Serious training x visitors

4755 Words
TRES Nang iminulat ko ang mga mata ko ay nakita ko si Uno na tulog pa rin. Babangon na sana ako pero... "Are you okay? Bakit dito ka natulog?" nagtatakang tanong niya. Hindi pala siya tulog, so it means nagising siya kanina. "Sinamahan lang kita, hehe! Lasing ka kasing umuwi," Tumango lang siya sabay ngumiti, ngumiti lang din ako. Nakita kong paparating si Maria, may dala siyang dalawang mangkok. "Brother, next time ayusin mo ang kilos mo... nakakahiya kay Tres." pangaral ni Maria sabay binigay sa amin ang mangkok na may lamang lugaw. "I see, I'm sorry... ano palang nangyari kagabi sa party?" Tumingin sa akin si Maria, 'yung tingin na ako na ang bahalang sumagot. Lumingon ako kay Uno. "Wala namang nangyari sa party Uno, late ka na kasing dumating." "Hindi ko maipapaliwanag sa'yo, kung may nasabi man ako kagabi ay pasensya na..." "Ano ka ba?! Okay lang! Walang problema!" "Bakit masaya ka, Tres?" "Kapag maganda ay dapat palaging masaya. Sino ba namang hindi sasaya?! Hahaha!" "Bakit nga?" "Kasi nagising ako, I mean ang bagong umaga ay dapat lang ipagdiwang at dapat maging masaya kahit na nung mga nakaraang araw o kahapon na nakaranas tayo ng kirot ay tumawa lang tayo!" Napakamot sa ulo si Uno. Sigurado ang nasa isip niya ay baliw na ako. Agad kong inubos 'yung lugaw sabay hindi ako tumitingin sa kanya. "Are you ready for the serious training, Inaya?" "O-oo n-naman, uhm, ano ba ang kahulugan ng Inaya?" "Sige, pagkatapos natin ay tuturuan na kita. Every girl deserve to learn martial arts and you are one of them, girl from God." "Hala!" tinakpan ko ang bibig ko sa gulat. "Oo deserve talaga ng mga babae, hehe! Uhm, seryoso? Girl from God ang meaning ng Inaya? Bakit naman 'yun ang naisip mo?" "Naalala mo nung pumasok ka sa Music room? Itinama mo ako 'di ba? Sabi mo kumanta ako ng may puso. Dun palang nasa isip ko na you are girl from God, pinaalala mo sa akin 'yung nakalimutan kong ilagay sa kanta. Kahit si Thirs ay humahanga sa akin noon dahil may puso ang aking mga kinakanta." Ngumiti ako nang malaki pero bigla akong nalungkot dahil may narinig akong isang pangalan, ganun pala 'yun? Isa lang pala akong ganap na nagpapaalala? Hahaha! "S-sorry..." dagdag na saad niya. Tumango lang naman ako sabay ngumiti sa kanya. "Ubusin mo na 'yan Uno, handa na akong mag-training hehe! Tsaka huwag mo akong mami-miss kapag wala na ako rito, huh! Hahaha!" "Syempre mami-miss kita, mabuti kasi ang iyong puso." Oo Uno, mabuti ang aking puso. Sa sobrang mabuti ay may kakaibang nararamdaman sa'yo. ** Nasa labas na kami ni Uno, seryoso siyang nakatayo sa harapan ko. Ako naman ay takot na takot dahil baka masampal niya ako. Mabuti nalang talaga na hindi na masakit ang mga sugat ko, medyo okay na kasi may mga ointment na pinalagay si Tita Jenika. "Handa ka na ba?" "Oo..." "Lakasan mo!!!" malakas na sigaw ni Uno na halos mabingi ako. Nanginig ako sa takot. "Oo!" "Mas malakas pa!!!" "Oo!!!" buong lakas na sigaw ko sabay ngumiti ako sa kanya. Hindi siya ngumiti pabalik, hay naku... seryoso talaga siya. "Go, have your stretching and exercise!" Agad kong ginawa 'yung mga dati niyang pinagawa sa akin na mga stretching at mga exercise. Grabe, nakakapagod pala! Nang matapos ko ay tumingin ako ng seryoso kay Uno. "Tumayo ka nang tuwid!" Agad ko siyang sinunod. Ewan ba, wala namang nakakatawa pero natatawa ako. Hahaha!! Dahil sa hindi ko na kayang hindi tumawa ay bigla akong natawa. Masama naman ang tingin sa akin ni Uno. "May nakakatawa ba?!" seryosong sigaw niya. Nagtakip ako ng bibig dahil sa hiya. Grabe, seryoso talaga siya! "Inhale, exhale..." malumanay na ani niya. Ginaya ko siya ng seryoso. Lumapit sa akin si Uno sabay hinawakan ako sa kamay. Niyukom niya ang kamay ko sabay itinaas katapat ng dibdib ko. Lumayo siya sa akin, sumuntok siya nang sumuntok. "Follow me," Tumango ako sa kanya sabay sumuntok nang sumuntok. Pagkatapos ay lumapit siya sa akin. "Umupo ka," Agad akong sumunod sa kanya sabay napakamot sa ulo. "Uhm, bakit Uno?" "Sumandal ka sa puno," malumanay na utos niya, "tapos ibuka mo ang legs mo," Nanlaki ang mga mata ko, pero tumingin lang siya sa akin nang diretso. "Abutin mo ang dulo ng paa mo gamit ang iyong kamay, sa una ay mahihirapan ka. Natural na mababanat ang muscle mo, at least... worth it. Gets?" Tumango ako sa kanya sabay sumunod sa inutos niya. Grabe... ang sakit! Hindi ko naman kasi ginagawa 'to. "Go Tres, kaya mo 'yan!" Mas lumakas ang loob ko kasi kahit papaano ay nandyan siya, and he cheer. "Gawin mo 'yan ng twenty times, then tumayo ka," Tumango ako sa kanya sabay ngumiti, pero hindi siya ngumiti pabalik. Habang ginagawa ko ang inutos niya ay tumitingin ako ng palihim sa kanya. Naaawa ako kay Uno, halata kasi na hindi siya okay. May mga tropa akong lalaki noon, sila ay ang mga lower class parang si Fryna. Oo masaya sila kasama pero hindi ako nagkagusto sa kanila. Oo gwapo sila pero wala talaga akong naging crush habang nagcu-cutting ako at nag-aaral, inom lang ang gusto kong gawin dati tsaka ang maging masaya. May mga nanliligaw rin sa akin pero hindi ko pinapansin. Pagkatapos ay agad akong tumayo. Humarap ako ng seryoso kay Uno sabay nag-bow sa kanya. "Kaya mo na bang mag-split? I can help you," Tumango ako sa kanya ng seryoso. Dahan dahan kong binuka ang mga legs ko. Nagulat ako nang biglang hinawakan ni Uno ang legs ko... kaya bigla akong ngumiti dahil nakikiliti ako, hindi ko nalang pinahalata sa kanya dahil baka isipin nyang kinikilig ako. Na-out of balance ako kaya naman biglang napataas ang hawak ni Uno sa hita ko! Hala... "Sorry!" sigaw niya sabay agad na inalis ang kamay niya. He is so gentlemen. Kung sa iba 'to ay minuto bago alisin ang kamay, pero siya ay segundo lamang. "It's okay Uno... tara ituloy na natin?" "Uhm, p'wede bang sa kamay nalang kita hawakan? Para hindi ka ma-out of balance. Dahan-dahan lang naman ang pagbuka sa legs, huwag na huwag mong ipwersa. Gets?" Tumango ako sa kanya sabay binuka nang kaonti ang legs ko. "Para saan ba 'to Uno?" "Para kapag sumipa ka ay diretso o tuwid, tsaka para mataas ang sipa mo. Minsan sa pakikipaglaban ay mas magandang gamitin ang paa para hindi masyadong mapagod ang katawan." "Ay ganun?! Grabe, ganun pala... kaya pala ang galing sumipa ni Yuria tsaka tuwid, hehe! Ikaw ba ang nagturo sa kanya?" "Hindi ako, si Thi..." aniya pero hindi natuloy. Uhm, I see... siya pala ang nagturo. "Si Thirs? Uhm, huwag ka sanang magalit... sino siya? Ano ang pagkatao niya?" malumanay na tanong ko habang hawak niya ang kamay ko. Mabuti nalang talaga na hawak niya dahil dahan-dahan ang pagbuka ng legs ko. "Si Thirstein? Siya ay magaling sumipa. Pambihira ang kakayahan niya lalo na sa butterfly kick, kung mabibigyan ka ng chance na mapanuod siya ay you will believe and inspire. Bago pa kami naging magaling sa martial arts ay mas nauna siya, sa katunayan nga nyan ay siya ang nagturo sa amin." "A-ah..." halos ma-out of balance ako sa sinabi niya. Bakit parang nai-insecure ako sa kanya? "Tres, okay ka lang ba?" pag-aalalang tanong niya. "O-oo naman, hahaha!" "Ayan ka na naman, tumatawa ka nang sapilitan." "Sapilitan ba 'yun? Bakit mo alam?! Joke, hindi kaya!" "Sige na Tres, just focus... dahan-dahan lang okay?" Tumango lang ako sa kanya. Bumuntong-hininga ako kasi bakit naman ako masasaktan ay ako naman ang nagtanong. Nagulat ako nang bigla niya akong hawakan sa likod. "Naa-out of balance ka, just focus." Tumango ulit ako sa kanya. Dahan-dahan kong binuka ang legs ko sabay ngumiti nang matagumpay kong nakamit ang pag-split. "Yehey!" masayang sigaw ko. Sa sobrang saya ko ay nahawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Uno, kaya naman agad ko itong binitawan. Mas nagulat ako nang hawakan niya ulit ang kamay ko. "Just hold my hand, kahit malakas na hangin ay hindi ka tutumba." Napatulala ako sa sinabi niya... nawa'y patawarin ang puso kong kakaiba ang nararamdaman. Please! "Tumayo ka na muna," utos niya sabay inalalayan ako. Ngumiti lang ako sa kanya sabay napakamot sa ulo. "Uno saan ka pupunta?" biglang tanong ko dahil naglakad siya papalayo. Hindi naman siya sumagot, kaya naman hinayaan ko nalang siya. Siguro ay may kukunin lang siya, hinawakan ko ang dibdib ko... bakit may kakaibang nararamdaman ang puso ko? Puso ko manahimik ka may mahal na 'yan. Dahil sa wala pa si Uno ay umupo nalang ako malapit sa puno, grabe ang sarap ng hangin sobrang sariwa. Agad kong nakita si Uno, may dala siyang mga prutas at dalawang mangkok at maliit na lamesa. Agad niyang nilapag ang lamesa sa harap ko, nakita ko ang laman ng mangkok na ang laman ay salad na gulay... seryoso? Kumakain naman ako nyan pero 'di ako sanay. Mayroon din sa isa pang mangkok na ang laman ay ampalaya na may halong itlog, wow! Nakain sila nito? "Tres, ano ang gusto mo sa mga prutas? Ipagbabalat kita," "Para saan ang mga 'to? Busog pa ako, hehe!" "Gulay at prutas para naman lumakas 'yang mga tuhod mo," pangaral niya habang binabalatan ang hinog na papaya. "'Yang nasa isang mangkok na ampalaya ay kainin mo lahat ngayon, ubusin mo huh para naman hindi ka maputla dyan." dagdag niya pa. Ngumuso naman ako, hay naku! Agad kong kinuha 'yung mangkok na may ampalaya sabay kumain. "Ang sarap!" masayang sigaw ko. "Luto ni Manong Henry 'yan kaya masarap," "Sabi ko na eh!" "What do you mean?" "I mean, ang yaman niyo... alam kong hindi kayo nagluluto ng mga ganitong ulam." "Haha! Hindi 'yan totoo 'no, isa nga sa paborito ko sa probinsya ay ang mga gulay. Bukod sa sabi dati sa akin ni Manong Henry na nakakahaba ito ng buhay ay nakakapagpalakas din ito sa tao, hindi lang sa katawan kung hindi sa isip." "Wow! Amazing!" "Huwag ka nang tumawa dyan, kainin mo 'yan at ubusin, para sa susunod hindi ka na ma-out of balance sa akin," Napangiwi ako sa sinabi niya, talaga ba Uno? Tss! Habang pinagmamasdan ko ang paligid ay nakangiti lang ako. "Uno... alam mo ba na heartrob ka sa school? Hahaha! Pero hindi kita kilala dahil sa wala ako lagi sa school. Palagi akong nasa tropa habang nakikipag-inom. Nakilala lang kita noong sinabi sa a kin ni Reina kung sino ka kaso negative 'yung pagkakasabi niya, fake news pala. Ano'ng pakiramdam ng sikat?" "Alam ko 'yun, hindi ko nalang sila pinapansin. Kagaya ng sinabi ko sa martial arts every girl deserve to learn. Parang sa pag-ibig, they deserve to have their partner, ayaw ko na sa akin sila kinikilig dahil hindi ako interesado. Hindi ko naman siguro kasalanan na gwapo ako 'di ba?" "Hahaha! Ang kapal ng mukha!" "Tss, hindi ba?" Hindi ako nakapagsalita. Ang totoo nyan Uno ay... "Isa kang painting, kahit dark ang kinulay sa'yo ay hindi nawawala ang iyong kahulugan. Noong pininta ka ay masaya ang nagpinta sa'yo sapagkat hindi niya inalis sa mga mata mo ang ligaya." "Tula ba 'yan? Nice, ang galing mo." "Hindi naman!" "Tss, ubusin mo na 'yang pagkain mo. Mag-start na tayo later, okay?" Tumango lang naman ako sa kanya, pagkaubos ko sa gulay ay kumain naman ako ng prutas. Ang sarap sa pakiramdam na sariwa na nga ang hangin tapos sariwa pa ang mga kinakain at masusustansya. Nang matapos kaming kumain ay sinabi sa akin ni Uno na magpahinga ng twenty minutes, tumango lang ako sa kanya sabay ngumiti. "Wala na bang masakit sa'yo, Tres?" "Wala na, Uno! Salamat sa pag-aalaga sa akin, huh! Na-appreciate ko 'yun nang sobra pa sa sobra." "Walang anuman, kung ano man ang ituturo ko sa'yo ngayon ay sana ay isapuso mo huwag lang basta isaisip." "Bakit naman Uno?" "Kasi kung isasaisip mo lang at hindi isasapuso ay magiging mayabang ka, na 'yung kakayahan mo sa martial arts ay gagamitin mo sa mga walang laban sa'yo at walang alam. Unang rule para sa akin sa martial arts ay ang isapuso ang itinuro sa 'yo at huwag gagawing kasalanan sa iba." seryosong paliwanag niya. Mas lalo akong humanga kay Uno, despite of his fierce face and personality he still have good heart. "Dahil tapos na ang twenty minutes ay tumayo ka na dyan, let's be serious." Tumango lang ako sa kanya. Agad siyang nag-bow kaya naman ginaya ko siya. Hinawakan niya ang kamay ko sabay niyukom ang aking kamao, pinasuntok niya ako nang dahan-dahan sabay may mga itinuro siya sa aking mga techniques. Itinuro niya rin kung paano ipuwesto ang kamay sa bewang kapag susuntok at how to balance my body. "Sa ngayon ay sa kamay muna tayo magfo-focus, later na sa paa. Then we must have sparing." "Ano?! Sparing?! Why?" "To test your capability. Don't worry young woman, I will make sure that I will not hurt you or even touch you so hard... just a little bit." "Ay! Sure 'yan huh? Hindi ka sana pangit ka-bonding!" "What? I don't understand your kalye words." "Wala! Tara na!" Tumango lang siya sa akin kaya tumango lang din ako sabay ngumiti ako sa kanya. Tinuruan niya ako ng slow at fast punch, pinasuntok niya rin ako sa middle, upper and lower. Ang purpose raw nito ay para alam ko kung saan tatamaan ang kalaban hindi lang sa mukha. Kailangan din ng ibang technique upang mas mapadali ang paglaban sa kalaban. Hinawakan niya ako sa bewang, grabe ang paghawak niya... sobrang gentle. Hinawakan niya ako sa bewang dahil pinapaharap niya ang katawan ko sa kaliwa at kanan na sabi niya ay p'wedeng technique sa pag-ilag. Humarap sa akin si Uno sabay tinapat ang kanyang kamao sa kanyang mukha. I copy him, nangulat ako nang sumuntok siya bigla sa hangin kaya bigla akong umatras. "Bakit ka umatras? Suntukin mo ako pabalik!" Dahil sa takot ko sa kanya ay sinubukan ko. Dahan-dahan kaming nagsuntukan. Natatamaan niya ako sa mukha pero daplis lamang, sinasadya niya talaga na hindi ako masaktan. Kaya mas lalong kinakabahan ang puso ko sa ginagawa niya, ang lakas nang t***k ng puso ko. Nagulat ako nang biglang nasa tyan ko na ang kamao niya. "Saan ka ba nakatingin? Sa akin? Kung gusto mong matuto ay dapat may focus ka. Dapat matalas ang pandinig at mabilis kang kumilos. Gets?" "Opo!" "Good, now let's start!" Susuntukin na sana ako ni Uno pero bigla akong umiwas sabay pumasok ako sa bisig niya kaya naman sobrang lapit na namin sa isat-isa. Ngumisi ako sa kanya sabay sinuntok ko siya sa tyan nang sobrang lakas. "Nice, malakas ka palang sumuntok? Bakit hindi mo i-pursue?" "Kaya nga ako nandito ngayon, gusto kong hasain ang kakayahan ko." "'Yan dapat ang sagot, ayaw kong marinig na hindi mo kaya. Walang imposible sa taong naniniwala sa kakayahan niya. Maaaring mahina ka ngayon pero balang araw ay lalakas ka rin." "Salamat! Soon to be Thirstein!" sigaw ko. Bigla kong tinakpan ang bibig ko dahil mali ang nasabi ko. "You can't be her when it comes to martial arts, walang makakapantay sa kanya. But I'm unfair to compare you to her, don't think she's better than you. Think that you have your own way to learn and when you already learn, you have your unique skills in martial arts." "Ay bet! Alam mo ba, Uno? P'wede kang sumali sa Ms. Universe! Ang dami kasing lumalabas na genuine words sa'yo!" "Only girls can join in that pageant, let them shine." "Sumali ka na ba sa mga pang lalaking contest?" "No," Tumango lang ako sa kanya sabay ngumiti. Baka makulitan na siya sa akin sabay sapakin ako. Tumayo lamang ako nang diretso, nang tumingin ako kay Uno ay nag-e-execute na siya ng mga sipa. Grabe, ang galing at tuwid talaga! "You want to learn butterfly kick? First I will teach butterfly jump." seryosong ani niya na ikinagulat ko. "Opo!" "Ganito ang gagawin mo, humawak ka dyan sa wall bar then i-stretch mo patalikod at pataas ang paa mo na mas mataas pa sa ulo mo then gawin mo ng twenty times." Agad ko siyang sinunod, grabe hindi ko kaya halos matumba ako. I try again and again hanggang sa hindi na ako na-out of balance. "Hawakan mo ang wall bar, hayaan mong lumipad ang iyong paa habang nakakapit sa wall bar. One by one lang ang pag talon habang nakakapit ka sa wall bar." Tumango lang ako sabay agad na sumunod sa utos niya. "Mayroong tatlong steps, panuorin mo ang iyong arm and leg movement. Sige, try mong kumilos ng wala ang wall bar then gawin mo kung ano 'yung ginawa mo sa wall bar." Tumango ulit ako. "If you want to perfect butterfly jump, makinig ka, ito ang araw-araw mong i-practice. Gets?" Tumango ako. "Opo!" "Next, hayaan mong ang last leg mo ang mag-swing." Sinunod ko ang sinabi siya. Grabe ang sakit! "Then, tumango ka muna na para bang isa kang eroplano na naka-baba na then dahan-dahan kang tumalon na nang mas mataas habang malaya mong sinisipa ang ang iyong paa. Now i-try mo na!" Ngumiti ako sa kanya. Agad ko siyang sinunod. Nag-focus talaga ako nang nag-focus. Hindi ko pa rin makuha... "Let me help you," malumanay na ani ni Uno sabay hinawakan ang bewang ko. Dahan-dahan niyang binaba ang bewang ko. "'Yung tamang baba lang, Tres." Agad ko siyang sinunod. Nang bumitaw siya ay ginawa ko. Nagulat ako nang bigla akong natumba, tama nga butterfly kick pero ako 'yung lumipad. Hay naku, pano ba?! "Inhale... exhale," malumanay na saad ni Uno. Tumango lang ako sa kanya sabay ngumiti. "Kapag may time ka ay i-practice mo 'to nang i-practice, okay?" Tumango lang ako sa kanya sabay ngumuti nang malaki. Ngumiti rin siya kaya para akong natunaw. "U-Uno... cr lang ako, huh!" Uno's POV: Umupo muna ako sa puno, tumungo ako. Naalala ko na naman, namatay si Thirstein dahil sa isa sa magulang ko na hindi ako pinili. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang paghihiganti. Gusto kong masaktan ang tao na 'yun. Gusto kong iparanas sa kanya 'yung sakit na malayo sa piling ng mahal niya. Pero hindi ko maiwasang makonsensya, kahit ako ay may sama ng loob ay hindi pa rin mawawala ang pagiging mabuti kong tao. May biglang sumipa sa lamesa, sino naman 'to? Hindi ko inangat ang ulo ko, nakayuko lamang ako. "Hindi ka ba haharap?! Nasaan ang mga ranks!" sigaw ng isang lalaki. Humarap ako sa kanya sabay ngumisi. Mayroon siyang kasama na dalawang lalaki sa likod niya. Sino naman ang mga hampaslupang 'to? "Bakit ka ngumingisi dyan! Nasaan sila?!" "Sino ka naman? Magpakilala ka, para naman alam ko kung ano ang icu-curve ko sa lapida mo." seryosong banta ko sabay ngumisi sa kanya. Susugurin na sana ako ng dalawa niyang kasama pero agad niyang hinarang. Dumura sa harapan ko 'yung lalaki sabay hahawakan niya sana ako sa kwelyo pero agad kong pinilipit ang isa niyang daliri. "Aray! Sino ka ba?! Isa ka ba sa mga ranks?! Ako si Haga! Ang leader ng carzi!" "Ako ang rank two, wala sila rito." "Pero ikaw nandito ka! Tara! Maglaban tayo!" "Bakit naman ako makikipaglaban sa lampa?" Susuntukin na niya sana ako pero sinipa ko siya sa b*yag. Agad akong sinugod ng mga kasamahan niya pero sinipa ko sila nang magkasabay sa ulo. "F*ck! Totoo nga ang sabi nila, kapag ang rank two ang binangga ay hindi biro!" sigaw ni Haga. Dinuro ko siya sa ulo. "Huwag mong tatangkain na manggulo rito, dahil kung hindi ay dito rin kita ililibing." "F*ck you!" mura niya sa akin. Agad akong bumwelo sabay sinipa ko ang marumi niyang bunganga. Susuntukin na niya sana ako pero pinigilan ko ang kamao niya gamit ang aking paa. "Hindi pa tayo tapos!" sigaw niya sa akin. "Ang yabang mo, ang mga gangster na katulad mo ay hindi dapat maging mayabang. Alam mo para magkasilbi ka? Mag community service ka nang may pakinabang naman 'yang malaki mong katawan." "Ano bang pake mo?! Maliit na nga lang 'yung business ko ay binangga niyo pa! Ngayon ang mga kasamahan ko ay nasa kulungan!" "Hindi ako kasama noong may ginawa ang mga ranks o may sinumbong man. Kasalanan niyo 'yan kasi mas pinili niyong maging masama, kung gusto mong maging maangas sa paningin ko ay magsimba ka at magdasal. Hindi 'yung isa ka sa dahilan sa paglago ng kasamaan." seryosong pangaral ko sabay bumwelo ako at itinapat ang paa ko sa mata niya. Agad siyang napapikit pero hindi ko siya sinaktan. Nais ko lang na malaman niya na hindi siya maangas sa mga ginagawa niya o nilang kasamaan. Ngumisi lang sa akin si Haga, hindi ko nalang siya pinansin sabay umupo ulit. TRES Tumingin ako kung nasaan banda si Uno. Sino naman 'yung mga kasama niya?! Agad akong lumapit. Nakita ko si Uno na nakaupo lamang. Nakatalikod na 'yung tatlo, nakita kong nakataob ang lamesa kaya naman may mali sa mga lalaking 'to. "Sino naman kayo?! Ano'ng karapatan niyong angasan ang lalaking 'to?!" matapang na sigaw ko. Nang humarap sila ay nalaki ang mga mata nung lalaki. Teka... "Tres?!" masayang sigaw ng lalaki. Teka... sino nga ulit siya? "Sino ka ulit?" "Si Haga!" "Haga?! Haga! Ang laki mo na! Hahaha!" masayang sigaw ko. Ang totoo niyan ay malaki na talaga siya, nagbibiro lang ako. Siya ay isa sa mga nakilala ko noong nag-cutting ako, grabe ang lalaking 'to dati sobrang hilig sa away. "Oo nga eh! Teka bakit nandito ka?!" "Ikaw? Bakit nandito ka?! Inaaway mo ba si Uno Co?!" kunwaring galit na sigaw ko. "Uno mo? Meaning boyfriend mo ang lalaking 'yan? Tsaka ano ang ginagawa mo rito sa probinsya? Grabe ka mag-cutting abot hanggang province, hahaha!" Bigla akong nahiya sa sinabi ko, hindi naman niya alam na Co ang apelyido ni Uno. Nakakahiya ka Haga! Grr! I mean ako pala... Dapat pala ang sinabi ko ay inaaway mo ba si Uno? Na ang apelyido ay Co? "Hindi ko siya boyfriend Haga, Co ang apelyido niya... hehe! Uhm, mahabang kuwento Haga. Teka ano bang nangyari bakit mo inaway si Uno?" "Kasali ako sa carzi group, hindi ko nasabi sa'yo dati na ako ang leader. Binangga lang naman ng ranks ang isang maliit na business namin." Lalapitan ko sana si Haga pero bigla akong hinarang ni Uno. "Huwag kang lalapit dyan," seryosong sabi niya. "Bakit naman hindi? Tropa ko si Tres!" "Hanapin mo ang pake ko, pag nahanap mo ay ibulsa mo." Susugurin sana ni Haga si Uno pero agad ko siyang pinigilan. "Huwag mo siyang sasaktan o hahawakan, ang lalaking 'to ay akin kaya ibigay mo na akin ang galit mo. Wala rin naman siyang kasalanan, Haga." "Fine Tres, pasalamat ka rank two dahil naging mabuting tropa sa akin si Tres noon. Kung wala siya rito o hindi ka niya kilala ay papatayin kita!" "Ang tagal naman, sige lang patayin mo ako. Ang nakakalungkot lang ay mapapatay mo lang ako sa isip mo dahil hindi mo ako kaya, 'di ba Haga?" makapangyarihang saad ni Uno. Ngumisi lang si Haga sabay masama ang tingin kay Uno. "Haga, p'wede bang umalis na kayo?" "Hindi ako aalis hanggang walang lumalabas sa bahay na 'yan! Gusto ko na hintayin ang mga ranks!" "Wala na sila rito Haga, nakikiusap ako na umalis ka na." "Fine, pero ito ang tatandaan mo Uno. Kapag hindi mo kasama si Tres ay mag-ingat ka." "Ikaw ang mag-ingat, dahil baka mamatay ka gamit lamang ang paa ko. Pero hindi naman ako kasing sama mo kaya hahayaan kitang mabuhay." Agad na umalis si Haga pati ang dalawa niyang kasama na masama ang loob. Nakakainis naman 'tong si Haga, wala pa ring pinagbago hay naku! Mayabang pa rin siya. Nang tumingin ako kay Uno ay inaayos niya ang lamesa. Tinulungan ko siya, niligpit ko ang mga pinggan. "Uno, hindi ka ba nasaktan?" "Ikaw ang tatanungin ko, sa tingin mo ba na ang isang rank two ay masasaktan?" "Oo nga naman! Hindi 'di ba?!" "Okay na muna 'yung mga naturo ko sa'yo, kailangan mo kasing magpahinga pa dahil sa nangyari sa'yo. Tara, pumasok muna tayo sa bahay. Tumango lang ako kay Uno. Pagkapasok namin sa loob ay nakita namin si Maria na nanunuod ng tv. "Uno! Tres! I have something to tell, hehe!" "Ano naman?" masayang tanong ko. "Sabi kasi ng may katungkulan dito sa lugar natin ay magpapa-contest daw sila!" "Contest? Tungkol saan?" "Sabi kasi sa akin ni Manong Henry gagawa raw kayo ng sariling kanta then kakantahin, ang pangalan ng contest ay sulat mo o ninyo ay ikanta mo o ninyo! Hehe! Gets niyo ba? Kayong dalawa agad ang naisip ko, gusto niyo bang sumali?" "Interesting, hehe! Gusto mo ba Uno? Tara pagtulungan natin!" "I will try, ikaw gusto mo ba? Kung gusto mo ay sige lang walang problema. 'Di ba magaling kang mag-compose? Then wala na tayong problema." "Hindi naman, hehe! Uhm, gusto ko na sabay tayong kakanta. P'wede kaya 'yun Maria?" "Oo naman Tres, hehe! Alam mo ba na ang price ay dalawang araw na stay sa isang isla?! Wah! Kung may talent lang ako sa ganyan ay sumali na ako. Pero sige kayo nalang! Susunod nalang ako! Pero sige, sa inyo nalang na araw 'yun." "Bongga pala ang price, Uno! Saan ba 'yung pagdiriwang?" "Doon sa bayan, bakit pupunta ka na ngayon?!" biro ni Maria sabay pumasok sa kwarto niya. Napakamot ako sa ulo. Nang tumingin ako kay Uno ay seryoso lamang siya. "Ano kayang magandang title Uno?" "Sa kanta na gagawin mo? Try to follow your heart," "Okay!" masayang sagot ko. Umupo ako sa sofa sabay nag-chill, ang sakit kasi ng katawan ko. Nagulat ako nang biglang nilapag ni Uno ang mangkok, nang tiningnan ko ay gulay sa at gatas. "You want more?" "W-wala na! Salamat Uno!" "You're welcome, here," abot niya sa akin sa isang papel na may drawing ng mga tao na kung saan pinapakita 'yung mga suntok at sipa step by step. "Teka... ikaw ba ang nag-drawing nito, Uno?" "Oo Tres, p'wede mo 'yang tingnan para may guide ka. Para kahit wala ka na sa piling ko ay kaya mong masundan 'yung mga tinuturo ko." "A-ah! Ang galing mo! Uhm, bawal ba akong mag-stay rito hanggang sa ma-perfect ko ang practice?" "Hindi naman bawal, you still have life in city so i-pursue mo," malumanay na sagot niya. Ngumiti lang ako sa kanya sabay kumindat. Tumingin ako sa drawing... grabe, sobrang ganda! Hindi ko alam na magaling palang mag-drawing si Uno. Kakausapin ko pa sana siya pero bigla siyang nawala. Kumain nalang ako nang kumain sabay nanuod ng tv. 'Isang balita mula sa isang balita!' sabi sa tv. Ano raw? Hahaha! 'Alam niyo ba ang ang isang anonymous rich famous surgery doctor ay pinalawak ang kanyang kakayahan, sa katunayan niyan ay marami siyang napagandang mukha at napapalitan ang malungkot na buhay ng iba dahil sa discrimination!' masayang saad ng nagbabalita. Bigla ko namang kinapa ang mukha ko. Uhm, hindi ko na kailangan na magpa-surgery kasi tanggap ko ang mukha ko. They say na maganda ako, hehe! Sapat na 'yun. Kahit 'yung iba ay hindi nagagandahan sa akin ay bahala sila. Tumango lang ako dun sa reporter. Uhm, bakit kaya anonymous 'yung rich famous doctor na 'yun? Sabagay, I think mga Very Important Person lamang ang patients niya. Maraming pinapakita 'yung reporter na mga blurred na mukha na biglang nabago. 'Yung iba naman ay hindi blurred na kung saan ay may before and after na mukha ng mga tao. Napangiti ako kasi choice nila na baguhin ang sarili nila, at naiintindihan ko 'yun. I think nagpa-surgery sila hindi dahil sa ibang tao na mapanghusga, nagpa-surgery sila dahil 'yun ang gusto ng puso nila. Ang sarap pakinggan ng reporter dahil nakangiti siya habang pinapakita 'yung before and after na mukha ng mga tao. I hate those people na nagsasabi sa mga nagpaparetoke na i-accept nila kung ano sila, para sa akin ay accept na nila ang sarili nila bago sila nagparetoke. Walang masama sa surgery, ang masama ay 'yung pangit na nga ang mukha sabay masama pa ang ugali. Kung matalino lang ako ay mag-iimbento rin ako ng isang surgery na kung saan ay hindi surgery sa mukha kundi sa ugali, hahaha! Surgery personality or surgery bad attitude. Sometimes may mga nagpaparetoke naman dahil sa sobrang baba nang tingin nila sa sarili nila dahil sa mga hampaslupang tao na mapanghusga. It's okay naman, but please, remind to yourself na kaya ka nila hinuhusgahan dahil naiinggit sila sa'yo. You are enough kasi, talented, loved by your parents and especially eternal love from God. Hay naku, ang dami kong kuda. Matutulog nalang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD