Hanggang saan.

2499 Words
TRES Pagkagising ko ay sobrang sakit ng ulo ko. Hindi ko napigilang umiyak dahil sa masamang panaginip tungkol kay Ate. Bakit kailangan mong mawala Ate? Kung kailan na maayos na sana tayo nila Mama ay nawala ka. Ate patawarin mo ako, sana ay mapatawad mo ako. Ate pupuntahan kita mamaya. Pipilitin ko si Mama na kausapin ako. Napatingin naman ako sa buong paligid, bakit parang kakaibang kwarto 'to? May nakita naman akong malamig na tubig sa tabi ko at isang... letter? Agad ko namang binasa. 'Sa susunod na malasing ka ay dapat alam mo pa rin ang ginagawa mo. Hindi 'yung pumapasok ka sa kwarto ng ibang tao at nangyayakap pa.' Biglang may lumabas na isang lalaki sa comfort room, he is topless. Tinitigan ko siya... teka, si Uno? "Ano'ng ginawa mo sa akin? Bakit topless ka!?" "Naligo kasi ako, ikaw bakit mo ako niyakap kagabi? Lasing na lasing ka. Paano kung hindi ako 'yung nayakap mo? Ano sa tingin mo ang mangyayari sa 'yo?" Napangiwi naman ako, "Ang sungit mo sa akin kahapon at noong nakaraan tapos ngayon ay para kang superhero!" Hindi naman niya ako pinansin. Napatungo naman ako dahil sa kahihiyan. Tama naman siya, paano kung masamang tao ang nayakap ko? Hay naku! "Tres, wala tayo sa URB, inilipat kita rito sa house ko sa probinsya." Nanlaki ang mga mata ko, "Ano?! Para saan? Alam mo naman na namatay si Ate 'di ba? Tapos dadalhin mo ako rito?!" "Tatanungin muna kita, bakit ka pumasok sa kwarto ko? Sa URB?" "It's because I'm drunk!" "Bukod pa dun, bakit ka naglasing?" "Pinalayas ako ni Mama!!!" I shouted. Hindi ko na napigilang umiyak. "Pinalayas ka at wala kang matutuluyan, dito muna tayo." "Pero paano si Ate ko?! Pupuntahan ko siya! Please Uno please! Tsaka Uno, may pasok tayo!" "Bisitahin mo nalang si Ate mo pagkabalik natin. Hayaan mong maghilom ka rito. Wala tayong pasok ng isang linggo Tres dahil semestral break." "Hindi p'wede! Kailangan kong makita ang Ate ko! And kailangan kong magpaliwanag sa Mama ko! Please naman Uno, please!" singhal ko. Wala akong pakialam kung mabaho ang hininga ko. "Naiintindihan kita, hayaan mo na muna ang iyong ina. I think kapag hindi ka niya nakita ay ma-realize niya ang halaga mo. Una, hindi mo naman kasalanan 'yun pero bakit ka niya sinisisi? Aksidente lang 'yun Tres." "Hindi ko alam! Siguro ay dahil sa hindi niya ako anak!" "Bakit mo naman nasabi na hindi ka niya anak?" Napaluhod ako sabay tumitig sa kan'ya. "Iba ang pagtrato sa akin ni Mama simula pa lang Uno. At si Ate?! Si Ate ang mahal na mahal niya!" "Be thankful enough dahil may Nanay ka pa rin na kasama. Samantalang 'yung sa iba d'yan ay iniwan na ng mga Nanay nila," seryosong saad ni Uno sabay tumalikod at naglakad papalayo. Ano'ng problema niya? Iniwan ba siya ng Mama niya? Ano naman ang gagawin ko rito sa bahay niya? Nakakainis ka Uno. Sana ay naging masungit nalang siya sa akin nung mga nakaraan para naman nasanay na ako. Hindi 'yung sobra siyang magalang at mabait sa akin. Humilata nalang ako sa kama kasi wala naman akong magagawa. Inisiip ko pa rin si Ate, Ate sana ay hindi nalang pala kita dinala doon. "Kumain ka na, tara," Pagkalingon ko ay si Uno. "Pahiram muna ako ng cellphone!" "Wala rin akong cellphone, useless lang ang mga gadgets dito dahil walang signal." Pumikit naman ako dahil sa nagpipigil ako ng galit, "Nakakainis ka! Gusto ko lang namang tawagan si Dad!" "Wala talaga, at kahit tumakas ka pa rito ay wala kang mapupuntahan. Kung magtatangka kang lumakad papalayo ay babalik at babalik ka rin dito dahil maraming gumagalang masasama d'yan." "Hay naku! Kung gusto mong maging asawa ako ay sabihin mo! Hindi 'yung kinukulong mo ako rito!" Tumitig sa akin si Uno, "Ang maging asawa ka? Malabo 'yan." "Kung malinaw ba ay gusto mo?!" "Bakit hindi?" bumuntonghininga siya, "hindi nalang," Bigla siyang lumabas sa kwarto. Hindi ko napigilan ang sarili kong lumabas sa kwarto. Agad ko siyang hinabol. "Uno! Bakit ba napakaseryoso mo? Sa unang pagkikita natin ay sobrang sungit mo tapos napalitan ng pagiging magalang at mabait! Tapos bigla kang naging masungit kahapon at ngayon! Ano bang problema mo? May nagawa ba akong masama sa 'yo? "Kainin mo nalang ang mga ito habang mabait pa ako," seryosong utos niya sabay abot sa akin ng tray na may laman na mga pagkain. Hay naku! Sa sobrang inis ko ay tumalikod ako sa kan'ya pero syempre kinuha ko 'yung tray na may mga pagkain. Sabay kumain nalang ako dahil nakakagutom na. Wow! Ang sarap, luto niya kaya 'to? Ang sarap ng adobong baboy, my favorite. ** Pagkatapos kong mag-asikaso sa sarili ko ay agad akong lumabas. Nakita ko si Uno na nakatalikod habang kumakanta ng isang unfamiliar song. Lumapit ako sa kanya. "Ikaw ba ang gumawa ng kanta? It's unfamiliar." "Oo, pero wala kang pakialam," seryosong sabi niya sabay umalis. Agad ko naman s'yang sinundan. "Ano ba ang problema mo?!" sigaw ko sabay tinulak ko siya. "You bring me here, pero bakit parang wala lang ako sa'yo?! Sige sabihin mo sa akin! Ano ang problema mo?!" Agad naman niya akong hinawakan sa bewang at inilapit sa kan'ya. "Wala akong problema, ikaw may problema ka ba?" "Alam mo na malaki ang problema ko, naguguluhan na ako sa 'yo! Porke ba gwapo ka ay gagawin mo ng puzzle 'yang pagkatao mo?! Grabe, ang hirap basahin ng pagkatao mo. Alam mo naman na sobrang sakit sa akin ang nangyari sa Ate ko pati na rin ang mawalay sa Mama ko!" Biglang tumulo ang luha ko. Nagkatitigan naman kami, pero bigla siyang umiwas. "Ikaw ang may problema, kung hindi ka pumasok sa kwarto ko at niyakap ako ay sana'y wala ka rito. Ikaw ang may kasalanan no'n," seryosong sabi niya. Huh?! Ako pa talaga? Sa sobrang inis ko ay sinipa ko siya sa paa, pero hindi man lang siya nasaktan. Tumitig lang siya sa akin sabay umalis na. Naglakad nalang ako papunta sa refrigerator. Nakita kong may mga alak kaya kumuha agad ako ng lima. UNO Hindi ko rin talaga alam kung bakit ko naisipan na dalahin siya rito. Ang alam ko lang na pumapasok sa isip ko ay gusto kong maghiganti. Pero naisip ko na kahit papaano ay may koneksiyon pa rin siya sa akin, isa pa rin s'yang- Bigla namang bumukas ang pinto, nakita ko si Tres na wala sa sarili niya. Babangon na sana ako sa pagkakahiga pero, pero bigla niya akong niyakap. Talento mo ba talaga na pumasok sa kwarto ko sa tuwing lasing ka? Hindi ko maalis ang pagkakayakap niya sa akin. Ang baho pa niya, amoy alak. Ininom niya ba ang mga alak na stock sa refrigerator ko? Tinitigan ko siya, sobrang pula ng mga labi niya, namumula ang mga mukha niya, singkit ang mga mata niya, and maganda talaga siya pero mali 'to. Mali ang naiisip ko sa kan'ya, at mas maling isipin kong maganda siya dahil wala akong pakialam sa mga babae simula noong nawala ang isang babae na iniingatan ko. "M-Mama," mahinang bulong niya sa akin. Required bang paglasing siya ay ako ang napagpagkamalan niyang Mama niya? Tres, ang lakas ng tama mo. "Mama, anak mo ba talaga ako? Bakit hindi mo ako kayang patawarin?! Mama kung ang paglayo ko ang makakapagpasaya sa 'yo ay lalayo nalang po ako!" sigaw niya sa 'kin sabay kinurot ako sa pisnge. Tiningnan ko ang mga mata niya, ang daming tumutulong luha. Nakakaawa ka naman pero mas may nakakaawa pa sa 'yo, sa totoo lang. "I-Ikaw ba si Uno Co na sobrang sungit pero magalang? Happy birthday kahapon!" Nagulat ako sa sinabi niya kaya inalis ko ang pagkakayakap niya sa akin. "Hindi ko gusto na mapalapit sa 'yo. Pero maaari kitang gamitin para may masaktan akong tao, at may masaktan kang tao," I whispired. Pero bakit sa tuwing sinusungitan kita ay nasasaktan ako? Bakit parang naaalala ko siya sa'yo? Pero bawal kong maramdaman 'yun kasi may plano pa ako. Tres, sa lahat ng sinabi mo ay mayroon dun na isang salita na sana ay hindi na nga lang toto, kasi kung totoo 'yun ay hindi ko na rin alam ang gagawin. Kumuha ako ng basang towel sabay ipinunas ko ito sa mukha niya. Pagkatapos ay lumipat ako sa sofa at doon humiga. THIRD PERSON Hindi mapakali si Miss Maritues, ang manager sa URB at manager ni Tres dahil darating ngayon ang kanyang boss na may-ari ng URB. "Nasaan si Tres?!" makapangyarihang sigaw ng Boss n'yang lalaki. "Sa totoo lang Boss ay nandito siya kagabi, sampung alak nga po ang nainom niya." "So expected ko na ba na nasa kwarto siya at nagpapahinga?" pag-uusisa nito. "Ang totoo po n'yan ay-" "Ano wala?!" sigaw ng boss, "kaya nga ipinapatay ko sa'yo ang kapatid niya para mag-stay siya rito!" Hindi na napigilang umiyak ni Miss Maritues, "Boss! Bakit ba kailangan pa nating patayin ang kapatid niya?!" "T*nga ka! Malamang para araw-araw siya rito! Alam mo kung bakit!? Kasi malungkot siya. Malungkot na malungkot siya kaya mas pipiliin n'yang pumunta dito at kumanta!" "Boss p'wede naman natin s'yang kausapin! Hindi na ako makatulog dahil sa konsensya, Boss! Bakit ba kasi kailangan pa 'yung gawin?!" "G*ga ka! The more na malungkot siya ay the more na lalabas ang emosyon niya sa pagkanta! Alam mo naman na si Tres ang bumubuhay sa URB ko!" "Boss, hindi naman sa pagiging malungkot nakukuha 'yung emosyon sa pagkanta. Boss, kapag masaya rin! Sobrang saya ni Tres kahapon dahil dinala niya rito ang kapatid niya!" "Oo nga! Pero wala akong pakialam sa kapatid niya!" "Boss, baka naman may iba kayong dahilan kaya niyo ipinapatay ang kapatid ni Tres?" Sinampal ng Boss ng URB si Miss Maritues. Humagulhol naman ang kawawang manager. TRES Pagkagising ko ay sobrang sakit ng ulo ko. Lumipas ang ilang oras na ako'y nakahiga ay napansin kong hindi nga pala rito ang kwarto na tinulugan ko kanina. Hala! Pumasok ba ako sa kwarto ni Uno?! Agad akong lumabas sa kwarto pero wala naman si Uno sa sala. Nang lumabas ako ay naamoy ko ang sariwang hangin. Pagkalingon ko sa kaliwa ay nakita ko si Uno na nakaupo. Agad naman akong lumapit sa kanya. "Uminom ka ng kape para naman mawala 'yang tama mo sa tuwing nalalasing ka, na pumapasok ka sa kwarto ng iba." "Walang masama dun 'di ba? Kasi magiging asawa mo rin naman ako 'di ba? Hahaha!" biro ko. Ito nalang ang way para mainis siya sa akin. Tumitig siya sa akin, "Hindi nalang ako mag-aasawa kung ikaw ang magiging asawa ko." Kumunot ang kilay ko, ang hangin niya, "Kaya mo ako dinala rito kasi gusto mo akong makasama, hahaha!" Hindi naman siya sumagot. Naglakad nalang ako papasok sa bahay, then pumasok ako sa room. ** Nakita ko sa bintana na gabi na kaya naman agad akong lumabas sa kwarto ko. Sumilip ako kung nasa dining area ba si Uno pero wala, agad akong dumiretso sa kusina, mabuti naman dahil wala siya dahil gusto kong magluto. Tumingin ako sa refrigerator kung ano ang p'wedeng lutuin. Nakita ko na may karne kaya agad ko itong kinuha, kumuha na rin ako ng mga ingredients dahil magluluto ako ng adobong baboy. Bigla ko namang naalala si Uno dahil sa ito rin 'yung binigay niya sa akin. Pakialam ko ba sa masungit at magalang na 'yun? Uno Co isa kang tinik! ** Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na rin akong magluto. Makakakain na rin ako. Susubo palang sana ako ng kanin pero nakita ko si Uno na lumabas mula sa cmfort room. He is only wearing boxer! "Pumikit ka," seryosong utos niya. Agad naman akong pumikit sabay tumalikod. Hindi ko nalang siya pinansin, agad akong kumain kasi gutom na gutom na talaga ako. Pagkatapos kong kumain ay agad akong naghugas. Mayroon akong iniwan na ulam para kay Uno, hindi ko naman ugali na ubusan ang isang tao lalo na't kung hindi pa siya kumakain. Sumilip ako sa dining area pero wala siya kaya naman agad akong umupo sa sofa. Binuksan ko ang television, nanuod ako ng movie. Maya-maya pa ay pumunta ako sa kusina. Nang tingnan ko ang refrigerator ay may nakita akong gatas. "Two days na yata na hindi ako nakakainom ng gatas," I whispered. Umupo ulit ako sa sofa, ipinagpatuloy ko ang panunuod ko. Halos isang oras na rin ako sa panunuod kaya naman nakakaramdam na ako ng antok. Tumingin ako sa kwarto ni Uno, kumain na kaya siya? O baka naman nagtitiis siya ng gutom?! Pero hindi naman yata. Siguro ay nauna na siyang kumain kanina, tsaka bakit ko ba inisiip 'yun? Wala naman s'yang pakialam sa akin. Pinatay ko ang television, pumikit muna ako. "Here," Pagkalingon ko ay si Uno, "Gatas mo?" "Oo nga gatas ko 'to, dahil ako ang bumili. Pero para sa'yo na 'to ngayon, kaya inumin mo na. Ako pa ang nagtimpla n'yan kaya mahiya ka kung hindi mo tatanggapin," seryosong sabi niya sabay inilagay sa lamesa 'yung baso na may gatas. Magpapasalamat na sana ako pero bigla siyang umalis. Pinanuod ko siya na pumasok sa kwarto niya, bigla naman akong napangiti. "Bakit ba umalis ka agad?! Tatanungin pa nga kita, kung kumain ka na ba?! And hindi man lang ako nakapagpasalamat!" Biglang bumukas ang pinto niya. "Kumain na ako, walang anuman." Nagulat naman ako kaya bigla akong tumungo. Nang tumingin ako ulit sa kwarto niya ay sarado na ang pinto. Siguro ang pagiging masungit niya ay may dahilan. ANONYMOUS Flashback "Hindi ko akalain na kabit mo lang pala ako! Bakit? Ano bang nagawa ko sa'yo?!" galit na galit na sigaw ko sa kan'ya. Hindi naman siya nagsalita, umiyak lang siya nang umiyak. "Mamili ka, ako o siya?" "Ano ba!? Ang hirap naman ng ipinapagawa mo! Oo hindi ko sinabi na kabit lang kita pero may nagawa ka rin naman sa akin! 'Di ba nga nagkaroon din kayo ng anak ng ex mo?! Para ano?! Para saktan ako?! Alam mo na sobrang hirap para sa akin na magdesisyon!" "Wala akong pakialam, mamili ka! Tsaka wala ka na 'dun kung nagkaroon ako ng anak sa ex ko! Totoo naman, para masaktan kita!" "Paano kung hindi kita piliin?!" Sinampal ko siya. "Sige 'wag mo akong piliin. Hindi ko papagalingin ang pinakamamahal mo." "Ang sama mo! Bakit mo ba ginagawa sa akin 'to?!" "Dahil mahal kita, pero 'yung pagmamahalan pala natin ay free trial lang kasi kabit ako! Ano ka nanalo sa luto at dalawa kaming pinagsabay mo?!" "Nagkamali ka rin! Pero tinanggap ko 'yun! Tsaka akala mo ba ay ikaw lang ang pinakamagaling?! Makakahanap rin ako ng iba na mas magaling pa sa 'yo!" Sinampal ko ulit siya sabay itinulak sa kama. "Sa huli, sa akin ka pa rin. Kabayaran 'to sa pagtatago mo sa akin na may asawa ka na. Ginawa mo akong masama sa paningin ng iba at naging mas masamang tao ako dahil sa kalandian mo." End of flashback Ang tagal kong nawala, babalik na ako. Ay! Hindi naman pala ako nawala, sapagkat palagi lang akong nasa paligid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD