Isla day II / Good bye

4075 Words
THIRD PERSON "Bigla akong nainip dahil wala pa si Tres, gusto ko na siyang bumalik sa URB," malumanay na ani ng boss. "Babalik po siya..." sagot ni Miss Maritues. "Paano mo naman nalaman? Hindi ko alam na isa ka na palang manghuhula, Maritues." "Nararamdaman ko po, kilala ko po kasi ang batang 'yun. Sa tuwing may masakit na ginagawa sa kanya ang isang tao o isang pamilya niya ay naalis talaga siya. Kagaya nalang po sa nangyari sa kanila ng Mama niya." "I see, matalino ka rin pala. Hindi ko na muna siya ipapahanap, magtitiwala ako sa sinasabi mo na babalik siya." TRES Pagkagising ko ay bigla akong napatayo dahil nakahiga si Uno sa sofa... sa katabi ng kama ko. Ano namang ginagawa niya rito? Ang kapal naman ng mukha niya. Agad akong tumayo dahil may kumakatok. Pagkabukas ko ay nagulat ako dahil si... Truz?! Grabe ang mga mayayaman nga naman, nagbabakasyon any time. "Truz?! Ano ang ginagawa mo rito?!" Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Teka... amoy alak siya. Nang tumingin ako sa mukha niya ay hindi ako makapaniwala dahil ang gwapo niya. Niyakap ko rin siya sabay dahan-dahan na naglakad sa kama. "Bakit mo yakap 'yan?! Ano ba 'yan lampa?" Hindi ko sinagot si Uno. Sino ka ba sa tingin mo? Inalalayan ko si Truz para humiga sa kama. Nagulat ako nang hawakan ako sa braso ni Uno. "Bakit hindi ka sumasagot? Tell me, ano'ng nagawa ko sa'yo?" "Wala, ikaw? Bakit dito ka natulog? Ang dami namang VIP room." "I'm drunk last night, bukas 'yung pinto mo kagabi kaya lumapit ako para sana saraduhan. Pero may napansin ako kagabi dahil sa bukas ang ilaw, namamaga ang mata mo then may luha. What happened?" "A-ah, wala na-miss ko lang sila Mama. Sige na p'wede ka nang umalis." "Sige, but isasama ko si Truz." "Why?" "Anong why? Dapat magkaiba kayo ng kwarto nyan." "Fine," Agad akong tumalikod sa kanya. Inalalayan niya si Truz sabay lumabas sila. Bigla namang may kumatok, pagkabukas ko ay isang waiter na may dalang mga pagkain. Agad niyang pinasok sa loob sabay agad akong kumain. Gusto ko nang umuwi. "Kuya, paano ako makakauwi?" "Mam, you need to have consent from the office po kay sir Fweno." "Who is he?" "He is the father of Mam Hwena po," "I see," Tumango lang siya sa akin. Naligo ako sabay agad na lumabas. Pupunta ako sa office ni Sir Fweno... siya ang asawa ni Miss Park. Agad akong nagtanong sa mga staff kung saan ang office. Agad naman nilang tinuro kaya dumiretso ako. May nakita akong isang lalaki na kaedad lang ni Miss Park. Are they married? Malamang! Hay naku, bakit ko ba tinatawag na Miss si Mrs. Park! Uhm, basta 'yun nalang baka kasi hindi naman apelyido ni Sir Fweno ang park o baka naman 'di talaga sila kasal. "Who are you? Come in," seryosong ani niya. Agad akong tumango sabay umupo nang sabihin niyang umupo ako. "I'm here po to flight to city," "I see, unfortunately, there's no private available plane for now because there's have storm, Hija. Do I answer your concern?" "Ganun po ba? Sige po..." agad akong tumango sa kanya sabay tumayo. Aalis na sana ako pero naramdaman kong tumayo rin siya. "Hija, nagkita na ba tayo noon?" "P-po? Hindi ko po alam..." "Haha! I'm sorry... I thought you're the mask girl from URB. I'm one of her fan kasi, however, she's not available raw. Hay naku, nakakalungkot kasi birthday ko na pero hindi ako makapunta sa URB dahil wala siya." "Totoo po?! Fan niya rin po ako! Hahaha!" pagkukunwari ko. Wala lang, natutuwa lang ako kasi kahit pala ang pinakamayaman na business man ay kilala ako. "Kailan naman po ang birthday niyo?" "Haha! Parehas pala tayong fan... ngayon ang birthday ko," "Talaga po? Gusto niyo po na ako nalang ang kumanta sa birthday niyo? Hahaha!" "Haha! You are funny Hija, really? Kumakanta ka?" "Opo! Kaya nga po ako nandito dahil nanalo ako sa contest! Hahaha!" "Wow! Sounds good, gusto ko kasi na mamayang gabi ay magkaroon ng elegant party. Like what you said, ikaw nalang ang kumanta. Don't worry Hija, sagot ko ang gown mo. And if I am satisfy to your performance I will give you money." "Hala! Talaga po? Salamat po! Uhm, I don't need money po. Do you have charity po? Give to them, I'm sure na masa-satisfy kayo! Hehe!" "Then, see you later!" Tumango lang ako sa kanya sabay ngumiti nang malaki. Grabe, sobrang gaan ng loob ko sa kanya as in! Hindi ko akalain na may isang sobrang yaman na ganun makitungo. Bigla ko tuloy naalala si Daddy, para siyang si Dad, but my Dad is so busy. Agad akong lumabas, agad kong nakita si Maria at si Tita Jenika na busy sa pagkain. Nang makita ako ni Maria ay agad niya akong tinawag sabay pinaupo. "Bakit parang malungkot ka? What happened?" nag-aalalang tanong ni Maria. "It's because of Hwena na mukhang tinidor?" Tumawa lang ako, "Hindi 'no, okay lang ako!" "Hindi 'yan totoo, hahaha!" sabat ni Tita Jenika. "Uhm, nandito po pala si Truz pero lasing..." "Really? Maria, find him." Nagmaktol si Maria pero agad na sumunod. "Tita, ako po ang kakanta mamaya sa birthday party ni Sir Fweno, hehe!" "Really? Ang galing mo naman, hehe! Sige na Tres, kumain ka nang kumain at mag practice." Agad akong kumain, nagulat ako nang biglang tumabi sa akin si Uno. Mas nagulat ako nang tumitig siya sa akin. "Tell me, what's your problem? You're too serious." Hindi ako lumingon sa kanya, "I don't have any problem here, baka ikaw, ikaw ang lumapit eh." "Ehem!" Pagkatingin ko ay si Tita sabay umalis. Nagulat ako nang hawakan ako ni Uno sa panga. "Tell me, ano ang nanyari sa panga mo?" "Wala 'to," seryosong sagot ko. Naramdaman ko na hinihimas niya ang panga ko, agad akong umiwas. "Why are you like that?" "Ano bang problema? Masama ba?! Wala ako sa mood kaya p'wede bang 'wag kang magsalita?!" sigaw ko kay Uno. Naawa naman ako sa kanya nang bigla siyang tumahimik. Nagulat ako nang may umakbay sa akin. "Tres! Andito ka pala? Hahaha!" Nang lumingon ako ay si Truz. "Truz? Lasing ka ba?" "Oo! Hahaha! Ikaw ba?" "Ang aga kaya, tss!" "Ang sungit mo naman bata!" "Truz naman eh!" "Joked! Uhm, oh ito." Nagulat ako nang bigla akong subuan ni Truz. Ano bang nakain ng lalaking 'to? "Uno? Andyan ka pala? Hahaha! Selos ka?" diretsong tanong ni Truz. Inapakan ko naman siya sa paa. Tumingin siya sa akin sabay kumindat. Tumawa lang naman ako tapos biglang umalis si Uno. "Tres, ang lungkot ko..." malumanay na bulong ni Truz. Hindi ko maiwasang tumingin sa kanya dahil hindi ko maitatangging gwapo siya at mabait pa. "Why?" "Hindi ko pa nasasabi sa'yo 'to, it's about me and Thirstein... hindi ko pa rin siya makalimutan kahit na ang totoo ay wala naman kaming naging relasyon." "Really? Ano lang?" "Ang totoo niyan ay bestfriend ko talaga siya, binayaran lang ako ng anonymous Dad niya para magpanggap na third party kay Thirs at Uno. Hanggang ngayon ang alam ni Uno ay gusto ko si Thirs. Aaminin ko... nagustuhan ko siya pero basa ko sa mga mata niya na mahal niya si Uno kaya naman ako na ang nagpaubaya. Galit na galit ako dahil sa nangyari, sobrang malapit kasi sa akin si Thirs." "Talaga, nagpabayad ka for what?! Grabe! Kaya pala ganun nalang ang galit mo?" "Nagpabayad ako kasi akala ko ay magtatagumpay ako na mapasaakin ang bestfriend ko pero hindi eh, kaya naman hinayaan ko nalang. Walang alam si Uno na bestfriend ko si Thirs. Ako rin ang kanang-kamay niya." "Really? Matagal na ba kayong mag bestfriend?" "Yes, since high school but nung nag senior high school siya at college ay iba na, dun na niya nakilala si Uno. Ten years na kaming mag-bff. Kaya galit na galit ako kay Uno dahil siya lang naman ang dahilan." "T-totoo?!" "Hindi sa sinisiraan ko siya, kapatid ko pa rin naman 'yung g*gong 'yun. Galit lang talaga ako sa kanya," "I see and I understand. Uhm, for now... can we be friends?" "Sure, ang totoo nga nyan ay ayaw kitang mapalapit kay Uno dahil baka may malas na mangyari sa'yo." "Grabe! Hahaha! Hindi naman!" "Paano kung oo? Alam mo ba kung bakit ako nandito?" "Bakit?" "Kasi para protektahan ka, may nagsumbong sa akin na staff dito na nakita ka raw niyang nasaksihan 'yung halikan ni Uno at Hwena." "Totoo?! Grabe, iba talaga kapag mayaman! Rich marites ka girl?" "Hahaha! You're so funny, opposite ka ni Thirs. Alam mo ba si Thirs ay sobrang cold na tao..." "Really? Pero nagbibiruan naman kayo?" "Oo naman, pero ako lang 'yung natatawa! Hahaha!" I can't believe, habang pinagmamasdan ko si Truz ay sobrang bait niya pala at comfortable kausap. Akala ko nung una ay karibal siya ni Uno kay Thirs... siya pala ang nag-iisang bestfriend. "Hahaha! Funny!" "Tres, I have a plan, let's fake our sweetness..." "Ano? Para saan?" "Kahit hindi mo aminin ay apektado ka sa halikan ni Uno at Hwena, 'no! Hahaha! Nandito ako para rumesbak." "Ayaw ko, baka mahalin mo pa ako..." "Oh? Hahaha! Baka ikaw ang magmahal sa akin dahil gwapo ako?" "Kapal naman ng mukha, hahaha!" "Pero hindi biro, I will make this for you. Na-miss ko na kasing magkaroon ng bestfriend, pero wala na siya." "I can be your bestfriend, but Truz... don't fall for me okay? Hahaha!" "Hahaha! No, pagkatapos ng isang araw ko rito ay babalik na ako sa city. I'm a business man kasi, kailangan ko nang magpatuloy sa buhay.' "Uhm, I see... p'wede bang isama mo na rin ako?" "Why? Ayaw mo na bang mag-stay kay Uno?" "Ayaw, nasasaktan lang ako." "I see, you don't deserve a man who still love his dead girlfriend and still enjoying his life by Hwena. You deserve better. For now, try nating saktan din ang feelings niya, hahaha!" "But... hindi siya magseselos, sino ba naman ako? Hindi niya ako gusto, 'no." "Gusto ka niya, pero nababasa ko sa mga mata niya na may pumipigil sa kanya. So, palabasin natin 'yung feelings niya sa'yo through selos, hahaha!" "Grabe... huwag mong sabihin na psycholigist ka?!" "Yes, before... I choose business kasi. Alam mo, kung hindi kita kilala ay mapagkakamalan kitang si Thirs, your eyes kasi. Ganyan na ganyan din 'yung kay Thirs." "Ah! Ang galing! Uhm, I'm not her though..." "I know... uhm, may gagawin ka ba?" "Uhm, later kasi ay may party si Sir Fweno... ako ang kakanta, hehe!" "Talaga? Well see you later! Abangan mo, ako ang date mo mamaya," Tumango lang ako sa kanya. Grabe, ang daldal talaga ni Truz. Nang tumingin ako kung sino 'yung biglang umupo ay nakita ko si Uno. Seryoso siyang kumakain na para bang galit, naku, mas galit ako. "Hindi mo talaga ako kakausapin?" seryosong tanong niya. Hindi ako sumagot, nangulat ako nang bigla niyang iniharap ang upuan ko. Seryoso siyang nakatitig sa akin. "Nakaharap ka na sa akin, hindi mo pa ba ako kakausapin? Mas gusto mo pang kauspain 'yung g*ago kong kapatid?" "Wow!" singhal ko sa harapan niya. "Sino ka ba? At sino siya para hindi ko kausapin?!" "Ako si Uno, ang nag-iisang rank two. Ang nagtuturo sa'yo sa martial arts. Ako si Uno, ang sinabihan mo na isapuso ko ang pagkanta. Ngayon, kilala mo na ako?" Ngumisi lang ako sabay tinulak ko siya. "Ikaw si Uno, ang. sakit. mong. mahalin." Hindi ko na siya tiningnan pa, agad akong tumakbo sabay pumunta sa labas ng office ni Sir Fweno. "Mam? Ikaw po ba si Treseya? Tara po sa loob, papipiliin po kita ng mga gown." Tumango lang ako sabay sumama na sa kanya sa loob. Grabe, ang laki ng room na pinasok namin. Sobrang daming mga gown tsaka mga mukhang mamahalin talaga. "Pumili na po kayo, hehe!" masayang sabi ng babae. May nagustuhan ako... isang red gown. Bagay kaya sa akin 'to? Feel ko hindi, mas gusto ko ang kulay black. Nang makapili ako ay agad akong inayusan ng staff. Grabe, kapag mga mayayaman talaga ay walang ginawa kung hindi mag party. Bigla ko tuloy naalala si Ate, siya ang mahilig sa mga ganitong party. "Anong oras na po?" "Mam, it's already six pm, the party will start at seven." "I see, salamat po huh!" "Welcome, Mam!" Pagkalabas ko ay agad akong hinila ni Truz. "Ikaw ba 'yan?!" "Hindi, anino lang 'to!" pagsusungit ko. "Ang ganda ng date ko," mapang-asar na ani niya sabay hinawakan ang kamay ko. He is handsome sa suot niyang gray tuxedo, very expensive look. "Saan naman tayo pupunta?" "Saan pa? Pagseselosin ang robot kong kapatid," "Magpa-practice pa ako eh, para sa kakantahin ko later!" "Aish! Sige, pero dun tayo sa public table." Tumango lang ako, medyo hindi ako comportable kasi grabe... sobrang lapit ni Truz. Pero thanks to him kasi kahit papaano ay nare-relax ako. "Ang ganda mo talaga, naniniwala ka ba dun?" "Ha? Hahaha! Hindi!" "Maganda ka, gets?" pagsusungit niya. Tumango nalang ako. Nagulat ako nang biglang dumating si Hwena. "Why are you wearing gown?" "Secret, why do you want to know? Huh?" "Uhm, none, baka sa ibang party ka pupunta." "Date namin, masama ba?" biglang ani ni Truz. "I see," Agad na naglakad papalayo si Hwena, bakit sa tuwing nakikita ko siya ay gusto ko siyang tirisin? "Ano ang kakantahin mo? Happy birthday song?" "Hindi, hehe! Matanda na si Sir Fweno eh," "P'wede naman into mo ay happy birthday then 'yung kanta mo." "Oo nga 'no!" Agad akong nag-practice, hanggang sa seven na ng gabi kaya naman sumilip kami ni Truz sa event. Ang dami nang mga nakaupo dahil nagsisimula na. "Truz, mauna ka na sa party, sa backstage muna ako." Tumango lang siya sabay agad akong pumunta sa backstage. "Magandang gabi! Today, we celebrate the elegant birthday of our love Boss of our happy island!" masayang anunsyo ng emcee. Nakita ko na biglang lumabas si Sir Fweno. Nagpalakpakan ang lahat, sobrang saya nila. Sabay-sabay silang nag-cheers and sabay-sabay uminom ng wine. "Today, I have my special guest who will sing for me. This girl is amazing and funny, I don't know why but she's so familiar to me. Give applause for my beautiful guest!" Nagpalakpakan ang lahat, grabe... parang ako ang may birthday, hahaha! Nang umakyat ako sa stage ay nakita ko sila Uno at Hwena na magkatabi, Uno just stare to me... napakaseryoso niya. Si Hwena naman ay nagulat, uhm, where's Miss Park? "Happy birthday po!" masayang bati ko. "Salamat, Hija!" masayang sagot niya rin. Lumapit ako sa kanya para magbeso. Itinapat ko ang aking labi sa mikropono sabay kumanta na ako. Tumingin ako nang diretso kay Uno. Seryoso lamang siyang nakatitig sa akin. Pagkatapos kong kumanta ay kumanta ulit ako ng isa pang kanta. Nakakatuwa dahil masaya ang audience ko. Nagpalakpakan ang lahat, pinagpatuloy ko lang ang pagkanta hanggang sa matapos ako. "Happy birthday po ulit!" masayang bati ko kay Sir Fweno. "Salamat din Tres, ang galing mo!" Pagkatapos ay agad akong bumaba. Agad akong naglakad kung saan nakaupo si Truz, nagulat ako nang bigla akong nadapa. Bakit ba ang hilig kong madapa?! Mas nagulat ako nang biglang may bumuhat sa akin... Pagkalingon ko ay si Uno... mas nagulat ako nang agawin ako ni Truz. "Ano bang problema mo?!" bulong na sigaw ni Uno kay Truz. Nang tumingin ako sa ibang tao ay hindi naman sila nakatingin, tuloy pa rin ang party at kumakain na sila. Tanging si Hwena lang ang nakatingin. Ayaw pa rin akong bitawan ni Uno sa braso ko. Kaya naman pumiglas ako. "Can you please stop?" "Why would I?" "Kasi gusto ko! Ano bang problema mo?!" "Alam mo Uno, umalis ka na. Kilala mo ako, kaya kong guluhin 'tong party. Mahiya ka naman kay Hwena." seryosong saad ni Truz. Nakayukom ang kamao ni Uno bago siya umalis. Nang tumingin ako sa table nila ay niyakap niya sa braso si Uno. "Okay ka lang?" seryosong tanong ni Truz. Hindi ako nagsalita. Bahala kayo dyan. "Sir! Alert! Alert! Lahat nang nandito sa loob ay yumuko!" sigaw ng isang lalaki. Pagkatingin ko sa glass wall ay may mga twenty plus na mga lalaking may baril. Binabaril nila ang area namin. "Ano'ng nangyayari?!" sigaw ni Sir Fweno sa mic. "May sumugod pong mga kalaban!" sigaw ng lalaking sumigaw kanina na tauhan ni Sir Fweno. Agad kaming yumuko ni Truz, si Truz ay hawak lamang ako sa ulo. "Be safe! Ako ang bahala sa'yo, mamatay na lahat ng nandito huwag ka lang," Tumitig ako sa kanya... he is so cute. Mabuti nalang talaga dahil wala rito si Tita Jenika at Maria. Nang tumingin ako kay Uno ay nakayakap sa kanya si Hwena. Ngumisi lang naman ako dahil bakit ba ganito ang nararamdaman ko?! Nang tumingin ako kay Sir Fweno ay may pinindot siya, agad na umulan ng mga baril kaya naman lahat ng dumalo sa party ay kumuha ng mga baril sabay tumulong sa pakikipaglaban. Nakita kong pagkakuha ni Uno sa baril ay tumingin siya sa akin. "Oh, ito!" abot ni Truz ng baril sa akin. Agad kong kinuha. Itinapat ko sa isang lalaki sabay binaril ko siya sa paa... hindi ko kasi kayang pumatay. Nawala si Truz sa paningin ko nagulat ako nang nasa labas na siya, sinusuntok niya mga kalaban... grabe, binaba niya ang baril niya, wala siyang takot na nakipaglaban. "Uno!" sigaw ni Hwena dahil mukhang papalapit sa akin si Uno. Agad na bumalik si Uno kay Hwena, hinila niya si Hwena sabay lumabas sila... ganun nalang 'yun? Agad akong lumabas, si Sir Fweno ay nakita ko na nakikipaglaban din. Wala ng mga hawak na baril ang mga lalaki kaya naman suntukan nalang. May lumapit sa akin, agad ko siyang sinipa sa ulo nang malakas kaya agad siyang natumba. "Hija! Go to your room! Delikado!" "No po! Kaya ko naman pong makipaglaban! Nandito lang po ako!" Tumango lang siya, "Grabe ang pa-birthday sa akin ng mga kalaban ng asawa ko! Mga bala pa talaga!" Bigla naman akong natawa pero pinigilan ko ang sarili ko, "Po? Marami po bang kaaway si Miss Park?!" "Ha? How do you know her?!" Nagsisigawan kami habang nakikipaglaban. May sumugod sa akin na dalawang lalaki. Agad ko silang sinuntok sa tyan sabay sinipa. "Kilala ko po siya! Pero secret lang po!" "I see, huwag mong sasabihin sa iba!" Tumango lang ako kay Sir Fweno sabay nakipaglaban. Nagulat ako nang may biglang sumaksak sa likod si Sir, agad kong sinugod 'yung lalaki sabay sinuntok sa ulo at sinipa sa tyan kaya agad siyang natumba. "S-sir!" Agad na natumba si Sir Fweno kaya naman agad ko siyang inalalayan. "Malalim po ba?!" "H-hindi naman, Hija!" Agad kong pinunit ang suot niya sabay agad kong tiningnan kung malalim nga, hindi naman masyado kaya pinunit ko pa 'yung damit niya sabay itinali ko sa sugat niya. "Sir! Ihahatid na kita sa room niyo! Truz!" Pagkatawag ko kay Truz at agad siyang lumapit, nang lumapit siya ay agad niyang tinulungan si Sir Fweno. "Tres, sige na! Ako na ang maghahatid sa kanya! Sige na makipaglaban ka lang! Kaya mo naman 'di ba?!" "Oo! Sige na!" Agad na may sumugod sa akin na lalaki sabay sinabunutan ako. Habang hawak niya ang buhok ko ay umikot ako sabay sinipa ko siya patalikod. Nagulat ako nang may yumakap sa akin, agad ko siyang sinipa pero bigla siyang nakaiwas. Nang lumingon ako ay nakita ko si Uno... "Bakit nandito ka? Alagaan mo si Hwena dun, okay lang ako!" "Sino bang may sabi na ikaw ang pinuntahan ko? Makikipaglaban ako." Bigla akong napahiya, kaya naman 'yung sumugod sa akin na isang lalaki at bigla kong nasapak nang sobra. Nakipaglaban lamang si Uno, agad na may dumating na mga lalaking may baril. Tinutukan nila ng baril ang mga natitirang tao. Agad na sumuko ang mga lalaki. Teka... nagulat ako nang walang awang binaril ng mga lalaki ang mga kalaban. Nagulat ako kasi grabe, sa ulo nila lahat binaril kaya walang mabubuhay. Agad akong hinawakan ni Uno sa braso sabay hinila ako. Agad niya akong niyakap sabay tumitig sa mga mata ko. "I'm sorry, but..." "Huwag ka nang magsalita, pakiramdam ko kasi ay lahat nang lumalabas sa bibig mo ay ikakasakit ng puso ko." Ngumiti ako nang sapilitan sa kanya sabay agad na naglakad papalayo. I can't imagine myself begging for love. Agad akong pumasok sa kwarto ni Tita Jenika at Maria, mahimbing sila habang natutulog. May maliit na papel akong nakita, agad akong nagsulat ng good bye letter. Uuwi na talaga ako, salamat po sa lahat. Pagkalabas ko ay agad akong nag-impake, agad akong lumabas. Bigla kong nakita si Truz habang nakasandal sa pinto. "Are you ready? Uuwi na talaga tayo," "But there's have storm right?" "Okay na raw ang panahon eh, so tara?" Tumango lang ako kay Truz sabay ngumiti. Agad kaming naglakad, bigla naman naming nakasalubong si Hwena. Nagulat ako nang bigla niya akong sampalin. "How dare you?!" sigaw niya sa akin. Inawat naman siya ni Truz. "How dare me for that?" "Hindi mo alam?! Dahil sa'yo ay hindi nagiging kami!" "Hindi ako ang dahilan, si Thirstein. So ano? May problema ka pa?" Sasampalin niya pa sana ako pero bigla akong nakaiwas. "Subukan mong sampalin ulit ako, hindi kamay ang isasampal ko sa'yo kundi ang paa ko." "Huwag ka nang babalik sa isla namin, alam mo na anak ako ng may-ari 'di ba? Kaya huwag kang epal dyan." "Stop, Hwena, oo anak ka ng may-ari. Pero hindi ma naman mahal ni Uno." pang-aasar ni Truz kaya naman agad na tumakbo si Hwena. "Okay ka lang ba? Masakit ba?" nag-aalalang tanong ni Truz. "Hindi..." Nagulat ako nang bigla akong halikan ni Truz sa pisnge... ang tagal bago niya alisin ang labi niya, Truz! Ano bang ginagawa mo?! Nang lumingon ako sa likod ay seryosong nakatingin si Uno sabay agad na umalis. Nakita niya ba? "Tara na, I'm sure mamamatay sa selos ang kapatid ko, hahaha!" Tinapik ko lang siya sa braso sabay tumawa. Agad kaming sumakay sa isang private plane. Magkatabi kami, dahil sa antok at pagod ay sumandal ako sa braso ni Truz. Pagkapikit ko ay naalala ko na may iniwan din akong sulat kay Sir Fweno at kay Miss Park. Hindi ko alam... pero sobrang gaan ng pakiramdam ko sa mag-asawa, I hope na kamag-anak ko sila. UNO Naalala ko 'yung gabing hinalikan ako ni Hwena... sa pinsge lang. Nagmukha lang na sa labi niya ako hinalikan dahil ang likot niya. Pagkatapos nun ay pinatulog ko lang siya, lasing kasi siya nung gabing 'yun. Tumingin ako sa langit. "Bakit ang unfair mo? Bakit bibigyan mo ako ng panibagong pag-ibig na iisa ang aming puso at dugo? Bakit? Ano bang nagawa ko sa'yo?" Tumungo nalang ako. Galit pa rin ang nararamdaman ko sa isang tao. Hindi ko alam kung ano ang pumipigil sa kanya na hindi ako puntahan, mahalin o alagaan. Ang gusto ko lang naman ay to revenge, pero bakit parang nakarma ako dahil hindi ko na mapigilan ang puso ko? Third Person's POV: "Patay ang anak mo... mapapatawad mo pa ba ako?" tanong ng isang babae sa kanyang asawa. "Tapos ngayon ay nawawala rin ang anak ko?!" "Pasensya na... totoo ba talaga? Totoo ba na nag-aalala ka rin para sa isa nating anak?" "Bakit hindi?! Anak ko rin siya! Hanapin mo siya dahil kawawa naman!" "Alam mo, sorry talaga. Pero alam mo ba? Ginawa ko ang lahat para maprotektahan ko ang anak mo sa babae mo. Alam mo ba, mas pinili ko siyang alagaan keysa sa totoo kong anak kasi sabi ko sa sarili ko na gusto kong makita mo na mahal ko rin ang anak mo. Pinagpalit ko rin ang isa pang kakambal ng anak ko para lang sa anak mo... so please, forgive me." "Bakit naman hindi kita patatawarin? I love you, na-appreciate ko ang pag-aalaga mo sa anak ko kahit hindi mo siya anak. Pero sana ay inalagaan mo rin ang anak mo, kasi nagbulakbol siya noon dahil tutok ka lang sa anak ko." "'Yun ang pinaka pinagsisisihan ko... sana ay nabigyan ko rin ng atensyon ang anak ko. Ngayon ay malayo siya sa akin, sana naman ay mahanap at makita ko na siya." "Hard ba ako sa'yo? Kasi pinlayo ko ang kakambal ng anak mo para kami ang piliin mo?" "Hindi naman... pero kawawa ang kakambal ng anak ko dahil alam ko na sobrang sama ng loob niya sa akin." "I know I'm hard, mahal na mahal lang kasi talaga kita, wife. Sana ay handa ka sa galit ng kakambal ng anak mo." "Sana..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD