakita ko si Uno sa kusina na nagluluto. Niyakap ko siya. "U-Uno salamat," Ang kapal ng mukha ko, pero gusto ko lang na maramdaman niya na na-appreciate ko siya. Inalis naman ni Uno ang kamay ko at agad na humarap sa akin. "Kakain na tayo," "Ayaw kong kumain, Uno!" parang bata na sigaw ko. Nagulat ako nang itinapat niya sa mukha ko ang mukha niya. "Bakit?" Humikbi ako habang nakatitig sa kanya, "Uno, ayaw kong kumain. Pero kung susubuan mo ako ay kakain ako!" "Ano ka sanggol?" He asked seriously. Pero nakita kong ngumiti siya. "Hehe! Hindi, sige kakain na ako. Ang mahalaga ay ngumiti ka, hehe!" Agad akong kumain sabay tumitig sa kaniya, he is so perfect. Pagkatapos naming kumain ay agad na kinuha ni Uno 'yung mga hugasan at agad siyang naghugas. Napakamot naman ako sa ulo ko kasi parang may gusto akong gawin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, niyakap ko ulit siya. "U-Uno," "W-why?" Kiniskis ko ang ulo ko sa likod niya. "Uno kahit limang minuto lang na yakap kita, please? Maaari ba?" Hindi naman siya sumagot. Pero hindi niya inalis ang pagkakayakap ko. Pagkatapos nang limang minuto ay ako na ang mismong umalis sa pagkakayakap. Tumalikod na ako pero- siya naman ang yumakap sa akin. "Sorry," mahinang bulong niya sabay hinimas ang buhok ko. "Sorry for what?" naguguluhan na tanong ko. "For being rude to you," Hinimas ko ang kamay niya sabay humarap sa kanya. "Uno, it's okay." "Tres, may kailangan kang malaman," "Ano naman 'yun, Uno?" "Uhm, hindi lang tayo isang linggo na mag-stay rito, siguro ay mas magtagal pa." "Ano?! Uno naman! Pero paano si Ate ko?! At ang pag-aaral ko?!" "P'wede naman tayong mag-aral dito, mag-module tayo," "Pero Uno, hindi ko kayang mabuhay rito nang matagal dahil sa nami-miss ko si Ate," malumanay na bulong ko. "Sa isang linggo ay pupunta tayo kung saan nakalibing ang ate mo," seryosong sagot niya. Umupo siya sa sofa sabay nagbasa ng libro. "Pero Uno! Bakit sa isang linggo pa? Gusto kong dalawin ang Ate ko sa bahay habang nakaburol siya!" Bumuntonghininga siya, "Sige, pupunta tayo ngayon, magbihis ka na." "Pero wala akong damit!" "Mayroon na sa kwarto mo," "Uhm... mayroon bang bra at panty? Hehe!" nahihiyang tanong ko. "Meron na rin, hindi naman p'wede na wala 'yun." "Wow ah! Ready na ready hahaha! Ikaw talaga, may balak ka ba talagang maging asawa ako?" pang-aasar ko. "Magbihis ka na sa kwarto, ang ingay mo. I hope na kasya sa'yo ang mga damit at ang under-" Nagulat ako sa huling sinabi niya kaya bago niya pa ituloy ang sasabihin niya ay tumakbo na ako papunta sa room. Hay naku! Nakakahiya. Pagkapasok ko ay I saw one paper bag, agad kong binuksan. There's have pants and jackets, then nagulat ako dahil maraming pink na panty at bra. Nang masuot ko ang panty ay may mali. "Uno!!!" sigaw ko mula sa kwarto. "Ano?!" sigaw niya rin mula sa dining area. "Maluwag 'yung panty ko!!!" "Pumunta ka rito! Tatahiin ko! Magtuwalya ka muna!" Agad akong nagtuwalya sabay lumabas, napakamot naman ako sa ulo. "Sure ka? Na tatahiin mo ang panty ko?!" "Bakit hindi? 'Wag mong sabihin na nahihiya ka sa 'kin? Pakikuha nalang ng sewing kit ko d'yan sa gilid." Tumango lang ako. Agad ko namang nakuha ang sewing kit sabay itinapat ko sa kamay niya. "Oh, ito!" "Uhm, nasaan pa 'yung isa?" "A-ano? a-anong i-isa?" Umigting naman ang panga niya sabay inilapit niya ang mukha niya sa akin. "Your panty," Agad kong itinapon sa kan'ya ang panty na hawak ko sabay nagtakip ako ng mukha. Hay naku! "U-Uno ako na lang, please? Marunong naman akong magtahi, hehe!" "Sana ay kanina mo pa sinabi, ako na," Napakagat labi ako sa hiya. "Gaano ba kaluwag?" seryosong tanong niya habang nakatitig sa akin. Ngumuso ako sabay ngumiti. Umupo ako sa tabi niya. "H-hindi ko alam Uno, why you asked? Susukatin mo pa ba? Hahaha!" "'Wag na, tatantsahin ko nalang. Maghintay ka muna d'yan, okay?" Tumango naman ako na parang bata. Ate, sa wakas ay makikita na kita, sobra kitang mahal na mahal Ate, sobra pa sa sobra kaya naman hintayin mo ako. Ate, patawarin mo ako kung hindi ako makakalapit sa'yo. Ate galit na galit pa rin kasi sa akin si Mama. At kung ang paglayo ko ang makakapagpatahimik sa kan'ya ay lalayo nalang ako. "Okay na, go sukatin mo na," seryosong sabi ni Uno sabay inabot sa akin ng panty ko. Mabilis ko itong kinuha habang nakangiti. Agad akong tumakbo sa kwarto sabay nagbihis. Pagkatapos ko ay agad akong lumabas pero wala na si Uno sa dining area. Tumingin ako sa salamin, ang cute ko pala. Naka-jacket at naka-pants ako, hehe! Parang holdaper, charot. Napatingin ako sa kwarto ni Uno, sakto dahil bigla siyang lumabas. Wow! Ang gwapo niya, naka-jacket din siya at naka-pants. Ang big sabihin ba nito ay couple kami sa suot? Ano kaya ang reaction ng mga babae sa school kapag nalaman nila na kasama ko ang heartrob na si Uno? Hindi ko naman namalayan na nasa harap ko na siya na nakatitig pa sa akin, "Kailangan mong suotin ang mga ito." Tumango lang ako, he is holding shades and cap. Agad naman niyang isinuot sa akin. "S-salamat, pero Uno bakit kailangan kong magtago nang ganito? Pinalayas lang naman ako ni Mama, pero hindi ibig sabihin nun ay isa akong kriminal. Hindi ko naman sinasadya ang nangyari. Tsaka Uno, kailangan kong magpatuloy sa buhay." Tumitig siya sa akin sabay hinawakan ako sa shoulder. "Sabihin na natin na para rin ito sa kabutuhan mo. Hayaan mong ipagpatuloy ang buhay na kasama mo ako." "Pero-" "Tara na," seryosong aya niya. Wala akong nagawa kaya agad akong sumunod sa kan'ya. Pagkalabas namin ay agad kaming sumakay sa sasakyan niya. Naalala ko naman 'yung sasakyan ko sa school, naiwan ko pala dun kasi kay Uno ako sumakay nung in-invite siya ni Mama na mag dinner sa amin. Sana naman ay walang gumalaw ng sasakyan ko. ** Lumipas ang halos limang oras na biyahe namin ni Uno, ang sakit na ng p'wet ko. Kasalan ito ni Uno, ang yaman yaman niya pero bakit sa malayo niya pa ako dinala?! Nakakainis. Matutulog nalang ako. ** Lumipas ang dalawang oras. Nang iminulat ko ang mata ko ay nakita ko na nasa tapat na kami ng bahay namin. Grabe, ang daming mga nakaitim na tao sa labas na mga bisita. Hindi ko naman masyadong makita ang mga tao sa loob dahil malaki ang gate namin. "Paano mo makikita ang iyong Ate kung maraming tao ang nakaharang? And mataas ang inyong gate." "May paraan ako, tara bumaba na!" Agad kaming bumaba ni Uno sa kotse. Naglakad kami papunta sa isang gilid. "Nakikita mo ba 'yan?" bulong ko sa kanya habang itinuturo 'yung aakyatin namin. "Oo, isang mataas na puno," "Dyan tayo aakyat para makita si Ate, hehe!" "Bakit kasama pa ako? Ikaw nalang ang umakyat. Tsaka bakit dyan? Sure ka ba na makikita mo ang Ate mo?" "Ang arte mo, kung hindi ka aakyat ay baka habulin ka ng mga aso na gumagala rito," "Bakit naman ako matatakot?" pagsusungit niya. "Samahan mo na ako! Hahayaan mo ba na ang isang magandang katulad ko ay mag-isa dun?" "Sige na! Ang ingay mo, baka may makarinig sa'yo, tara na!" Napangiti ako sa inasta niya. Agad kaming umakyat sa puno. Nasa kalagitnaan na kami. Madudulas sana ako pero bigla akong nahawakan ni Uno sa bewang, napangiti ako. Agad kaming nakarating sa taas, nakita ko naman ang upuan na kahoy na ginawa ko rito. "Tara! Umupo tayo!" aya ko. Agad naman siyang umupo. "Ikaw ba ang gumawa nito? Hindi ka lang pala madaldal, isa ka rin palang unggoy." "Talaga ba?!" Hindi siya sumagot, nang tingnan ko siya ay tumitingin siya sa bahay. "Kitang-kita 'di ba?!" pang-aasar ko pero hindi pa rin siya nagsalita. Nakita ko si Ate na nasa kabaong, nakita ko rin kahit papaano ang kanyang mukha. "Si Ate!" Nang tumingin ako kay Uno ay nakatitig lang siya sa bahay, hinayaan ko nalang siya. Inilibot ko ang tingin ko sa buong bahay namin, sobrang daming tao, isa na rin dun si Reina, si Kenn at iba ko pang mga kaklase. At syempre si Mama Zeroie na iyak nang iyak. Tinitigan ko si Ate, biglang tumulo ang mga luha ko. Si Mama naman ay nakakaawa, mahal na mahal niya talaga si Ate. Umalis si Mama sabay umakyat sa taas. Mabuti nalang dahil glass wall ang aming bahay kaya makikita ko kahit nasa kwarto si Mama, pero hindi ko siya makikita kung ihaharang nya 'yung kurtina kaya sana ay hindi. Napatingin ako sa kwarto ni Daddy dahil doon pumasok si Mama. Nagulat ako dahil biglang may sumampal kay Mama na isang lalaki, sino naman 'yun?! Nang humarap ang lalaki ay bigla akong nagulat dahil siya ay si... "D-daddy Zuryon?!" gulat na sigaw ko, "Daddy, bakit mo sinampal si Mama?!" "Of course, namatay ang kapatid mo at ngayon ay nawawala ka. Kaya bakit hindi siya sasampalin ng Daddy mo?" seryosong ani ni Uno na ikinainis ko dahil sa tono ng pananalita nya ay parang deserve 'yun ni Mama. "Wala kang alam, okay?! Siguro nga ay galit si Daddy, pero hindi naman deserve ni Mama 'yun!" galit na sigaw ko. Hindi naman nagsalita si Uno. Tumingin ulit ako sa kwarto ni Daddy. Patuloy niya pa ring sinasaktan si Mama, si Mama naman ay iyak lang nang iyak. "Tumabi ka, bababa ako!" sigaw ko kay Uno. "Hindi p'wede, baka gusto mong masampal ka rin ng Daddy mo dahil ikaw ang sisihin niya?" "Wala akong pakialam! Umalis ka sa tabi ko!" Hinawakan ako ni Uno sa braso. "Hindi ka p'wedeng umalis Tres, dahil kung pupunta ka sa kanila ay mayroon ka ng hindi na makikita pa." Bigla akong natakot sa sinabi niya kaya bigla akong nanahimik. Grabe, hindi ko akalain na may side siyang ganito... sobrang nakakatakot ang tono ng pananalita niya. Patuloy pa ring sinasaktan ni Daddy si Mommy kaya agad akong umiwas nang tingin sa kanila. Tumingin nalang ako kay Ate Dos. "Ate, mahal na mahal kita," I whispered. ** Pagkatapos kong tumitig kay Ate Dos ay agad na rin akong bumaba, kasunod si Uno. Sa totoo lang?! Ang sarap manakal ng lalaking masungit. Akala mo ay mga nireregla! Bumalik na pala si Daddy? Sigurado akong galit na galit siya. Pero bakit kailangan niyang sampalin si Mama? Gano'n na ba siya ka-affected sa paglalayas ko? O nagagalit siya nang sobra kasi dahil kay Ate? I think dahil kay Ate. All this time, naging misteryoso ang pagkatao ni Daddy Zuryon namin, wala akong alam masyado sa kan'ya pero isa lang ang alam ko... na iba ang pakikitungo niya sa akin. 'Yun bang mahal na mahal niya ako keysa kay Ate Dos. May hinanakit ako kay Mama, kasi dati ay ipinaalaga niya ako kay Lolo at Lola. Samantalang si Ate Dos naman ay kapiling niya, bakit hindi ako kasama? Kinalabit ako ni Uno. "Uuwi na tayo," "Umuwi ka, hindi ako sasama sa'yo!" Hindi ko sure itong gagawin ko... pero agad akong tumakbo. Tumakbo ako nang mabilis. Hanggang sa pagkalingon ko sa unahan ay hindi ko na nakikita si Uno, mabuti naman dahil nakatakas din ako sa gwapo na misteryoso na 'yun. Napatingin ako sa paligid, grabe ang bilis ko bang tumakbo? Wala na pala ako sa village... nasa labas na ako at nasa isang iskinita. Grabe, nakakatakot naman dito. "Hi Ganda! Ang kinis mo naman!" pagkalingon ko ay isang maitim na lalaki na sobrang taba na mukhang masamang tao, hala! "Ano ka ba pare? Makinis lang ako pero mas makinis ka! Tingnan mo nga ang sarili mo, naglalangis 'yang katawan mo! Hahaha!" pang-aasar ko sabay agad akong tumakbo. Nang lumingin ako ay agad siyang sumunod. "Hoy babae! Loko ka! Bumalik ka rito!" habol na sigaw niya. Nakita ko naman na wala na akong lulusutan, wala ng daan dahil may harang na pader. Tumitig ako sa lalaki sabay umatras. "Aba Manong, ako ba'y sinusubukan mo?" "Hija oo, sinusubukan kita! Ang sarap mo siguro!" sigaw ng lalaki. Akma siyang lalapit sa akin, pero agad kong itinaas ang kaliwang paa ko sabay ipinatong 'yun sa balikat niya. Ngumisi ako sa kan'ya kasi nagulat siya sa ginawa ko. Akma niya akong hahawakan sa legs pero itinaas ko ang legs ko sabay ibinagsak ko sa balikat niya kaya napaupo siya. Tumitig ako sa kan'ya sabay umupo. "Manong, 'wag kang trying hard na manakit ng tao kung sa simpleng pagpatong ko ng legs ko sa balikat mo ay mapapaupo ka." "Nakatsamba ka lang!!" sigaw ng lalaki sabay tumayo. Susuntukin na sana ako ng lalaki pero agad akong nakaiwas. Hinawakan ko siya sa kaliwanag kamay, ipinuwesto ko ang aking paa paatras sa kanan sabay hinawakan ko nang mahigpit ang kaniyang braso sabay ibinalibang ko siya, agad naman siyang napahiga. "Bakit ang lakas mo?! Naturingang babae ka! Tapos maganda pa!" sigaw niya. Nakaupo pa rin siya habang hawak ang kanyang bewang. Ngumisi ako sa kan'ya sabay fake laugh, "Manong, kayong mga lalaki, huwag na huwag ninyong iisipin na mahihina ang mga babae, kasi ako? Nagagalit ako kapag gano'n. Wala kayong karapatan na sukatin ang kakayahan ng isang babae ng dahil lang sa alam niyong malakas kayo. Manong ang pagiging malakas ay napaghahandaan, napagpa-practice-san, naglalaan ng oras at panahon. Ikaw kagaya mo, isa kang lalaking bida-bida sa kakayahan ko, ano ka ngayon huh? Nakaupo! Hahaha!" madiin na paliwanag ko. "Papa! Ano na naman 'to?!" sigaw ng isang familiar na boses. Teka, pagkaharap ko ay si... Fryna Benu? Taga rito pala siya sa squatter area sa masikip na iskinita. Inalalayan ni Fryna ang Papa niya, sorry Benu, may maling behaviour kasi ang Tatay mo kaya tinuruan ko ng leksiyon. Tumalikod ako para hindi makita ni Fryna, pero pagkatalikod ko ay nakita ko si Uno... lagot! Inirapan ko siya sabay tumakbo papalapit sa kan'ya. "Tara na! Bago pa tayo makita ni Fryna!" bulong ko sa kan'ya. Agad ko siyang hinila papalayo sa lugar na 'yun. Hay naku! Bakit naman gano'n agad ang encountered namin ng Tatay ni Fryna!? Gano'n ba talaga sa squatter's area? Pero ang alam ko ay hindi naman gano'n, sadyang may mga bilang lang na tao na gano'n ang behaviour. Marami na kasi akong nakasalamuha na mga taga squatter pero solid sila kasama keysa sa mga mayayaman na maarte, but still 'di lahat. Habang tumatakbo ay hawak ko pa rin sa kamay si Uno, nagulat ako nang alisin niya ang kamay ko. "Ano bang ginagawa mo doon? At bakit mo naisip na takbuhan ako?!" galit na sigaw niya. "W-wala lang! Namasyal at nag-jogging lang ako!" Inilapit niya ang mukha niya sa akin sabay ngumisi at umiling. "Namasyal o gusto mong tumakas? Muntik ka pang mapahamak!" Napakamot naman ako sa ulo dahil sa kahihiyan. "N-napanuod mo?" Inalis niya 'yung shades niya. "Oo kitang-kita ko, nanuod lang ako kasi magaling ka pa lang lumaban, saan mo natutunan 'yun? Dapat nga ay may alam ka sa pakikipaglaban para naman hindi ka mapahamak." "S-sa Lolo ko! Hambog 'yun, hahaha! Pero mabait siya. Gusto mo bang dalawin natin si Lolo ko? Please?! Malapit lang naman 'yun!" masayang sigaw ko. Umiling lang siya sabay naglakad papalayo. "U-Uno! Ano ba? Pupunta ba tayo?!" sigaw ko. Medyo malayo na kasi siya. "Sa Mother's side ba or Father's side mo siya Lolo?!" sigaw niya rin mula sa malayo. Bakit ba ang layo na niya?! Ang bilis niyang maglakad! "Father's side!" sigaw ko sabay agad akong tumakbo papalapit sa kan'ya. I tapped his shoulder, pero hindi man lang siya lumingon. Bakit ba ang sungit ng lalaking 'to? Ang sarap niyang sipain! ** Habang naglalakad ay kinakausap ko ang sarili ko. Lolo kumusta ka na? Nakabangon ka na ba sa libingan? Joke! Sana ay okay ka na, oo naman 'no 'di ba Lolo? And huwag ka na pong mag-alala sa akin. Lolo, sobrang miss na miss na kita, Lolo naging masaya ako sa piling niyo ni Lola pero Lolo nagtataka ako... bakit kailangan na ipaalaga ako sa inyo ni Mama Zeroie? Samantalang si Ate Dos ay kapiling niya. Kinuha lang ulit ako ni Mama Zeroie kasi nalaman ko na ipinag-utos 'yun ni Daddy ko. Tsaka bakit bukod kay Ate Dos ay parang mayroon pa siyang pinagkakaabalahan? Ito pa Lolo, bakit nung kinuha ako sa inyo ni Daddy ay wala akong matandaan? May tumapik sa braso ko. "Nandito na tayo," "Sure ka ba? Dito na ba 'yun?!" maktol ko. Ngumisi siya sabay umigting ang panga. Bumaba siya sa kotse na para bang walang pakialam sa akin. Mapang-asar talaga ang lalaking 'to, ang sama ng ugali. "Uno!" sigaw ko mula sa malayo kasi ang bilis niyang maglakad. Hindi naman niya ako pinansin, patuloy lang siyang naglakad. Tumakbo ako nang mabilis para masundan siya. "Uno! Nagka-girlfriend ka na ba?!" Napatigil siya sa paglalakad sabay lumingon sa akin. "Bilisan mo," "Narito na ang lapida niya sa harap natin!" masayang sigaw ko. Tumango naman siya, umupo ako sa puntod ni Lolo. Pinunasan ko ang lapida niya gamit ang kamay ko. "Lolo, I miss you! Ano pang hinihintay niyo? Bumangon na kayo d'yan! Hahaha!" biro ko. Nang tumingin ako kay Uno ay ngumiti siya. "Lolo! Siya po pala 'yung kumidnap sa akin! Isang guwapong lalaki pero masungit! Aba'y daig pang may regla!" Umupo si Uno sa tabi ko. "Lolo hindi po 'yun totoo, tinulungan ko lang po siya." Napangiti naman ako, pagkalingon ko sa gilid ay may isang binata na may dalang gitara. "Hey!" tawag ko sa binata. "A-Ako po?" nahihiyang tanong niya sabay agad na lumapit. "Maaari ba akong makahiram ng gitara mo? Saglit lang, kakantahan ko lang si Lolo ko hehe! Sige ka, kapag hindi mo ako pinahiram ay mumultuhin ka niya," seryosong ani ko kaya naman nagulat 'yung binata, "Hahaha! Joke lang!" Napakamot naman sa ulo ang binata, agad akong nag-peace sign. Ngumisi naman si Uno kaya inirapan ko siya. "Uhm, sige po! Ate, ito na po hehe!" masayang ani ng binata sabay inabot sa akin ng gitara niya, "Ate babalikan ko nalang po 'yan, bibili po kasi ako ng bulaklak d'yan sa flower shop malapit sa gate. Magpapabili rin po ba kayo ng bulaklak?" "Salamat! Ibabalik ko rin naman 'to agad. Sige, magpapabili rin ako, salamat huh! Mag-ingat ka." Ngumiti ang binata sabay agad na umalis. Nakakatuwa naman. Nang tumingin ako may Uno ay seryoso lang siya habang nakaupo na nagmamasid sa palagid. Hinawakan ko ang gitara. "Lolo, kakantahan kita, malungkot na kanta 'to kasi simula noong nawala ka ay nawalan na rin ako ng gana. Tsaka nawalan ako ng maituturing kong bahay, bahay na komportable ako, kasi sa piling mo ay sobrang sarap sa pakiramdam." Nakita kong lumingon sa akin si Uno, siguro naman ay hindi siya aware na ako 'yung babae na nakamaskara na sikat sa URB. Sana naman ay hindi siya pumupunta doon. Inilapat ko ang aking daliri sa gitara sabay agad akong kumanta. Pumikit ako, gusto kong damhin ang aking kinakanta. Maya-maya pa ay iminulat ko ang mata ko dahil gusto kong makita ang reaction ni Uno. Napatigil ako sa pagkanta dahil si Uno ay mukhang nagulat. "Bakit?" nagtatakang tanong ko. Ngumiti siya ngunit sapilitan lamang, "W-wala, totoo nga ang sinabi ni Teacher Su na magaling kang kumanta." Napangiti ako sa kan'ya sabay umiling. Ipinagpatuloy ko ang pagkanta. Tumitig lang ako sa lapida ni Lolo and hindi ko namalayan na tumulo na ang luha ko. Napatingin naman ako kay Uno na namumugto ang mga mata kaya parang nag-slow motion ang pangyayari habang ako'y kumakanta. Nakaramdam ako ng awa sa kan'ya. Magaling ba talaga akong kumanta? I think naka-relate si Uno. Napapikit ako sa lalim ng kinanta ko, pinunasan ko ang aking luha. Tumingin ako kay Uno, nakatalikod na siya sa akin. Kinalabit ko siya. "Uno, may problema ba?" Umiling lang siya, "W-wala, ang galing mong kumanta, may naalala lang ako. And hinihintay ko 'yung binata na bumalik." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Pagkatapos kong kumanta ay hinimas ko ang lapida ni Lolo. "Lolo, did you know what is the most hurtful unequal treatment I've ever experienced? It is the unbalance treatment from my mother," mahinang bulong ko sabay napatungo. Naramdaman ko naman ang kamay ni Uno sa likod ko na ikinagulat ko. "Lolo si Ate Dos, wala na po siya. Kung kasama niyo man po siya ngayon ay mag-celebrate nalang muna kayo ng magkasama... kasi ayaw ko pa pong sumunod sa inyo, hehe!" Agad namang inalis ni Uno ang kamay niya sa likod ko, gusto ko lang namang magbiro hehe! Kinalabit ko si Uno. "Ikaw Uno? Wala ka man lang bang kakantahin para sa Lolo ko?!" "P'wede naman akong kumanta," mahinang bulong niya sabay humarap siya sa akin. Inabot ko sa kan'ya 'yung gitara pero hindi ko binibitawan, ngumiti muna ako sa kan'ya nang sobra kasi gusto ko siyang asarin. "Uno, hindi mo sinagot 'yung itinanong ko kanina, 'yung kung may girlfriend ka na ba?" Napabuntonghininga siya, "Kapag sinagot ko ba 'yung tanong mo ay mananahimik ka na?" Tumango ako agad, "Yes!" "Mayroon akong naging girlfriend three years ago. She is my first love pero patay na siya, at kahit na may dumating pa sa buhay ko na bago ay siya pa rin ang mamahalin ko. Pero dahil sa ayaw kong makasakit, hindi nalang ako magmamahal pa," seryosong sagot niya sabay inagaw niya sa akin ang gitara. Hindi ako nakapagsalita, tumitig lang ako sa kan'ya kasi ang lalim ng iniwan niyang mga salita. Pakiramdam ko ay naapektuhan ako. Bigla namang sumakit ang ulo ko kaya napapikit ako. May nag-pop up sa isip ko na isang pangyayari na hindi ko maintindihan. Ngumiti ako nang sapilitan para hindi ako mahalata ni Uno. Bigla namang dumating 'yung binata na may dalang mga bulaklak at kandila. Agad niya itong inabot sa akin sabay ngumiti siya, ngumiti rin ako pabalik. "Salamat hehe! Mag-iingat ma palagi!" masayang sigaw ko. Ngumiti sa akin ang binata, "Welcome po! Sige na po Ate at Kuya mauna na po ako, may pupuntahan pa po kasi ako, hehe!!" paalam niya. Ngumiti kaming dalawa ni Uno sa kan'ya, si Uno naman ay agad na inabot 'yung gitara. Agad kong sinindihan ang kandila, mabuti naman dahil may kasama na itong lighter. Inilagay ko ang bulaklak sa lapida ni Lolo. "Ay bongga! Namumulaklak ang lapida ni Lolo! Hahaha! I'm sure Lolo nakangiti ka, I love you po." Lumingon ako kay Uno, seryoso lamang siya habang nakatingin sa lapida ni Lolo. Saan naman kaya kami pupunta ngayon? Para kasing may gusto pa akong gawin bago kami bumalik sa probinsya. Alam ko na kung saan kami pupunta, "Uno? Tara na sa kotse! Bilisan mo!" "Sure ka? Baka gusto mo pang matulog dito?" "Uno, tara na!" masaya ko siyang hinila habang hawak ang kanyang kamay. Nang makarating kami sa kotse niya ay agad kaming pumasok. Habang nagse-seat belt ako ay napatingin ako kay Uno... naalala ko 'yung sinabi niya na hindi na siya magmamahal pa. Nakakalungkot naman, I mean hayaan niya sana ang kanyang puso. Nang bigla siyang tumingin ay umiwas ako. "Saan mo gustong pumunta? Bakit parang excited ka?" "Sa mall," Hindi nagsalita si Uno, nanahimik na lamang ako. Nakarating na kami sa mall, agad na nag-park si Uno sa parking lot. Masaya akong pumasok sa loob, si Uno naman ay mukhang nagtataka. "Tres, ano namang gagawin mo rito?" "Secret!" pang-aasar ko. Agad naman akong tumakbo, dumiretso ako sa grocery store. Lumapit sa akin si Uno na nakakunot ang noo. "Bakit ba ang hilig mong tumakbo?!" Hindi ako nagsalita sabay kumuha ako ng cart. "Ano'ng bibilhin mo? Gatas mo? Marami pang stocks sa bahay ko." Uno asked mula sa likod ko. Hindi ko naman siya pinansin, hinakot ko ang lahat ng nasa harapan ko sabay inilagay sa cart. "Magsasari-sari store ka ba?!" singhal niya mula sa likod ko. Hindi ko siya pinansin, nagtungo ako sa kabilang linya kasi halos ubos na sa kabila. Full na 'yung cart ko kaya agad akong kumuha ng bago. Hanggang sa halos naka-ten na akong cart na malalaki, lahat 'yun ay full... parang kulang pa?! "Sure ka na ba sa sampung cart na 'to? Tres, may pambayad ka ba?" "Of course, ano ang tingin mo sa akin? Umaasa sa lalaki? Na kagaya mo? No!" pagmamayabang ko sabay kumuha ako ulit ng tatlong cart. Agad ko namang napuno ang tatlong cart, parang may kulang pa? Kaya agad akong nagpatulong sa mga staff na gawin ng bente 'yung cart. And sila nalang ang maglagay ng mga essentials na pagkain. "Excuse me, may stock ba kayo ng isang libong sako ng bigas?" I asked sa isang staff. Nagulat 'yung lalaking staff, "Yes ma'am! Bibili po ba kayo? Kukunin niyo na po ba? Para po maayos na sa bodega, hehe!" "Yes kukunin ko, go ahead paki-prepare na. Since naka-kotse lang kami, p'wede ba na 'yung truck niyo nalang ang gamitin and you may follow us?" "Yes po, mam!" ** Nakahinga ako nang maluwag kasi nasa labas na kami ni Uno. Nang sumilip ako sa likod ay nakita ko ang sampung truck. "Tara na, pumasok ka na sa kotse," utos ni Uno. Agad akong sumunod sa kan'ya. Nang makasakay ako ay masaya akong tumingin sa likod. "Sure ka na ba talaga sa mga pinamili mo? Mukhang mamimigay ka ng relief goods." "Uno, may itatanong lang ako sa'yo, agree ka ba na dapat ang sahod lang ng Presidente at mga senador sa isang bansa ay mababa lang?" "It's impossible Tres, dahil na rin sa tungkulin nila na ginagampanan." "Pero Uno sure ka ba na nagagampanan nga talaga nila? Most of all sa kanila ay greedy sa kapangyarihan. Kaya gusto nila na mataas ang posisyon dahil bukod sa malaki ang sahod ay malaya sila and halos hawak nila sa leeg ang mga other employee. Tsaka ito pa, nakakapagtaka naman kasi... bakit 'yung mga anak, pamangkin, at kapatid ng may mga katungkukan ay sa tuwing nababangga sila ng maliliit na tao ay ang sinasabi nila ay kilala mo ba ako? Kilala mo ba ang binabangga mo? Like hindi mo ba alam na anak ako ng Mayor o Governor? Gano'n Uno. Bakit gano'n sila!? Without knowing na ang mga tao ang bumuto sa ipinagmamalaki nila, upang malagay ito sa gano'ng posisyon which means magsisilbi sila sa bayan. Pero ipinagmamayabang ng kamag-anak nila at sila rin," madiin na paliwanag ko. Simula kasi nung naging tropa ko ang mga mahihirap dati ay ikinukwento nila kung paano naging unfair ang trato sa kanila ng ibang mga tao sa itaas. Swerte ko kasi hindi ko 'yun naranasan. Kahit papaano ay nasa middle class kami and ay may sahod ako sa URB. "Tres, lower your voice, naiintindihan ko ang punto mo ngunit sa mga sinasabi mo'y para kang anti-government. Besides of your concern, sana naman ay makita mo rin ang mga tamang ginawa nila not just what you think na mga maling ginawa nila. Not all tiger same as tiger." "Alam ko naman 'yun Uno, what my concern is! Ang daming squatter's area, mga nagru-rugby sa kalsada na halos mga bata, and mga beggar! Wala ba silang pakialam?!" "I understand your concern Tres, there's have many institutions and their services na tutulong sa kanila which is provided by government to save everyone from their needs. Kaya naman huwag kang magsalita na parang alam mo na lahat, kasi tama ka oo, may mga unfair na tao at totoo 'yun Tres at hindi sila mawawala, kasi alam mo kung bakit? Kasi part na sila ng mundo na kung saan dumadaloy na ito kung paano mamumuhay ang mga tao. Pero kahit na maraming unfair na tao ay palagi nating iisipin na mayroon ring mga mabubuti," seryosong sagot niya. Tumango lang naman ako. ** Lumipas ang ilang minuto. "Tres, saan ba tayo pupunta?" Napangiti naman ako sa itinanong ni Uno. I think matutuwa siya sa gagawin ko, "Doon sa iskinita kanina na pinuntahan natin, doon sa squatter area." Tumango naman siya sa akin sabay ngumiti. ** Nakarating na kami sa isang maliit na lugar, na ang mga bahay ay halos mga kahoy. Maingay rito at magulo pero masaya ako kasi ang daming mga batang naglalaro na kung saan ang sarap nilang panuorin. This is my big dream, ang tumulong sa mga tao kasi minsan naiisip ko na kahit hindi ko sila responsibilidad... iniisip ko na ano kayang mga kinakain nila? Ang swerte ko kasi ako ay halos lahat ng gusto ko ay nakukuha ko, lalo na noong nagtrabaho ako sa URB. "Lalabas pa ba tayo? O hahayaan nalang natin na ang mga staff na ang magbigay ng mga pagkain?" tanong sa akin ni Uno. He is cute while asking, I think he's interested too. "Uno, sinabi ko naman sa kanila na sila na ang bahala. Kung may magtanong man na kung saan ito galing, sinabi ko rin sa mga staff na huwag nang sabihin." Ngumiti sa akin si Uno, I read in his eyes how he's so proud to me, kaya naman napakamot nalang ako sa ulo. We are not so close, pero alam ko na mabait din siya. "Uno? Sana hindi ka ma-offend sa itatanong ko, may mga natulungan ka na ba? Since mayaman ka naman, hehe!" nahihiyang tanong ko. Totoo naman, mayaman siya, dapat lang na tumulong siya. Rich people? It's not their responsibilty to help, but their wealth are God's way of building unity. Humarap siya sa bintana habang pinagmamasdan ang mga bata, "Mayroon naman, In fact, dahil sa hindi ko na rin alam kung paano ko gagastusin ang pera ko ay tumutulong ako sa mga tao na mayroong problema sa kanilang mga ngipin. I have forty clinics to give financial support to make it free. Based on my observations, half percent of Filipinos have dental problems and they are all afraid to go to dental clinics not because of doctors and their attitudes, it's because of the dental price rates that they can't afford." Talaga?! Grabe sobra mo akong napahanga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD